Kabanata 21

2399 Words
Whispering Destiny Kabanata 21 | Argument _____________________________________ "Nag-usap tayo bago umalis. You agreed na hindi gagamit ng mystic, but yet you did. What if an Elliol sense us? Are you even thinking? You'll ruin everything we've plan," tila asar na sermon sa akin ni Zaireh. Napaikot na lang ako ng mata sa sinabi niya. Wala siyang ibang pakialam at iniisip kundi ang misyon. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso muna kami sa silid kung saan dinidala ang aming mga bisita at ngayon ay pinapagalitan na nga niya ako. "Hindi ba ito naman ang rason ng pagpunta natin dito? Huwag ka na ngang magkaila. Parehas lang tayo rito na gusto makakuha ng sagot. Gusto ko lang naman malaman kung totoo 'yong sinasabi nila. Masama ba 'yon? Gusto ko ng sagot Zai, sagot!" "What? Is that because of us thinking you're a mole in our world? Na isa kayong espiya mula sa Eziariel?" sabi niya na nagpatigil sa akin at lalong nagpaasar. "Paano kung sabihin kong oo? Anong gagawin mo? May magagawa ka ba?" seryosong sabi ko na may diin. "You know I was thinking, kung matagal niyo na bang plinano ito. As what I see it is well planned." Napasinghap ako sa sinabi niya. "You know what? This is bullshit. Wala kaming ginusto ni isa rito. Before you come to the conclusion you should first provided me an evidence the next time you will talk to me. Kasi simula't sapul wala kaming pinaplano. Tanging ginusto lang namin ay ang matulungan ang aming mga pamilya at maiahon sila sa hirap. Tingin mo ba ginusto namin 'to? Ni hindi namin pinangarap na magkaroon ng ganitong kapangyarihan gaya niyo. We just wanted to live normal. In a normal world surrounded with a normal people." Pinantayan ko titig niya sa akin, umaaasa na sa bawat tingin ko ay mailabas pa ang mga salitang hindi ko na mabigkas. "Now you choose, if you'll believe me or not. 'Cause right at this moment I don't give a damn," sabi ko bago tumayo sa pagkauupo sa sopa at dumiretso sa pintuan. "I'll be back before ten. You can do what ever you want," pahabol ko bago tuluyang lumabas ng silid. Bakit? Bakit kami napasok dito, sa mundong ito? Gano'n na ba kalaki ang kapalit ng paghahangad na matulungan ang pamilya? Ang tanging gusto ko lang naman ay makatulong pero bakit parang hirap naman atang makamit ng gusto ko. Bakit pati magulang namin hindi ito alam? Ramdam ko na wala silang alam at ang sinseredad sa mga sinasabi nila. Nababaliw na ba kami, ako? Totoo pa ba 'to? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin. Pumasok ako sa kwarto ko at sumalampak ng higa sa marupok kong kama. Puwede bang hindi na lang ako bumalik? Mayroon bahagi sa aking isipan na sinasabing manatili na lang dito at magsimula ng panibagong buhay. Ayokong iwan ang aking mga magulang ngunit sa sinabi ni Zaireh ay malaking ang tiyansang kailanman ay hindi ko na matagal na makasama ang aking mga magulang sapagkat iba na ang mundong ginagalawan ko sa kanila. Kahit gano'n ay maraming paano at tanong na pumapasok sa akin. Paano kung dahil sa akin masira ang balanse ng mundo? Paano kung makuha ako ng mga Elliol at madamay ang mga magulang at mahahalagang tao sa buhay ko? Anong gagawin nila sa akin? If I'll stay, am I ready to face the consequences? The criticism of people, the fear of them if they'll find out what I am capable of? Pero may isang bahagi rin sa akin na sinasabing magpatuloy. Gusto ko ng sagot sa mga tanong ko. Mga tanong na patuloy akong ginugulo na tanging sa mundo ng mahika ko lang malalaman. I want to explore new things. I want to know myself even more. Pero paano? Kung patuloy pa rin nila kaming pinagsususpetsyahan? I wanna live not just survive. Hindi ko na alam ang gagawin ko. But one things for sure, I don't wanna hurt anyone because of my decisions. Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa rami ng iniisip at nagising na lamang ng maga-alas-dies na ng umaga. Kaya nag-ayos na ako at naligo saglit bago lumabas ng kwarto dala ang mga gamit na dadalhin ko sa pagbabalik sa Gravallea. Pinili ko lang ang dadalhin ko dahil sa katunayan ay 'di ko na kailangan pa ng mga kagamitan dahil kusa ko itong nakukuha sa mundo ng mahika. Mas madami akong dinalang mga pagkaing wala doon at sisterya. Nagkasya naman siya sa maliit na dala kong bagahe. Ngunit ang pinakaimportanteng dinala ko ay ang litrato na kuha kasama ang aking pamilya. Napagdesisyon kong magpatuloy sa Gravellea. Gustong tapusin ang aking nasimulan. Kahit pa alam kong madami akong kailangang ipaubaya at iwan katulad na lamang ng normal kong buhay kapiling ang aking mga magulang. Mas nanaig sa akin kaligtasan ng aking pamilya. Alam ko kasing kapag nanatili ako mas lalo lang akong magdadala ng panganib, kahirapan, at kaguluhan hindi lang kay na ama at ina pero pati na rin sa balanse ng mundo at 'yon ang pinakaiiwasan kong mangyari. Pamilya nga ang dahilan kaya ako nag-unibersidad kaya't paninindigan ko na lamang ito. Mabuti ng ako na ang mahirapan dahil sa mga matang mapanghuhusga tinitingnan kami na parang isang malaking ahas sa sariling bakuran. Dinaanan ko na si Zaireh sa kanyang silid at kumatok sa pintuan. Mga ilang minuto pero wala pa ring nagbubukas ng pintuan kaya kusa ko nang binuksan ang pintuan. Naabutan kong tulog pa si Zaireh. Mukha siyang mabait kapag natutulog. Sana lagi na lang siyang tulog. Lumapit ako malapit sa higaan at tinapik tapik siya para magising. "Gising na, Zaireh. Kailangan na nating umalis," panggigising ko pero parang walang nangyayari. Napabuntong hininga na lang ako bago muli siyang ginising. "Zaireh, bumangon ka na," ulit ko pa. Hindi ko alam kung nakailang gising ako sa kanya pero 'di pa rin nagigising ang loko kaya nakaisip ako ng kalokohan. Ayaw mo gumising ah. Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya at sumigaw nang paglalakas lakas. "Gising na mahal na hari!" pagsisigaw ko sa tainga niya na mukhang epektib dahil sa pagkalaki ng kanyang mga mata sa gulat. Napangisi ako sa sa satispaksyon sa kanyang reaksyon at bahagya ko pang inangat ang aking ulo para makita ng mas maigi ang reaksyon niya pero ako naman ang nagulat at na tanga nang kamuntik na magtama ang aming labi sa bigla niyang pag-ikot. Napako ang aking tingin sa mga mata niyang itim na itim. Hindi ko alam ang gagawin. Parang na estatwa sa aking kinatatayuan. Umabot ng ilang segundo bago siya magtaas ng isang kilay kaya agad akong nabalik sa sarili ko at tumayo nang matuwid. Parang umakyat ang dugo sa aking mga pisngi dahil do'n. Shit. Nakakahiya. Kamuntik na 'yon. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Tara na. Maga-alas dies na," sabi ko bago nauna na sa paglabas ng kwarto. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa nangyari kanina. Kamuntik na. Kamuntik na makuha ng taong 'yon ang aking unang halil. Kasi kalokohan mo, Vera. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang pababa ako ng hagdanan namin. "O aalis na kayo?" tanong ni Ina sa akin na nakita kong nag-aayos ng sofa namin sa sala. "Opo Nay eh. Mag-iingat po kayo rito ah," sabi ko habang niyayakap si Inay ng mahigpit. "Ano ka bang bata ka siyempre naman mag-iingat kami. Ikaw nga dapat ang mag-iingat kasi matagal kang mawawala sa 'yong pag-aaral," sabi niya habang nakahawak sa mga braso ko. "Magkaklase ba kayo 'nak ni Vera? Kaya ba sinamahan mo siya rito?" pagtatanong ni Inay at nakita ko na lamang si Zaireh na nasa likod ko na. Naalala ko na naman 'yong kanina kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Yes po. Mula po bata ay sa unibersidad na 'yon na ako nag-aral," nakangiting sagot ni Zaireh sa tanong ni Inay. "Aba't mabuti kung gano'n. Ikaw na ang bahala kay Vera," sabi niya habang lumalapit kay Zaireh. "Makakaasa po kayo," Hindi ko namalayang napairap at napaikot ng mata sa kanyang sinagot. Mabuti at hindi napansin ni Inay. "O' siya mauna na kayo at alam mo naman ang Inay marami pang labadang tatapusin," sabi ni Inay habang ginigiya kami papunta sa labas. "Nakakotse pala kayo 'nak. Mabuti na lang at naturuan ka ng ama mo. Sayang at nauna na sit sa trabaho." "Kaya nga, Nay. Buti na lang talaga," ngiting sagot ko. Hindi rin nagtagal ay napahinto na kami kung saan nakagarahe ang dala naming mga sasakyan. "Mauna na po kami, Nay. Mamimiss ko kayo ng sobrang sobra sobra," sabi ko habang mahigpit siyang niyakap. Alam kong ito na ang huli kong tiyansang na makita siya. Hindi ko sila maaaring makausap at magkaroon man lang ng koneksyon kapag nagsimula na akong umapak muli sa mundong iyon. "Mas mimiss kita, Vera," sabi niya na gumanti sa mga yakap ko. "Sa pagbalik ko nay ay hindi mo na kailangan pang maglabada at si ama na magtrabaho pa sa mga Luerca. Pasensya rin po sa kagabi nay." "Mauuna na po kami," paalam ko at halos ayoko ng humiwalay sa mga yakap niya pero kailangan "Mauuna na po kami. It's nice to meet you po Mrs. Saldivar," sabi ni Zaireh habang nagmamano kay Inay. Marahang tinapik lamang ni Ina ang balikat ni Zaireh dahil sa kanyang ginawa "Sige na. Zaireh ang habilin ko. Ingatan mo ang anak kong si Vera," sabi niya bago kami pumasok ng sasakyan at 'di ko na narinig pa ang sinagot ni Zaireh. Ito na siguro ang pinakamahirap na desisyong aking gagawin. Ang iwan sila. Naramdam ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan. No. Kailangan kong maging matapang. Nagsisimula pa lang ang lahat. I can't be weak. Sa pag-andar ko ng sasakyan ay tanaw na tanaw ko ang papaliit na pigura ng aking Ina na mas nagpasikip ng aking puso. Kagat labing nagdiretso na ako sa amimg kitaan. Hindi na namin kailangang daanan sila dahil paniguradong kapwa nag-traysikel sila papunta ro'n ayon na rin sa aming usapan. Minuto lang ang inabot bago kami makarating sa parke dito at tinabi muna panandalian anh sasakyan. Maga-alas dies na at ilang minuto kaming nauna ni Zaireh. Naramdaman ko ang presensya ni Zaireh sa tabi ko na sumandal sa likod ng kotse at nakapamulsa pa. Dama ko pa rin ang ilangan sa amin pero imbis na pagtuunan 'yon ng pansin ay minabuti kong tawagan si Fira. Dinala ko nga pala ang aking selpon at kamerang aking napanalunan dati sa ekwela. Baka sakaling magamit ko kasi ro'n bukod sa gusto ko talaga rin ng Ceamera. Agad naman sinagot ni Fira ang aking tawag. "Asan na kayo?" pagtatanong ko. "Papunta na. Hindi gusto ang mga nangyayari," pagsagot ni Fira. "Bakit? Anong nangyari?" pagtatanong ko. "This doesn't make any sense. Later, Vera," seryosong sabi niya bago ako binabaan. Tama siya. This mission doesn't make any sense at all. It make things lot worst that we thought. Nakita ko na sa 'di kalayuan ang traysikel na luna nila Ari. Kita ko ang kaseryosohan niya pagkababa nila ni Briz. Sunod sunod namang nagsidatingan na sila at pare-parehas na parang seryoso at masama ang timpla ng mga mukha. Sobrang tahimik ng lahat at wala ni isa ang may balak magsalita. Maging sina Eren at Sirene ay mukhang wala sa karaniwan nilang ayos at napakaseryoso ng mga. I wonder what happened. "This is a f****d up mission. We didn't get any valuable information," napalingon agad ako ng basagin ni Abo ang katahimikan sa amin. "It seems like this is well planned," segunda naman ni Zaireh sa sinabi ni Abo. "What do you mean by that?" pagtatanong ni Ari na mararamdaman mo ang kaseryosohan. I don't know what happened back there, but one things for sure it wasn't good. "Sa pagpasok niyo pa lang at pagkakaroon ng mystic na katulad ng amin at sa pag-arte niyo na wala kayong alam. Do you think you can fool us? You almost broke the barrier just to hide your real intentions and identities sa pagpasok niyo sa campus. Sinasabi niyo na wala kayong alam but the opposite of what you are doing. On how you use your mystic that seems like you've trained for so long. Stop playing with us can you? You can't fool us," pagsasabi ni Briz na ikinatahimik naming lima. Ilang beses ba nila dapat ipaulit ulit at ipamukha sa amin na hindi sila naniniwala sa amin? Ilang beses din ba dapat kaming magpaliwanag sa mga makikitid na utak nila. Nakakapagod. Nakakasawa. "And now this? Nakakapagtaka lang. Even your said parents didn't know anything about this thing. Are they even your real family? Or is it just for a cover up?" dagdag pa ni Mount sa sinabi ni Briz. "Really? Ilang beses ba naming isisiksik sa makikitid niyong mga utak na wala kaming alam sa mga nangyayari sa amin?" puno ng pagpipigil na sagot ni Ari habang dinuduro pa sila. "Kasi alam niyo, ang kikitid eh. Magpaliwanag ka 'di niyo rin naman papaniwalaan so anong sense 'di ba? Tangna sa tingin niyo ginusto namin 'tong nangyayari sa amin ngayon ha?" ramdam ko na ang galit sa boses ni Ari na papalapit sa kanila habang nagsasalita. Agad naming hinawakan siya ni Eren sa balikat para pakalmahin. "If you'll still keep on insisting that we're a traitor then maybe it's better if we stay here in our world," pinal na sabi ni Fira. "You know you can't," sagot ni Wanner. "b****y hell! E 'di san na kami lulugar? Saan niyo kami gustong lumugar? f**k our mystic. f**k your world. f**k you! You're mindsets are f****d up! This is bullshit!" ramdam ko na nag-aapoy na sa galit si Fira. Parang bomba siya na bigla na lang sumabog. "We just wanted the truth for goddamn sake! You think it is f**k up? Then tell us the truth nang matapos na. Admit it, that you're one of the people sent by Eziariel to spy on us," pagdidiin pa ni Ash. Kingina naman. Hindi ba sila nakakaintindi? Sasagot pa sana ako nang makaramdam ako ng sakit sa ulo. Parang pinipiga ang aking ulo sa sakit at hindi ko halos maipinta ang aking nararamdaman. Pinilit kong kumapit at kumuha ng suporta sa kotse pero sa pagtama ng aking mga mata sa isang itim na aninong hindi maipaliwanag ang itsura ay kasabay ng aking pagluhod ko sa sakit. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD