Uky's POV Tatlong araw na kaming di nagkikita ni risa, pero tumatawag at nag tetext naman sya sakin. Kahit na nag tetext at tumatawag sakin si risa, kinakabahan parin ako. Natatakot ako na baka palihim silang nagkikita nung heejin. May tiwala ako kay risa pero kay heejin? Wala kaya binabagabag ako. Natatakot din ako sa gagawin ni heejin. Natatakot ako na baka sabihin nya kay kuya yung tungkol samin ni risa. Hindi pa ako handa, hindi pa kami handa. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mangyari yun. Ipaglalaban ko ba yung nararamdaman ko para kay risa o bibitawan ko sya para samin ni kuya? Mahal ko si risa pero mahal ko din si kuya. Natatakot akong dumating ang araw na malaman ni kuya at hindi nya matanggap ang relasyon namin ni risa. Natatakot akong dumatingbang araw na kailangan kong m

