Whispering Destiny
Kabanata 25 | History
_____________________________________
"Good day! I'm Maria ang magiging guro niyo for history class. Lahat kayo'y kilala na ako at gayon din naman ako sa inyo at sa tingin ko kayong lima na lamang ang hindi pamilyar sa akin. So, maaari niyo bang ipakilala ang inyong mga sarili?"
Napakamasayahin niyang tingnan at ang kanyang mga ngiting nakakagaan ng puso.
Gaya kanina ay nagpakilala lang kami nang maikli sa lahat.
"It's nice to meet you all! Alam kong karamihan sa inyo ay alam na ang anumang itatalakay ko but for those who missed it ay muli ko itong tatalakayin. I hope some of you don't mind it. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Let's proceed to our topic. The history of mystic. As you all know ang mystic ay isang kapangyarihang tinataglay ng isang indibidwal na tinatagawag nating mage user o Mago. Habang ang mga non-mystic user ay tinatawag nating plebians na mula sa mundane world. Late 60's noong madiskubre ni Helena ang kaniyang mystic. Siya matuturing ang unang taong nakadiskubre nito.
Gamit ang kanyang mystic ay kumalap siya ng mga taong may taglay na katangian katulad niya. Umabot ng taon ang kaniyang paghahanap sa katulad niyang may espesyal na regalo. Hanggang sa makilala niya si Henry, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain noon na si Henry ay isa rin pa lang magong katulad niya at sa pagdating ni Henry ay mas napadali ang kaniyang paghahanap sa kaniyang iba pang mga kasapi," pagkukwento ni Ms. Maria.
Habang nagkukwento siya ay nakikita ko sa pamamagitan ng utak ko ang mga pangyayari na naganap. Para kang nasa isang panaginip at nakikita mo ng gising ang mga kaganapan pero ang kinaibahan ay si Ms. Maria ang nagsasabi at kumokontrol ng mangyayari sa istorya. Ito ba ang kanyang mystic? Ang astig.
"Alam niyo ba kung bakit na padali ang kanilang paghahanap? Iyon ay dahil si Henry ay may enhance sense ability na kung saan kaya niyang makita at maramdaman ang katulad niyang mage user. Habang si Helena ay mayroong teleportation ability na nagpadali naman sa kanilang paglalakabay. Hanggang sa kalagitnaan ng late 60's ay nakalap nila nang magkasama ang iba pa nilang mga katulad. At dinala ito ni Helena kasama ang iba pa sa bansang Pilipinas upang manirahan. Masaya silang nanirahan malayo sa mga tao hanggang sa isang araw ay may anim na babae ang napadpad sa tinutuluyan ng mga mage users.
Natakot ang lahat sa pagdating nila dahil nakita ng bawat isa kung paano pinahirapan ang kanilang kapamilya ng mga plebians at pinatay.
Ngunit hindi nila inaasahan na isang katulad nila ang nakahanap sa kanila. Sila ay may taglay na natatanging mistika. Ang oras, panahon, tinig, isip at ang kakaibang kapangyarihan na tinawag copiar at aether.
Aether na may kapangyarihang kontrolin at gumawa ng anumang bagay gamit ang void at ang Copiar na may kakayahang kopyahin ang anumang mistika.
Sa loob ng mahabang panahon sa pamumuno ni Helena at Henry ay naging maayos ang lahat. Itinuring ang anim na pinakamalakas at nirerespeto sa buong lugar dahil sa kanilang anking galing. Hanggang sa madiskubre ng mga mage user na gamitin ang kanilang mystic sa paggawa ng isang lugar na maaari nilang matuluyan at matawag na kanilang tahanan. Doon nagsimula mabuo ang tinatawag natin ngayong Aevetura. Umabot ng taon bago natapos ang lugar na ito at ginamitan ng aether user ng kanyang mystic ang buong Aevetura upang matago at mailayo sa mga plebians. Kasabay nito'y sa tulong ng copiar ay kanilang nilipat sa ibang dimensyon ang lugar ng Aevetura habang binago ng mga elementalist ang panahon dito."
Kaya pala. Ayon siguro ang dahilan kung bakit naiiba ang klima rito maging ang daan papunta, ang tunnel. At kung bakit din hindi man lang nararating ng kung sino ang lugar na ito sa kadahilanang nasa ibang dimensyon ang lugar na ito. Maaaring ang tunnel ang tanging daan na namamagitan sa mundong ito at sa mundong pinanggalingan namin.
"Nahati sa pito ang distrito ng Aevetura. Ang pinakamalaki sa lahat at ang sentro ng Aevetura, ang Leojara. At ang anim pa na distrito ay ipinangalan sa anim na babae na tinawag nilang ancient mago. Ang distrito ng Piercenia, Firenizel, Rosephasia, Webbiniara, Zimley at ang Eziariel.
Ancient dahil silang anim lamang sa buong populasyon ng mga mago ang nakapako ang buhay sa kanilang mga kapangyarihan. Kapag namatay sila ay siyang ring pagkamatay ng kanilang mga taglay na kapangyarihan. Kaya't kailanman ay hindi sila nagkaroon ng kaparehas nilang kakayahan sa mundo ng mahika."
Hindi ko mapigilang mahintakutan. Kung gayon ba ay maging kami rin? Lahat ba ng aking makokopya ay mawawala kung sakaling ako'y mawala? Kaya ba sinasabi ni Zaireh na ikasisira ito ng dalawang mundo?
"Sa loob ng mahabang panahon ay naging maayos ang takbo ng Aevetura sa pamumuno ng ancients at nina Helena at Henry. Tinuring na hari at reyna ang dalawa. Hanggang sa isang masamang pangyayari ang naganap. Nagkaroon ng aksidente ang mag-asawa na ikinasawi nila. Buong Aevetura ay nayanig nang malaman ang masamang balitang iyon. Kasama na rito ang mga ancient lalo na si Eziariel, ang aether user. Siya masasabi ang pinakamalapit sa mag-asawa at matuturing na parang kapamilya na.
Lubos na nagdalamhati si Eziariel hindi niya matanggap ang nangyari kaya ginawa niya ang lahat para malaman ang totoong naganap dahil hindi siya naniniwalang aksidente lang ang lahat. Sa lubos niyang paghahanap ay 'di niya namalayang nakapatay siya ng katulad natin. Isa itong malaking paglabag sa batas ng ating mundo. Magic aren't use to kill someone and get others life. Ang salang ito ang matuturing na pinakamabigat na kasalanan sa ating mundo. Buhay sa buhay. Ito ang katumbas ng salang ito.
Walang nagawa ang limang ancient upang tulungan si Eziariel dahil alam nilang walang anuman ang makakapag-absuwelto sa kasalanang ginawa nito. Pikit mata nila itong pinatawan ng kamatayan. Ngunit sa araw ng kanyang paghuhukom sa mismong kaharian niya ang distrito ng Eziariel ay isang 'di inaasahang pangyayari ang naganap. Tila ang mystic ang lumalaban sa pagpatay sa kaniya. Habang unti unti siyang pinapatay ay unti unti ring nasisira ang kanilang mundo, ang dimensyon na ginawa nito kasama ng copiar.
Hindi malaman ng iba kung anong nangyayari. Inakala ng iba na napatay na nila sa paghuhukom si Eziariel pero isa itong malaking pagkakamali dahil muling nabuhay si Eziariel at sinumpa ang Aevetura at gamit ang kapangyarihan niya ay nilipat niya ng dimensyon ang distrito ng Eziariel kasamang ang mga mamamayan na nakatira ro'n. Sa kasalukuyan ay tinatawag na itong The Forsaken Empire. Doon nagsimula ang paghihiwalay mula sa magkabilang mundo at walang sinuman ang maaaring umapak sa mundong iyon dahil ang sinumang umapak sa mundong iyon ay hindi na nakakabalik pa.
Dahil sa galit ni Eziariel sa mga tao sa Aevetura ay pinangako niya na siya ay babalik at sisirain ang mundo natin. Mas lalong nag-alab ang lahat at nagsimula ang hidwaan sa pagitan ng Eziariel at Aevetura. Napakaraming digmaan ang naganap at napakaraming namatay dahil dito at kasama na rito ang mga ancients." pagkukwento niya pero naputol nang magtaas si Si ng kamay.
"Yes, Ms. Sirene?"
"Akala ho ba kapag namatay ang isang ancient ay kasabay nito ang kanilang mystic?"
May punto siya. Paano nga ba?
"Good question, Sirene, but before the five of them die they've already inherited their mystic to someone whom they trusted the most. That makes them the next leader of the districts. As well as Henry and Helena nang pinamana nila ang kanilang mystic sa kanilang anak. Being an ancient is different from being a mystic holder. If you're an ancient user you have the power to pass your mystic to other people and inherit it to only one individual. Hindi tulad kapag ikaw ay isang karaniwang mago na may kakayahan lamang ipasa ito sa pagkakaroon ng anak. Maaaring mamana ng isang mage user ang mystic ng kanyang mama o papa. O maari ring pinagsama o pareha niyang mamana. I hope I answer your question, Ms. Sirene." Tumango na lamang si Sirene nilang tugon.
"Moving forward. In the midst of war between the two dimensyon, the king of Hellion, son of Henry and Helena decided to build a school. Para mahasa ang mga mage user sa pagkontrol ng kanilang kapangyarihan at maihanda sa anumang maaaring maganap sa pagitan ng dalawang panig. He knows the danger of Eziariel at alam niya ang kayang gawin nito dahil siya ang naghasa kay Hellion ng siya ay bata pa lamang. Doon nagsimula maitayo ang Gravallea Institute Of Arcane at iba pang mga eskwelahan sa bawat distrito na naglalayong magturo at tumulong sa mga mage user na kontrolin ang kanilang mga mystic. Edad anim ay pinapasok na ang mga bata upang hasain ang kanilang mystic laban s Eziariel at ang kaniyang ginawang mga kasapi na tinatawag nating Elliol.
Ang Elliol ay matuturing nating si kamatayan dahil ang sinumang mahawakan niya ay naidadala niya sa The Forsaken Empire. May kapangyarihan siyang dalhin ang sinumang sa kanilang lugar at kumuha ng buhay ng sinumang makakasagupa nila. Napakadelikado ng mga ito at alam kong alam niyo kung anong ibig kong sabihin," sabi niya habang nakatingin sa amin.
Hindi pa kami nakakakita ng mga ito pero parang sa sinasabi niya at hinuha ko'y mukhang nakasalamuha na ang mga kasama ko sa klase na ito ng tinutukoy ni ma'am na Elliol.
"Tatlong taon na ang lumipas ng sa wakas ay natigil ang digmaan sa pagitan ng dalawa ngunit alam nating dadating ang araw na muling magbabalik ang mga Elliol at muli tayong sasakupin. A war that can never be won but must always be fought." Isang nakakabinging katahimikan ang pumaligid sa silid matapos ng kanyang pagkukwento.
Nakita ko ang mga tingin nila sa amin. Kaya ba? Kaya ba nila kami pinagsusupetyahan dahil sa loob ng ilang taon ay nananahimik ang mga ito at maaring kami ang ginagamit nila upang pasukin ang Leojara?
"Ayon muna para sa araw na ito. For our next meeting we will tackle about the history of our school. Good bye. See you next Friday," paalam niya bago umalis ng klase namin.
Ngayon ay unti unting na akong naliliwanagan kung bakit ba nila kami pinagsususpetsyahan. Kung bakit ganito ang kanilang pagtrato sa amin. Kaya pala, kasi nga naman ang sabi ni Ms. Maria maaari lamang ipamana at ipasa ng isang ancient mago sa iisang indibidwal na lubos nilang pinagkakatiwalaan ang mistikang taglay nila. Kaya't talaga nga namang kahina-hinala at hindi tama ang pagkakaroon namin nito lalo pa't nanggaling kami sa mundane world na kung tawagin nila sa aming mundo.
Sa kabila nito ay gulong g**o pa rin ako sa lahat. Kung gayo'y paano kami nagkaroon ng ganitong mistika? Paano at sa anong paraan?
Sa totoo lang, pagod na akong mag-isip kung ano ba ang nagawa naming mali para matanggap namin ang ganitong klaseng pagtrato. Sa una pa lang naman hindi kami nandito para pasayahin ang sinuman at patunayan ang isang bagay sa kanila. Nandito kami para sa pamilya. Nandito kami para maghanap ng kasagutan patungkol sa aming katauhan na sumira sa matagal naming pagkakakilala sa aming sarili.
Kaya simula sa araw na ito, we must focus on finding our true self. Hahanapin muna namin ang katunayan sa aming pagkatao. Baka sa paraang ito ay nakahanap kami ng kasagutan sa mga tanong na patuloy pa ring bumabagabag sa aming mga isipan.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆