Naidlip ang dalawang bakla sa loob ng opisina ni Reeve sa couch natulog ang mga ito habang naghihintay sa kanya. May mga ilang kailangan ng approval na mga documents kaya naman ay inuna niyang tapusin muna. Ayon sa asawa niya ay maaring sa makalawa pa ito makakauwe dahil may mga iilang importanting mga meetings pa ito. Ayos lang naman sa kanya kasi para naman iyon sa future ng kanilang magiging mga supling. Napapaisip na din siyang magpa check up lalo at namimilog na ang kanyang balakang lately. Sumikip na din ang kanyang mga dating damit. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa ng isang proposal ng bumukas ang pinto. Pumasok si Bianca at ang Mommy nito na todo poise pa. Inihanda na nya agad ang sarili sa laban lalo at kilalang maldita ang nanay ni Bianca. Ayon sa byenan niya ay binabala

