Chapter 4

2327 Words
Nagising ako sa mga ingay ng takip ng kalderong nahulog, tunog ng naggigisa, at bunganga ni Tiyang habang pinagsasabihan sina Zenon at Redson. Ano ba 'yan ka aga-aga. Napabangon nalang ako dahil anong pikit ko hindi rin naman na ako makakatulog ulit. Tumungo muna ako ng CR para maghilamos at magmumog bago makiingay rin sa kanila. “Tiyang ano ba 'yan, ka aga-aga niyo naman pagalitan itong dalawa,” wika ko habang kinakamot ang magulo ko pang buhok. Nakiupo ako sa kanila sa mesang mahaba. Naggigisa si Tiyang at hindi ko alam ang kung anong lulutuin niya. May mga nakalapag na ring rekados sa mesa. Magkatabi sa harap ko na nakaupo rin sina Zenon at Red na tila sinali na rin ni Tiyang sa paggisa. “Ito ba naman kasing si Redson, iniwan si Zenon kahapon. Muntik ng mahuli, buti nga nakatakbo.” “Ay Pula, 'wag naman gano'n. Hinabilin ko sa'yo si Zenon tapos iniiwan-iwan mo lang, alam mo namang kalahating tanga rin 'yang kapatid ko.” Agad na napatingin sa akin si Zenon. “Ano?” Inunahan ko na siya at pinandilatan sa kung ano man ang sasabihin niya. “Pasensya na Tiyang, mas malaki maiuuwi namin kung maghihiwalay kami.” “Sa susunod mo na nga isipin 'yan, 'di naman tayo masyadong kapos. Nakakain pa naman tayo tatlong beses sa isang araw. Itong si Zenon muna tingnan mo at alalayan.” Napakamot nalang din si Zenon dahil malamang pakiramdam niya niyan eh para siyang bata. “Kaya ko naman na Tiyang eh —” “Oh, kaya niya naman Tiyang kaya ko nga siya iniwan,” putol ni Red kay Zenon. “Oh eh anong nangyari? Humihikahos kang pauwi kahapon?” “Talagang minalas lang Tiyang,” rason pa niya. Pagkatapos ng sermon ni Tiyang ay kumain na kami ng luto niyang lasang sermon din. Nangsesermon habang nagluluto eh. Ang adobong kangkong niya, ano tuloy lasa no'n. Pinaalalahanan ko na rin ulit si Zenon na kahit anong mangyari, kapag habulan na dapat hindi siya sa bahay dumiretso para hindi kami matunton kundi baka magkaalaman ang lahat. Nagbibihis na ako palabas nang kinausap ako ni Tiyang. “Kamusta na 'yong anak ng may-ari ng Patriarch?” “Si Lourd? 'Wag mo alalahanin 'yon Tiyang. Nakailang hakbang na ako roon, mga dalawang hakbang nalang, okay na tayo.” “Buti naman kung gano'n, pero umatras ka kung 'di na sumasang-ayon sa'yo ang mga pangyayari ah. Saan ka pala pupunta ngayon?” “Naman Tiyang, just trust me.” Kinindatan ko pa siya habang sinusuot ang t-shirt. “Sa Evia Mall ako ngayon Tiyang, may mall show si Lavier Prescott. Sigurado namang daming tao roon.” “O sige, mag-ingat ka,” aniya. Nakarating na ako sa Evia Mall at 'di nga ako nagkakamali, maraming tao. Inalam ko na rin ang mga anggulo ng mga CCTV dito. Nasa ground floor lang ang show at nandito ako sa 3rd floor, nakatanaw sa ibaba habang unti-unting umiipon ang mga tao. Mga ilang minuto lang ay bumaba na rin ako dahil nagsimula na ang front act. Malakas ang hiyawan nang lumabas na sa entablado si Lavier. Binigyan ko muna ng pagkakataong maging normal na babae ang sarili ko. Hinayaan ko ang sarili na i-appreciate ang pagkagandang lalaki nitong si Lavier. Ang gwapo talaga, syet. Sayang nga lang at kasal na 'to. Napakamot ako sa batok dahil sa iniisip. Anong sayang? Kahit hindi naman siya kasal, para bang may pag-asa ako. Tsk. Tsk. Binalik ko na ang sarili ko sa reyalidad. Nakipagsiksikan ako sa gitna ng mga tao at naging madali ang lahat sa akin. Pinili ko lang ang mga kukunin para hindi mag-detect ng machine nila pagkalabas ko. Dahan-dahan na akong lumabas mula sa mga tao. Puno ang suot kong maong na jacket. Abala pa rin sila kakasigaw ng I love you at Ang gwapo mo, Lavier! Lalo na ang mga babae. Palabas na sana ako nang madaanan ko ang sikat na Jauxhanze footwear shop. Napatigil ako. Nakapag-isip-isip kung kailan ba ako makakapasok doon at lalabas na may bitbit ng mga gusto kong sapatos. Pumasok ako. Titingin lang naman. Ang gaganda ng mga sapatos nila. May mga slides din sila pero ang presyo hindi pangbahay lang. Dapat dito nirarampa. May nakita akong running shoes na talagang nagningning sa mata ko. Kombinasyon ito ng itim at puting kulay. Napakaganda ng style. Kung mayaman lang ako, sapatos siguro ang mga koleksyon ko sa halip na mga make-up gaya ng ibang mga babae. Tiningnan ko ang presyo. Punyeta, pwede na naming iayos ng bubong at CR 'to. “Miss, pwede ba i-try?” “Yes po ma'am, sure.” Kinuha naman ng saleslady ang kaliwa nito at binigay sa akin. Umupo ako sa isa sa malambot nilang benches para talaga sa mga nagsusukat. Agad kong hinubad ang luma kong sapatos at sinukat iyon. Inayos ko pa ang jacket para komportable kong maisuot. Tangina kasyang-kasya. Ang ganda talaga nito. Lumapit ako roon sa upuan na nasa harap ng salamin para makita ito sa kabuuan. Ang ganda pero talagang sinukat ko lang ito. Makasuot man lang ng mamahaling sapatos itong paa ko. Hinuhubad ko na ito nang may lumapit sa akin. “Miss, I think this is yours?” Napaangat ako ng tingin at nakitang si Lourd 'yon. Pucha ba't siya nandito? Nasa likod niya ang dakila niyang bodyguard. “Oh, Sam?” Ibig kong sabihin normal lang naman sa kanya magawi rito. Kayang-kaya niya naman ang presyo rito, pero ang tinatanong ko bakit ngayon? Hindi ito ang pinlano kong muli naming pagkikita. Hindi ito ang pinlano kong tadhana. Hawak niya ang mahabang wallet pambabae. “Hindi...” 'Di ko naipagpatuloy ang sasabihin dahil naalala ko ang laman ng jacket ko. Kinapkap ko ito. “Ay akin pala, patingin nga.” Hinubad ko na ang sapatos at iikang lumapit sa kanya para kunin ang wallet. “Ah, akin nga 'to.” Ngumiti pa ako bago binalik sa bulsa sa loob ng maong kong jacket. Hindi ito akin, pero galing ito sa akin. Nahulog pa yata mula sa jacket ko. “Nice seeing you here. Regular ka ba rito?” Umiling ako. Kahit ito man lang, hindi ko na ipagsisinungaling pa. “Ah hindi. Ngayon lang ako nagawi rito. Eh magaganda ang sapatos kaso 'di kaya ng bulsa ko.” Lumusot ang tingin niya sa sapatos na sinukat ko na ngayo'y hawak na ng saleslady. “Excuse me ma'am, kukunin niyo po ba?” nakangiting tanong ng saleslady. “Hindi na muna,” agad akong sagot. Muna? So kailan ko babalikan? 'Pag sold out na 'to? Sa susunod na linggo yata sold-out na 'to pero ni wala pa akong 1/4 ng halaga nito. “How much is that?” “85,560 pesos po Sir Lourd.” Umupo na akong muli para suotin ang sapatos ko. Talagang kilala na siya ng saleslady, regular nga talaga rito. Hahanapin ko nalang ang sapatos na kagaya niyan sa ukay. 200 lang 'yon. “Kasya ba sa'yo?” Abala ako sa pagbuhol ng tali ng sapatos pero napatigil ako nang walang sumagot sa tanong niya. Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa akin. Wait, ako ba kausap niya? Tinuro ko ang sarili. “Sa'kin?” “Yes, if it fits you I will buy it for you.” Mali yata pandinig ko o nabibingi na ako. Tama ba ang narinig ko? “Kasya po kay ma'am, sir. Sinukat niya po kanina. Tamang-tama lang po sa kanya. Diba ma'am? Kunin niyo na po baka next week wala na po ang design na 'to.” “Sam?” Hinihintay niya ang sagot ko. “S-sigurado ka ba? Hindi naman tayo lubusang magkakilala para ipagbili mo ako ng ganyan kamahal.” Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong offer wala pang kapalit. “It's okay,” aniya tila barya lang ang 80,000. Anak ng pucha! Aarte pa ba ako? Bahala na kung anong kapalit nito kung mayroon man. “Si-sige, ikakatuwa ko 'yon.” Talagang binili niya at bumili rin siya ng bagong pares para sa kanya dahil iyon talaga ang sadya niya sa shop. Bitbit ang paperbag ng sapatos, nandito kami ngayon sa milktea shop. Nasa kabilang table naman ang bodyguard niya. Um-order siya ng hokkaido-flavored milk tea habang ako'y pinili lang ang dark choco. At least kung ano mang magiging lasa nito, alam kong chocolate pa rin iyon. Hindi ako pamilyar sa ibang flavor dahil ngayon pa lang ako makakatikim nito. Prente siyang nakaupo at naka-cross legs pa. Babaeng-babae kaysa sa akin. Tumikhim ako para magsalita. “Lourd, ang mahal nito pero salamat talaga ah.” Yes, first name basis na akala mo close na kami. Sinabi niya 'yan noong nasa gym kami. “It's nothing, you're welcome.” “Ang laking halaga na nito para sa akin. Talaga bang libre 'to? Baka naman mamaya may ipapagawa ka sa'kin bilang kapalit?” Pilit kong pinapa-sweet at tunog mahinhing babae ang tono ko. Kasi naman eh, ang normal kong boses parang naghahanap ng away sa kanto. Ngumiti na naman siya, yong kita-gilagid niyang ngiti. Pinagkrus niya ang braso sa dibdib. “Ano sa palagay mo ang ipapagawa ko bilang kapalit?” Pinalambot ko ang ekspresyon at pinagkrus ang braso sa dibdib, tila ba katawan ko ang magiging kapalit. Nawala ang ngiti niya sa aksyon ko. Binukas ko nang malapad ang jacket at marahas itong pinagilid. “Wala akong ideya pero bukas ako kung ano man 'yon.” Kinaway-kaway niya ang palad sa harap ko. “Whatever you are thinking, its not it.” Napangiti ako. Ngiting nakahinga nang maluwag. Kahit ilegal ang gawain namin, never ko pa namang pinagbili katawan ko at malilintikan ako kay Tiyang. “Buti naman kung gano'n,” sagot ko saka sumipsip sa milk tea ko. Okay lang ang lasa, chocolate talaga. Buti nalang din. Sa pag-akyat ng lamig sa utak ko, para na rin niya itong pinagana tungkol sa plano ko. “Pero alam mo ba ang nasa isip ko? Una tayong nagkita noon sa coffee shop, aksidenteng nasagi ko 'yong kape mo kaya nabuhos. Sabi mo nga aksidente lang 'yon. Pangalawa, sa gym, sabi mo coincidence. Pangatlo, ngayon? Alam mo ba kung anong tawag dito?” Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. “Tadhana.” Panghuling atake, kinindatan ko siya. Lumapad ang ngiti niya. “You think so?” Ilang beses akong tumango. “I think about it, too. I highly agree.” And the three stages are complete. Level up, Zamora! Nagpalitan kami ng matamis na ngiti. “How old are you?” “26,” agad kong sagot. “Oh...” Ang tanging nasambit niya. Hindi niya siguro in-expect ang edad ko. Kung sa anong anggulo hindi ko alam. Basta hindi ko lang iniiwan ng tingin ang mata niya ngayon. Pinapahiwatig ko lamang na kahit ano mang edad niya, interesado ako sa kanya. “So, are you... what do you do? Are you still studying? Or working?” Sumipsip muna ako sa inumin ko bago sumagot. “Working. Hindi ako nakapagkolehiyo, walang pera,” simple at diretsahang sagot ko. Tumango siya. “What work?” Inangat ko ang balikat. “Kahit ano. Part-timer lang kasi ako. Wala namang gustong tumanggap sa katulad kong hindi nakapagkolehiyo.” “But you dressed so fine naman. You also went to the gym. I think you're in average.” Mabilis akong umiling. “Hindi, talagang inirekomenda lang sa akin iyon ng kaibigan ko. Gusto ko ring maranasan kahit isang beses lang.” Mission retreat, I mean reroute. Iibahin ang plano. Mas madali sa kanya ang magpapalabas ng pera sa akin kung maaawa siya sa sitwasyon ko. “Tsaka ano ka ba, porket mahirap alangan namang basahan din ang suot ko?” “No no, please don't misunderstood me. I mean you don't look like living a hard time.” “Hindi naman nakikita sa pisikal kung naghihirap ang isang tao eh.” Inangat niya ang dalawang kilay. “Well, you're right,” aniya saka sumipsip din sa inumin niya. “Ikaw ano bang ginagawa mo? O trabaho mo? Okay siguro buhay mo? Ang laking halaga ng 80,000 para ipanlibre mo lang sa akin. Eh hindi pa tayo masyadong close.” “I did that to get us closer.” Napaangat ang gilid ng labi ko. Gusto ko ang pagkaprangka niya ha. Pagkakita sa reaksyon ko'y napangiti naman siya ng kanyang trademark na ngiti. “So, ano ngang ginagawa mo?” tanong ko pa rin kahit alam ko na. “Business. Patriarch Homes?” Tumango ako dahil tila tinatanong niya kung pamilyar ba ako nito. “I am part of it.” Ang humble! Bakit hindi nalang sabihing anak ako ng may-ari niyan. Kung ako 'yan, pagsisigawan ko' yan. Kahit sa hindi nagtatanong, lalo na sa mga nakatira sa Patriarch, sasabihin kong anak ako ng may-ari ng tinitirhan niyo. May iba kasing taga-Patri na akala mo kung sino, e hindi naman batayan ng lebel nila sa sosyalidad ang tirahan nila ah. “Anong ibig mong sabihing part? Ano, kasama ka sa konstruksyon? Isa ka sa construction worker?” biro ko. Nilapag niya ang inumin niya at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. Kinulbit niya pa ang baba ko. “You're funny,” sambit niya at bahagyang tumawa saka lumayo. Nagulat ako sa ginawa niya. Bakit kailangang may pagano'n? “Basta. I'm just part of the management.” “Malaki ba sahuran? Parang barya lang sa'yo ang 80 kyaw eh.” Sumandal ako sa sandalan ng upuan. “Gaan siguro ng buhay mo 'no? Palagi ka kasing nakangiti.” “Palagi?” Ay pucha. Mali Zamora, maling-mali. “Palagi. Kada kita ko kasi sa'yo lagi ka nakangiti.” Ayun, nakalusot. “That's just a sign na masaya akong makita ka.” Anak ng tinapa! Bakit siya ganito? Pwedeng kiligin? Tiyang! Kahit ngayon lang! Sa 26 years ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito. Punyemas, delikado 'to. Kailangan ko ng bilisan' yong trabaho bago saan pa lumiko. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD