Hindi ko alam kung bakit madalas na kaming magkasama nitong si Lourd. Ngayon, magkasama na naman kami.
Bigla na lang nag-text kanina ng good morning at ang kasunod na niyon nasa labasan daw siya.
Edi taranta naman ako bakit siya nandoon. Biglang sabi, samahan ko raw siya sa mall at may bibilhin siya.
O—kay ba't ako? Nasaan ba 'yong bodyguard niya? Hindi pa ba nakabalik?
Kasama niya naman daw pero gusto niya raw ng bagong kasama.
So, ayun kaya nandito ako.
“Ilang taon mo na siyang bodyguard?” tanong ko habang naglalakad kami sa gitna ng mall na hindi ko alam kung saan patungo. Hindi naman niya kasi sinasabi kanina kung anong bibilhin niya.
“6 years…I think.”
“Tagal nga talaga. Sa araw-araw niyong pagsama na tanging pagtulog na lang ang naghihiwalay sa inyo, buti hindi pa kayo nagkapalit ng mukha?”
“Huh, he dressed up once. We went to a party, that time people we're asking if we're twins. Hindi nagkapalit ang mukha namin, nagkapareho siguro.”
“Alam mo bang sa tagal niyong magkasama at kapag nagiging magkamukha na kayo, eh magiging kayo na? Solid hanggang forevermore.”
Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan ako.
“Are you serious right now?”
“Huh, 'yon ang sabi nila. Ito naman, masyadong apektado…or baka naman…” Sinupil ko ang ngiti na mas lalong ikinakunot ng noo niya. Para bang kinikwestiyon kung tama ba ang naririnig niya o nagiging weird na ako.
Namulsa siya at nilapitan ako…nang sobrang lapit. Akala ko kung ano na ang gagawin niya pero bubulong lang pala.
“Actually, there are that rumors because we're always together. Pero I didn't mind it, hinayaan ko na sila. But for you…I think I need to prove myself.” Bahagya siyang lumayo para makita ang mukha ko. “In which way do you like?” aniya na tila nang-aasar.
Takte, wait lang, ang init ng tainga ko.
Lumayo ako at bahagya siyang tinulak.
“'To naman, di mabiro,” nakakunot ang noo kong asik sa kanya.
Pinakita niya na naman ang kita-gilagid niyang ngiti. Saka bumalik na sa paglalakad.
Pumasok siya sa shop ng mga relo.
Napapikit ako. Oh tukso, dito pa talaga.
Bago pumasok, kailangan magpakita ng valid ID. Buti na lang dala ko 'yong wallet ko ngayon kasi may laman. Minsan kasi di na ako nagdadala, para ano pa, kung wala namang laman.
Pagbukas ko ng wallet ay agad nahulog ang ID ko. Hindi ko pala naisingit sa loob, kaya pagkabukas nahulog agad.
Akmang pupulutin ko pa pero nauna na siya.
Taena 'yan, ang pangalan ko.
“Zamora Villamor?” basa niya rito at tiningnan ako na may pagtatanong sa mata. “You are Zamora Villamor?”
Dahan-dahan akong tumango. Kita mo 'to, sa dalas ng pagsasama namin ngayon niya lang nalaman pangalan ko.
Tsk. Tsk. Hay nako Lourd.
Mahina niyang pinitik ang ID ko na natatawa.
O-kay? Anong nakakatawa?
“Anong nakakatawa?” tanong ko.
“Wala naman. Come to think of it, I just knew your name,” aniya na ngiting-ngiti pa rin.
Mahina siyang napailing-iling at siya na rin ang nagpakita ng ID ko sa guard.
Ako nama'y gulung-gulo sa inakto niya. Na-gets ko naman 'yong ngayon niya nga lang talaga nalaman ang pangalan ko. Hindi naman kasi siya nagtanong na. Ang hindi ko maintindihan, ang reaksyon niya.
Natatawa ba siya dahil nakipag-deal na siya sa taong ngayon niya lang nalaman ang pangalan?
Tsk. Kung mayaman ka Lourd pero ganyan ka katanga. Ewan ko lang kung abbot pa sa anak mo 'yang yaman mo.
Mabilis lumipas ang mga araw at ang bilis ding mauto nitong si Lourd.
Malaki ang ngiti ko habang tinititigan ang dulo ng ballpen niyang palapat na sa cheke.
Nandito kami sa loob ng opisina niya sa building ng Patri. Inimbitahan niya ako para sa opisyal na kasulatan kuno.
Nabanggit ko na rin ito kay Tiyang at syempre bilib na bilib na naman sa akin. Tiwalang-tiwala naman itong si Lourd at hindi na nagtanong ng mga pagproseso namin.
Isang linggo rin akong busy-busyhan kuno dahil naghahanap ng pwesto at ng mga tao, at asikaso ng mga dokumento. Pero ang totoo, nasa bahay lang ako noong mga panahong ‘yon.
Napakatahimik sa loob ng opisina niya. Kung pipirma na siya, kahit ang tunog ng pagpirma niya’y maririnig sa sobrang tahimik. Tatlo lang kaming narito sa loob. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa sa gitna at ako nama’y nandito sa mahaba sa gilid habang ang bodyguard niya eh nakaupo lang din sa kabilang dulo.
Nang palapat na ang ballpen niya’y muli na naman niyang inangat at tiningnan ako. Parang nahigit pa ang hininga ko roon ah.
“Is everything set?”
Ngumiti ako. “Wala ka ng dapat pang ipag-alala, inasikaso namin agad ni Tiyang.”
Tumang-tango siya at muling binalingan ang cheke. Mga ilang segundong pakikipagtitigan niya sa papel at pagpigil ko nang hininga, sa wakas nakapirma na siya at iniabot iyon sa akin.
“Maraming salamat,” nakangiti kong wika.
“I hope it will go big. Your loss is my loss, too.”
“Ipu-push namin ito. Pwede ko bang malaman…bakit ka nag-offer? Bagong magkakilala pa lang tayo, hindi mo pa nga ako lubusang kilala.”
Nagkibit-balikat siya’t sinandal ang likod sa upuan saka pinagkrus ang binti. “I don’t know. I just trust you.”
“Paano kung hindi mag-boom ‘yon?”
“Investment is taking a risk. But you’ll do good naman diba?”
“Ay syempre, oo naman. Lalo na’t may nagtiwala na sa amin.”
Sad to say, maling tao ang pinagkatiwalaan mo.
Muli na naman siyang ngumiti at bahagyang lumapit sa akin para ilahad ang kamay. Malapad din ang ngiting tinanggap ko ito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na para bang ayaw niya itong bitiwan.
Pinanliitan ko siya ng mata at sinupil ang ngiti ko. Kapag ito nahulog sa akin, wala akong kasalanan do’n.
Naputol ang ngitian namin dahil sa isang katok. Agad na tumayo ang bodyguard niya para sana magbukas ng pinto ngunit nauna ng papasukin ng babae ang sarili niya sa loob.
“Good morning, my dear brother – oh, you have a visitor,” aniya at tuloy-tuloy na nakiupo sa amin, sa kaharap kong upuan mismo.
Dear brother? Kapatid niya?
Aba, kagaganda naman ng lahi.
Napakasopistikada ng dating niya. Mukhang mabait pero ang mata, palaban. Ang ganda ng kulay ng mata, brown din naman, pero sobrang light brown kaya kapansin-pansin. Totoo ba ‘yan?
“Yes, you knocked, but you still barged in.”
“Sorry…” Tumayo siya kaya kapwa nakatingala na kami sa kanya ngayon. “I want to leave right now so you can continue with your business but…” Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa saka dahan-dahang umupo na para bang natutunaw. “I have this feeling that she’s not here for business.” Ipinagkrus niya pa ang binti at pinatong ang siko sa tuhod at nakahalumbabang tiningnan ako nang diretso. Ayan na, nagsisimula na ang mapanghusgang tingin.
Pucha. Napitikan ko ba ‘to dati? Nakikilala niya ako? Masyado bang malaki ang nakuha ko noon sa kanya para makilala at matandaan niya ako?
Punyemas naman oh. Ito na naman ba ang bagong serye sa buhay kong nasa kamay ko na magiging bato pa.
Nasa kamay ko na itong cheke oh. Ano ba naman 'yan.
Pero unti-unting pumorma ang ngiti sa labi niya. “Is she the romance part of your life, brother?”
Shete! Napabuga ako ng hangin. Kinabahan ako para doon?
“Ate,” agad na saway ng isa.
“Who’s she?” mabilis niyang tanong…sa akin? O kay Lourd? Sa akin kasi siya nakatingin. Pero ang tanong niya kasi who’s she, diba dapat kung ako ang direkta niyang tinatanong, who are you na?
Takte, mas nakakaba namang may nag-eenglishan sa harap mo na anumang oras pwede ka ring isali sa usapan kaysa makipaghabulan sa pulis eh. Required ba mag-english dito?
“She’s Zamora Villamor, my new business partner. Sam, meet Engr. Alessandra Patriarda-Finesa, my sister.”
Grabe, kinilabutan ako pagbanggit niya ng tunay kong pangalan.
“Ow, good morning po. Nice to…meeting you,” bati ko.
Mas lalo pa siyang napangiti. Tama ba ‘yong sinabi ko? Puchang English naman kasi yan! Na-pressure tuloy utak at bibig ko.
“Uhuh, it’s nice meeting you, too.” Talagang pinagdiinan niya ang sinabi. Wala na palang to dapat. “Please drop the po whatever is your age,” dagdag niya pa.
“She’s an Architect Engineer. You have not been yet to Patri Homes, right? She’s the one who designed it,” dagdag din ni Lourd.
Napa-ahh na lang ako at tumango. Wala naman na akong masabi.
“Well, anyway, since it's really business. Babalik na lang ako mamaya,” anito na tumayo na naman.
“No, tapos na rin kami. What is it?”
At muli na naman siyang umupo. Ang ganda niya, pero ang likot. Sasakit ulo mo kakatingin lang sa kanya.
“Well, my dear brother. Dad's gonna announce the heiress this month, on the last week maybe,” masaya niyang balita.
Teka, parang may mali.
Heiress? Diba babaeng tagapagmana 'yon?
Ang tanong ko sa isipan ay parang binosesan ni Lourd.
“Heiress?”
“Uhuh, and that's me.”
Anak ng pokingina. So, hindi si Lourd ang susunod na CEO ng Patri?
Tiningnan ko si Lourd na parang hindi masaya sa ibinalita ng Ate niya. Siya diba? Nagulat din siya pagkasabi ng heiress eh.
“Uhmmm.” Pinatong niya ang magkabilang siko sa sandalan at hinimas ang baba tila nag-iisip.
Ayan, tama 'yan Lourd. Mag-isip ka. Diba dapat ikaw? Huwag kang pumayag.
Habang unti-unting pumuporma ang ngiti sa labi niya ay siya namang pagpalis ng akin.
Teka lang, anong ibig sabihin ng ngiting 'yan?
Punyeta, Lourd.
Hoo, minus points na naman ako nito sa langit kada mura ko kasama ang pangalan mo.
“Then, congratulations.”
Napatiim-bagang ako. Congratulations? Yun na yun?
Napapikit ako. Ahh, hanggang saan ang katangahan mo, Lourd.
Tiningnan ko ang cheke at binilang ang zero dito.
Okay, pwede na rin ito. Kabilis na nga nito kung tutuusin sa ilang linggo pa lang naming magkilala.
“Right? Gulat na gulat pa ang ibang mga employees kanina sa loob ng opisina ni Dad. Like who are they expecting? You?” Natawa pa ito sa sarili niya. “A big joke. I'm the eldest, hello? And I have the credentials. And you brother, you're still a baby. You still have a long way to go. For now, enjoy Dad's money.”
Kay Lourd lang ako nakatitig sa lahat ng pinagsasabi ng Ate niya at hindi man lang siya natinag. Tinitingnan niya lang din ang ate niyang harap-harapan siyang minamaliit.
Okay lang 'yon sa kanya?
Alam kong tanga siya pero magkaiba naman ang tanga sa nagpapaapi. Lumaban ka naman, Lourd. Putek, sa'yo ako nakataya.
“Can I enjoy your money, too? Once you take over?”
Kulang nalang malaglag ako rito sa upuan. Sinong nilalang ang harap-harapan nang minaliit ang sasagot ng ganyan?
Tangina, Lourd Patriarda. Kakaiba ka talaga.
“Uhm yes, pero limit-limit nalang ha. I don't want you enjoying so much while I'm working my ass off — oh, that's bad word.” Tinakpan pa nito ang bibig.
Ah lintek! Bahala nga silang magkapatid. Importante, uuwi akong may dala.
Bago umuwi ay agad kong pinapalitan sa bangko ang cheke.
Pagkauwi ay isang bag ng pera ang dala ko.
Naabutan kong may kinakalikot silang cellphone sa mesa. Silang apat talaga. Si Tiyang naman ay nasa likod nila nakatingin.
“Tiyang,” tawag ko at nilapitan siya para magmano.
Hindi man lang natinag ang apat sa akin.
“Anong ginagawa nila?” tanong ko.
“Ah nagsusubukan kung sinong unang makakakuha ng password. Kamusta pala ang lakad?”
Ibinagsak ko sa mesa, sa gitna nila ang bag ng pera. Lumabas ang iilang pera dahil sa may kalakasan iyon.
Napaawang ang bibig ni Tiyang at napatingin sa akin.
“Hulog ng langit?” agad na wika ni Zenon.
“Hulog ni Lourd…Patriarda,” tugon ko.
Agad nilang binuksan ang bag at inilabas ang pera ngunit hindi sila makapaniwalang parang hindi nauubusan ng laman ang bag.
“Za, sigurado ka bang kay Patriarda lang 'to galing? Hindi ka nanghold-up ng bangko?” ani Redson na hindi man lang ako tinitingnan dahil abala kakakuha ng pera mula sa loob ng bag.
Nakiupo ako sa kanila. Sa gitna ni Redson at Zenon, at inakbayan sila.
“Sabi ko naman sa inyo eh. Madali lang ang trabahong 'to. Ayan, pwede muna kayong magpahinga ng dalawang linggo.”
Agad na naghiyawan ang apat ngunit sinaway sila ni Tiyang.
“Sshh! Ibalik niyo na nga iyang pera sa bag at baka pumarito pa ang kapitbahay dahil sa ingay niyo. Magkano ba 'yan, Zamora?”
“Dalawang milyon.”
Kahit si Tiyang ay hindi napigilang mapasinghap.
“Za…” tawag ni Redson. “How…”
Napataas ang kilay ko sa panimula niya. Natahimik din kaming lahat sa paghihintay sa sasabihin niya lalo na't sinimulan niya ito sa English. “How…to be you po?”
Hindi namin napigilang matawa.
“Eeh, ano ba kuya Red, nabasa mo lang 'yan sa f*******: no?” natatawang sabi ni Gracia.
“Sakto lang naman diba paggamit ko?”
“Opo.”
Patuloy pa ang tawanan namin. Kita niyo na? Sino talaga iyong nagsabing money can't buy happiness?
Ngayon lang ulit kami nagtawanan at naging masaya nang ganito dahil sa tumpok ng perang nasa harap namin.
Maya-maya lang ay natahimik kami sa tanong ni Tiyang.
“Paano mo nakuha agad ang ganyan kalaking halaga?”
Balik kami sa pagkaseryoso at kinwento ko sa kanila ang lahat. Hanggang sa huling kita ko na yata iyon kay Lourd kanina dahil para ano pa? Kung hindi pala siya ang tagapagmana.
“Paano niyo ba nalamang siya ang tagapagmana Tiyang?”
“Sabi ng kaibigan kong may kaibigan na nagtatrabaho doon sa loob ng kumpanya.”
Nagkibit-balikat ako. “Ayan, ito na ang totoo dahil nasa harap ako mismo ng magkapatid at walang balak makipag-agawan itong si Lourd. Tsk. Laking tanga talaga.”
Naramdaman ko ang pagtapik ni Tiyang sa balikat ko.
“Hayaan mo na, ang importante, hindi ka nabigo sa kanya.”
“Tama!” suporta agad ni Redson.
Muli na naman kaming naghiyawan at nagtawanan pero naputol nang tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at unknown number ang tumatawag.
“Hello? Sino to?” agad kong bungad.
“You haven't registered my number yet?”
Ay pucha. Binura ko na 'yong number niya kanina dahil wala na akong balak magpakita sa kanya. Putol koneksyon na. Para ano pa, nakuha ko na ang kailangan ko.
“Ah Lourd, pasensya na wala pa. Napatawag ka?”
“Can I check tomorrow where the shop is?”
Ah! Anak ng lahat ng santo! Anong shop? Sa imahinasyon mo lang 'yon.
Agad kong binaba ang tawag na walang salita.
“Putulin mo na 'yang sim mo, Za,” suhestyon ni Redson na sinang-ayunan ko.
--------