Bumukas ang mga mata ni Avery nang makaramdam siya ng uhaw at parang hindi siya makahinga na ewan. Nilibot niya ang paningin niya sa buong puting silid na kinalalagyan niya. Napatakip siya ng kaniyang ilong at napahawak siya sa bibig niya dahil para siyang masusuka nang makaamoy siya ng mabaho—o sabihin na niyang malansa sa kaniyang pang-amoy. Hindi niya gusto ang amoy nito. Nang hindi niya na kinaya ay mabilis siyang bumaba sa kaniyang hinihigaan at tumakbo patungong banyo. Mabilis siyang sumuka sa harap ng toilet bowl at nilabas ang lahat-lahat ng gusto niyang ilabas pero nagtataka siya dahil parang laway lang ang kaniyang isinuka. Nananakit na ang kaniyang lalamunan at pati tiyan niya ay umaasim na rin dahil pilit niyang nilalabas ang kinakain niya. Naramdaman na lang niyang may nagta

