Chapter 5

2140 Words
Napapikit ako nang bumagsak ang malakas na buhos ng ulan. Nasa milktea shop pa rin kami at halos wala ng makita sa labas dahil sa lakas ng ulan. ”Ooh, umulan. Sabi sa balita kanina, hindi,” aniya na napapailing-iling pa na nakatingin din sa labas saka muling sinipsip ang inumin niya. Hindi ko mapigilang hindi mapapatitig sa kanya. Napakakontrolado ng galaw niya. Simula sa tono ng pagsasalita niya hanggang sa paglapag niya ng iniinom niya. Kung sa babae pa, para siyang sinanay para maging prinsesa. Agad akong napasipsip sa inumin ko nang biglang ako na ang binalingan niya. Mahuli pa niya akong nakatingin sa kanya, ano-ano pa maiisip nito. ”Bakit ka nga pala nandito sa mall? I'm sure hindi mo naman sinadya ang Jauxhanze?” Inilapag ko ang baso at tumango. ”Oo, talagang napadaan lang ako roon eh. Ahh...ano kasi...” Napahimas ako sa ulo ko. Mag-isip ka, Zamora! Sa palinga-linga ko eh nakita ko ang standee ni Lavier Prescott sa labas ng perfume shop. ”Ano...nalaman ko kasing may mall show si Lavier dito...kaya ayun, napasugod ko.” Tangina, babae naman ako, pwede namang dahilan 'yon. ”Hindi pa naman tapos yata ang show niya, umalis ka na?” Takte, dami namang tanong nito. ”Totoo niyan kasi, tinakasan ko lang Tiyahin ko, kaya di ako pwede magtagal. Nakita ko naman na mukha niya, kaya okay na ako.” Talagang ngumiti pa ako para kunyari kinikilig pero hindi ko alam kung anong kinalabasan niyon. Mukha lang siguro akong natatae. Napangiti rin siya sa pinagsasabi ko. “You're a certified fangirl pala...” Alanganin akong napangiti sa sinabi niya. “Actually, I'm a friend of Lavier. We know each other, do you want me to meet him?” Nagulat ako sa kaloob-looban ko ngunit hindi ko na pinakita. Agad kong itinaas ang kamay ko at winagayway sa harap niya. “Naku, hindi na. Okay na ako sa pagtingin sa kanya sa malayo. 'Yon ang tunay na fan.” Yak! Saan ko kinukuha itong mga pinagsasabi ko ngayon? “Really? That's a surprising response from a fan. Akala ko magiging hysterical ka.” “Ah, nakokontrol ko pa naman ang puso ko.” Ayan, naka-show off na naman ang kita-gilagid niyang ngiti ngayon. Sumipsip siya sa inumin na hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. Para bang greatest entertainment ako sa harap niya ngayon. “Speaking of puso...” Inilapag niya ulit sa mesa ang inumin niya. “Do you have a boyfriend?” Parang nasamid ako sa bilog na nainom ko. Pucha, teka, ang laki naman nito. Ito ba 'yong sinasabi nilang pearl? Dati, hindi ko talaga makuha kung bakit may pearl ang sinasabi nilang milktea. Napaisip pa ako niyon kung hindi na ba mahirap hagilapin ang pearl, bakit nilalagay na lang ito sa simpleng inumin na 'to? Nilunok ko muna ito bago sumagot. Ang laki talaga niyon ha. Kaya rin pala siguro malaki ang straw? Nakakatakot din itong straw, kung hindi ako ang hihigop, parang ako ang hihigupin sa laki. Umiling-iling ako. “Wala.” Tipid kong sagot. Buti na 'yong play safe ako sa mga sagot ko sa tanong niya. Kasi kung dagdagan ko pa 'yon, baka ibang storya ng kasinungalingan na naman. Tapos baka sa susunod hindi ko na maalala kung anong pinagsasabi kong kasinungalingan sa kanya. Edi, timbog! Bahagya niya na namang inilapit ang mukha niya. “Eh manliligaw?” Parang nag-iibang direksyon na yata talaga ang ihip ng hangin. Sinupil ko ang ngiti at bahagya ring inilapit ang mukha ko. Syempre, hindi 'to papatalo. “Alam mo bang ang mga tanong na 'yan ay para lang sa mga interesadong lalaki?” taas kilay kong sabi. Sinalubong niya lang ang mata ko at maya-maya'y ngumiti. “I'm interested.” At boom! Doon na yata magsisimula ang storya namin. Dahil maulan, nag-insist siyang ihahatid ako nang sinabi kong uuwi na ako. Pero hindi ako pumayag dahil baka aakalain niyang doghouse ang pinaghatiran niya sa akin. Tsaka, pagtsitsismisan lang ako ng mga kapitbahay. Sasabihin nilang, isa na namang miyembro ang nakaangat sa laylayan. Okay sana ang ganoong storya na nakaangat sa laylayan. Kaso iba kasi ang ibig sabihin nila niyon dito eh. Nakapag-asawa ng mayaman kaya nakaangat. Tirik pa naman ang sikat ng araw kaya hindi na muna ako sa bahay dumiretso. Pumunta ako sa tindahan ni Aliyah, kaibigan ko. “Yes, frenny, anong ganap natin ngayon?” aniya pero hindi naman ako tinitingnan dahil abala sa customer niya. “Yes po madam, bagay na bagay po 'yan sa inyo. Mas lalo kayong puputi sa color niyan at tatangkad kayo tingnan. Gusto niyo pong sukatin?” Agad namang um-oo ang customer niya. Ang lakas talaga mang-salestalks ni Aliyah eh, kaya nga rin ang lakas ng tindahan niya. Puro RTW itong tindahan niya, 'di kalayuan sa palengke. Nang pumasok na sa fitting room niya ang customer, ako na ang binalingan niya. “Ano 'yan?” Bumaba sa paperbag ang tingin niya. “Gift mo sa'kin?” “Asa ka, di pa kita gano'n kamahal para regaluhan ng ganito kamahal.” Inilapag ko sa cashier counter ang paperbag na ikinalaki ng mata niya nang makita ang brand. “Iz thiz real? Uy fren, baka naman paperbag lang 'to, ha?” “Gaga, kailan ba ako nagdala dito nang hindi orig?” Kinuha niya ang sapatos sa loob ng bag at kinilatis. Napasinghap siya nang mapatunayan. “Saan galing fren?” Nagkibit-balikat muna ako. “Bigay lang ng kaibigan.” Pinaikutan niya ako ng mata. “Alam mo kung ako ang kaibigan mong nagbibigay sa'yo tapos malaman-laman kong binebenta mo lang, naku, hindi ka na makakaulit,” may gigil niya pang turan. “Eh, aanhin ko naman 'yan, mas kailangan ko ng pera.” “Magkano ba 'to?” “80 kyaw 'yan, pero pwedeng-pwede mo ng ibagsak sa 60 kyaw. Dating gawi.” “Ah, sure. Don't worreh, frenny.” Sayang ang sapatos, pero hindi naman ako mabubuhay ng sapatos na 'yon. Ilang buwang kainan pa namin ang presyo niyon. Kay Aliyah ko pinapa-dispose ang mga mamahaling bagay na nakukuha namin. Marami kasi siyang suki at madali niya lang din maibenta. Syempre, mayroon din siyang porsyento roon. Hindi pa man umiinit ang puwit ko kakaupo sa cashier niya, eh may interesado na agad sa sapatos. “Yes madam. Original po iyan, tingnan niyo pa po. Oh diba? Hindi po 'yan imitation. 90 kyaw po mall price niyan, bibigay ko nalang sa'yo ng 75. Kailangan lang kasi ng kaibigan ko ng agarang pera.” Pagkatapos ng mahaba-habang salestalk niya. Hinarap niya ako na may malapad na ngiti sa labi niya. Sa sobrang unat, pwede ng mapunit ang labi niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa cashier habang pinapaypay ang bago at malutong pang tig-iisang libong piso. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti. Nang makalapit na siya'y, agad na nawala ang ngiti namin at dali-daling chineck sa machine niya kung peke ba o hindi ang pera. Kailangan muna naming siguraduhin bago kami magbunyi. “75,” nakangiting turan niya nang bilangin ang pinakahuling isang libo na na-verify ng machine na totoo. Binigay ko na sa kanya ang kinsemil niyang komisyon. “Till next transaction frenny.” Sumaludo ako at umalis na. Kapwa hindi matanggal-tanggal ang ngiti. Sino nagsabing money can't buy our happiness? Edi tangina niya. Pagkauwi ko ng bahay ay si Tiyang ang una kong nilapitan at nagmano. Wala ang tatlong lalaki. Si Gracia lang ang nandito at nanonood sa bulok naming TV. “Tiyang,” sambit ko nang nakangiti. Kinuha ko ang kamay niya at inilahad doon ang tag-iisang libo. Tiningnan ako ni Tiyang na tila naiintindihan na rin ang sitwasyon. “Yes Tiyang, sabi ko naman sa inyo, madali lang siya. Salamat na rin at magaling kang pumili ng target.” Nakangiting binilang niya ang pera at binigay sa akin ang sampung libo. “Laki naman nito Tiyang.” Lahat kasi ng nadidilihensya namin ay diretso kay Tiyang at binibigyan niya lang kami. Kung kulang naman ang binibigay niya dahil may personal kaming gustong bilhin, hindi naman siya madamot at agad nagbibigay. Sa mga nabigay niya, malaki na ang limang libo kaya pakiramdam ko'y ang laki na nitong binigay niya ngayon. “Ay sus, syempre, ikaw ang nagtrabaho nito. At saka ilang araw mo ring tinrabaho.” Hindi ko pa nga talaga ito tinrabaho eh, kusa itong binigay ni Lourd. Putek, pakiramdam ko doble ang minus points ko sa langit kada banggit ko ng pangalan niya. Ba't ba kasi gano'n ang pangalan niya? Diyos ba siya? Hindi na ako nagreklamo pa at tinanggap ito ng buong-buo. Baka kasi bawiin pa. Isa lang prinsipyo ko sa buhay, kapag biniyayaan ng pera, huwag ng magpakipot pa. Mga sumunod na araw lie-low muna ako dahil malaki-laki naman ang naibigay ko kay Tiyang. Nag-iinat ako ng katawan palabas ng kwarto at naabutan kong binibigyan ng pera ni Tiyang si Lucio. “Ito, para sa kuryente natin. Ikaw na muna pumila at magbayad doon, may lakad ako,” sabi niya kay Lucio. Napakamot ng ulo si Lucio pero wala naman na siyang nagawa. Ganito lang kami pero masunurin kami kay Tiyang. Hindi naman masyadong strikto si Tiyang sa amin, at hindi naman kami sinaktan mula pa dati. Respeto ang mayro'n kami sa kanya at hindi takot kaya gano'n nalang din siguro ang pagsunod namin sa kanya. Umalis na si Lucio at ako nama'y nag-umagahan kasama si Gracia at Tiyang. Kung wala si Redson, baka maagang umalis at dumilihensya. “Punta akong bangko mamaya, ipasok ko na tong pera, baka maubos kung nandito pa,” wika ni Tiyang habang kumakain kami. Tumango lang din kami. Oo, may bank account si Tiyang. Kada malaki-laking pera ang mahawakan namin, ang iba sa panggastos, ang iba pinapasok niya. Para iyon sa pag-aaral ni Gracia sa susunod kapag makabalik na siya. Wala namang problema iyon sa amin ni Redson dahil parang nanay na rin naman namin si Tiyang at mga kapatid ang kambal. Wala rin kaming dapat singilin, dahil si Tiyang ang nagpalaki sa amin. Marunong din naman kaming mag-ipon, at hindi lang gastos ng gastos. At para na rin iyon sa amin kung sakaling ayaw na namin sa ganitong buhay. Para na rin sa emergency kumbaga. Pagkatapos kumain ay agad umalis si Tiyang kaya kami na ni Gracia ang nagligpit ng pinagkainan. Pinunasan niya ang mesa habang ako nama'y maghuhugas sana ng pinggan. “Hmm, ate!” Nilingon ko si Gracia at pinakita niya ang wallet ni Tiyang na naiwan. “Ay anak ng... anong ibabangko niya roon?” “Hindi pa naman siguro nalalayo si Nanay, ate. Habulin mo na lang.” Napatingin ako sa sarili. Lintek, nakapajama pa ako, wala pa akong bra. Mukha pa akong basahan. “Ikaw na muna rito,” sabi ko sa kanya tukoy sa hugasin. Humila ako ng kung anong jacket sa loob ng kwarto ko at isinuot ito. Mas madali itong suotin kaysa bra. Tsaka di naman kalakihan 'tong akin, kaya bakit pa ba ako magba-bra? Agad ko na ring basta-bastang itinali nalang ang buhok ko sa bun. Sa mga oras gaya nito, nakakainis ang buhok ko. Ba't ba kasi ang haba nito? Pero ayaw ko ring pagupitan. Ibinulsa ko sa jacket ang wallet ni Tiyang. Naka-jacket, pajama,at tsinelas, sinimulan ko ng sundin ang maaaring dinaanan ni Tiyang. Sinuot ko ang hood ng jacket para naman kahit papano matago ko ang magulo kong buhok pero wala pa rin, nalalaglag dahil sa pagtakbo ko. Hanggang umabot na ako sa may labasan, sa kanto, sa may sakayan ng jeep. Hinihingal akong huminto at nilibot muna ang paningin, baka isa pa sa naghihintay ng jeep si Tiyang. Nagkanda-taas ang leeg ko kakahanap kay Tiyang nang may maramdaman akong nag-uunahang yabag na naman. “Please stop him!” Isang sigaw ngunit parang walang pakialam ang mga tao sa paligid na tila normal lang ang habulang 'to. Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan paparating na ang mga tumatakbo sa direksyon ko. Napakunot ang noo ko habang nakikilala ko ang lalaking mabilis ang takbo patungo sa direksyon ko. Para siyang hangin na dumaan sa harapan ko at sa sumunod na segundo'y nasa kamay ko na ang wallet dahil ipinasa sa akin at bilang gawain naman namin ito, nasalo ko ito nang wala sa sarili. Ang lalaking humahabol sa kanya'y nilampasan ako pero agad din akong binalikan nang mapagtanto nitong ipinasa sa akin ang wallet. Dapat kanina pa ako tumakbo. Pero napakabilis ng pangyayari at hindi naka-set ang utak ko para dito. Wala akong planong pumitik ngayong araw. Si Tiyang ang hinahanap at hinahabol ko. Humihikahos ang lalaking nasa harap ko ngayon at nang makilala namin ang isa't-isa'y kapwa nanlalaki ang mata namin. “Sam?” gulat niyang sambit. Tangina naman, Lucio. Nakabayad ka na ba ng kuryente? Napaka-wrong timing naman nito. Hindi ako handa at itong tao pa. Anong ginagawa niya rito? -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD