Kabanata 27

2070 Words
Whispering Destiny Kabanata 27 | Sparring _____________________________________ Napahugot ako nang malalim bago mariing pumikit. Mukhang wala na akong ibang magagawa. Naramdaman ko pa ang marahang pagpisil ni Ari sa kamay ko bago ako magsimulang maglakad papunta sa gitna. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat pagtapak ko sa sahig. Nakita ko pa ang ngisi sa labi ni Ruby na magiging katapat ko. "You know the rules," ang sabi at paalala ni Misty bago ko nakitang nag-teleport siya sa may bleachers. Gaya ng ginawa ng dalawa kanina ay nakipagkamay ako kay Ruby at gano'n din ang ginawa niya sa akin. Bago namin narinig ang hudyat ng pagsisimula ng laban. Nagkatinginan lamang kaming dalawa at tinatansya ang galaw ng bawat isa. Walang sinuman ang nagtatangkang unang umatake. Hindi inaasahan na marinig ang sinasabi ng isipan niya. Seryoso ba si Ms. Misty na ito ang magiging katapat ko? Mukhang lampa at mahina. Walang ibang ginawa kundi ang magtago at mapanggap. Napakuyom ako sa nabasa ko sa isipan niya bago ako nagpekeng aatakihin siya sa mukha at mabilis na ginalaw ang aking kanang paa at inatake ang mga paa niya na ikinatumba niya. Sa tingin niya ba na mahina ako? How dare she think low of me. Napangisi ako nang makitang nagulat siya sa biglaang pagatake ko. Nakita ko pa ang kaliwang kamay niya na balak akong atakihin kaya hindi ako nagaksaya ng oras pa at kinuha ang kamay niyang iyon at hinila siya papabalibag at binagsak siyang muli sa sahig. Narinig ko pa ang pagaray niya sa sakit at ang pagkagulat ng mga nanunuod sa amin. Akala niya ba wala akong alam sa ganitong mga bagay? Isa si Ama sa kilalang trabahador sa mga Luerca dahil sa aking galing nito. At isa ang paglaban at pagprotekta sa sarili sa itinura sa akin ni Ama. Itinuro niya sa akin ang maraming bagay kung paano ipagtanggol ang sarili ko sakaling magkaroon ng ganitong sitwasyon at mukhang dito ko iyon lubos na magagamit. Hindi ko inaasahan ang sunod na atake ni Ruby nang bigla na lamang pumulupot siya sa kaliwang paa ko na nagdahilan ng pagkatumba ko sa sahig. Mabilis na dumagan sa akin si Ruby bago ako inundayan ng sampal. Napabaling ako sa kanan sa lakas ng sampal niyang 'yon sa akin. Ramdam ko ang pagputok ng labi ko dahil dito. "b***h!" nanggigigil na turan niya at akmang sasampalin muli ako ng buong pwersa kong baliktarin ang posisyon namin. Ngunit mabilis niya akong natulak na nagdahilan nang pagtalsik ko papalayo sa kanya. Tinukod ko ang mga tuhod ko para i-steady ang aking postura. Marahan kong pinusan ang pumutok na labi ko sa lakas ng sampal niya sa akin kanina. Nalasahan ko pa ang pait ng dugo. Tumayo agad ako ngunit huli na nang mabilis niyang hilahin ang buhok ko papatayo. Napapaltak ako sa sakit ng pagkakahila niya sa buhok ramdam ko na parang matatanggal ang buhok ko sa anit sa ginagawa niya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang nag-aalalang mga tingin nina Ari at Fira sa akin pero maliit na nginitian ko sila para ipahiwatig na ayos lang ako at kaya ko pa. Hindi ako pinalakinh mahina na sa simpleng sabunot lamang ay mapapatumba na. This girl. Kapag ako lang talaga nakawala sa sabunot mo. Napaikot na lang ako ng mata sa ginagawa niya. Ito ang ayaw ko kapag babae ang kalaban. Masakit kaya masabunutan. Hinila niya nang napakalas ang buhok ko papataas na nagpaangat ng aking ulo papatingin sa kisame. Naramdaman ko pa ang paglapit ng labi niya sa tainga ko. "You dare to challenge me filthy b***h. Isa ka lang namang walang kwenta na inutusan para mag-espiya rito," madiing bulong niya na nagpakuyom sa kamay ko. "You don't know anything. You don't have the right to judge me," may diing sagot ko sa kanya. Sa tingin niya kinataas niya na ang pagtingin sa akin nang mababa? Akala niya ba magpapatalo ako sa gaya niya? Walang duda kanang kamay nga siya ni Abo. Magkaparehas na parehas sila ng ugali. "Gagawin ko ang anumang gusto ko at iisipin ko. At nagawa mo pang landiin si Zaireh at maging si Ash. What a shame!" panunuya niya sa akin na nagpapantig ng tainga. Nilalandi? Ako? Ni hindi ko nga gusto man lang magtagpo ang mga titig namin ng kung sino sa kanila. Hindi ko na napansin na napakahigpit na ang pagkakawak ko sa kamay ko at naramdaman ko ang unti unting pagtulo ng dugo nito pagtulo mula sa kamay ko. "Wala akong alam sa sinasabi mo." Hindi maintindihan kung bakit pa ako nagpapaliwanag sa kanya. "Of course you would deny it. Huwag na huwag mong tatangkain na landiin ang dalawa para gamitin sa binabalak mo. Hinding hindi ko iyon mapapayagan," akusa niya pang muli. Ramdam ko na ang pamumuo ng galit sa akin. Kahit anong pilit kong pagpigil sa nagsisimulang galit sa loob ko ay hindi ko magawa. Ayokong mawala sa kontrol but she's tempting me to do so. "You're a s**t a—" hindi niya na natapos ang dapat sasabihin niya nang malakas ko siyang sikmurahan sa tiyan at galit na sinampal siya nang pagkalakas lakas sa pisngi. Nawalan naman ng balanse si Ruby at ng mukhang tutumba siya ay agad kong hinablot ang buhok niya para hindi siya tuluyang matumba. Hinarap ko siya sa nagaapoy na mga mata ko. "You don't dare accuse me of the things I have not committed," mariing sabi ko bago muling siyang sinampal nang magkabilaan. Ang ayoko sa lahat ay ang inaakusahan ako sa kasalanang hindi ko ginawa lalo na ang sabihan nang malandi. Hindi ko na alam ang ginagawa ko, ang gusto ko lang ay mapabagsak ang babaeng ito. Kita ko ang pagdurugo ng magkabilang labi niya at pagmarka ng sampal ko sa kaniyang mga pisngi. Nakita ko pa sa gilid ng aking mata ang pagtayo ni Sapphire na akmang pipigilan ang ginagawa ko ngunit agad na tinigil siya ni Misty sa pagtaas ng kaliwang kamay. Ayokong saktan ka pero mukhang pinipilit mo ako. Hinawakan ko ang kanang braso niya at binalibag siya pabagsak. Nakita ko pa ang ngiwi sa labi niya sa sakit ng pagkabalibag ko sa kanya. Umupo ako ng kaunti para makaharap siya. "I'm not a s**t. I wouldn't even dare flirt with anyone who sees me as a threat. Most especially to your beloved majesty. You don't have to worry. You seemed really bothered about my presence," seryosong sabi ko bago ako ngumisi sa kanya. Narinig ko ang hudyat ng pagtatapos ng laban namin. Nakita ko na ang papalapit na pigura ni Misty sa amin. "Well done," narinig kong sabi niya bago ko inabot ang kamay ko kay Ruby para tulungan siyang tumayo pero hinawi lang niya ang kamay ko. Para namang gusto rin kitang tulungan. Sheez. "For this round, Vera won," maliit na napangiti naman ako sa sinabi niya ngunit 'di pa rin nawawala ang tingin ko kay Ruby at mukhang gano'n din siya sa akin. Tinanggal ko ang pagkakatitig ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad pabalik sa bleachers gaya ni Ruby. Kita ko ang pagsaludo sa akin ng dalawa. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagbati sa akin nina Summer at Gray. "Congrats," pagbati ni Gray. "I never knew you would be that good at physical combat," ang turan naman ni Summer. "Salamat," ang pagpapasalamat ko sa kanila. Bumalik na ako sa upuan ko kanina katabi ni Ari. "Sabi ko na nga ba makakayanan mo. Duh. Baka sikat na tagapagbantay sa Luerca ang ama mo," sabi ni Ari na nakahawak sa mga kamay ko. "Tiyak na magiging masaya si tito kapag nakita ka niyang lumaban. Alam mo namang gustong gusto niyang sumunod ka sa yapak niya," sabi pa ni Fira na nagpangiti sa akin. Ang ama ko simula pa bata ay gusto niyang sumunod na ako sa yapak niya bilang tagapagbantay sa mga Luerca. Hindi man malaki ang kinikita rito ngunit ang reputasyon at katapatan daw kasi ay hindi napapantayan. Isa pa sa kadahilanang hindi na nagkaroon pa ng anak si ama at inang lalaki kaya't sa akin na lamang ibinuhos ni ama ang buong atensyon. Napakaraming bagay ang itinuro sa akin ni ama. Gaya na lamang ng pakikipaglaban na isang sining sa pagtatanggol at maging ang paggamit ng mga armas tulad ng arnis, b***l, kutsilyo, busog at palaso, at marami pang iba. At maging ang pagmamaneho ng isang sasakyan. Ang mga ito marahil ang nagiging bonding namin ni ama. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano maging matapang na harapin ang anumang pagsubok na maaari kong harapin sa buhay. Isa siyang dakilang tatay para sa akin. Naramdam ko ang mainit na likido na tumulo sa kaliwang mata ko. Agad ko naman itong pinunasan. Naagaw ng tingin ko ang tingin ni Abo na mukhang nakita ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Pero agad kong tinanggal ang pagkakatitig ko sa kanya nang makitang nasa gitna na maglalaban si Summer at Sapphire. Naalala ko sabi noon ni ina na kapag ang luha raw ay unang pumatak sa kaliwa ay ibig sabihin ay mayroon akong mabigat na kalungkutang dinadala. Mukhang tama nga si Ina. Hindi ko alam ang nangyayari sa amin at natatakot ako. Nangunguli na ako sa aking pamilya. Miss na miss ko na sila. Sobrang bigat sa pakiramdam na malayo sa kanila at hindi sila makasama. Ang isipin pa lang na hindi ko na sila muling makikita ay parang dinudurog ang aking puso. Mahal na mahal ko sila. Pero pumasok sa isipan ko ang palaging sinasabi sa akin ni ama sa tuwing napanghihinaan ako ng loob. "Vera, anak. Huwag tumigil kapag pagod ka na. Tumigil ka kapag tapos ka na. Alam kong magiging mahirap ito, ngunit ang mahirap ay hindi nangangahulugang imposible. Minsan sinusubok tayo hindi para ipakita ang ating mga kahinaan, kundi para tuklasin ang ating mga kalakasan." Tama si ama. Pagsubok lamang ito para makita at malaman ko sa sarili ko kung sino ba talaga. Alam kong hindi magugustuhan ni ama kung makikita niya akong napanghihinaan ng loob. Kaya't hanggang makakaya ko ay magpapatuloy ako sa pagtahak sa bago kong buhay sa mundo na ito. Hindi ko na napansin na dinismiss na pala kami ni Misty dahil sa malalim kong pag-iisip. "Vers, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ari. Tinanguan ko lamang siya bago ako huminga nang malalim. "Tara na sa nating klase," pagaaya sa amin ni Fira na nagsimula nang umakyat sa ikaapat na palapag para sa aming sunod na klase. "Mabuti pa nga," sangayon ko. "Teka ano bang klase natin nga ulit?" pagtatanong ni Ari. "Hoplology," sagot ko sa tanong niya. "Huh? Anong klaseng klase 'yon?" sasagutin ko pa sana ang tanong niya kaso lamang ay tuluyan na kaming nakarating sa loob ng silid pangunguna ni Fira na ikinatahimik ko. Pagpasok namin ay wala pangkatao tao sa loob. Nakita ko naman sa likod ang pigura ng lima papaakyat at papalakad sa silid din namin. Mukhang sa kahit anong klase ay kaklase namin sila. Hindi maiiwasan ang pagtatagpo namin lalo na ni Ruby. Nauna na kaming pumasok sa kanila sa loob. Hindi gaya ng silid kanina ang silid na ito'y isang malaking open field na may artipisyal na mga d**o. Nakita ko ang pagbukas ng pintuan at ang tuluyang pagpasok ng lima. Mukhang inaasahan na naman nila ang pagiging magkaklase namin. Tinapunan lang ako nang masamang tingin ni Ruby at ang irap ni Abo na hindi nawawala. Hindi na lang si Abo ang may galit sa akin ngayon kundi maging ang elite niyang si Ruby. Great. Nagkibit balikat na lang ako habang hinihintay ang pagdating ng magiging guro namin. Walang upuan dito kaya nanitili lang kaming nakatayo lahat. Itong klase na ito ang pinakainaabangan ko sa lahat. Ang pagkakaaalam ko hoplology is a study of arms and weapons of offense and defence, human and bestial and subsequently as the study of the basis, patterns, relationships, and significances of combative behavior at all levels of social complexity. In short sa klase na ito ay tuturuan nila kami sa paggamit ng mga armas. Narinig na namin ang pagbukas ng pintuan at niluwa nito ang lalaking sumaway sa amin sa dining hall. Ano nga ulit ang ngalan niya? Ah, Gino. Hindi ko maiwasang maging eksayted sa magiging klase namin ngayon. Sana maging maayos lang ang lahat. Kay tagal na rin simula nang mahawak ako ng mga armas. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD