Whispering Destiny
Kabanata 24 | Charm Class
_____________________________________
"Good morning! I'm your charm prof, Leo Andrada. My duty is to supply and impart knowledge about any of your pressing spell-related matters. Our course is primarily consists of learning spells such as spell casting, healing spells, defense spells, and a variety of other spells. But before we proceed with that, I'd like you all to introduce yourself among others."
Hindi ko maiwasang hindi mapuna ang kanyang kakaibang tono sa pagsasalita ng Ingles. Kung tama ang aking tanda ay mukhang isa iyong British accent.
Narinig kong patapos na magpakilala si Fira kaya alerto na ako.
"Vera," maikling pagpapakilala ko gaya ng paraan ng pagpapakilala ng iba.
Mabilis lamang natapos ang pagpapakilala sa isa't isa.
"It's nice to meet you all. Our lesson for today is all about healing spell. It is the most important and useful spell specially on a battle or training," sabi ni sir. Battle? Training?
Mukhang may mga training at battle na nagaganap talaga rito.
"The power of healing spells is perhaps the greatest of all spells. When dealing with the power of health, you are dealing with life and death. However, the spells I will teach you here are fairly weak healing spells. These spells can only help to heal wounds and scars in less time. A healing spell is actually different from those person who can actually treat and heal a wound and illness. This spell will only help you to lessen the pain," sabi niya bago kinuha ang maliit at matulis na kutsilyo at gumawa ng linya sa kaliwa niyang kamay.
What the heck? Bakit siya naglalaslas? Huwag mong sabihing parte ito ng kanyang pagtuturo?
Lahat kami nagaabang sa ginagawa niya at tutok na tutok.
"leigheas," bulalas niya habang nakahawak ang kaniyang kamay sa ginto niyang nameplate.
At sa pagsambit niyang 'yon ay nakita naming unti unting nawala ang sugat galing sa kamay niya. Wow. Gano'n lang ba kadali?
"In performing a spell you must need to touch your name plate for it is connected to your body and mind, but a little reminder, there are concequences from miss-cast spells. So you must cast it perfectly. Now do as I say," sabi niya pa at bigla na lamang nagliparan ang mga kutsilyo sa direksyon namin.
"Do as what I did earlier," sabi niya at agad kong kinuha ang kutsilyo at sinugatan ang kanang kamay ko. Bahagya akong napangiwi nang makita ang pagdaloy ng saganang dugo mula sa aking palad. Bago pa ito tumulo sa lamesa ay agad ko ng sinalita ang spell, leigheas.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa unti unti nitong paghilom. Grabe, talaga ngang nasa kakaibang mundo na ako ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Great. You guys are indeed fast learners. Well, one more thing. You must never overused your given mystic. Mystic can betrayed you once you overused it. Be careful of using it. You can't just cast a spell as you want. There is always precautions for everything. That's all for today. Class dismiss," sabi niya bago umalis.
Taka man sa bilis ng klase ay hindi na ako nagreklamo pa. Masasanay rin talaga ako.
Isa lang ang masasabi, mukhang magugustuhan ko ang klaseng ni sir Leo. Ang dali niya lang kasi. Mag-cast ka lang ng spell at isasalita ko ito at boom makakayan mo nang gawin ang gusto mong gawin sa isang pikit lamang ng mga mata.
Biyernes ngayon. Sa kabutihang palad ay maayos pa naman ang nangyayari sa aking araw at tanging hiling ko lang at magtuloy tuloy 'to. Ayaw ko munang mag-isip nang ikasasakit at ikagugulo ng aking isipan sa araw na 'to. Gusto namang magpahinga sa lahat ng mga magugulong kaganapan. Kahit isang araw lamang.
Sunod na klase namin para sa aming ikalawang asignatura ay ang history class. Ito ang isa sa hindi ko inaasahang klase na mayroon din pala dito na may hawig sa inaaral namin dati sa bayan.
"Saan na sunod nating klase?" tanong ni Ari.
"History class," s**o ni Fira.
"Ay oo nga pala. Tara na," tugon naman ni Ari bago kami nagsimulang maglakad.
Pare-pareho kaming walang gana pumasok ngayon. Sigurado dahil sa nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi kasi ata natatapos ang araw namin ng walang nangyayaring kung ano.
Tahimik na tumungo na kami sa aming klase. Quant Building ang nakalagay ro'n kaya medyo nagtaka ako dahil ngayon lang kaming nagka-iskedyul na sa quant building ang magiging silid gayong halos lahat ng klase namin ay sa aming house. Nagkibit balikat na lang ako bago nagtungo papunta sa quant building. Pamilyar na pamilyar naman na kami sa daan dahil nasa likod nito ang aming mga dormitoryo.
Dumaan kami sa harapang arko papasok ng gusali at nakita ang iba na galing sa iba't ibang clan na kapwa papaakyat din. Hindi ko na sila masyadong pinagtuunan pa ng pansin at umakyat na paakyat sa ikalawang palapag.
Pinagsasalamat ko na nga lang talaga na halos magkakatabi ang mga silid-aralan namin ngayong Biyernes at tanging ito klase lang ang nalayo. Mas gugustuhin ko na ito kaysa maglakad nang napakahaba o kaya'y sumakay muli sa Hellivator. Never again.
Nakita namin sina Eren at Sirene sa 'di kalayuan pagkaakyat namin ng hagdan.
"Oy! San kayo ngayon?" tanong ni Eren habang papalapit sa amin.
"History. Kayo ba?" pagtatanong ko sa kanila.
"History rin kami. Nays nays. Room no. niyo?" tanong pa niya.
"207," sagot ko sa nakaabang na si Eren.
"Uy! Magkakasama tayo, sa wakas! Tara na!" Eksayted na aya niya bago kami hinila papasok ng silid 207.
Nakita kong halos lahat ata ng miyembro ng Agiria ay nandirito sa silid na ito. Mukhang magkakaklass kaming lahat sa asignaturang ito kahit pa magkakaiba kami ng clan.
Sa pagpasok namin ay ramdam ko ang mga tingin nila sa amin. Si Heart lang ang nakita kong nakangiti sa amin kaya nginitian ko rin siya pabalik.
Tanging ang upuan na lamang sa likod ang bakante kaya't inukupahan na namin ito.
Ang ayos sa loob ay kada lamesa ay may dalawang tao at dahil lima kami ay nagtabi na lang kaming tatlo nina Ari at Fira habang ang dalawa naman ang nagtabi. Habang nasa kabilang lamesa na katabi namin ay nakapwesto naman sina Ash at Zai.
Nang magtama ang tingin namin ay agad na sumama ang timpla ng mukha ko ayan na naman siya sa irap niya. Hindi siguro buo araw niya kapag hindi siya nakakairap. Napakabakla talaga. Geez.
Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Zai sa tabi ni Abo.
Mukhang narinig niya ang sinabi ko. Bakit ba ang hilig niyang magbasa ng iniisip ko?
"Cause you lose control when you're irritated," narinig kong sagot niya gamit ang telepathy.
Hindi ko na lang siya pinansin at sinara nang napakahigpit ang utak ko para hindi niya na mapasok.
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" maangas na tanong ng hambog na si Abo.
"Nothing," sagot ni Zai na may ngiti pa rin sa labi bago tumingin sa akin nang nakakaloko.
Hindi ko talaga sila maintindihan. Madalas ayos silang kahalubilo pero madalas ay pinagsusupetyahan nila kami.
Inirapan ko na lang sila bago humarap sa harap nang makita kong nando'n na ang magiging guro namin sa asignaturang 'to. Ito ang klaseng masasabing kong pinakaaabangan ko. Umaaasang isa ito sa maging daan para matulungan kami para maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang tingin ng lahat sa amin. Sana nga, sana makatulong 'tong klaseng ito.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆