Nakakunot ang noo ko habang sinusubukang pakinggan ang usapan nila ng kausap niya sa cellphone.
Kanina naman kasi sinagot niya naman ito sa harap ko tapos bigla nalang siyang natahimik at naging seryoso. Nagpaalam sa akin na lalabas lang para ipagpatuloy ang usapan.
Kunwaring lumabas din ako at kumuha ng mga picture.
Wala naman talagang magandang kuhanan ng litrato rito pero sige na lang dahil wala na akong maisip na ibang paraan.
Wala, gusto ko lang malaman dahil may nararamdaman akong kakaiba. Hindi multo, basta kakaiba sa kanya nang biglang napalitan ng seryosong ekspresyon ang mukha niya.
“Let her celebrate for now… I'll do that next week…”
Kung pakikinggan ko lang siya parang hindi siya iyong tatanga-tangang Lourd na palaging nakangiti. Biglang may awtoridad ang boses niya.
“Okay…yeah right, I gotta go.”
Mabilis kong itinaas ang cellphone ulit nang lumingon na siya.
“Sam…” tawag niya nang nakangiti. Malayo sa Lourd na narinig ko kanina.
Tsk. Mukhang kailangan ko na talagang mag-ingat.
“Gusto mo picture-an kita?”
“Ah…sige.”
Binigay ko ang cellphone sa kanya. Sayang din kasi ang outfit ko kung wala man lang picture.
Pagkatapos ng ilang shots, ako na mismo ang tumigil.
“Tama na nga, wala na akong mai-pose.”
“You look cool and extra sexy today.”
Ito na naman ang makapanindig-balahibo niyang papuri.
“Tama na nga rin 'yan, masyado mo na akong binubusog sa puri.”
“I see…” Nakayuko siya at may tinitingnan sa ibaba. Sinundan ko ito at ang sapatos ko pala. “You're still not ready to wear the shoes I bought you?”
Tumawa ako ng peke. ”Hmm oo, parang pang-display lang talaga 'yon eh.”
“Use it. Sayang naman.”
“Next time.”
Muli na kaming pumasok sa loob. Pagkaupo ay tiningnan ko siya, iniisip kung dapat ko ba itong itanong sa kanya.
“Lourd,” tawag ko.
“Hmm?” Tinawag ko lang naman siya pero ngiting-ngiti talaga. Para bang ang saya-saya niya kapag tinatawag ko ang pangalan niya.
“Okay lang sa'yong mamanahin lahat ng ate mo ang negosyo niyo?”
“Hmmm…” Dahan-dahang napalis ang ngiti niya. Hindi niya siguro inaasahan ang tanong ko.
“Hindi niya naman talaga mamanahin lahat, siya lang ang magpapatakbo ng negosyo. Dad's property and others…we have both the right for it.”
“Kung okay lang itanong, ano ba ang natapos mo?”
“Wala. I took civil engineering but stopped after my 2 years in college, hindi ko kaya ang kurso.”
“Sayang naman. Wala kang balak bumalik ulit?”
Mahina siyang natawa. “In this age?”
“Bakit? Wala namang problema roon.”
“I like that thinking pero bakit pa ako mag-aaral kung may mamanahin naman ako kay Dad?”
Waw. Edi sana all!
“Oo nga naman no?” natatawa kong turan. Talagang nag-apir pa kaming dalawa.
“Hindi, pero seryoso…iba pa rin kasi kung ikaw talaga ang may alam? Katulad niyan, hindi sa'yo ipapahawak ng Daddy mo kasi may kulang ka. Tapos ano lang ha…hindi mo ba nararamdaman o napapansin na minamaliit ka ng ate mo?”
Kailangan mong makipag-agawan, Lourd para naman may rason pa rin akong kumapit sa'yo.
Bahala nang gamitin mo ako, gawin na lang kitang sugar daddy. Gwapo ka naman, aarte pa ba ako?
Gusto kong matawa sa iniisip ko. Talaga bang magagawa ko itong iniisip ko?
Pagpitik lang ang tinuro sa amin ni Tiyang pero lumaki pa rin naman kaming may dignidad sa sarili.
“It's alright. Totoo naman kasing mas kaya niya kaysa sa akin. And why would I trouble myself? I can't do like this because I'll have tons of headache due to company concerns. And…didn't you hear what she said? She approved of me enjoying the money of her hardwork but…with limits. Pero okay na rin iyon.”
Natawa ako. “Alam mo, okay ka rin eh.”
Akala ko tatanga-tanga 'to, matalino rin pala mag-isip sa mga katangahang bagay rin.
“You don't need to work hard, you just need to think wisely and work smart.”
“Okay yan sa ngayon, paano sa susunod? Kapag nagkapamilya ka na?”
“Oh…” Dahan-dahan na namang napalis ang ngiti niya na parang napagtanto. “Right…” Nakailang kurap siya at napayuko na tila napaisip. “I didn't think of that.”
“Wala ka bang planong magkapamilya?”
Nagkibit-balikat siya. “I don't know. It didn't cross my mind.”
“Mabilis ang panahon. Ngayon, enjoy-enjoy ka lang, bukas may umiiyak ka ng anak.”
“I'm not sure having a family. Hindi ko nakikita ang sarili ko in the near future na may pamilya.”
“Bakit naman?”
“I'm not sure if I can build a good family. You know, lumaki ako na may pamilya pero hindi ko dama 'yon. My mom passed away giving birth to me. I have a sister who's always looking down on me, at tatay na tagasunod lang ng apelyido niya.”
Bigla akong nalungkot sa kwento ng buhay niya.
“Sorry…” bulong ko.
Inangat niya ang tingin at ngumiti. “No, it's okay.”
Tinoss niya ang inumin niya. “Since we're in that topic. Do you want to be in my future?”
Napahinto ako sa pagkuha ng baso ko. Iinom pa sana ako pero parang ayaw ko ng ituloy dahil hindi pa man ako nakakainom, pakiramdam ko nabulunan na ako.
“Ano?”
“I like you, Sam.”
Pwede bang umubo kahit hindi nabulunan?
Sinasabi na nga ba kapag ito nahulog sa akin…at ito na nga.
“H-huh?” Hindi ko alam ang sasabihin.
Hindi ko naman first time maaminan pero first time kong magulat nang ganito. Grabe, ni walang pagdalawang-isip. Talagang naisingit niya lang iyon sa normal naming usapan.
At ang hirap niya i-reject, para kasing napakasinsero niya. Iyong parang naging makabuluhan na sa akin ang ngiti niya.
“Don't worry. Gusto ko lang malaman mo. Pero you're not responsible of anything. You're not obliged to reciprocate it but…” Napatigil siya nang nagdugtong na ang kilay ko. “Oh, I mean, hindi ka obligadong ibalik 'yon. No pressure. Pero…umaasa ako na…someday, you will,” aniya at labas na naman ang trademark niyang ngiti.
Mas gusto ko 'to, iyong nakangiti siya.
“Alam mo…may KTV rooms dito. Gusto mong kumanta?”
Tumango lang ako. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. May nilagay ba siya sa inumin ko?
Gwapo siya pero ang cute niya sa paningin ko ngayon. Ang maaliwalas niyang mukha, ang ngiti niya, parang ayoko 'yong mawala once na humindi ako, kaya um-oo nalang ako.
Tinungo nga namin sa kabilang banda ang mga KTV rooms. Maliit lang ang pinili niya dahil dalawa lang naman kami.
Nagpahatid na rin kami ng maiinom at makakain.
Alas tres na ng hapon. Gano'n na pala kami katagal dito. Hindi ko na rin naramdaman ang gutom kaninang tanghali, dahil maya't-maya naman kami kumakain.
“Do you want to sing first?” aniya pero nagbubukas na siya ng songbook kaya pinauna ko na.
“Ikaw na mauna.” Akala ko makikipagtalo pa siya kung sinong mauuna pero napakadali niyang kausap at tinipa niya na ang kantang napili niya.
Would You Be So Kind ang title ng kantang napili niya at Dodie ang singer.
Ay wow, ganyan pa talaga ang title. Masyado na ba akong masama para gamitin ang inosenteng 'to?
Nagsimula na ang kanta at ibang-iba sa inaasahan kong panglalaking kanta. Hindi ako pamilyar sa kantang ito pero napaka-cute ng intro. Sinabayan niya pa ng aktong paggigitara.
Maya-maya'y nagsimula na siyang kumanta at…magpa-cute sa akin.
Nakaupo lang ako habang siya naman ay nakatayo at ini-enjoy ang kanta.
Kinindatan niya pa ako.
Ang ganda pala ng boses niya. Hmm…may talento.
“Oh, would you be so kind
As to fall in love with me?
You see, I'm trying
I know you know that I like you
But that's not enough
So if you will
Please fall in love…”
Hindi ako masyadong nakakaintindi ng malalimang english pero dito, basic lahat ng words kaya naman ay kuhang-kuha ko ang ibig sabihin ng ganito.
Pagpapatuloy pa rin ba ito ng pagsabi niyang gusto niya ako?
“Let's write a story
Be in my book
You've got to join me on my page
At least take a look
Oh, where are your manners?
You need some time?
Let's swap chests today
That might help you decide.”
Wow, where are my manners? So, naging bastos pa ako?
Sa kabuuan ng kanta, wala siyang ginawa kundi magpa-cute lang talaga.
Binigay niya na sa akin ang mikropono pagkatapos.
“It's your time to shine,” sabi niya.
Simulan ko muna sa emo-emo itong kantahan na 'to.
Same Ground ni Kitchie Nadal. Favorite ko siya eh.
“My love…”
Unang dalawang salita, agad niya akong sinabayan. Talagang pinagdiinan niya 'yong my love.
Habang kinakanta ko ang kanta'y mas napapagtanto ko kung anong ginagawa ko.
”Cause what I don't understand
Is why I'm feeling so bad now
When I know it was my idea
I could've just denied the truth and lied
But why am I the only one standing stranded
On the same ground?”
Bakit ba kasi ito ang napili kong kanta?
“Aish, next song na nga,” putol ko sa kalagitnaan.
“Bakit?”
“Masyadong emo. 'Yong pang-party naman.”
“Ewan ko sa'yo, ikaw ang pumili ng kanta.”
Nagpalit na nga kami ng genre. Sa kanya'y puro English at ang akin nama'y puro rock na tagalog.
Nakailang kanta pa kami bago namin maisipang mag-duet sa Sana Ikaw Na Nga ni Marlo Mortel.
At hindi ko na naman alam na bakit itong kanta pa ang napili namin. Ito lang kasi napagkasunduan namin na alam ko at alam niya rin.
Hindi naman ako inaano ng kanta at alam ko naman na ang lyrics nito dati, at wala naman akong naging issue. Pero ngayon bakit parang may iba na siyang kahulugan?
“Alam kong masyado pang maaga
Ngunit ang puso ko'y umaasa
Sana ikaw na nga.”
Talagang nakatingin pa siya sa akin habang kumakanta kami.
Ako nama'y astig lang pero babae pa rin kaya naiilang ako ngayon. Gusto niyang tumingin ako sa kanya na todo iwas naman ako kaya nang-aasar na siya.
Kainis!
Pagkatapos ng ilang kanta ay naisipan na rin naming magpahinga.
Sabay naming binagsak ang sarili sa sofa.
“Hoo! That was a blast! Ngayon lang ulit ako nakapag-enjoy ng ganito.”
“Ako rin.”
Parang naging a day to remember ang araw na iyon.
Mabilis lumipas ang mga araw at mas lalo pa kaming naging malapit at kinakabahan na ako. Ang sabi ko'y hindi na ako magpapakitang muli pagkatapos ng araw na iyon ngunit panay pa rin ang aya niya sa akin sa kung ano-ano mang trip niya sa buhay na hindi ko mahindian.
Katulad ngayo'y nasa itaas na naman kami ng bundok. Mountain trekking na naman ang naging trip niya.
Nakaupo na kami at nagpapahinga sa dala niyang tela na pwede naming maupuan.
Napakaganda ng tanawin mula rito sa itaas. Ang lakas pa ng pagaspas ng hangin.
“May taning na ba ang buhay mo?” tanong ko habang nakatingin sa kawalan. Dinadama ko kasi ang buhok kong nililipad ng hangin.
“Huh? What do you mean?”
Tiningnan ko na siya. Nakaupo kami sa magkabilang dulo ng mata at nasa gitna namin ang mga dinala niyang pagkain. Meron pang chichirya at prutas.
“Parang pagche-check sa bucket list itong mga pinanggagawa mo. May mangyayari ba bukas? O sa susunod na araw?”
“Wala lang. Gusto ko lang mag-enjoy muna.”
“Muna? Bakit, anong pinaghahandaan mo? Magte-training kang sundalo? Magse-seaman ka?” Nagkunwari akong napasinghap. “Papasok kang seminaryo?”
Natawa siya sa banat ko at tinapunan niya pa ako ng green peas muncher na kinakain niya.
“Silly. Ako na nga lang ang pag-asa ni Daddy na magpapatuloy ng apelyido namin, papasok pa akong seminaryo.”
“Baka lang naman. Nakakaba kasi ang pinanggagawa mo, parang may hindi magandang mangyayari kinabukasan.”
“Uh uhm…nah uh.” Iwinasiwas niya pa amg kamay. “Stop thinking like that. Walang mangyayari, okay?”
“Wala lang.” Muli kong binaling amg atensyon sa paligid. “Alam mo bang sa panahon ngayon, nakakatakot ng maging masaya dahil baka bukas o mamaya eh luhaan ka na.”
“Kaya nga if you're happy, feel it. Make the most of it. Wash away your worries.”
Sa pagbalik ng tingin ko sa kanya, siya naman ang nakatingin sa tanawin.
“Kasi once you'll get hurt, it's also big time. Ano kung nasaktan ka ngayon? Naging masaya ka naman kahapon.”
Napakamalaman ng sinabi niyang 'yon. Matagal ko siyang tinitigan. Nililipad din ng malakas na hangin ang buhok niya.
Dahil nakatingin siya sa harap, sideview ang nakikita ko sa kanya.
Ang haba ng pilikmata niya, at ang ilong…hmm, lubos na pinagpala!
Alam kong gwapo siya pero bakit parang dumoble na ang epekto nito ngayon sa akin.
Mabilis kong iniwas ang tingin at umiling-iling.
Oh, mahabaging Panginoon, alisin mo po ang masasamang elemento na nasa isip ko ngayon.
“Lourd…”
“Hmm?”
“Tawagin mo akong Za. Za ang tunay kong palayaw. Ang Sam, iyan lang talaga ang pinapakilala ko sa mga taong una ko pa lang nakilala.”
“Really? And it took you more than two months to allow me to call you that.”
Mahina nalang akong natawa.
“Okay, Za. Hmm…sounds good. Why do you keep such precious name?”
“Wala lang, trip ko lang. Ikaw nga riyan, ba't Lourd ang pangalan mo? Diyos ka ba?”
Malakas siyang natawa. “I didn't expect that. Ikaw ang unang nagtanong sa akin ng ganyan. Well, they ask me why my name's Lourd, pero hindi naman nila ako tinanong kung diyos ba ako.”
“So, ano nga?”
“My mom died after giving birth to me, right? So, nasa hospital kami noon. Above my mother's bed, may nakadikit na Lord's prayer. When Dad was asked for my name, wala na raw ibang pumasok sa isip niya kundi iyong nakita niyang Lord's prayer.”
“Buti hindi naging Lord's prayer pangalan mo.”
“Thankfully not.”
“Namura ka na ba ng mga kaibigan mo?”
Muli na naman siyang natawa. “Why ask?”
“Makasasala ang magmura pero kapag kasama pa pangalan mo parang dobleng minus points pa sa langit.”
“Ah, so how about those women who were screaming my name when…you know…f*ck Lourd, sh*t Lourd.”
Hinampas ko siya dahil with feelings pa ang sample ng putangina.
“Hindi ka na virgin?”
“Hello? I'm 28, Zamora.”
“Oo na, 'kala mo naman ang laking pride niyan. At saka, sabi ko Za, hindi Zamora. Kadiri naman ng Zamora.”
“What? Ang cool kaya. Zamora, parang amazona.”
Pinaghahampas ko na nga dahil quotang-quota na siya sa pang-aasar sa akin.
Natigil lang ako nang tumunog ang cellphone ko mula sa bag. Kinuha ko iyon. Si Tiyang ang tumatawag.
“Hello, Tiyang?”
Zamora, nasaan ka ngayon? Kasama mo ba si Lourd?
Tumayo na ako at bahagyang lumayo dahil parang hindi dapat ito marinig ng isa.
“Opo, Tiyang, bakit?”
Naku, si Zenon, nahuli ng mga pulis.
Parang nabingi ako sa balita ni Tiyang. Ito na ba ang kapalit ng labis na kasiyahan ko?