Kabanata 19

2488 Words
Whispering Destiny Kabanata 19 | Mundane World _____________________________________ Halos ilang oras na rin kaming nagbabyahe at maingat na sinusundan ko lang ang kotse nila Briz. Hinayaan ko na lamang sa pagtulog ang apat dahil ramdam kong pagod din sila. Sa aming pagbabyahe ay bumuka na rin ang araw na siyang aking paborito sa tuwing umaga. Alas singko trenta na ng umaga. Isa't kalahating oras na kaming bumabyahe pero 'di pa rin namin nararating ang tunnel na siyang magdadala sa amin sa kakahuyan papunta sa syudad. Sa patuloy na pagmamaneho ko ay hindi ko maiwasang mapansin ang mga tao sa labas na maaga nagsigising. Hindi tulad sa bayan na maingay at magulo tuwing sumasapit ang umaga dahil sa pamamalengke. Dito ay napakasophistikada ng mga tao na animo'y ang bawat kilos ay kalkulado. Isa pa sa nakakamangha ay hindi lamang tao ang makikita mo sa labas, may mga kakaibang tao at hayop din na hindi ko mawari ang animo'y karaniwan lang sa kanila dahil sa pakikihalubilo nito sa mga tao. Halos buong siyudad ng Leojara ay makulay. Ngunit hinuna ko ay hindi lang Leojara ang siyudad dito. Kumbaga ay ito lang ang sentro ng mundong ito. Tanong pa nga rin sa akin kung nasa mundo pa rin ba kami? Itong sinasabi nilang mundo ng mahika, karugtong pa rin ba ng aming mundo? Ang daming katanungan ang naglalaro sa isipan ko ngunit isa ang sigurado ako, iyon ay may kinalaman ang tunnel sa lahat kung paanong parang nag-te-teleport kami mula sa kabilang mundo. Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng biglang makarinig ako ng kakaibang tunog na tiyak akong nagmumula sa isang selpon. Sinong nagdala ng selpon sa amin? Ang tanda ko'y nawala ang aming mga kagamitan matapos ang naming mapunta rito. Hinanap ko kung nasaan ang patuloy pa ring tumutunog na selpon. Namataan ko na lamang ito sa bandang gilid ni Fira. Hindi naman naiiba ang selpon na ito sa karaniwang gamit namin sa bayan. Isa kasi sa mga esensyal sa mga estudyante ay ang selpon kaya't maalam ako sa paggamit. Patuloy pa rin ito sa pagtunog dahil sa isang paparating na tawag mula sa isang unknown? Sasagutin ko ba? Taka man ay sinagot ko pa rin ang tawag. "What's taking you so long?" bugnot na tanong mula sa kabilang linya. Awtomatikong napaikot ang aking mata nang marinig ko ang boses ni Abo. Oo, tama kayo ng hinila, si Abo nga ang tumawag. Nilagay ko ang selpon sa may parang lalagyanan sa harapan ko at nilakasan ito. "Bakit?" tanong ko sa kabilang linya na napairap pa na animo'y nakikita niya. "Akin na nga 'yan para kang tanga, Ash— Shut up," napataas ang kilay ko nang marinig ko ang usapan sa kabilang linya. "Malapit na tayo sa tunnel. After that you'll lead the way," sabi niya. "Copy," maikiling sagot ko bago pinatay ang linya. Mukhang hindi ba ako nakikinig kanina at kailangang ipaalala pa o sadyang mainit lamang ang ulo ko sa tuwing nakakasalamuha si Abo. Napansin ko ang pagbabago ng kapaligiran. Nasa may parte na kami na hindi masyadong makulay. Mapuno na ang paligid at isang matataas na pader ang ngayo'y natatanaw ko na nakapaligid sa Leojara. Sa pagkakaalala ko ay hindi nandito ang tunnel na dinaanan namin noon. O' sadyang may iba't ibang tunnel kaya? Napailing na lamang ako at winaksi ang tanong. Ang sakit na ng aking ulo. Tama si Fira. Simula nang pumasok kami rito ay isang malaking question mark na ang lahat sa amin. Natatanaw ko na ang tunnel sa 'di kalayuan at habang papalapit kami sa tunnel ay siyang pagkawala ng mga kulay sa paligid namin. Puros pader na lamang ang nakikita ko na nagtataasan. Sa hindi malamang dahilan ay ramdam nakaramdam ako ng kakaibang pwersa na nanggagaling sa tunnel. Gaya kanina ay winaksi ko na lamang ang katanungan sa aking isipan. Nawala na sa aking tanaw ang sasakyan nila ng tuluyan itong lamunin ng dilim pagkaraan sa tunnel at ilang segundo bago kami sumunod nang pinaandar ko ang sasakyan pasunod sa kanila. Tanging itim lamang ang aking nakikita sa pagpasok sa tunnel at pakiramdam ko'y nakalutang akong nagmamaneho sa mga oras na ito. Ibang iba sa naramdaman ko ilang minuto ang nakakalipas. Hindi ko na rin nakikita ang sasakyan nila dahil puros itim ang nakikita ko. Ang ilaw na lang sa unahan ko ang tanging nagbibigay ilaw sa madilim na kapaligiran. Ilang minuto rin na parang nagmamaneho ako sa kawalan ng biglang sumalubong sa akin ang hindi inaasahang sikat ng araw. Napapikit ako nang mariin dahil sa biglang pagpasok nito. Sa pagbukas ng aking mga mata ay kaagad kong napansin ang kaibahan ng araw. Ibang iba ang sikat ng araw rito, hindi matutumbasan ang sikat ng araw sa Leojara na lugar na aming pinanggalingan. Gaya nang na pag-usapan ay nauna na ako sa pagmamaneho nakita ko ang pagbagal nila kaya inunahan ko ang sasakyan nila bago pinamaneho ito. "Magsimula na tayo, mag-ingat sa pagmamaneho," nagulat ako sa biglang pagsasalita ng nakita kong isang aplikasyon na kung tawagi'y Waze. Jusko naman. Nakalaud-ispiker pa man din itong selpon. Alam niyo 'yong tipong ang seryoso seryoso mong nagmamaneho tapos mga nagsisitulog at tahimik mga kasama mo tapos biglang may magsasalita nang malakas. Nakakagulat. Nakapormat ata ito pagkalabas namin. Ito siguro ang kinakalikot kanina ni Misty, pero bakit ngayon lang naging aktibo? Nagkibit balikat na lang ako kahit medyo nagulat ako sa nangyari ay sinundan ko na lang ang patnubay ni Waze na walang masyadong partikular na lugar kung nasaan kaming kasalukuyan. Ang sigurado lang ako ay papunta ito sa syudad namin sa La Priego. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nakakapagmaneho ako ng ganito katagal. Parati kasing saglit lamang ang oras na nagugulgol sa pagtututo ni Ama dahil nga'y hiram lang ito sa mga Luerca. Nakita ko sa gilid ng salamin ng kotse na nakasunod sa akin ang sasakyan nila kaya nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Sinipat ko naman ang mga kasama ko sa loob at nakitang tulog mantika pa rin sila. Napangisi ako nang makaisip ako ng kalokohan. Binuksan ko ang radyong nakita ko kanina pa sa gilid para magising naman sila 'di ba. Nilakasan ko pa ito at ng hindi makatiis ay singad ko talaga ito nang makaramdam sila sa ingay. Mukhang gumaan naman nang makita ko ang pag-unat ni Ari sa likod gano'n din si Eren. Si Fira sa harap ko ay biglang napamulat habang humihikab pa. Tinapik tapik naman ni Eren ang nakaunan pa na si Sirene para gumising. "Buti naman at nagising na kayo. Magandang umaga," ang sabi ko. "Nasan na tayo?" pagtatanong ni Fira. Nag-unat unat pa sila sa likod at halos magulat sila ng pindutin ko ang pindutan na nagpabukas ng bubong ng sinasakyan namin. Maging ako ay namangha sa nangyari. Nabasa ko kasi kanina sa manwal na kaya ng sasakyang ito ang ganito kaya't sinubukan ko lamang. Kita mo nga naman, talagang totoo ito. "Wow!" narinig kong mahinang bulalas ni Sirene. "Sa wakas, sariwang hangin," sabi ni Ari. Napangiti ako sa mga komento nila at ninamnam ang sariwang hangin na nang gagaling sa nakapaligid sa aming mga puno. Iba pa rin ang hangin sa aming mundo. "Teka, asan na pala nga tayo?" tanong ng nagkukusot pa ng mata na si Eren. "Walang sinabing partikular dito pero palabas tayo ngayon sa ating bayan," sagot ko. "Hala , 6:30 na pala. Ang tagal naman pala ng byahe natin," hihikab hikab na sabi ni Sirene. "Ang tagal nga rin ng tulog niyo," panguuyam ko. "Suyempre naman," sagot ni Eren na nakamaliit na ngisi pa. Nakakita ako ng pulang pintuan sa harap na mukhang hangganan ng aming dadaanan. Tanaw ko ang dalawang tao ro'ng nakabantay kaya't agad akong nagtaka. Huminto ako sa harap nito at binuksan ang bintana. "Name?" tanong ng isa sa mga bantay. "Alvera." "We're on a mission," dadag ko pa. Walang sabi sabing tinanguan lang ako nito bago may pinindot na kung ano na siyang dahilan ng pagbukas ng malaking gate. Niluwa nito ang napakahabang daang natatangi sa aming bayan dahil sa kulay rosas na bandera sa mga puno. Ngayon ko lang nalaman na may bundok banda sa haywey ng aming bayan. Nagkibit balikat na lang ako bago sinimulan na muli ang pagmamaneho. "Ano 'yon sa tingin niyo? Para saan kaya?" tanong ni Eren. "Baka alam natin 'di ba," sagot ni Ari sa kanya. Ayan na nagbabalik ang mga salitaan no Ari. Mukhang nabalik na sa haba ng kanyang tulog. Sa patuloy na pagmamaneho ay mas nagiging pamilyar na ang daanan sa akin. Mamimiss ko rin pala itong mundo namin. "Uy nagugutom na ako," sabi ni Eren. "Ako rin," segunda ni Sirene. "Isama mo na ako," dagdag ni Ari. "Gutom na kami," dagdag pa rin ni Fira. Oh? Anong gagawin ko? Ang isasagot ko sana pero siyempre 'di ko sinabi. "Kain muna tayo? Malapit na naman tayo eh. Tiyaka ilang oras na biyahe natin," sabi ko. Nagugutom na rin kasi ako at nakakapagod kaya magmaneho at nakakaantok. "Sige sige. Tara na!" ganadong sabi ni Sirene. "Saan naman tayo kakain?" pagtatanong ko sa kanila. "Siyempre ro'n tayo sa maraming tayong pagpipilian," sabi ni Ari. "E 'di saan?" tanong ko pa. "Aling Kila?" suhestyon ni Fira. "Mas gusto ko ata ng Inasal," sabi naman ni Ari. "Kaya nga mas sulit tayo sa gano'n tapos unli rice. Hala nagutom ako, bigla," sabi ni Eren at sakto narinig namin ang pagtunog ng tiyan niya kaya sabay sabay kaming napatawa. "Sige sige. Pero teka nga alas sais trenta pa lang. Ano oras pa magbubukas mga kainan alas dies pa. Sa iba muna tayo mamaya na ang Inasal," sagot ko at wala na silang nagawa pa. Gusto ko rin sana ng inasal. Sobrang sulit kasi at sarap dito sa bayan ng inasal. "Ay hala oo nga pala. Sayang naman," malungkot na sabi ni Eren na halatang gutom na. "Ay teka 'yon oh. Chibugan!" Nangingislap na mga matang ani Eren at alam kong pare-parehas kaming sangayon sa suwesyon niyang 'yon. "Sakto. Iyon na Chibugan!" pagtuturo ni Ari habang tinuturo ang karatula sa malapit. Hindi na ako nagdalawang isip pa at dumiretso na ako sa kainan. Mabuti na lamang talaga at may paradahan na sapat sa dalawang sasakyan. Bago kami nagsibabaan ay kinuha ko ang pilak na sinabi kanina ni Misty na kung sakaling kailanganin namin. Mukhang kakailanganin nga namin talaga. Nagulat man sa rami nito ay agad ding nakabawi. Ang bilang nito'y isang buwan ko ng baon sa eskwela. "Kain muna tayo," sabi ko. "Saan?" tanong naman Wanner. "Ay oo nga pala. Wala kayong alam dito. Sunod na lang kayo sa amin," pag-anyaya ni Eren bago na una nang pumasok loob. Nakita ko ang pagsunod ng lima. Mukhang gaya namin ay gutom na rin sila. Pumasok na kami sa loob at wala pang gaanong tao dahil nga'y maaga pa. Humanap na kami ng upuan pangsampo pero mukhang wala kaya pinagdugtong na lang ng tauhan sa loob ang lamesa ng sa gayo'y magkasya kami. "Anong gusto niyo?" tanong ni Eren. "Where's the menu card?" tanong ni Briz habang nakataas kilay. It's a fast food chain bro. "Kami na pala bibili para sa inyo," biglang sabi ni Eren na pupunta na sana sa unahan ng tapikin siya ni Fira papaupo. Eren talaga. Tatanong tanong tapos 'wag na. "Nakikita niyo iyong malaking karatula sa taas? Iyan iyong pagpipilian," sabi ni Ari habang tinuturo ang talaan ng putahe sa taas. Ang Chibugan kasi ay isang kung tawaging fast food chain na hinango sa kabilang bayan ng Garam na animo'y istilong pa maharlika pero mas mababa ang presyuhan. Nakakain lamang kami rito sa tuwing may mga okasyon dahil na rin sa kapos sa badyet. Hindi ko mapigilang maalala na rito sana kami kakain matapos ang aming pagtatapos kundi lamang may nangyaring hindi namin inaasahan. Nakita ko ang kakaibang titig ng mga tauhan at mga kumakain sa loob. Bakit naman kasi hindi 'di ba. Kakaiba ba naman ang kulay ng aming buhok. Sampo pa kami naiba iba kulay. Talagang pagkatitigan talaga kami. Hindi ko inaasahan nang lapitan kami ng lalaking tauhan na siyang mag-ayos ng upuan namin kanina lamang. "Ano pong sa kanila?" tanong niya partikular sa akin. "Isang Big Breakfast sa akin," sabi ko at nakita ko naman na ngumiti siya bago sinulat ito. Titig na titig siya sa akin kaya nailang naman ako sa paraan nang pagtitig niya. Binalingan ko na lang ang katabi kong si Ari. "Spicy Chicken at Hotcakes w/Hash Brown," ani Ari pero ramdam at nakikita ko pa rin sa gilid ng aking paningin na 'di pa rin nawawala ang tingin niya sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako at binalin ang tingin sa iba. Nakita ko si Wanner sa harap ko na seryosong seryoso sa ginagawa niyang pagpili. Isa isa na silang nagbigay ng kanilang mga kakainin. Inulit lang ni kuya ang aming mga order. "Sa counter na lang po kayo magbayad," ani niya na ikinatango ko na lang. Dahil alam kong wala alam ang lima sa ganitong lugar at tanging ako lamang ang may dala ng pera sa amin ay ako na ang sumunod para magbayad. "121 takil po lahat," ngiting sabi ni Rose na aking nabasa sa kanyang pin na gaya sa akademya. Nagabot naman ako ng 150 sa kanya. "Here's your change maam. 29 takil," binilang niya pa ito sa harapan ko bago niya iabot sa akin. Paalis na sana ako nang magsalita pa siya. Kaya napalingon akong muli sa kanya. "Pwede bang makuha ng litrato mula sa 'yo?" tanong niya na nagpamaang sa akin saglit. "Sige po." sabi ko na lang. Nakita kong may tinawag siya sa gilid na kasamahan niya rin bago inabot ang selpo niya rito. "Kuhaan mo kami," sabi pa ni Rose bago lumapit sa akin. "Sige sige. Okay 1, 2, 3 smile," sabi ng kumukuha sa amin kaya ngumiti na lamang ako. "Ako rin Rose kunan mo kami," sabi pa ng kasamahan niya bago ako muling ngumiti. "Ayos na po. Salamat. Enjoy your meal madam," sabay na sabi nila. Nginitian ko na lang sila bago ako magsimulang bumalik sa table namin. "Nako, Vera. Iba ka talaga," sabi ni Sirene. Umiling na ako sa tinuran niya. "Akala siguro nila artista tayo. Nakakulay ba naman buhok nating sampu eh," sabi ni Sirene na sinangayunan naman naming apat. "Baka nga," sabi pa ni Eren sabay tawa nang paglalakas lakas. Hinampas naman siya ni Ari na katabi niya dahil halos pagtinginan kami dahil sa ingay ng tawa niya. "Wait, what do you mean by artista like painter? Anong klaseng kainan ito?" sunod sunod na tanong ni Mount. Nagkatinginan naman kaming lima bago napailing. "Alam niyo bang ganyan na ganyan ang naramdaman namin nang makarating kami sa Gravallea. Ngayon ramdam niyo na kami," mahinang sabi ni Ari na mukhang rinig naman ng lahat. Sabagay totoo naman. Mas malala pa kamo ang nararanasan namin. Hanggang ngayon ay pinaghihinalaan pa rin nila kami. Ano kayo ngayon ha? Taste your own medicine. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD