RISA'S POV "Sure ka ba dyan sa plano mo, traxex?" Tanong ko kay sakanyan nang nasa harap na kami ng hospital. Nakasakay parin kaming dalawa sa kotse nya. Hinihintay naming tawagan sya ni ghio. "Sure ako dito. Gantong oras umaalis si kuya ghio at ako ang pumapalit." Sagot nya. "What? Binabantayan mo si uky?" "Ahmm, oo? Bakit masama ba?" Pinaningkitan ko sya ng mata. "May gusto ka ba kay uky?" "Ahhmm..." "May gusto ka nga!" "Nung una lang no! Pero nung tumagal nawala din naman, di ko alam kung bakit." "Wag kang lalapit ka uky." Inarte ko. "Ako nag babantay sakanya kaya imposible yang sinasabi mo." "Sasabunutan talaga kita kapag hinawakan mo si uky!" "Hay, ewan ko sayo napaka possessive mo." Aawayin ko pa sana sya nang biglang tumunog ang cellphone nya. "Si kuya ghio na to."

