Kabanata 20

2476 Words
Whispering Destiny Kabanata 20 | Stuck ____________________________________ Mabilis lang kaming natapos sa pagkain at napagpasyahang bumalik nasa sasakyan at magpatuloy na sa talagang pinunta namin dito at 'yon ay ang puntahan ang mga magulang namin para maghanap ng katanungan sa aming mga tanong at g**o sa isipan. "Tara na. Malapit na naman dito ang lugar namin," pag-anyaya ni Sirene sa amin. "Mabuti pa nga," pagsangayon ni Mount bago kami mag-ayos at bumalik sa kanya kanya naming sasakyan kanina. "Miss ko na si Mama," ani Ari. "Hindi na ako makapagantay na makita sila," sabi pa ni Eren. "Ako rin," dagdag pa ni Si. Kahit ako ay nangungulila na rin sa aking ama't ina. Pero bakit? Bakit kailangan nilang itago ito sa akin? Mabilis lang kaming nakarating at natatanaw ko na ang kalye papunta sa aming tahanan. "Ayan na, Vera. Grabe nakakatuwang makita," sabi ni Eren habang nakadungaw sa labas. Ramdam na ramdam namin ang paghampas ng hangin dahil sa nakabukas ang bubong ng aming sinasakyan. "Kaya nga eh. Para bang ang tagal nating nawala," sabi pa ni Sirene. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho habang patuloy pa rin sa pagsunod ang sasakyan nila. Pinasasalamat ko na lamang talaga na malawak ang daanan sa amin kahit pa'y magkakalayo ang agwat ng mga tahanan. Natatanaw na namin ang bahay nila Eren sa 'di kalayuan. Kaya hininto ko na ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay nila Eren at nakita ko rin ang paghinto ng sasakyan nila Briz. "Paano ba 'yan ako na mauuna?" ani Eren at ramdam ko ang kaba at pangungulila sa boses niya. "Sabihin mo kayla tita at tito na miss na namin sila ah," pasabi ni Sirene. "Oo naman. Sige na," paalam niya bago binuksan ang pintuan ng sasakyan. Nakita ko na bumaba na rin mula sa kabilang sasakyan si Mount. Habang kumakain kami kanina ay na pag-usapan naming ang kapares naming mystic ang sasama sa amin upang kausapin ang aming mga magulang. Kaya ngayon ay nakababa na sina Eren at Mount. Sumunod naman kami sa bahay ni Airilyn. Gaya kanina ay bumaba rin ng sasakyan si Briz at pinalitan na ni Zaireh sa pagmamaneho si Briz. "Kita-kits. Una na ako!" Eksyated na paalam ni Sirene bago bumaba ng sasakyan. "Huwag mong kakalimutang alas dies ang kitaan natin sa parke," pagpapaalala ko sa kanya. Makakalimutin kasi si Sirene. Mabuti nang sigurado. "Oo naman!" sabi niya bago bumaba rin si Wanner. Huli kong binaba si Fira sa kanilang bahay. "Paano ba 'yan. Mauuna na rin ako, Vera," sabi niya habang tinatanggal ang harnes sa kanyang katawan. "Good luck." Nginitian niya lang ako bago bumaba. Nakita ko pa ang paglabas ng sasakyan ni Abo. Napaikot na lang ako ng mata bago nagmaneho papunta sa bahay namin. Hindi naman ganun kalayuan ang bahay ko kayla Fira kaya nakarating na rin ako ng mga minuto lang. Gaya ng sabi ko kanina, magkakalayo ang bahay rito kaya't naman nagkaroon kami ng pwesto sa pag parada ng kotse. Gaya ng ginawa ko ay lamang ni Zaireh. Tahimik na sumunod lamang siya sa akin hanggang nasa labas na kami ng aming bahay. Magkahalong kaba at pagkangulila ang aking nadarama. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pintuan ng aming munting tahanan. "Vera? Anak Vera ikaw nga!" salubong sa akin ni Lola na naabutan naming nagbabasa. "Mano po." Gulat man ay sa presensya niya nagmano pa rin ako. "Saan ka bang nanggaling bata ka? Ilang araw ka nawala? Alalang alala ako sa 'yo kaya napadaya ako rito ngayon," pagsasaway sa akin ni Lola. "May pinuntahan lang po kasi kaming libreng unibersidad matapos ng pagtatapos namin. Wala pong signal doon kaya 'di ako nakapagsabi agad. Pasensya na lola," panunuyo ko sa kanya. Ayoko mang magsinungaling sa kanya pero kailangan kasi eh. "Aba't mabuti naman kung gano'n. Makakakolehiyo na ang apo ko," mahigpit ang yakap sa akin ni Lola. Na pag-usapan na rin namin nila Eren ang aming idadahilan sa aming pagbabalik para hindi magtaka ang ibang taong nakapaligid sa amin. Tanging ang mga magulang lang dapat namin ang makakapagsabi at makakakaalam sa mga nangyayari. Ito ang paalala ni Misty pa sa amin. Mas mabuti ng maingat daw. "Muntik na kitang hindi makilala dahil diyan sa mga buhok mo. O siya umupo ka muna," sabi niya bago ako giniya papaupo sa sala ng bahay pero napahinto ang tingin niya sa taong na sa likod ko. Doon ko lang naalala na kasama ko pala si Zaireh. "Ay La, si Zaireh po pala," pagpapakilala ko sa kanya bago siya sinenyasan na lumapit. Sinenyasan ko sa kanya ang kamay ko at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating at nagmano siya kay Lola. "Kaibigan ko po La si Zaireh," pagpapakilala ko muli sa kanya pagkatapos magmano ni Zaireh. Gusto kong magpaikot ng mata dahil sa sinabi ko. Friends my a*s. "Aba kay gwapong bata. O siya upo kayo," sabi niya bago kami umupo. Nakita ko ang ngiti ni Zaireh kay Lola na ngayon ko lang nakita. Bihira kasing ngumiti 'yan. Kadalasan ngisi ngisi lang siya. Kita mo nga naman, may dimples pala siya. Napansin ata ni Zaireh ang tingin ko sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ginagawa mo Vera. Geez. "Alam mo bang iho ikaw ang kauna unahang lalaking dinala niya rito," kwento ni Manang na ikinagulat ko. "La," pagtawag ko na may kasamang pagbabalala. Hindi ito ang mga karaniwang araw kung saan may ipapakilala akong nobyo sa kanila. This isn't normal. I'm not normal. My life wasn't normal anymore. "Ano ka ba. Natutuwa lang ako kasi may dinala kang lalaki rito sa bahay. Tamang tama talaga ang dating ko," natutuwang sabi niya. "La naman. Kaibigan ko lang po siya," sabi ko na lang. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat sa dati. Iyong ayos pa ang lahat at hindi ganitong kagulo. Nagkibit balikat na lang ako. Akala niya siguro ay nobyo ko si Zaireh. Sana nga gano'n na lang kadali at simple ang lahat. Normal na lang sana ang lahat. Ngunit hindi ko sinasabing gusto kong maging nobyo si Zai. Ibang usapan 'yon. "Aba't huwag ka na mahiya, Vera nasa edad ka na rin naman. Suportado lang ako sa lahat ng iyong gagawin," sabi niya na may ngiti pa sa kanyang mukha na pagkalaki laki. Magpapaliwanag pa sana ako nang makita ko ang pagpasok nina Ama at Ina. "Papa!" Napatakbo ako ng yakap dahil ngayon ko lang muli nakita si Ama sa ilang linggo niyang pagkawala sa bahay. Sumunod ko ring akapin si Ina. Grabe ko silang na-miss. "Paano ka nakabalik dito? Akala ko ba'y nasa isang unibersidad ka na? Huwag mong sabihing tumakas ka?" Takang tanong ni Ina habang hinahaplos ang aking mahahabang puting buhok. "At ang mga buhok mo, anong nangyari sa tsokolate mong mga buhok?" Dagdag niya pa. Bakit parang wala silang alam. O sadyang nagpapanggap lang sila na walang alam? "Ipakilala mo naman ang kasama mo 'nak," ani ni Ama nang mapansin si Zaireh. "Si Zaireh po, kaibigan ko," sabi ko na naguguluhan sa nangyayari. Napahinto sina Ama at Ina kay Zaireh. "Maaari ba namin kayong makausap dalawa?" seryosong sabi ko sa kanila. Hindi na ako makahintay, kailangan ko na ng sagot. "Sige ano ba 'yon, Vera? Ipapakilala mo na ba ang nobyo mo sa amin," pagtatanong ni Ina na kinasinghap ko. Bakit ba lahat sila tingin ay nobyo ko si Zaireh? Mukha ba kaming mag-nobyo't nobya? "Ina, kaibigan ko lang po siya." "Wala namang problema sa akin na magkanobyo ka anak. Ewan ko lang sa Ama mo," sabi pa ni Ina. "Ina. Seryoso nga. Kailangan namin kayong makausap." Nakita ko ang pagseryoso nila. "Mukhang seryoso ata 'yan anak. Halikayo at sa labas natin 'yan pag-usapan," sabi ni Ama. "Nay, hindi ba kayo sasama?" "Hindi na at tinatapos ko pa ang binabasa ko," ani ni Lola. "Sunod na lang kayo sa labas kung gusto niyo ah," sabi ni Ina na sinagot lamang ni Lola ng tango. Nauna na si Ina at sumabay kay Ama na maglakad palabas na kapwa nagbubulungan. Habang kami ni Zaireh ay sumusunod na lang sa kanila. "Pasensya ka na sa inasta nila," mahinang sabi ko sa kanya. "Nah. It's okay," sagot niya bago kami nakarating sa upuan sa labas ng aming bahay. Sa likod kasi ng aming bahay ay may malawak na lupain kaya't ginawa itong parang salas kung saan madalas dalhin ni Ama ang kanyang mga kaibigan kaya't may mga upuan at lamesa sa labas. Hindi man magarbong ang mga ito pero sapat na para aming magamit. Nilibot ko ang aking mga mata at inigurado kong walang tao sa paligid bago ako umupo kaharap sila. Sinenyasan ko naman si Zai na umupo sa kaharap kong upuan habang nasa harap namin sina Ina at Ama. "O siya anak, anong gusto niyong pag-usapan natin?" tanong ni Ama habang sinisipat kami ng tingin lalo na si Zaireh. "Bakit tinago niyo sa akin?" paunang tanong ko. Hindi ko na pinansin ang pagtataka sa mukha nila. "Bakit tinago niyo 'to sa akin? Sana sinabihan niyo man lang po ako. Bakit kailangan niyong maglihim," hindi ko na napigilan ang sarili sa sunod sunod na pagtatanong. Alam kong hindi dapat ako mawalan ng kontrol sa sarili ko. Magulang ko pa rin sila at mahal na mahal ko sila. Kaya pilit kong kinalma ang sarili ko. "Anong ibig mong sabihin anak?" nagtatakang tanong ni Ina sa akin. "Gravallea Institute Of Arcane. Natatandan niyo na ho ba?" tanong ko na pilit na kinakalma at pinahihina ang boses ko. "Oo naman anak. Paanong hindi ko sila maaala, sila ang nagbigay sa 'yo ng pribilehiyong makapag-aral sa isang unibersidad na kailanman ay hindi namin kakayanin ng iyong ama. Kung dahil ito sa hindi ko pagsabi sa 'yo ng harapan ay pasensya na. Natatakot lang naman kasi akong humindi ka anak. Kilala kita at alam mong ginagawa ko lang naman ang alam kong ikakabuti mo," puno ng emosyong ani ni Ina. Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi ni Ina. "Ina. Tama na po. Tama na ang pagtatago. Alam kong hindi lang iyon ang dahilan," sabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Halo halong emosyon na ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Kasagutan, iyon lamang ang tangi kong gustong makamit sa mga oras na 'to. "Vera, anong tinatago? Anak alam mong hindi namin 'yan magagawa sa 'yo ng iyong ama." "Bakit hindi niyo sinabing nagtataglay ako ng kakaibang kakayahan? Na isa pala akong Mago? Alam niyo po bang pinagsusupetsyahan kami dahil sa kapangyarihang mayroon kami? Ni hindi man lang namin malaman kung bakit dahil wala kayong sinasabi sa amin," tanong ko sa kanila na pinipigil pa ring magtaas ng boses. Alam ko lang pagod ako. Pagod sa lahat. Napakaraming tanong ang gumugulo sa utak ko at hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Nakita ko ang tingin ni Zaireh sa akin pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Mabuti nang marinig niya dahil isa rin siya sa mga taong hindi naniniwala sa amin at pinaghihinalaan kami. "Kakayahan? Kapangyarihan? Mago? Niloloko mo ba kami anak? Huwag mong sabihing pinapagpraktisan mo kami para maging artista?" natatawang tanong ni ama na mas lalong nagpahinto sa akin. Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Zaireh. Pinakikinggnan niya lahat ng sinasagot nina Ama't Ina. "Pa, naman sabihin niyo na lang po sa akin, sige na, kung bakit? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong g**o na ako. Sa tingin niyo po ba hindi ko matatanggap?" sabi ko pa na ikinatayo ko na. "Vera, hindi ka talaga namin maintindihan ngayon. Hindi ka ba tanggap sa inyong unibersidad dahil sa hindi ka galing sa maharlikang angkan?" tanong ni Ina na agad kong inilingan. "Hindi po, Ina." No. Alam kong may tinatago kayo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang sagot sa aking mga tanong. Tinitigan ko sila nang matagal at hinawakan ang aking kwintas bago ko naramdaman ang pagdaloy ng enerhiya sa katawan ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Zaireh at pagsesenyas na 'wag kong gawin pero pinagpatuloy ko pa rin. "Hide my powers Zeke. Cover me." At ngayon ay naririnig ko na ang iniisip nina Ina at Ama maging si Zaireh na pinapatigil ako sa ginagawa ko. "Stop it Vera! Mapapahamak tayo sa ginagawa mo!" narinig kong sabi ni Zaireh pero tinuon ko ang atensyon sa aking mga magulang at pinagsawalang bahala ang tinuran ni Zaireh. Mariin ko silang titigan at halos napaatras ako nang marinig ang nasa isip nila. Napakapit pa ako sa upuan ng kamuntik akong matumba sa pag-atras. "Ano bang tinutukoy ng aking anak?" "Galit ba siya sa amin?" "Vera talaga kakabasa ng mga piksyon." "Mukhang pagod lang." "Ang galing talaga mamili ng anak ko sa lalaki." Bakit? Bakit wala silang alam. Bakit? Akala ko ba may alam sila? Kung paano kami nagkaroon ng mystic. Kung bakit isa kami nagtataglay ng duplicate mystic. Kung bakit nahihirapan kami ngayon. Bakit? Bakit? Gulong g**o na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. "Pag-usapan na lang ulit natin 'to anak kapag kalmado ka na Samahan mo na rin si Zaireh sa silid niya. Kung ano ano iniisip mong Mago anak," iiling iling na sabi ni Ama sa akin bago kami giniya papasok sa loob. "Teka 'nak. Kung talagang ayaw mong mag-aral sa unibersidad na 'yon ay hayaan mong kausapin ko ang punong guro niyo. Kung ayaw mo ay siyempre bakit naman namin ipipilit. Kung saan ka masaya alam mong doon ka lang namin susuportahan ng iyong Ina." Dama ko ang sinseridad sa tono at isip ng aking Ama. Hindi ko na alam ang dapat isipin. Gulong g**o na ako sa lahat. "Ano anak sasabihin ko na ba na hindi ka na tutuloy nang maurong ko," pagtatanong ni Ama pero tanging pagtulala ang aking nagawa, hindi malaman ang gagawin. Napadako ang tingin ko kay Zaireh nang mabasa ko ang iniisip niya. "You can't get out of our world. Once you've entered there's no turning back or you'll rot in here if you choose to stay and destroy the balance of our world and theirs. Your choice," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Once you've activated your mystic ay hindi mo na kakayaning itago ito nang matagal sa mundong ito dahil kusa itong lalabas sa iyo at ito ang papatay sa 'yo. A lot of people will know about your mystic or worst an Elliol will sense you and bring you to the Forsaken Empire," sagot niya sa tanong ko. "Sige 'nak. Hayaan ka muna naming mag-isip kung iyon ang kailangano." Akmang tatayo na si Ina kaya mabilis akong nagsalita. Sa binigay niyang mga rason ay mukhang wala akong ibang pagpipilian kundi manatili sa mundong puno ng katanungan. "Ayos na po, Ina. Itutuloy ko po. Nasimulan ko na rin naman ngayon pa ba ako hihinto," sagot ko na lang kahit pa puno ng pangamba at takot ang aking puso't isipan. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD