Makalipas ang ilang sandali ay bumalik nga ang dalawang bakla nakangisi pa. "O bumalik kayo?" nakataas anv kilay na pigil ko ang tawa. "Nakalimutan kasi namin na di pa nabibigay ni Papa Reeve ang bigay nyang bag. Hehe saka naalala naming ililibre mo pala kami ng almusal, tsaran!" sabi pa ni Rio. Kasabay pala nito si Mariz ang taga dala ng aking ayuda. "Haha mga baliw." naiiling kung sabi sa dalawa. "Maganda naman!" sabi naman ng feelingerang Si Cloud. "Saang parte ang ganda bakla?" birada naman ni Rio dito. "Hoy sistah wag kang ano dyan. Hala lafang mode na mga inday!" sabi nito na inagaw na kay Mariz ang dalang plastic na may mga pagkain. "Mukhang alam na alam ni Mariz na darating kayo a." biro ko ng makitang apat na topperwear ang dala ni Mariz. "Tumawag po kasi si Sir Reeve sa b

