Whispering Destiny
Kabanata 22 | Soulghoul
_____________________________________
"Vera! Anong nangyayari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Eren sa tabi ko.
"It hurts! Stop it! Stop it!" sigaw ko habang nakaluhod sa sakit na nararamdaman ko.
Parang hinihigop ang kaluluwa ko at wala akong magawa kundi ang sumigaw sa sakit.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" sigaw na tanong ni Eren sa mga lalaki.
"Can you please stop the act now," malamig na sagot ni Ash habang kalmado lang na nakasandal sa kotse.
"Mierda! Tama na! Please, patigilan niyo!" naiiyak na ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko na lamang tumigil ang lahat.
"Mukha bang umaarte kami? Stop what you are doing now or you'll regret it!" sigaw pa ni Ari na nagbabanta.
Nanlalabo na ang mga mata ko sa sakit. Please, stop the pain.
"Hindi na bebenta samin 'yan— Ititigil niyo o kami ang magpapatigil sa inyo?" pagpuputol ni Sirene sa sasabihin ni Mount.
Sa nanlalabo kong mata ay nakita ko ang galit at seryosong mukha ni Sirene.
She's mad. This is bad.
I badly wanted to calm Sirene, but I know I can't. Hindi ko na halos alam ang nararamdaman ko. Sobrang sakit na hindi ko alam kung paano matitigil ang sakit. Naramdaman ko ang paglabas ng dugo sa ilong ko. Tuloy tuloy itong lumabas at hindi tumitigil. Kahit patigilin ko ito ay hindi humihinto.
"Please! Stop it! Ang sakit sakit na!" halohalong emosyon na rin ang nararamdaman ko sa hindi ko malamang dahilan pero sa kabila nito ay naririnig ko pa rin nang malinaw ang nangyayari sa aking paligid na para akong tinotorture.
"I told you to stop it," narinig kong sabi ni Sirene bago ko nakita ang pagtalsik ng lima. They were caught on guard sa biglaang pag-atake ni Sirene.
Nakita ko ang gulat sa mga mata nila pero agad naman silang nakabawi.
"Stop her or else we're all be screwed," seryosong utos ni Zaireh.
"Titigil lang ako 'pag tinigilan niyo si Vera," sabi pa ni Sirene bago sunod sunod na umatake.
Hindi sila nakaiwas sa ginawang pag-atake ni Sirene. Pilit nilang hindi gumamit ng mahika na maaaring makapahamak sa amin.
"Stop it now, Sirene! You're endangering all of us," sigaw ni Briz.
"Si! Sirene, stop it!" sigaw ko nang makita kong aatake pa siya ng mas malakas na maaaring makapatay sa kanila.
When she's mad she's not thinking right. Napahawak ako sa aking kwintas at tinawag si Zeke.
"Help me. Help me, Zeke!" paghihingi ko ng tulong kay Zeke.
'Master! You need to get out of here right now! There's a Soulghoul nearby!'
"Soulghoul, what?" tanong ko pa pero 'di ko na narinig pa ang naging sagot niya ng mas lalong sumakit ang nararamdaman ko.
Patuloy lamang ako sa pagsigaw. Hanggang sa naramdaman ko ang dugo na ngayo'y lumalabas na sa aking bibig na talagang kinahintakutan ko.
"Dalhin na natin siya sa ospital! Vera!" natatarantang sabi ni Eren bago akmang kukuha ng telepono.
"No. We need to get out of here as soon as possible. There's a soulghoul around!" sabi ni Zaireh na mukhang sinabihan ni Zeke o napansin niya lang.
Nanlalabo na ang paningin ko at halos wala na akong makita. Puro sakit na lang ang nararamdaman ko.
"Puwede ba! Anong sinasabi mo? Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" naiiyak na sigaw ni Eren.
"No! A doctor can't save her! We just need to get out of here and lure the soulghoul out," sagot ni Ash.
Naramdaman ko na may bumuhat sa akin pero halos 'di ko na makita sa nanlalabo kong mata. Ramdam ko pa rin ang patuloy na pagdurugo ng ilong ko.
"Get in the car now!" sigaw ni Briz.
"Just stay conscious, Vera," huli kong narinig na boses lalaking hindi ko na halos makilala bago ako nawalan ng malay.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Airilyn
Mabilis kaming sumakay ng kotse kahit hindi namin alam ang nangyayari. Isa lamang ang tiyak ako hindi sila ang may kagagawan ng nangyayari kay Vera. Pero sino?
Mabilis na pinatakbo ni Mount ang sasakyan. Kami nina, Mount, Zaireh, Wanner, at Vera ang nasa sasakyan nilang ginamit kanina. Habang nasa kabilang sasakyan ang natirang lima.
Hindi ko alam kung paano ako nahiwalay sa kanila. Bigla na lang may humila sa akin pasakay sa sasakyan. Gano'n din kay Vera na mabilis nabuhat ni Wanner nang mapagtanto ang sinabi ni Zaireh.
"Can anyone explain to me what is happening?" Puno ng takot kong tanong.
Gulong g**o na ako. Nagsisimila na akong mataranta at hindi alam ang gagawin. Nasa gitna nila Zaireh si Vera habang patuloy na kinakausap ni Wanner si Vera para manatiling gising.
Shit naman bakit ba kasi ako nasa front seat ni hindi ko mahawakan si Vera.
"A soulghoul seen through her facade. I told her not to use her mystic. She's so stubborn, she doesn't listen. Now here's the consequence," iritang sagot ni Zaireh habang patuloy pa rin sa pagmamaneho nang mabilis si Mount. I don't even know where are we heading to. I don't even know what is a soulghoul.
"What will happen to her? Is she going to be fine?" hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ano ba naman kasi Vera ang iniisip mo at sumaway ka sa 'di paggamit ng mahika.
"We just need to lure out the soulghoul. Hindi siya titigilan nito unless we kill it. There's no other way to get rid of it but to kill it," seryosong sabi ni Mount na patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Pero paano? Ni wala akong makitang soulghoul na tinutukoy niyong nakasunod sa atin," sabi ko pa habang sinisipat ang labas kung may nakasunod ba sa amin. Ni hindi ko nga alam ang itsura ng sinasabi nila eh pero baki namin ito kailangang p*****n? Isipin pa lamang ay nanlalamig na ako.
"Anong mangyayari kapag hindi natin napalabas 'yonh soulghoul at mapatay?" kinakabahang tanong ko.
"Unti unting kakainin ng soulghoul ang kaluluwa niya. Then she'll eventually die," sagot ni Wanner na nagpalamig sa buong katawan ko.
"No! Hindi ako papayag. Hindi Puwede mangyari ang bagay na 'yan!" sagot ko pa na halos pasigaw na.
"Tell me, paano natin mapapalabas ang sinasabi niyo?" desperadong tanong ko. Hindi ko papayagan na mangyari ang sinasabi nila kay Vera.
Kahit na minsan ang tigas ng ulo at pilosopa si Vera hindi ko hahayaan na mamatay siya ng basta basta o mapahamak man lang. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya gaya ng lagi niyang ginagawa sa amin.
"Kailangan nating makarating sa dinaanan natin kanina. Doon lang natin mapapalabas ang soulghoul, then we'll kill it. I bet you know how to fight one?" ang sabi ni Zaireh.
Ano raw? Eh hindi ko nga alam ang itsura no'n pagpatay pa kaya.
Nakikita ko na sa salamin na nakaalalay pa rin si Wanner kay Vera habang patuloy si Vera sa pagsuka ng dugo. s**t. Baka maubusan siya ng dugo.
"Vera, onting tiis na lang. Malapit na tayo," ang sabi ni Wanner habang nakahawak sa kamay ni Vera.
Halos mapakapit ako nang lampasan ni Mount ang isang sasakyan. s**t. Nalimutan kong mag-sealbelt kaya agad agad kong sinuot 'yon. Kamuntikan na ako sumubsob dahil sa bilis ng pagmamaneho niya. Jusko.
"I don't think I can make it through," uutal utal na sabi ni Vera na nagpagalit sa akin.
"Shut up! Anong sinasabi mo! You can make it just hold still!" sabi ko at halos mapakapit ako kay Mount ng halos magkasabay na nagpaunahan ang sasakyan nila Sirene na halos magkabangga na kundi lang mabilis na nailiko ni Mount.
Nagpapakamatay ba sila? What the hell! Pero ni hindi ko magawang magreklamo dahil sa kailangan namin ito at para kay Vera.
Nakita ko sa bintana na si Ash ang nagmamaneho sa nauuna na ngayong sasakyan nila.
Mabuti na lang at nagpapasalamat ako dahil nasa haywey kami kundi ay natawagan at napagmulta na kami dahil sa reckless driving at over speeding.
Natatanaw ko na ang tarangkang pula na dinaanan namin kanina. Mabilis na pinagbuksan kami ng nit. Naunang pumasok ang sasakyan nila Ash habang magkasunod lang ang amin.
Agad kong tinanggal ang seatbelt ko nang makarating kami at lumabas ng sasakyan. Gano'n din ang ginawa nila habang buhat buhat ni Wanner ang kaawa awang kalagayan ni Vera.
"Stop hiding I know you're with us!" sigaw ni Ash na umalingawngaw sa buong paligid.
Agad akong lumapit sa tabi nila Sirene na halos mahapo dahil sa pagmamadali at desperasyon na matigil na ang nangyayari.
Agad kong naramdaman ang enerhiya ni Zaireh na pumalibot sa amin at sa gate. Gumawa siya ng barrier para maitago ang enerhiya namin sa labas. I know. I can feel it.
"If I've only know how to treat wounds," ang sabi ni Sirene habang nakatingin kay Vera nabuhat buhat pa rin ngayon ni Wanner na kasalukuyang pinipigilan ang paglabas ng dugo mula sa ilong at bibig nito.
"Huwag mong antaying maubos ang pasensya ko at ako mismo ang magpalabas sa 'yo!" Nakita ko ang galit na galit na porma ni Ash bago ako napakurap nang makitang ang kaniyang mga mata.
Ang mga mata niya ay nag-aalab dahil kasabay ng pag-iinit ng klima sa aming kinatatayuan. Gosh. I never thought him to be this scary.
"Ash," napatingin ako sa direksyon ni Zaireh na mukhang pinapakalma ito.
Sabay sabay kaming napaatras ng bigla na lamang may sumulpot na hindi ko mawari ang itsura sa harap mismo ni Sirene. Agad ko siyang kinabig palayo dahil napako siya sa kinatatayuan niya sa gulat.
Gaya ni Vera ay napaluhod din siya dahil sa biglaang enerhiya nilabas nito patungo kay Sirene. Don't tell me ginagawa niya rin kung anong ginagawa niya kay Vera? Agad na nakalapit si Fira sa puwesto namin at inatake ang soulghoul na umatake kay Sirene.
Narinig lang namin ang nakakarinding halakhak nito nang hindi man lang siya nadaplisan ni Fira.
Mas lalong nanggalaiti si Fira dahil sa ginawa niyang pagtawa at sa pangalawang pagkakataon ay hindi na siya naka ilag pa at kinuha itong oportunidad ng iba pa patamaan rin siya. Sunod sunod nila itong pinatamaan.
May sinambit si Wanner na mga salita nagdahilan nang pagkapulupot ng soulghoul sa mga sanga ng puno.
"They'll die. Your gonna die. Die! Die! Die! Die—" hindi niya na tapos ang pagsasalita nang tupukin siya ng apoy galing kay Ash.
Agad akong lumapit kay Sirene na nagtigil na sa pagdurugo ang ilong.
"Okay ka lang ba?" tanong ko. Napaikot ng mata na lang ako sa isipan dahil sa tanong kong halata naman sagot. Malamang hindi siya ayos.
"Mas ayos kumpara sa kanina na parang nagkakalasan ang katawan ko," sagot niya at agad ko naman siya inalalayan patayo. Nakita ko ang tingin ni Mount sa direksyon namin na agad ding nawala.
Sunod kaming dumako sa direksyon ni Vera.
"Hey! Vera!" pagtatapik ni Fira kay Vera pero unti unti nang pumipikit ang mga mata nito.
"No! No!" sigaw ni Eren na maluluha na. Hindi ko na nasundan ang nangyari nang mabilis pa sa hangin na binuhat ni Ash si Vera.
"We need to get her to Dr. Leah," sabi niya bago kami muling sumakay sa sasakyan.
Kapit lang, Vera.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆