Uky's POV "UKY!" Nagising ako sa malakas na sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko. Nataranta naman ako kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang hawakan ako ni kuya sa pulsuhan at hatakin ako pababa ng hagdanan. "Kuya nasasaktan ako!" Pinipilit kong tanggalin ang pag kakahawak ni kuya sa pulsuhan ko pero di ko magawa dahil mas malakas sya sakin. Naiiyak na ako sa sakit at takot. "Kuya, bakit ba?!" Pinipilit ko padin tanggalin ang pag kakahawak nya sakin hanggang makababa kami. Naitakip ko ang isa kong kamay sa bibig ko nang makita ko si risa na nakaluhod sa may sala. Puno ng luha ang muka nya at halatang pagod. Nakatingin ito sa malayo, hindi napansin ang pag baba namin ni kuya kahit na sumisigaw na ako. "R-risa?" Naiiyak na tawag ko sakanya. Napatingin sya sakin

