(GirlxGirl)
Kyla x Jane
Nagkakilala kami sa panahon na hindi ko inaasahan. Sa panahon na akala ko wala ng makakakita pa sa halaga ko, sa isang tulad kong makakahanap pa pala ng pagmamahal na wagas, katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
Dumating siya sa buhay ko na walang-wala ako. Wala akong makakapitan na kahit na sino. Sa panahong ubos na ubos ako dahil ibinigay ko ang lahat sa taong akala ko ay pipiliin ako at mananatili sa tabi ko.
Napawi ang lahat ng sugat na dulot ng nakaraan ko, nang siya ang nasa tabi ko. Lahat ng katanungan sa isipan ko ay nasagot nang siya ang kasama ko.
Dahil lamang sa social media, oo.
Sa f*******: ko lamang siya nakilala. Hindi ko akalain na dito ko lamang pala makikilala ang taong handang tanggapin ang lahat ng mali ko, at yakapin ang buong pagkatao ko, maging sino o ano pa man ako.
Ang sabi niya handa siyang maghintay hanggang sa muling maging handa na ako. Hanggang sa masabi ko na ang matamis na salita na hinihintay nito, ang masabi ko na rin sa kanyang mahal ko siya at hindi kagaya ng iba, ay mananatili ako sa tabi nito.
Nangako ako. Sinabi kong maghintay lamang siya, dahil hindi ko siya bibiguin. Sinabi kong kapag naging handa na ako, gusto ko, siya ang unang tao na madadatnan ko oras na maging handa na ako, kapag naging buo nang muli ako.
Kaya iyon ang ipinakita nito. Walang pag-aalinlangan na ginawa niya ito. At talagang seryoso siyang tuparin iyon hanggang dulo.
Napapangiti na lang ako, kasi kahit papaano ay unti-unti na akong nagtitiwalang muli. Sa kanya, at handa akong kilalanin pa siya.
Ilang buwan din kaming magkausap, panay chat at video calls. Ang layo niya kasi, ganoon din ako sa kanya. Kaya wala kaming choice noong una kung hindi ang magtiis at maghintay sa tamang panahon kung kailan kami magkikita.
Nakakasabik na makasama siya, nakakasabik na mahagkan at mayakap ito, na makasama siya. Iyong tipo na hahalikan ko siya sa kanyang mga labi ng punong-puno ng pagmamahal at pangungulila, hanggang sa tuluyang mapawi ang lungkot na pareho naming nadarama..
Hanggang sa dumating na nga ang panahon na kami ay magkikita na. Sa wakas, natapos din ang paghihintay. Natapos din ang inaasahan kong pagkakataon na kay tagal ko ring inasam na mangyari.
Pupuntahan na niya ako.
Oo, pupuntahan niya ako. Ang saya lang, hindi ba? Nag-effort at gagastos pa talaga siyang gawin iyon, dahil ang sabi niya mahal niya ako.
Mahal na niya ako!
Mula sa maraming buwan, linggo at araw na paghihintay, ay naging oras at hanggang sa minuto na lang ang hihintayin, para mayakap namin ang isa't isa.
"Jane!" Kumakaway siya habang tinatawag ang pangalan ko.
Mababakas sa mukha niya ang nag-uumapaw na saya. Mabilis na tumakbo ito palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap. Isang mahigpit na mahigpit na yakap.
Napapikit pa nga ako, dinama ko ang lambot ng katawan niya. Iyong pabangong gamit niya, maging ang gamit na nitong shampoo.
"Hi!" Namumula ang mukha na sabi nito sa akin. Bago ako tinitignan ng diretso sa mga mata ko.
"Gosh! You're so pretty!" Napatawa na lang ako. Kasi sa totoo lang, mas maganda siya. Sobrang ganda niya.
Pagkatapos ko siyang sunduin sa Airport, dinala ko siya sa isang tahimik na restaurant.
Kinakabahan ako. Hindi ko rin magawang makapagsalita.
Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko ngayon. Ito kasi ang araw na alam kong masasaktan ko siya ng lubusan, ang araw na alam kong masasayang lamang ang effort niya, pero hinayaan ko paring mangyari.
Isa pa, gusto ko rin kasi siyang makita. Kahit na iyon na ang una at huling beses na mayayakap ko siya.
Ang tanga ko ba? Siguro nga. Pero anong magagawa ko? Mahal ko rin naman talaga 'yung tao. Iyon nga lang, komplikado.
Alam kong kapag hindi ko nasabi ngayon, mas masasaktan ko lamang siya. Isa na rin sa magandang dahilan ito para magalit siya sa akin. Gusto ko magalit siya sa akin hanggang sa tuluyan na siyang makalimot. Madali lang sa kanya ang maka move-on.
"Are you okay? You seems so nervous. At kanina ka pa hindi nagsasalita---"
"Kyla, I have something to tell you." I cut her off. Bago ako napahilot sa sintido ko.
Pero nginitian lamang niya ako, iyong ngiti na nagsasabing sabihin ko sa kanya at magiging maayos din ako. Kung ano man ang gumugulo sa isipan ko.
"What is it? Tell me." Sobrang ramdam ko ang concern sa kanyang boses.
Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata.
"Kyla, I love you." Basta ko na lamang binitiwan ang mga salitang iyon.
Alam kong nagulat ko siya. Alam kong hindi niya iyon inaasahan. Pero nasabi ko na. Wala ng bawian pa.
"At gusto kong sabihin na, handa na ako." Dagdag ko pa. Mabilis na napatakip ito ng kanyang bibig habang naluluha.
"P-Pero hindi sa'yo." Napiyok pa sa dulo na pagpapatuloy ko. "I'm sorry, Kyla."
"W-Wait, you told me you love me, tapos sasabihin mo handa ka na, pero hindi sa akin? Jane, h-hindi ko ma-gets." Naguguluhan na tanong nito sa akin.
Napatango ako.
"Yeah, I love you but this is also a goodbye... for us." Nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
"I appreciate your effort, sa paghihintay mo sa akin, sa pag punta mo rito sa akin and all---"
"Habang hinihintay kita, habang--- habang pinaghihintay mo ako, may hinihintay ka rin na iba? Gano'n ba?"
Muli ay napatango ako. Muling tinignan ko ito sa kanyang mga mata at binigyan ng isang malungkot na ngiti.
"How could you say you love me, kung hindi ka naman pala handang mag-commit sa akin?" Napatawa ito bago pinunasan ang sariling luha.
"I know it will only hurt you more, if I don't tell you the truth." Sabi ko pa. "Kyla, this isn't a fairytale. I f****d up, yes. But I am not the one you need. I'm sorry." Pagkatapos ay mabilis na tinalikuran ko na siya.
Noon ko lamang hinayaan na pumatak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Jane, wait." Pigil nito sa akin. Natigilan ako, ngunit hindi ko na ito nilingon pa.
"Don't you try to leave me here because everything about us will end here as well." Nanginginig ang boses na sambit nito.
"Goodbye, Kyla."
Pagkatapos ay iniwanan ko na siya. Ang gago ko, pero minahal ko talaga siya.
Mahal ko siya.
Pero hindi siya ang nakikita kong makakasama sa aking pagtanda. At mula sa umpisa pa lamang, alam ko naman talagang hindi ako sa kanya magiging handa, kundi sa iba.
Naging masaya lamang talaga ako sa mga ginagawa niya.
Minsan, may mga tao lamang talaga na darating sa mga buhay natin hindi para makasama sila sa lahat o hanggang sa dulo.
Minsan, hinahayaan natin na dumating at pumasok sila sa mga buhay natin, dahil alam natin na makakatulong sila sa paghilom natin mula sa nakaraan.
Katulad ko at ni Kyla. Inaamin kong mali na minahal ko siya, pero hindi ko siya kayang panindigan. Dahil hindi naman talaga siya ang gusto kong makasamang magpatuloy, at hanggang parte lamang siya ng aking paghilom.
Hanggang doon na lamang iyon.