PANGLIMANG KABANATA

3018 Words
Paulit-ulit ko na lang sasabihin sa sarili ko na lalayuan ko na si De Lara! Pero hindi ko magawa dahil sya ang lapit ng lapit sa akin! Alangan namang e taboy ko! Napaka rude naman non! Baka masabi pa nong tao ang sama ng ugali ko despite sa kabutihang pinapakita nya sa akin. "Bakit ba kasi ang gwapo nya?" Nanghihina kong sabi. Hindi ko alam kung crush pa ba tong nararamdaman ko o iba na! Hindi ko alam! Pinapahamak ko talaga ang sarili ko. "Salvador, bakit nandito ka? Tapos na kayong gumawa ng documentary?" The P.I.O asked. "Hinihintay ko pa si De Lara, kinuha ang camera nya" I politely answer. He nod. "Oh sige...maiwan na muna kita rito" aniya. Ayaw ko sanang maging partner si De Lara sa documentaring gagawin naming mga officer pero wala akong magagawa dahil partner kami! Kaming dalawa ang representative ng CBA department! Iwan ko ba sa President kung bakit may pa documentary pang nalalaman! Nakikita naman ng head ng school na nagtitinda ang mga estudyante! Nag c-celebrate ng entrepreneurial days! Kaartehan talaga! Sa totoo lang nakakapagod maging officer dahil ikaw ang takbuhan ng lahat ng estudyante but at the same time, thankful ako dahil hindi ako gumastos ng malaking pera sa ambagan para sa e titinda. "Let's go?" Agad na bungad ni De Lara pagkapasok. I nod at tamad na tumayo sa kinauupuan. Actually, sya lang naman ang mag p-picture at mag v-video! Iwan ko kung bakit nya pa ako sinasama! Wala naman akong ma-ambag. Tahamik lang ako habang kumukuha si De Lara ng mga photo! "Ano yan boss? Banta sarado ah?" His friends teased him. Napangiwi na lang ako. Kaya kami na i-issue dahil sa kagagawan nya eh! Wala sigurong logic ang lalaking to kaya hindi nya naisip ang mga iniisip ng ibang tao! "Tss" he respond and take a shoot. "Man! I didn't know na under ka na ngayon" "Bruh! Finally! The long wait is over" "Pakilala mo naman kami bro!" "Shut up fuckers" "Bibili lang ako ng buko juice" paalam ko dahil naiilang ako sa mga kaibigan nya. He turned to me and nod. "Yon!" "Lakas!" "Girlfriend mo na bruh?" Napakuyom ako ng kamao at dali-daling umalis! Nakakahiya! Okay lang sana kung totoo pero hindi eh! At isa pa! Yong panunukso nila at pananahimik ni De Lara na para bang gustong-gusto rin nya! Mas lalo lang lumalala ang nararamdaman ko! Napakapa-fall talaga. "Pabili po ng buko...Isa lang po" order ko. Ayoko sanang gumastos pero ayoko ring masabihan nyang sinungaling! "Salvador! Sa wakas nakita rin kita!" Magiliw na saad ni Santiago. I smile. "Bakit?" I asked at tinaggap ang buko at nagbayad. "Wala kasi akong friend na kasa-kasama eh! Nakaka-bored! Free ka ba?" Nakanguso nyang sabi. "Hindi eh, gumagawa kami ng documentary, utos ni Pres...Yon nga si De Lara oh..." turo ko sa lalaki na kinukuhanan ng litrato ang mga kaibigan nya. "Ah! Busy na busy rin pala ang office no? Kaya siguro kayo hindi pinasali sa pagtitinda" aniya. I nod. "Oo eh, hindi na kami makakatulong pagnagkataon" I said. "Oh!sige, busy ka pala. Akala ko makakaboanding tayo ngayon!" Aniya. I smile. "Sa susunod na lang" Ani ko at lumapit kay De Lara. "Where's mine?" Bungad nya. Napakurap-kurap naman ako. "Huh?" Gulantang kong sabi. "Where's mine?" Seryoso nya talagang sabi. "Ugh...Wait! Bibilhan na lang kita" Ani ko. Aamba sana akong aalis when he chuckled. Nagliparan naman ang paru-paru ko sa tyan dahil sa reaksyon nya. I looked away, nagkunwari na lang na hindi apektado. "Just kidding...Gusto mo e try?" Ani nya sabay lahad sa akin ng camera. "Ako?" Turo ko sa sarili ko. He nod. "Yeah" I pursed my lips. Hindi ako marunong pero gusto kong ma try pero! Ayoko dahil mas mahuhulog lang ako! "Oh sige!" Biglang lumabas sa bibig ko. Pigil hininga ang bawat pagkukuha ko ng litrato dahil naka guide sya. Nakakabaliw, na nakakilig na nakakaba! Hindi ko alam! "Ikaw na lang" ilang kong sabi. Lumamig naman ang tingin nya sa akin and then he looked around and sigh heavily. "Don't mind them" Aniya. Ako naman ang bumuntong hininga ngayon. "Ayoko na ng issue baka magalit girlfriend mo o harangan na naman ako ng mga fan girls mo" seryoso ko talagang sabi. He nod. "I understand" aniya at kinuha ang camera, hindi na na ako binabalingan ng tingin. Parang lumubog ang damdamin ko sa inakto nya. Anong ginawa ko? Bakit naramdaman kong disspointed sya? Or iniisip ko lang na disspointed sya? Hindi ko alam. "U-Ugh...Ano...Ughmmm..." "I will teach you somewhere else then" seryoso nyang sabi. Cutting me off. Napakurap naman ako. "Huh?paano tong trabaho natin?" Taranta kong sabi. He smirked. "Were done here" Aniya at hinatak ako. Hindi mag sink in sa akin ang nangyayari! Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa kotse nya!kung paano ako nakasakay, paano nya napaandar ang sasakyan,Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta! Diba! Iiwas na ako? Bakit ginawa nya pa toh? Mababaliw talaga ako ng tuluyan sa kanya! Hindi ko kaya yon! Laglag ang panga ko nang huminto kami sa isang garden. The flowers are blooming, the surroundings are so clean, the water is like a crystal clear, I even heard a bird humming. Hindi ko alam na may ganitong lugar dito! At ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar. Nakakamangha, nakakagaan ng damdamin. "For sure your comfortable here already?" Agaw atensyon ni De Lara sa akin. "Ugh...Bakit...Bakit mo ako dinala rito?" Lito kong tanong. "To teach you this" aniya at pinakita ang camera. When De Lara handed me the camera medyo awkward pa pero nong nakita ko ang mga kuha ko parang yong mga pag-aalinlangan ko nawala! Nakadagdag tulong pa na mas namangha pa ako sa lugar dahil na explore namin ang bawat sulok. "Wala ba tayong klase ngayon?" Hyper kong tanong. He shook his head. "Just enjoy" aniya. Ngumuso lang ako at pinaglaruan ang camera nya. Kung saan saan ko na lang ititnutok! Ang gaganda kasi ng lugar. "Hoy! Ano yan!" Reklamo ko nang nakita kong nakatapat ang phone nya sa akin. Mukhang kinukuhanan ako ng litrato. He chuckled. "I'm searching a song...What's wrong with you?" He said playfully. Nanliit naman ang mata ko sa kanya dahil hindi ako naniniwala. "Aanhin mo yong song?" Pandududa ko. He smirked, hindi ako sinagot kaya kumunot ang noo ko. "Niluluko mo ako!" Naiiritah kong sabi. He shrug. "Hah! Mga lalaki talaga sa mundo! Pare-pareho! Napaka cheater" pagputak ko. "What?" Natatawa nyang sabi. "What?" I mocked at lumayo sa kanya nagdadabog. I heard him laughed, narinig ko pa ang mga yabag nya, mukhang sumusunod sa akin. "Your so cute when your mad" natatawa nyang sabi. Inis ko naman syang tinignan. "Puro ka cute, cute, cute...Crush mo ako noh?" Nasabi ko bigla dahil sa inis. He raised his brow. "Why? Is it so obvious?" Nakataas ang kilay nyang sabi. Nanlaki naman ang mata ko at kumalabog ang puso ko sa narinig. Ano raw? "H-huh?" Utal kong sabi. "Let's go" aniya at hinatak ako. What he said, never leave my mind. Kahit nasa boarding house na ako! Parang paulit-ulit nag replay sa utak ko ang sinabi ni De Lara! Crush nya ako? Totoo ba yon? Or feelingera lang talaga ako? Pero narinig ko talaga ang 'is it so obvious?' So ang ibig sabihin non ay crush nya talaga ako at ngayon ko lang nahalata? "Hindi! Hindi!" Pagtatalo ko sa sarili ko. Baka nag overthink lang ako! Baka sinakyan nya lang yong pagka-inis ko, kumbaga para mas mainis pa ako. "Iwan!" Inis kong sabi at tinalukbong ang kumot. Kabadong-kabado ako kinabukasan na pumasok! Para akong high-school na kinakabahan dahil may umamin sa akin. But in the case of De Lara, nakikita ko talagang sumakay lang sya sa pagkainis ko sa kanya! Na ginawa nya lang yon para mas mainis ako! Ano bang kagusto-gusto sa akin? Walang paki sa sarili! Hindi marunong mag-ayos! Magkaka-polbo lang at liptint okay na! Ni hindi nga ako maganda! Hindi ko talaga alam kung anong nakain ni De Lara kung bakit nya sinabi yon eh! In his perspective, biro lang siguro yon! Pero ako na may crush na sa kanya tapos sinabihan nya pa ng ganon? Hindi talaga ako makakatulog! "Bakit ba ako na attract sa kanya!" Gigil kung sabi habang naglalakad. Sa dinami-dami ba naman ng simpleng lalaki sa school doon pa ako na attract sa impossible kung makuha! Ang gwapo nong tao, ang yaman, mukhang nag g-gym rin dahil may mga muscle-muscle at kung hindi ako nagkakamali, may abs rin yon dahil pumuputok biceps nya eh. "Lord!" I mumbled.Nagmamakaawa na tanggalin na tong nararamdaman ko kay De Lara! Ako lang ang nagpapahamak sa sarili ko eh! Yong ganong mukha? Halatang mapanakit! Papalit-palit ng babae! Babaero mga ganon dahil gwapo sila! "Act normal" bulong ko sa sarili ko bago tuluyang pumasok sa classroom. But to my surprise. Everyone turn to me and then look where De Lara is sitting kaya napatingin ako doon. I frowned when I saw a girl sitting beside him, talking non-stop at kinikilig pa. While De Lara, he just looking at nowhere mukhang walang pakialam sa babae. Umayos ka Aloha! Don't give them a sign that you like him or else your doomed. I sigh at dumiritso sa tabi ng baklang na nanliliit ang mata sa akin. "Good morning Salvador!" Magiliw nyang sabi. I frowned nang tumahimik ang lahat kaya ginala ko ang mata ko. "Bakit?" Kunot noo kong tanong dahil lahat sila nakatingin sa akin. "Anong bakit? Yong boyfriend mo nilalandi! Sunga ka!" Gigil na sabi ng Bakla at binatukan pa ako kaya inis ko syang tinignan. "Bakit ka nambabatok?" Inis kong sabi at masama syang tinignan. Ano naman kong nilalandi si De Lara? Oo nagsisilos ako pero pag umakto akong nagseselos! Ang kapal naman ng mukha ko! Walang kami, ni hindi nga kami friends! "Boba! Go get your boy!" Mataray nyang sabi. "Anong boy? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko sya boyfriend!" Pakikipagtalo ko. I scoffed at kinuha ang phone nya at hinarap sa akin. "So ano tong picture na toh? Hah? Hah? My day yan ni De Lara! Halatang aliw na aliw ka! At obvious din nag date kayo!" He accused. Kumunot ang noo ko at tinignan ang phone nyang may ako, kumukuha ng litrato sa isang bulaklak. Sabi ko na nga ba! May pa music music pa syang nalalaman! Napakasinungaling talaga ng mga lalaki sa mundo! Inis kong tinignan si De Lara na kakatingin pa lang sa direksyon ko. I glared at him, kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi. I looked away at binalik ang tingin kay bakla na nakataas ang kilay sa akin, na para bang nahuli nya akong nagsisinungaling. "Hindi ako yan!" Inis kong sabi. Humahalakhak naman sya. "Hah! Defensive!...Mag sinungaling ka na sa lahat wag lang sa akin!" Proud nyang sabi. "Sabing hindi ko sya boyfriend eh!" Naiiritah ko ng sabi. He keep on teasing me! Kaya sa iritah ko, lumabas na lang ako ng classroom at tumambay sa hagdanan patungong roof top. Kung boyfriend ko talaga si De Lara! Hindi ako maiinis ng ganito! Hindi ako mahihiya pero hindi eh! Alangan namang mag f-feeling girlfriend ako kahit hindi totoo! At kahit bumabagabag sa akin ang sinabi ni De Lara kahapon! May part sa akin na nagsasabi na baka! Gusto lang makipag-kaibigan ng tao! Kaya nakakainis! Paano kaming maging magkaibigan kung napaka issue ng tao sa paligid namin!? Nakakabwesit! Dahil wala akong nakikitang professor na dumadaan, nanatili na lang ako rito, kumakain ng biscuit! Tinatamad akong magluto kanina o bumili ng pagkain! Kaya hindi ako nakapag breakfast, bumili nga lang ako ng busicuit pagkapasok ko rito sa school. Napapansin ko, Palagi na lang akong na b-bwesit sa school na toh! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin rito sana doon na lang ako sa school ni Kuya. "Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong ko kay De Lara na nakapamulsang naglalakad patungo da direksyon ko. "The class will start in 10 minutes" Aniya. "Ayokong pumasok, next subject na" malamig kong sabi at iniwas ang tingin sa kanya. He sigh. "Are you jealous?" Bigla nyang tanong na nagpalaki ng mata ko. "Hindi ah!" Agad kong sabi. Bakit naman ako mag seselos? May karapatan ba ako? Hello! "Go get inside in the classroom then" seryoso nyang sabi. I sigh. "Ayoko! Nab-bwesit ako sa mga kaklase natin! Napaka-issue!" Inis kong sabi. Dahil sa tukso-tukso na yan! Mas lalo lang akong nahuhulog sa lalaking ito! Sana lang talaga saluin nya ako! "Don't mind them" aniya. Yan! Yang mga salita nyang yan ang dahilan kong bakit hindi ko matanggap yong sinabi nyang hindi ba obvious na may crush sya sa akin! "Bakit ka sumunod rito!? Kaya tayo na i-issue eh! May girlfriend ka na! baka awayin na naman ako!" Reklamo ko. Ilang segundo ang magdaan, wala syang sinabi kaya napatingin ako sa kanya. He's raising his brow kaya inisip ko ang sinabi ko. Napasinghap naman ako ng may na realize na tunog bitter ako. "Hindi ako nagseselos ah! Is just that...ayokong awayin ako ng..." "Hah! Sabi na nga ba mag jowa kayo eh!" Biglang labas sa kung saan si Baklang Steven! "Hindi!" "Hah! Marami kaming nakarinig! Guys! Labas" sigaw nya. Natampal na lang ako nang sunod-sunod nagpakita ang mga kaklase ko. "Ano? Deny ka pa ng deny! Kinakahiya mo si Papa De Lara? Ang gwapo nyan te!" "Wag e deny Salvador masakit yon" "Base on experience! Angelo?" "Tangina mo!" "Boyfriend mo pala to si De Lara sana pala hindi namin pinapasok yong babae kanina" "Hoy! Pamilya tayo lahat rito! Bakit may magjowa? Ano to Family stroke?" "Tanga! Sila parents natin! Kaya wag ka mang hunting ng kaklase" "Abah beh! Nagsalita ang hindi nagka crush-" "Tumahimik kang gaga ka" Napapikit na lang ako sa sari-sari nilang mga sinasabi! Bakit ang liliit ng mga utak ng mga taong toh? Jusko naman. "She's is not yet my girlfriend" Malamig na anunsyo ni De Lara kaya natahimik ang lahat. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas nagsalita na sya. "See? Wala kaming relasyon!" Proud kong sabi. "Bakit may yet?" Pang e-entriga ng bakla. "Wala akong narinig na ganyan!" Saway ko sa kanya. Ayoko ng mag overthink! Nakakapuyat! "Bruh! Your courting here?" One of his friends asked. Kumunot naman ang noo ko, inaalala ang sinabi ni De Lara kong may 'yet' ba. "Set B...Why are you all here?" Our teacher voice echoed kaya nagsi-ayusan kami ng tayo. "Good morning ma'am!" Sabay-sabay naming sabi. "Get inside" strikta nyang sabi kaya dali-dali kaming pumasok. Kinukulit ako ng Bakla habang nag kaklase! Kaya saway ako ng saway sa kanya dahil hindi ako maka focus. "Hindi ko nga sya boyfriend! Letche!" Bulong ko sa kanya. "Pero may pa 'yet' na sinabi si Fafa De Lara kaya magiging boyfriend mo rin yon" "Wala nga syang sinabing ganyan!" "Indenial ka beh! Ang gwapo non tapos nagpapakipot ka pa? Kung ako sayo! Hindi pa nagtanong sinagot ko nah" "Siraulo ka! Wala nga syang sinabing ganyan!" "Meron!" "Wala" "Meron! Indenial ka lang talaga" "Hindi ako bingi! Wala akong marinig na yet" "Meron" "Wala" "Meron!" "Wala!" "Salvador and Vegas! Stand up!" Stiktang sabi ni Ma'am. Nanlaki naman ang mata naming dalawa ng bakla at sabay pang napabaling sa harap. I bite my lips nang nakitang sobrang sama ng tingin sa amin ng guro namin. "Hindi nakikinig sa klase! Anong pinagmamalaki nyo? Na matalino na kayo! Hindi na kailangan magpaturo?" "No ma'am! May tinanong lang ako kay Salvador kasi may hindi ako naintindihan sa klase" sagot ng bakla. Napayuko na lang ako sa kasinungalingan nya! "Is that true Salvador?" Malamig na tanong sa akin ng Prof. Napalunok naman ako, hindi alam ang sasabihin. "Salvador!" Madiing bulong sa akin ng bakla at bahagya pang sinipa ang paa ko. I sigh. "Yes ma'am" pigil hininga kong sabi. "Next time, kung may tanong kayo, sa akin nyo itanong dahil nakakawala kayo ng momentum!" Galit talagang usad ni Ma'am. Namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Ito kasing bakla na to eh! Hindi marunong e lugar ang panunukso nya! Nadadamay tuloy ako. "Sorry ma'am, hindi na po mauulit" Ani ng bakla. "Sit down" Hiyang-hiya ang nararamdaman ko hanggat matapos ang klase! Kaya dali-dali akong lumabas sa classroom ng nag dismiss at umuwi sa boarding house. 2 hours pa naman bago magsimula ang sunod kong klase. Nakakahiya talaga yong napagalitan kami kanina! Pinatayo pa! Nakakainis kasi yong bakla na yon eh! Nakapagsinungaling pa ako. "Nakakabwesit!" Gigil kong sabi at sinalpak ang sarili sa higaan. Nakakahiya! Nakakahiya! Hindi na ako tatabi sa baklang yon dahil nadadamay ako! Nag-aaral na akong mabuti pero parang ayaw ng universe dahil may setmate akong sisira sa pag m-manifest ko ng high grades. Bwesit. When my phone beep, kinuha ko ito at tinignan kong sinong tangina ang nag text. "Luh!?" Gulantang kong sabi nang nakita ko ang pangalan ni De Lara na nag add friend sa f*******: ko at nag request para ma follow nya ako sa IG. Nagsisigaw ako ng walang boses sa nabasa! Parang yong naramdaman kong kahihiyan, inis at kung anu-ano pa biglang nawala dahil kay De Lara! "s**t! Nag add friend sya" kinikilig kong sabi. Nang mapagod, umupo ako sa kama at pinindot ang confirm. "My goodness!" Kinikilig kong sabi and accepted his request. Wala naman akong masyadong post sa i********:, yong graduation picture ko lang at group photo namin Nina Arsenia. ZS De Lara: Where are you? He chatted in IG. Nanlaki naman ang mata ko sa nabasa. Hinahanap nya ako? Oh my! Aloha Aloha: Bakit? I replay. Napanguso naman ako dahil feel ko napa cold ng replay ko. ZS De Lara: Are you okay? Kumunot naman ang noo ko sa nabasa pero hindi nawala ang ngiti ko sa labi. Aloha Aloha: Okay lang. Nasa BH ako ZS De Lara: BH? I laughed sa replay nya. Aloha Aloha: Boarding house ZS De Lara: I will go there Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Aloha Aloha: Bakit!? ZS De Lara: We'll edit the pictures so that we can pass it already to SSG President. Aloha Aloha: Dyan na lang. Babalik na ako. ZS De Lara: I'm on my way already just wait there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD