Whispering Destiny
Kabanata 26 | Physical Combat
_____________________________________
Kakatapos lang ng phytology class namin kung saan tinuro sa amin ang iba't ibang klase ng magical plants at herbs na mayroon sa Aevetura. Parang panimulang lektyur lang ang ginawa kanina sa amin at wala namang masyadong ginawa pa.
Oras na ng aming tanghalian kaya naglalakad na kami ngayon pababa ng dining hall para kumain. Nagkita kita rin kami nina Eren at Sirene sa may bandang dining hall kanina.
"Di ko inaasahan na magiging kawili-wili pala ang mga klase rito," sabi ni Eren.
"Oo nga eh. Kasi siyempre bago sa atin ang lahat tiyaka 'di na kailangang pigain ang mga utak natin," sabi pa ni Sirene.
"Ang sabihin mo Eren kasi wala ng matimatika na pinapagaralan kaya tuwang tuwa ka," sabi naman ni Ari.
"Parang gano'n na nga. Hoy! Bakit kayo rin naman hirap sa klaseng 'yon! Doon nga tayo rati muntik mahuli sa kopyahan," pagdidipensa niya pa sa sarili.
"Ipinaalala ko na naman ang araw na 'yan. Ang araw na pinaka hindi natin makalilimutan," iiling na sabi ni Sirene na ikinangiti namin.
Ganyan lang 'yan sila mag-asaran na akala mo hirap sa klase pero grabe naman kung mag-aral at magpursigi sa tuwing hindi nila makuha ang isang tanong.
"Pero ang taray ng PE na uniporme rito 'no. Ang gara lang," pag-iiba ng usapan ni Si.
"Kaya nga eh. Ang dami lang patong patong pero ang angas," pagsangayon din ni Eren.
Nagpatuloy lang sila sa pagpuri sa uniporme namin. Habang ako rito ay hindi gusto ang disenyo sa haba ng boots at takong. Mabuti na lamang ay natatanggal ang takong. Natural na kasi sa akin ang pagiging matangkad kaya hindi ko na kailangan pa ng takong na nakakasakit sa paglalakad.
"Hey," napahinto kami sa paglalakad nang makasalubong namin sila Abo at automatikong napairap siya nang makita ako.
Sarap dukitin ng mata. At mukhang nabasa na naman ni Zaireh ang iniisip ko dahil nakita ko ang ngisi niya. Ayan na naman siya sa pagbabasa ng isip. Hilig magbasa ng isip hindi tulad ni Briz na isang mental user na tahimik lang.
"The headmaster wants to talk to us," sabi ni Wanner kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya.
Sumunod na lang kami sa kanila nang magsimula na silang maglakad. Imbis na patungo kami sa dining hall para kumain ay tinatahak namin ang daan papunta sa opisina ng headmaster.
Tahimik kaming lahat habang naglalakad. Walang gustong magsalita. Nang makarating kami sa harapan ng opisna ng headmaster ay nauna na si Abo na buksan ang pintuan. Tahimik na sumunod naman kami at na abutan si headmaster na may binabasang kung ano. Agad niya naman itong sinara nang makita ang pagpasok namin.
"Andito na pala kayo. Take a seat," anyaya niya kaya umupo na kami. Magkakatabi kaming lima sa kanan katapat sila.
"So, what happened to your mission? I heard you got into trouble," panimulang tanong niya. Gaya ng aking inaasahan ay magtatanong siya sa naganap naming misyon.
"Unfortunately, we haven't gathered any valuable information. Their parents don't know about Aevetura and the mystic they possess. We don't even know why. Kung bakit at paanong hindi alam ng mga magulang nila ito," pagkukwento ni Briz.
"We don't know if it's even possible na non-mystic user ang mga magulang nila. Even us were shocked about the information we had known," dagdag pa ni Mount.
"What are you talking about? How is that even possible?" pagtatanong ng nagtatakang si headmaster.
"Kahit kami mismo ay hindi alam ang sagot sa iyong mga katanungan headmaster," sagot naman ni Wanner.
"Maybe it was just a cover up. Hindi tayo sigurado. Kung totoong mga magulang nila 'yong pinakausap nila sa amin o hindi," sabi ni Abo na nagpantig ng tenga ko.
"Excuse me? Nakita niyo naman siguro 'di ba kung anong nangyari. Anong gusto niyong gawin namin? Sabihin na hindi sila ang mga magulang namin at ang totoo'y pinadala kami galing sa Eziariel para mag-espiya? Gano'n ba?" sabi ko sa kanila sa harap ng headmaster.
Nakatitig lang sila sa akin, nag-aantay sa bawat salitang bibitawan ko.
"O sige, para matigil na kayo. Lahat ng nangyari ay isang malaking kasinungalingan lang. Plinano talaga namin ang lahat at isa kaming espiya na ipinadala mula sa Eziariel. Happy?" sabi ko at nakita ko ang gulat sa mga mukha ng lahat pati ng apat. Hindi makapaniwalang tiningnan naman ako ng headmaster.
"So, what now? What are you gonna do to us?" asar na tanong ko na nakatingin ng diretso sa headmaster.
Pasensyosa akong tao pero sa nangyayari konti na lang masasagad na ang pasensya ko.
Hindi siya makapagsalita dahil sa tinuran ko. Bakit? Ito ang gusto nila 'di ba? Ito na binibigay ko na. Para naman matigil sila. I'm telling them what they want to hear.
Nakita ko ang paghugot ng hininga ng headmaster bago nagsalita.
"Mananatili kayo rito hanggang sa makarating si Pabio. Doon lamang kami magdedesisyon kasama ng council kung anong dapat na gawin sa inyo. For now, you're free to do whatever you want to do," sabi niya bago kami pinabalik sa kanya kanya naming klase.
Nauna na ako sa paglalakad palabas ng opisina ng headmaster. Tahimik na nakasunod lang ang apat sa akin. Patungo kami ngayon sa dining hall dahil sa naudlot naming pagkain.
Naabutan namin na patapos na ang pagkain nila kaya mabilis kaming nagtungo sa kanya kanya naming pwesto bago pa man matapos ang oras ng pagkain. Nakita ko na nakasunod din ang lima sa amin na mukhang magsisikain din.
Dinig ko ang tanong nila kung saan kami nanggaling pero mukhang nakuha naman na nila ang sagot sa kanilang mga katanungan dahil sa kaseryosohan namin.
Sa ngayon, magagawa namin ang kung anumang gugustuhin namin pero 'di ako makakasiguro na magiging maayos ang lahat para sa amin. Hindi pa rin mawawala ang mapanghusga at mapanuring mga mata sa amin. Hinihintay na magkamali kami.
Kailangan lamang namin antayin ang Pabio na sinabi ni Heart na isang legendary warlock. Sa pagdating ng araw ng kanyang pagapak sa academy ay hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming lima, but i'm certain that it will not do any good to us.
Mabilis kaming natapos sa aming pagkain. Walang sinuman ang gustong bumasag sa katahimikan. Lahat kami ay natatakot sa kung anumang pwedeng mangyari sa amin. Hindi ko alam kung tama pa ba ang naging desisyon ko na bumalik sa mundong ito.
Hihiwalay na sana ng daan samin sina Sirene at Eren nang pigilan ko sila.
"Teka," saad ko na nagpatigil sa dalawa sa paglalakad at gano'n din kay na Ari at Fira.
"Alam kong lahat tayo ay natatakot sa maaaring mangyari sa atin. Sino ba namang hindi 'di ba. Pero sa ngayon kailangan nating maging malakas. Hindi tayo nandito para i-please ang mga taong nakapaligid sa atin. Nandito tayo para sa pamilya at lalo na para makilala ang sarili natin. Kaya ngayon kailangan nating magpalakas gamit ang mystic na nagpabago ng buhay natin. Iyon lang ang paraan sa ngayon para maprotektahan natin ang sarili natin sa anumang kapahamakan dadating. Wala naman tayong ikatakot kasi alam natin sa sarili nating inosente tayo," seryosong sabi ko sa kanila.
Muntik na akong matumba ng bigla akong dambahin ng yakap ni Eren. Naramdaman ko na yumakap din si Sirene. Nakikita ko sa mga mata nila na unti unting kumakawala ang mga luha. Dahan dahan kong tinaas ang kamay ko para yakapin sila pabalik.
"Natatakot ako," lumuluhang sabi ni Eren habang mahigpit na nakayap sa akin.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila para hindi nila makita ang pamamasa ng mga mata ko.
Naramdaman kong yumakap din sina Fira at Ari sa amin. Tahimik na umiyak kaming lima ng magkayakap. Umpisa pa lamang ito ng mga pagsubok na pagdadaanan namin sa mundong ito. Kung hindi kami magiging matatag at magiging mahina ay madali kaming matatalo ng sarili naming pag-iisip at iyon ang hinding hindi ko hahayaang mangyari.
"Bakit ba kasi pinaghihinalaan nila tayo?" humihikbing tanong ni Sirene.
"Tingin pa nila ay nagsisinungaling tayo," dagdag pa ni Ari.
Nakita ko ang paghiwalay ni Fira sa yakapan namin at ang pagpunas niya ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Tama si Vera sa ngayon ang kailangan ay magpalakas tayo gamit ang mystic natin. Walang magagawa ang mga luha natin. Hindi nito mababago ang lahat at maibabalik sa dati pa," turan ni Fira at unti unti ng kumalas ang tatlo mula sa pagkakayap.
"Kung pinagsususpetsyahan nila tayo ay hayaan natin sila. Alam natin sa sarili natin na inosente tayo at 'yon ang importante. Let's just go with the flow and blend in with them," dagdag pa ni Ari na pareparehas naming sinangayunan.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Eren. "Simula ngayong araw hindi na natin hahayaan ang mga salita nila na makaapekto sa atin," ang sabi ni Eren.
"Hanggang sa maaari ay gawin nating tahimik ang pananatili natin dito," dagdag pa ni Sirene.
"Pero sa tingin ko malabong mangyari iyon 'di ba Vera?" napangiwi ako sa tinuran ni Ari.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kasalanan ko bang hinahabol ako ni kamatayan.
Akmang magsasalita pa ako nang mahinto ako nang marinig ko ang boses ni Zeke.
It's already time, Vera. You don't want to be late on your next class.
Napatingin agad ako sa malaking orasan sa harapan namin. Mukha ngang oras na.
"Tara na. Baka mahuli pa tayo sa kanya kanya nating klase," ang sabi ko kasabay nang pagtingin nila sa orasan.
"Oo nga, hala. Sige mauuna na kami ni Si. Kita-kits mamaya," paalam ni Eren bago hinila na si Sirene.
Mukhang nagbalik na ang kanyang ngiti at kaligaligan. Nakatulong marahil ang napagusapan namin kanina. Maliit na napangiti na lamang ako.
"Tara. Gora na rin tayo," ang pagaaya ni Ari bago nauna na sa paglalakad.
"Mabuti pa nga," sangayon ni Fira kaya sumunod na rin ako sa kanila sa paglalakad papunta sa building namin.
Nakita na naman nila kanina ang iskedyul namin at ang unang klase namin sa hapon ay ang Physical Combat. Nasa ikatlong palapag ang aming class ngayon kaya mabilis na kaming umakyat papunta ro'n. Naabutan pa namin ang pagpasok ng lahat ng Agiria na kaparehas namin ng clan na nandirito. Mukhang sa klase na ito ay magkaklase kaming mga Agiria mula sa Lyttleton.
Iyong silid ay parang dyimnasyum na may malaking bakanteng espasyo sa gitna at dalawang bleachers sa magkabilaan. Ang istilo nito'y makaluma pero angat pa rin ng ganda nito.
Tumungo naman kami sa kaliwang parte ng bleachers kung nasaan nakita kong nakapuwesto si Summer. Sa pagkakaalala ko ay mayroon siyang enhance sense of touch.
Tahimik na naupo lamang kami sa bahaging iyon. Napadako ang tingin ko sa nasa 'di kalayong bleachers katapat namin. Nakaupo ro'n sina Briz, Zaireh, Sapphire, Ruby, at si Abo.
Agad na napatalim ang titig ko sa kanila lalo na kay Abo pero agad kong binawi ang pagkakatitig ko sa kanila.
Sa ngayon kailangan kong protektahan ang isipan ko at limitahan ang bawat iisipin ko dahil alam kong kayang kaya basahin ni Zaireh ang anumang iniisip ko.
Naagaw ang atensyon ng lahat sa biglang pagsulpot sa harap ng isang babae. Teka, Misty?
"It's nice to see you again. I'm Misty your Physical Combat teacher. In this class I will teach you how to fight using only your physical strength. We will enhance your combat skill as well. Briz and Gray," saad niya bago tumayo ang dalawang tinawag niya at pumunta sa gitna nang malawak na espasyo sa gitna.
"You know the rules. You can only use your physical strength to fight against each other. It is strictly prohibited in this class to use mystic. Kung sino man ang lumabag ay may karampatang parusa ang nakalaan. Now! Briz and Gray. Limang segundong pagkakalapat sa sahig ang siyang magiging basehan ng pagkatalo," nakita ko ang pagkamayan ng dalawa bago nag-teleport si Misty sa bleachers katapat namin.
Si Gray ay mayroong reflection mystic, kung saan kaya niyang i-counter ang anumang atake ng kalaban pabalik sa kanila.
Sa hudyat niya ay nagsimula nang umatake si Gray. Inambahan ng sapak ni Gray si Briz pero mabilis na nakailag dito si Briz at inatake pabalik si Gray. Tumama naman ang atake nito sa kaliwang pisngi ni Gray.
Hindi ko inaasahan ang unang pag-atake ng gaya niyang may reflection mystic.
Nakita ko ang pagngisi ni Gray at pagpunas niya sa nagdudugong labi. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Briz at mabilis na umatakeng muli at akmang sisipain sana ito gamit ang kaliwang paa nang makuha ni Gray ang paa niya. Gray wraps his arms around his left leg and holds it up as he thrusts wicked knee shots into him.
Napasinghap naman si Sapphire nang makitang tumumba si Briz.
So, ito ang physical combat. Kung sa aming mundo ay matatawag 'tong self defense ngunit dito ay aktwal mong lalaban talaga ang kung sinumang itapat sa 'yo ni Misty.
Mabilis namang nakabawi si Briz sa atake ni Gray sa kanya at tumayo.
"Mukhang bumibilis si Gray ngayon," napalingon ako sa nagsalita at nakitang galing iyon kay Nico. Doble ang lakas niya sa paggamit ng weapon niya. Hindi gaya namin ay special ability lang ang tinataglay niya.
Mukhang hindi nagustuhan ni Briz ang ginawa ni Gray at agad na umatake at umamba ng sapak. Halos hindi na nahabol ng mata ko ng atakihin ni Briz si Gray. Walang ibang ginawa si Gray kundi ang depensahan ang bawat atake na ginagawa ni Briz. Mukhang naasar naman si ginagawang padedepensa ni Gray at hindi pagatake pabalik.
Natigilan ako ng may mapansin. Napangisi na lang ako nang mapagtanto ang nangyayari. What a clever move.
Nang makakita si Gray ng butas ay agad niyang inatake si Briz. Mukhang nagulat naman si Briz sa biglaang pagatake nito. Halos hindi nakailag si Briz sa atake na ginagawa ni Gray. All this time habang umaatake si Briz ay binabasa nito ang bawat atake na ginagawa nito at nang makahanap siya ng butas ay tiyaka siya umatake. Sinadya niya talagang galitin at asarin si Briz para atakihin siya. Walang duda kung bakit siya ang unang umatake kanina.
Kanina ko lamang napagtanto ang lahat nang makita at mabasa ang bawat atake niya. No wonder he's a reflection user.
Isang atake sa paa ang nagpatumba kay Briz agad na pumaibabaw sa kanya si Gray at pilit na pinipigilan ito sa pagtayo.
Five.
Four.
Three.
Two.
One.
Tumayo na si Misty nang makitang natalo na si Briz. Inilalayan pa ni Gray na makatayo si Briz bago sila nagkamay.
"For the first match, Gray won. Our next pair will be Ruby and Vera," napantig ang tainga ko nang marinig na banggitin niya ang pangalan ko.
Ako? Lalaban?
Napunta sa akin ang tingin ng lahat. Nakita ko ang paglakad ni Ruby papunta sa open space sa gitna. Nag-aalalang tiningnan naman ako ng dalawa.
Shit. Bakit ako pa sa lahat. Mukhang kadikit ko na talaga ang kapahamakan.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆