PANG-APAT NA KABANATA

3031 Words
Habang nag d-distribute ako ng mga contracts para sa mga nag rent ng tables for entrepreneurial days, good mood na good mood ako. Paano naman kasi! Hindi maalis sa isip ko ang moment ni De Lara don sa boarding house nong isang araw! Medyo nakakahiya man at muntik pa akong mabuking na crush ko sya! Kinikilig pa rin ako. "Everyday ba kami magbabayad ng 50 pesos for current?" My schoolmate asked. I nod. "Oo eh, yon kasi ang sinabi ni Pres. Doon na lang kayo magbayad sa treasurer namin" magalang kong sabi. "Ang mahal naman!" Reklamo nya. Ngumiti lang ako ng maliit. "Hoy! Salvador! Bakit 1000 ang isang table natoh!? Over pricing na kayo! Ang liit-liit nitong table!" Reklamo ni Vegas na bakla. I laughed. "Hindi ko rin alam" natatawa kong sabi at binigay sa kanila ang contracts nila. "Over pricing! Ang unfair pa na hindi kayo kasaling majowa dito!..." "Hindi ko nga yon boyfriend!" Madiin kong sabi he rolled his eyes. "Sabihin mo yan sa pagong! Shupi ka na! Naiiritah ako sayo" mataray nyang sabi. I laughed. "Babalikan ko yan mamaya ang contract" I said pero inirapan lang ako. One thing na nagustuhan ko rin ngayon araw, hindi kami kasali ni De Lara sa pagtitinda dahil officer kami. Kami ang mag f-facilitate ng program na to dahil kami ang nagplano. "Salvador. Where's your partner?" Tanong sa akin ng Vice President na palinga-linga sa paligid dahil nag o-obserba. "Huh?" Lito kong sagot. "The other CBA representative" paglilinaw nya. Napatango-tango naman ako. "Ah! Nandoon siguro sa..Ayon!" Nabubuhayang loob kung sabi at tinuro si De Lara na paakyat sa hagdan. "Everyone is busy at mukhang papatapos ka na sa task mo...please buy a extention wire, marami kasing nag r-request na gagamit sila ng kuryente...Pasama ka na lang doon sa kaklase mo okay?" He instructed. Wala sa sarili naman akong tumango. Ang sarap tumanggi eh dahil makakasama ko na naman si De Lara pero nakakaawa din si Vice Pres. Dahil mukhang stress na stress na. "Okay po...Ilan po ang bibilhin ko?" I asked politely. "Just 5...yan na lang ang kulang...wait ito pala ang pera...Pag kasyahin mo na lang yang isang libo...akin na yang dala mo! Ako na bahala rito" Aniya. I nod at hinabol si De Lara. "Hoy! De Lara!" Walang delikadisa kung tawag habang tumatakbo. Ramdam ko pang nag silingunan ang mga estudyanting nakarinig pero wala akong pakialam! May inutos sa akin at kailangan kong magmadali dahil stress na stress na si Vice. "De Lara! Sandali!" Sigaw ko na talaga. He stop walking at nilingon ako kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. "What?" Kunot noo nyang sabi. I raised my hand, signaling him na hihinga muna ako. "Nakakapagod...Ano...ito!" Hingal ko pang sabi at nilapag sa kamay nya ang isang libo. "What I am gonna do this money?" Malamig nyang sabi. Malakas akong bumuntong hininga. "Bibili daw tayo ng extention wire! Busy ang lahat ng offers kaya tayo na lang daw at bilisan na natin dahil kailangan na kailangan na" I said habang hinahabol ang hininga. "Okay" simple nyang sabi. Dahil sa pagtakbo para na akong zombing sumusunod sa kanya. "You want a water?" He asked habang nakapamulsang naglalakad, nakatalikod sa akin. Mukhang naramdaman na pagod ako. Hindi ako sumagot dahil pagod ako. Everyone is looking at us pero wala akong paki! Inutusan lang kami! Bahala silang mag-isip ng kung ano! Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kanyang kotse. Gumala naman ang mata ko pagkapasok ko sa kotse. Ngayon lang kasi ako nakasay ng ganitong sasakyan, Yong mamahalin! Hanggang bus, van, motor lang ako eh. "Here..."kunot noong sabi ni De Lara at nilihad sa akin ang mineral water na hindi ko alam kung saan nya kinuha. Agad ko naman yong kinuha dahil kailangan na kailangan ko talagang uminom ngayon. "Where can we buy extention wire?" He asked nang pinaandar nya na ang makina ng kanyang sasakyan. Gusto kong e labas ang phone ko at mag selfie dahil first time kong makasakay ng ganitong sasakyan! "Sa Jollibee" wala sa sarili kong sabi. "What?" "Ah!...Hindi ko pala alam" agad kong bawi at nahihiyang nag iwas ng tingin. Sige Aloha! Mamilosopo ka pa! Hindi yan Kuya o mga kaibigan mo para pilosopohin! Jusko naman! "Tss" reaksyon nya kaya tutop ang bibig ko. Hindi na lang ako umimik sa buong byahe hanggang sa nakabili kami ng extention wire. Less talk less mistake kaya hindi ko na lang talaga binuka ang bibig ko. As much as I want to start a conversation para mag level up kami! Hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kung anong lumalabas sa bibig ko. Pagkarating namin sa school. Kinuba ko agad yong supot! Aamba sana akong bubuksan ang pinto nang nakita kong nakababa na si De Lara at patakbo ng umikot para pagbuksan ako ng pinto. "Let me carry that one" aniya at kinuha ang supot sa kamay ko. "Salamat" nahihiya kong sabi at lumabas sa sasakyan na sana pala hindi ko nagawa dahil nakita ko yong obsessed na babaeng para na akong papatayin ng tingin. Bahagya akong nagtago sa likod ni De Lara. Ayoko ng away! Natatakot akong makipag-away! Bago pa lang ako rito, wala akong back up! De Lara glance at me at kumunot ang noo nya dahil sa inasta ko kaya ngumiti ako ng pilit at sinulyapan yong babaeng obsessed. De Lara looked where I am looking. He sigh and reach my back para makapagsimula na kaming maglakad. "Pinapahamak mo ako" bulong ko sa kanya dahil hindi nya inalis ang kamay sa likod ko. As if titigil ako sa paglalakad kapag inalis nya yon. "I got you" walang emosyon nyang sabi. Kumalabog naman ang puso ko dahilan ng pag-iinit ng mukha ko. Shit! I forgot na napakalandi pala ang lalaking toh! Sabi ko na nga ba! Sana pala hindi na ako nagsalita! Nakahinga lang ako ng maluwag nang dumating kami sa SSG Office. De Lara give the extention wire to the vice habang ako napaupo na lang dahil sa panghihina. Dammit! Hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko ngayon kay De Lara. Part of me wants to be with him and felt his wrampt always! His perfume, parang naiwan sa akin! Hindi na to makatarungan! Yong babaeng kanina! Nakalimutan ko dahil sa akto nyang yon! Hindi ko na alam! Nalilito na ako sa sarili ko! I need to avoid him dahil mababaliw talaga ako ng tuluyan kapag hindi! I'm here for my study! To pursue my dreams! Hindi maghanap ng boyfriend! Pero bakit ang gwapo nya at napaka gentleman? Anong gagawin ko? Alangan namang umamin ako na crush ko sya ganito ganyan! Nakakahiya yon at isa pa parang wala lang naman sa lalaki yong mga inakto nya, parang natural lang syang ganon! Iwan! I need peace of mind! Hindi ko na hinintay si De Lara. Umuwi na lang ako ng boarding house at nilagay sa bag ang mga labahin dahil uuwi ako bukas! Ayoko ng mag stay dito ng weekends baka malunod lang ako sa kakaisip sa nararamdaman ko para kay De Lara! Pagkarating ko sa boarding house, bulong ako ng bulong na iiwasan ko na si De Lara! Dapat next week, hindi ko na sya papansinin. Ayoko nito! Nalilito na ako sa sarili ko. Hindi pa ako na inlove!hanggang crush lang talaga ako kaya natatakot na ako sa sarili ko ngayon, parang iba na yong nararamdaman ko! Hindi pwede to! I'm not brave enough to break my rules because I am inlove! Duwag ako! Hindi ko kayang panindigan! "Bakit mas pinoproblema ko pa to kaysa sa quizz ko na bagsak?" Problemado kong sabi. I shook my head at tinawagan na lang si Kuya para may susundo sa akin rito. Ayoko bumyahe mag isa! Hindi naman sa hindi ako marunong! Sadyang ang dami kong what ifs kapag ako lang mag-isa. [ Oh? ] Bungang ni Kuya pagkasagot nya. "Kuya! Uuwi ako bukas sunduin mo ako!" [ May R.O ako bukas. Mag commute ka na lang, hindi ako pwede.] "Kuya naman eh!" Pag p-padyak ko. [ Parang bata! Kung gusto mo talagang magpasundo...5:30 pa ako ng hapon makakapunta dyan ] "Mag c-commute na nga lang ako!" Nakanguso kong sabi at pinatay ang tawag. Kung magpahatid na lang kaya ako kay De Lara? "Urgh! Ang feeling ko!" Naiiyak kong sabi. Okay na ako sa pasulyap-sulyap sa kanya eh! Bakit ba pinansin nya ako? Bakit ba napaka-pa fall nya? "Jusko naman!" Problemado kong sabi. Kinabukasan, hindi pa sumikat ang araw, umalis na ako sa boarding house. Bukod sa hindi ako pinatulog sa nararamdaman ko, nagtatalo pa kami ng sarili ko kung iiwas ba ako kay De Lara o hindi. Iwan. Pagkarating ko sa bahay. Wala man lang nagbago. Kung ano yong sit up nong umalis ako, yon pa rin pagkauwi ko. "Kamusta ka doon?" Tanong ni Mama nang mananghalian kami. Wala pa si Kuya, mamaya pa ang dating noon dahil may klase pa. "Okay naman po" magalang kong sagot. Kailangan maging mabait dahil parents ang kaharap. "Baka kung saan-saan ka gumagala doon Aloha" Ani ni Papa. I shook my head. "Wala na pong time dahil ang daming gawain, malayong-malayo sa high school! Hindi pweding pa chill-chill lang. Yong e gagala ko, e tutulog ko na lang po" pagtatanggol ko sa sarili. "Baka hindi ka na kumakain sa tamang oras doon, nangangayayat ka na" Ani ni mama. Weird ko naman syang tinignan. "Grabe ma! Hindi naman ako pumayat, kain nga ako ng kain" pagsisinungaling ko. Kahit minsan nga nakakaligtaan ko ng mag breakfast kapag sobrang aga ng klase ko. Buong araw nasa loob lang ako ng bahay, nag p-phone, nanood ng TV, nagbabasa tapos naglilinis! Hindi naman ako makakagala dahil napaka strict nina Mama. Ngayon? Parang pinagpasalamat ko pang strict ang parents ko dahil doon ko naramdaman na may care sila sa akin. Ngayon ko lang yan na realize. Kapag nasa boarding house kasi ako para akong asong walang amo! Kung hindi ako kikilos, wala talaga! At walang pipigil sayo kung saan ka pupunta, walang makakapagsabi na wag kang pumunta dahil delikado. Iwan! Noon gusto kong lumayo rito pero ngayon nagpapasalamat pa ako dahil ganito ang parents ko. Walang klase kinabukasan si Kuya kaya away kami ng away! Palagi kasing nangiinis si Kuya. "Na miss mo lang ako eh!" Inis kong sabi at inayos ang buhok ko dahil hinulog nya ako sa sofa. Parang bata! "Ang kapal! Sino ka? girlfriend ko?" Mayabang na sabi ni Kuya. "E susumbong kita kay Mama! Girlfriend ka ng girlfriend hindi ka nga marunong maglaba ng brief mo!" Inis kong sabi. "Mag sumbong ka! Samahan pa kita" puno ng pagyayabang nyang sabi. "Tumahimik nga kayong dalawa!" Saway ni Papa na naestorbo na sa pagbabasa ng dyaryo. "Si Kuya eh! Ang laki laki naman nyang sofa! Parang tanga eh!" Inis kong sabi. "Hindi ka pa ba babalik sa boarding house mo? May klase ka bukas" Ani ni Papa. I scoffed. "Grabe! Pinapalayas na ako" bulong-bulong ko. Masama kong tinignan si Kuya na nakangising nakatingin sa akin. "Hatid mo ako!" Inis kong sabi. "Bahala ka sa buhay mo" pang-iinis nya. "Pa! Si Kuya oh!" Sumbong ko. "Anthony!" Ani ni Papa kaya binalatan ko si Kuya. Naligo na muna ako at nagimpaki ng mga damit bago lumabas. Mama handed my allowance at nagpapaalala ng iilang paalala. Hinatid ako ni Kuya pabalik sa boarding house na nang inis pa bago umalis. "Magpapasama ka pa?" He teased. I rolled my eyes. "Lumayas ka na!" Inis kong sabi. Kuya laughed at ginulo ang buhok ko. "Mag-ingat ka rito, mag lock ka kapag matutulog ka na, wag lalabas ng gabi. Okay?" Paalala nya. I nod. Tinulungan nya akong ipasok ang mga dala ko bago umalis. Dahil napakatahimik ng paligid. Natulog lang ako! Hindi na nakapaghapunan dahil umaga na ng nagising ako. "Ang sakit ng ulo ko" reklamo ko. Mukhang napasobra ang tulog ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kuya para sabihing masakit ang ulo. [ May paracetamol akong nilagay sa bag mo. Inomin mo yan tapos kumain ka...Nilalagnat ka ba ? ] Nag-aalalang sabi ni Kuya. "Napasobra lang ng tulog kaya siguro sumakit ang ulo ko" Ani ko at hinanap ang gamot. I heard kuya sigh. [ uminom ka ng gamot dyan...Kapag hindi mo talaga kaya wag ka munang pumasok ] "Okay " Ani ko at pinatay ang tawag. Pumasok ako sa school na may dalawang white flower dahil hindi umipekto ang paracetamol. "Look whose here!" Biglang harang sa akin ng babae. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?" Wala sa mood kong sabi. Hindi ko na uulitin yong matulog ng matulog! Ang sakit sa ulo. "Attitude! I don't think Zioniel like you! Your flirting him cause your a flirt" She accused. Kumulo naman ang dugo ko sa narinig. I am not feeling well today tapos makarinig ako ng ganyan? "Your rude! Dumadaan lang ako rito tapos ganyan ang sasabihin mo? Nasaan ang manners mo?" Inis ko talagang sabi. She scoffed and looked at me sharply. Ang sarap tusukin ng mata! Kung hindi lang masakit ang ulo ko ngayon hindi ko to papatulan eh! "You dare to talk back to the queen of this university?" Maldita nyang sabi. Binaba ko ang white flower at inis na din syang tinignan. "Anong queen of University? Bakit walang special treatment? Bakit ganyan ang ugali? As far as I know hindi ganyan ka pangit ang mga queens" Walang filter kong sabi. Mas nairitah naman sya sa sinabi ko. "Palengkera! Maang-aagaw!" Sigaw nya sa pagmumukha ko. Bwesit! Sana pala sinunod ko si Kuya na huwag pumasok kapag hindi kaya! Edi sana hindi ako napaaway ngayon. "Sino bang inagaw ko sayo?" Iritah kong sabi pero agad na kumunot ang noo nang namukhaan ko ang babae. Sya yong obsessed kay De Lara! Bakit ba ang malas ko ngayong araw? Lunes na lunes! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin ngayong araw! Sana pala nagsimba ako kahapon! Hindi nakipag-away sa Kuya kong isa pang nakakainis. "You flirted Zioniel! Inigaw mo sya sa akin dahil sa kalandian mo!" Madiin nyang sabi at lumapit pa talaga sa akin. I sigh heavily. Mas sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito! "Bakit ako ang sinisisi mo?...Nagpa-agaw eh! Kasalan ko? Kasalan?" Pamimilosopo ko. Natameme naman sya kaya napangiwi ako at pumihit para bumalik sa boarding house dahil masakit talaga ang ulo. Nakahawak ako sa ulo ko habang lumalabas sa University! Bakit ba ako nag over sleep? Ito napapala ko! Ang init-init pa ng panahon. Pagkarating ko sa boarding house. Kinulit ko na naman si Kuya na hindi nawala ang sakit ng ulo ko. [ Papunta na kami ni Mama dyan...Magpahinga ka muna ] Aniya at pinatay. Hindi na ako humiga ulit, nakaupo lang ako habang nakapikit ang mata, dinadama ang sakit ng ulo ko. When Kuya and mama arrived. Pinainom agad ako ni Kuya ng Medicol at pinaghanda ng pagkain. Mama is massaging my head at pinapainom ako ng mainit na tubig. "Nilipasan ka ng gutom ano?" Ani ni Mama at hinilot hilot ang kamay ko dahil namumutla na raw ako. "Hindi ako nakapaghapunan kagabi tapos nag tinapay at kape lang ako sa agahan" Ani ko at pinikit ang mata. "Kumain ka muna Aloha" Ani ni Kuya. I open my eyes at sinunod ang sinabi nya. "Sabi ko naman sayo kumain ka sa tamang oras! Tignan mo ang nangyari sayo! Malayo ka! Paano kung may klase ang Kuya mo? At may delivery kami ng Papa mo? Hah?" Pag sesermon ni Mama. "Hindi na po mauulit" I said weakly. "Wala na tong laman ang white flower mo" Dinig kong sabi ni Kuya. "Sinisinghot ko lang naman" Ani ko. "Bilhan mo nga yang kapatid mo. 39 pesos lang yan, bilhan mo rin ng gamot" Utos ni Mama. Last period na nang nakapasok ako! Maayos na ang pakiramdam ko! Thanks to my brother and mother kahit sinermonan pa ako ng tudo tudo. Pagkapasok ko sa classroom, agad silang nagpalakpakan lahat kaya nagtaka ako. "Nagpaaagaw eh! Kasalan ko? Kasalan?" Maarteng sabi ng bakla. Napakurap naman ako. "Teka!" Alma ko at parang binuhasan ng malamig na tubig nang maalala ang pinagsasabi ko kanina. "Taray gurl! Hindi ko alam na palaban ka pala! Tsk! Tsk! Tsk!" Proud na proud na sabi ng bakla. Hinanap ko agad si De Lara na nakatingin na pala sa akin kaya napalunok ako. Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko! Nakakahiya!Nasabi ko lang naman yon dahil sumasakit ang ulo ko at gusto ko ng matapos agad. "Hindi kasi...ganito yon-" "Shut up Salvador! Wag ka ng mag explain" Ani ng bakla. "Hindi! Hindi ko sinasadyang sabihin yon!..." "Walang nanghihingi ng explanation! Diba people!?" Tanong nya sa mga kaklase namin na ang agree sa kanya. Napatampal na lang ako ng noo. "Hindi kasi...ganito yon, masakit ang ulo ko kanina! Hinarang ako nong babae, gusto ko ng matapos agad kaya lumabas yon sa bibig ko...Hindi ko sinasadyang sabihin" paliwanag ko talaga. I sigh nang nakita ang mga mukha nilang hindi naniniwala. "Tara! Ayosin na lang natin yong tinda natin!" "Wala atah si Prof. Magtinda na lang tayo baka manakawan pa yon!" "Baka na over cook na yong siomai" Pambabaliwala nila sa akin. Na laglag na lang ang balikat ko. Bakit ko ba sinabi yon? Yong babae kasing yon eh! Sa lahat ba naman ng pagkakataon! Doon pa sya humarang kung kailan masakit ang ulo ko!? Nakasimangot akong nanonood sa kanilang lumalabas ng classroom! Hindi talaga pinakinggan ang explanation ko. Bahala nga sila! Inis kong sinalpak ang sarili ko sa upuan at napahilot sa ulo! Parang bumalik yong sakit ng ulo ko! "Are you okay now?" A baritone voice asked. Napakurap ako nang nakita si De Larang mariin akong tinignan, binabasa ako. "Ah...Oo...ano...sorry pala sa nasabi ko...Masakit talaga ang ulo ko kanina, gusto ko ng makaalis doon agad kaya nabitawan ko yong mga salita na yon, sorry talaga." paliwanag ko. "You don't need to say sorry...You better go back to your boarding house than to do your duties" seryoso nyang sabi. I shook my head. "Naku! Wag na! Nagtitipid ako ngayon, ayokong mag multa" Ani ko. "I got you... eh hahatid kita" aniya at kinuha bigla ang bag kong dala. "Teka!...Malapit lang ang boarding house ko!" Habol ko pero hindi nya ako pinansin kaya ang ending na hatid nya talaga ako ng tuluyan sa boarding house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD