Pasalubong

625 Words
(BoyxGirl) Denzel x Trix Ilang taon na akong may pagtingin sa kanya. Ilang taon ko na rin itong tinatago dahil natatakot ako na baka maging dahilan iyon para tuluyan siyang mawala. Baka bigla siyang magbago. Baka bigla siyang umiwas. Baka hindi kami pareho ng nararamdaman. Baka kaibigan lamang talaga ang turing nito sa akin. Baka ako lang naman talaga itong assumera dahil natural lang sa kanya ang pagiging sweet at maalaga. Pero BAKA, baka lang naman pwede rin pala kaming dalawa, hindi ba? Hays! Bahala na nga. Sabi ko sa aking sarili. Sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya. Hindi... Mahal ko na pala siya. Ipapaalam ko na. Ang importante naman, sinubukan ko, hindi ba? Kapag parehas kami ng nararamdaman, edi panalo. Kapag hindi man at natalo, tatanggapin ko nalang kahit na ano pa man ang maging resulta. Kaya heto na, excited na akong sabihin sa kanya. Napangiti ako ng malawak habang tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Gaya ko, bahid sa kanyang itsura ang excitement at saya. "O sige, sabay tayo. G?" Tanong nito dahil sinabi kong may sasabihin ako sa kanya, at ganoon din siya sa akin. "Okay, g!" Pagpayag ko. "On three?" "On three." Pag-ulit ko pa at nagsimula na nga ito sa pagbilang. "One." Habang nagbibilang siya, mas lalo akong kinakabahan. "Two." Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko. "Three!" "I love you, Denzel!/Nagkabalikan na kami!" Agad na natigilan ako at tila ba mayroong karayom ang agad na tumusok sa dibdib ko. "W-Wow!" Wala sa sarili na komento ko bago napalunok ng mariin. "What did you just say?" Gulat na tanong rin nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin habang namumuo ang luha sa mga mata ko. "I-I love you, as a friend." Sabay pabirong hampas ko pa sa braso niya. Pero ang totoo, ang sakit-sakit na para bang gusto nang sumabog ng dibdib ko ngayon din. "S-So...kailan pa?" Nanginginig ang boses na tanong ko habang pinipigilan na mangilid ang sariling luha. Tinignan ako nito sa aking mga mata. "Two weeks ago na." Nakangiting sagot nito. Bahid sa kanyang mga mata ang saya at galak. "Hindi ko lang agad nasabi sa'yo dahil gusto kong surpresahin ka." Dagdag pa niya. Napatango ako. Oo nga, nasurpresa ako. Sabi ko sa loob ko. Nasurpresa akong hindi pala talaga kami parehas ng nararamdaman, na hanggang ngayon pala ay 'yung ex pa rin niya ang mahal niya at ako? Ano lang pala ako? Wala! Isang dakilang assumera na umaasang mamahalin din niya, na umaasang baka parehas din pala kami ng nararamdaman. Well, I guess tama nga ako. Tama ako na baka natural lang sa kanya ang pagiging sweet at caring. Napangiti ako ng malungkot bago napalunok. "Congrats! I'm happy for you." Pilit na pinasasaya ko ang aking boses. Kahit na ang totoo, kahit na sa loob ng puso ko, durog na durog ako. Tatalikod na sana ako nang muling magsalita siya. "Trix, sorry ha." Biglang pahingi nito ng tawad. "Siya pa rin kasi eh." Dagdag pa niya. "At palaging siya lang." Muli akong napakagat sa aking labi kasabay ang tuluyang pagpatak ng mga luha ko. Mabilis na pinunasan ko ito atsaka tuluyan ng tinalikuran siya. Hindi na sana niya sinabi. Itinago na lang sana niya sa kanyang sarili. Alam ko namang talo ako eh. Sinubukan ko lang naman. Pero wala, olats! Kahit konting pasalubong sa nararamdaman ko, wala. Wala eh! Wala akong laban sa taong naging malaking parte na ng nakaraan niya, at paulit-ulit niyang pipiliin na maging buhay niya. Sino ba naman ako, diba? Ex 'yun eh! Normal lang na babalikan niya lalo pa at mahal pa talaga niya. Eh ako? Wala! Isang dakilang umaasa sa wala. Baka hanggang pangarap na lang talaga ako sa kanya. Hanggang doon na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD