Naaawang nakatingin si Avery kay Zeo na tulog na sa tabi niya. Kanina pa kasi ito nagbabantay sa kaniya. Gusto nga niyang pauwiin ito para makapagpahinga na pero mapilit. Kaya heto ito ngayon, nakangangang nakahiga sa kama niya sa hospital. Hinaplos niya ang mukha ng binata at napangiti na rin dahil bumabawi talaga ito sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkakaanak na sila ni Zeo. Their baby was a blessing to them. Iba talaga ang pakiramdam kapag magkaka-baby na. Sa sobrang saya na naramdaman niya ay wala na siyang mahihiling na iba kung 'di mapabuti ang kalagayan ng magiging anak nila ni Zeo. Habang nakatitig siya sa natutulog na si Zeo ay bigla siyang nakaramdam ng antok. Kung kaya't nagpasya na lang siya na humiga sa tabi nito. Kasya naman silang dal

