Whispering Destiny
Kabanata 23 | Ships
____________________________________
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata dahil sa kakaibang lamig na aking nararamdaman. Nasaan ako? Bakit ang lamig?
"Vera! Gising na si Vera! Madali!" sigaw ni Eren bago ako niyakap nang pagkahigpit higpit kasabay nang pagdumog sa akin ng apat.
"Teka, layo muna. Ang sakit pa ng katawan ko," sagot ko na agad nilang sinunod.
Hindi makapaniwalang napahugot ako ng hangin nang maalala ko ang lahat ng nangyari. Bakit ba lagi na lang akong napapahamak at kamuntik palagi mamatay? Kakambal ko na ata si kamatayan.
"Good to know na gising ka na, Ms. Vera. It's your fourth time in here considering that you've just got in here," sabi niya. Hindi ko alam kung pang-uuyam ba 'yon o hindi.
"Unluckily death is within me," loko sagot ko.
Hindi ko na malayang pang-apat na beses ko na rito. Geez.
"Maaaring ka ng ma-discharge after mong mainom ang mga gamot mo. You have to drink it thrice a day for a week. Heto, kompleto na rin ang lahat diyan," sabi niya habang inaabot sa akin ang lalagyan ng mga gamot.
"Hope not to see you again here, Ms. Vera," sabi niya bago umalis.
Hays. Bakit kasi ang lapitin ko ng kapahamakan. Parang hindi na ata mawawala sa akin 'yon.
Gaya ng sabi niya ay ininom ko na lang ang gamot na binigay niya bago lumabas ng klinika. Hindi rin naalis sa aking tingin ang pagkatamlay ni Sirene habang patungo kami sa aming tuluyan.
"Ayos ka lang ba Si?" tanong ko sa matamlay na si Sirene.
"Oo naman. Ayos lang," sagot niya.
"Maputla ka kasi kaya natanong ko."
"Inatake rin kasi siya ng soulghoul na umatake sa 'yo kanina. Mabuti na lang at napatay nila agad kundi mas lumalala pa ang nangyari sa inyo. Alam ko bang kamuntik ka nang maubusan ng dugo dahil sa dami ng nawala sa 'yo? Buti na lang kaskasero 'yong mga kasama natin at naidala kayo agad kay Dr. Leah," pagkukwento ni Eren.
"Patay. Pumatay kayo?" nagulat ako sa nalaman ko. Pumatay sila?
"Oo. Iyon lang ang tanging paraan para matigil ito," sagot ni Ari.
Nagkibit balikat na lang ako ni hindi ko kasi halos alam ang nangyayari kanina kahit pa sabihing gising ang diwa ko eh puro sakit lang ang aking nadarama at hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga ganap sa paligid. Ayoko na rin pang isipin na nakapatay sila ng dahil sa akin.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa aming building nang makita namin sa parang sala dahil sa sopa at malaking parang TV screen na nasa pader ang halos lahat ng taga-Agiria na kasalukuyang nandirito ngayon.
"Good to know na okay na kayo," sabi ni Wanner patungkol sa akin at Sirene.
Tinanguan lang siya ni Sirene habang nagpatuloy kami sa paglalakad paakyat sa aming tuluyan. May apat na dorm sa aming building at kada isa ay lima o anim ang katao. Sa pagkakaalam ko ay wala namang anim sa ka dahilanang bents lang naman kami kaya't lima katao bawat dorm.
Bago pa man kami tuluyang makaakyat ay huminto ako at nilingon si Wanner. Nakita ko ang nag-aantay na tingin nito.
"Thank you," sabi ko bago ako humarap ulit sa daanan at sumunod na sa kanila papaakyat.
"Hey, Vera! Did you just say thank you to me?" sigaw niya na hindi makapaniwala.
Hindi ko na siya muling nilingon at pumasok na sa dorm namin.
"Iba rin. Nagpasalamat ang babaita," panunukso ni Ari.
Ayan nagbabalik na naman tayo sa pang-aasar nila. Senyales na ayos na muli ang bawat isa.
"Akala ko ba si Zaireh ka. Ayan talaga Vera ang lakas mo talaga," tukso pa ni Eren.
"Puwede ba. Tigilan niyo nga ako," sabi ko sa asar kong tono.
"Sa amin nga ni hindi ka man lang nagpasalamat tapos kay Wanner," gatong pa nito ni Sirene.
Aba't baka gusto nitong bumalik sa pagkakasakit ng katawan.
"Alam ko namang ramdam niyo 'yong pagpapasalamat ko sa inyo kahit hindi ko sabihin pero salamat. Salamat sa inyo," sabi ko na nagbabakasakaling magpapatigil ng pang-aasar nila.
"Basta team ZaiRa ako," sabi ni Fira na nakasalampak sa malambot na sopa.
ZaiRa? Ano raw?
"Me too. Team ZaiRa! For the win!" sabi pa ni Eren.
Pinagtutulungan na naman nila ako.
"Ako VeNner!" sabi naman nito ni Ari.
E 'di sige sila na lang. Gumawa pa ng korning tambalan sa pangalan namin. Nakakakilabot.
"Ako lang ba ang AshRa?" inosente pa kunong sabi ni Sirene habang nakahawak pa sa baba niya.
"Bet!" sabay sabay na sabi nila. Nako naman talaga.
"Kanina nga halo— Puwede 'wag ngayon. Tigilan niyo ako. At ikaw Sirene akala mo ba hindi ko pansin ang paninitig mo kay Mount," pagpupuna ko sa nakita ko kanina kasabay ng panlalaki ng mata ni Sirene na mukhang 'di inaasahan na mapapansin ko 'yon.
Huwag mong sabihing may gusto siya sa lalaking 'yon? Huwag niya lang tangkain.
"Puwede huwag mo nilalayo ang usapan. Sino ba mas gusto mo sa tatlo?" pagtatanggol ni Ari kay Sirene. Aba't mukhang kay Sirene siya ngayon kakampi ah.
"Pasensya ka sinuhulan ako ngayon ni Sirene ng dala niyang mga tsokolate," sabi niya habang pinapakita ito sa amin. Napairap na lang ako sa ginawa niya. Kahit kailan talaga.
"Ewan ko sa inyo. Tiyaka puwede tigil tigilan niyo 'ko. Wala akong balak at hindi ako interesado sa mga lalakeng 'yon. Huwag niyong kalimutan kung paano nila tayo tinggnan at pagsupetsyahan. Kaya wala. Wala akong gusto ni isa sa kanila at binding hindi magkakaroon," sagot ko bago dumiretso sa kwarto ko at sumalampak sa malambot na kama.
Alam ko namang katuwaan lang ang panunukso nilang 'yon at alam kong sa sarili ko na wala akong oras sa mga gano'ng bagay. Mas mas importante akong kailangan pagtuunan ng pansin at ayoko ng dagdagan 'yon.
Dahil sa pagod sa nangyari kanina ay agad akong nilamon ng antok.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Nagising ako sa pagtama ng araw sa mukha ko. Ngayon ko pinagsisihan na may bintana ang tapat ng higaan ko. Kinapa ko ang orasan at nakitang alas sais trenta.
Ilang minuto pa akong natanga at mabilis napabangon nang mapagtanto ang oras.
Jusko, Vera huli na naman akong nagising. Alas siets impunto dapat na sa dining hall na kami. Ayos talaga.
Mabilis akong kumilos papasok ng banyo. Minadali ko na lang ang pagligo at mabilis na nakapagbihis sa tulong ng mystic na mayroon ang kwarto 'to.
Alas sais kwarenta nang makalabas ako at nakita kong kapwa naghihikahos din ang apat sa pagmamadali.
"Kailangan na nating gumora! Late na naman tayo," sabi ni Ari bago nanguna sa pagtakbo.
Isipin niyo ha. Nakatakong pa kami na bota tapos hilig namin tumakbo.
"Teka teka nakalimutan ko 'yong sumbrero ko," sabi ni Eren at agad agad niyang tinakbo ang maliit na sumbrero niyang itim at inilagay sa kanang bahagi ng buhok niya.
Gosh. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako sanay sa suot namin. Napakadaming patong. Buti na nga lang ay malamig ang klima rito kumpara sa bayan. Kasi aba kung susuotin mo 'to sa bayan ewan ko na lang baka maligo na kami sa pawis.
Napakaarte kasi ng uniporme sa akademyang 'to, ewan ko ba kung kailan ko ito makakasanayan.
Hindi kagaya nitong mga nakaraan na halos magkapatayan kami sa pagmamadali ay matino kaming nakarating ngayon sa Grand Hall.
Halos pinagtitinginan kami dahil halos pabagsak na binuksan ni Ari ang pinto. Ngumiwi lang si Ari nang mapansin 'yon.
Humahangos kaming naglakad papunta sa gitna para kumain na. Lagi na lang kaming sakto sa oras, ano na.
"Ano bang ginagawa niyo tuwing gabi at lagi kayong late," kyuryos na tanong ni Heart.
Hindi ko na narinig ang sagot ni Sirene kay Heart at umupo na sa aking pwesto.
Nakita ko na kumpleto na ang lahat at kami na talaga ang huling dumating. Nag-aantay na lang kami ng hudyat para magsimula ng kumain.
Napakaorganisado talaga ng lahat sa paaralang ito. Pati oras dapat sakto 'di katulad sa nakasanayan naming filipino time na usapan ay alas siete darating ng alas otso o kaya madalas alas nuebe na. Tapos pati rin pagkain ng umagahan, tanhhalian, at gabihan sabay sabay dapat.
Tagalog lang ang ginagamit na wika rito na madalas ay Ingles kaya maging ako ay nahahawa na. Kung susumahin ang atmospera at mga kaganapan dito ay masasabi kong malayong malayo sa nakasanayan naming bayan.
Nawala ako sa pag-iisip ng mga bagay bagay ng bigla akong makarinig ng pagtunog ng kubyertos hudyat na maaari na kaming magsimula kumain.
Isa isang nagsidatingan ang mga mga pagkain na dala dala ng kung anong creature rito na makukulay.
Hindi ko na sila napagtuunan ng pansin dahil gutom na gutom na ako. Wala akong kain kagabi dahil sa nangyari
Wala akong pake sa mga matang nakatingin sa akin ngayon dahil sa paraan ko ng pagkain. Aba't pakealaman nila ang pagkain nila 'wag ako.
"Di halatang gutom, Vera," sabi ng katabi kong si Fira.
"Slight lang," pang-uuyam kong sabi at pinagpatuloy muli ang pagkain. Hindi pa ako nagutom ng ganito kalala hanggang ngayon.
"Sabi ko na hindi dapat ginugutom si Vera. Tamo mo pati plato ata balak niya ng kainin," komento naman ng katabi ni Fira na si Ari.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang kumakain pa rin.
"Alam mo sana lagi ka na lang gutom. Ang cute mo kumain eh parang baboy na gutom na gutom," sabi namin nito ni Eren habang bumubungisngis pa sa harap ko.
Aba sumusobra itong isang ito ah. Pasalamat kayo at gutom ako. Palalampasin ko muna ang araw na ito.
"Puwede, let's just eat," sabi ko at nagsimula na namang kumain. I can't stop eating.
"Hays, Vera. Kahit kailan wala kang pake sa taong nakapaligid sa 'yo paggutom ka," sabi ni Sirene na iiling iling pa.
Ano naman kung anong tingin ng ibang tao sa akin? Ano ngayon? Basta alam kong wala naman akong ginagawang masama kaya't bakit ko sila iisipan pa. At isa pa kahit masama pa ang tingin nila sa akin ay wala pa rin akong pake kasi mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa lahat ng taong mapanghusga. Sapat na sa akin na kilala ko ang sarili ko at kilala ako ng mga kaibigan at pamilya ko at tanggap nila kung sino ako.
Ngunit sa lugar na kinagagalawan namin ngayon ay parang ang hirap ipagsawalang bahala na lang ang lahat, dahil ramdam mo at alam mo sa sarili mo na pinagsususpetsyahan ka nila. Pero anong magagawa ko, namin? May mga gano'n talagang tao, mapanghusga. Hindi pa nga nila alam ang buong kwento ay huhusgahan ka na kaagad. Mas pipiliin nilang maniwala sa sabi sabi kaysa sa mismong tao. Sa kaso naman namin ay ipaintindi na ang lahat ay parang wala pa rin sa nakakarinig.
Sarado ang tainga nila sa mga paliwanag naman. Iyong tipong nagsasabi ka ng totoo pero tingin nila sa 'yo sinungaling. Kailangan bang magsinungaling na lamang para matahimik at matigil na sila?
Kung hindi pala sila tiwala sa amin, bakit pa nila kami tinanggap dito?
Hindi ko na napansin ang oras dahil sa mga g**o sa isip ko. Kinuha ko na lang ang gamot na pinapainom ni Dr. Leah bago nagsimulang maglakad papalabas ng dining hall.
Sana naman 'di ba walang gulong mangyari ngayon. Pahinga naman. Lagi na lang akong napapahamak. Awat muna ngayon.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆