“ Sukli mo! “ sigaw saakin ni Manong pagkatapos kong magbayad kahit nakatayo naman ako sa tabi niya.
“ Hindi ako bingi kaya wag niyo akong sigawan! “ sigaw ko din. Ang aga aga dumadagdag sa maulan at pangit na umagang ito.
“ Ano?! “ lingon nito saakin, nang-aasar ba ito mukha pa namang may edad kaya mahirap patulan.
“ Wala ho! Ang sabi ko hindi ako bingi kaya wag kayong sumigaw! “ malakas kong sabi rito ulit.
“ Mabuti naman kung ganon “ sigaw pa nito “ Ako kasi bingi kaya pasensya kana kung di kita marinig “ sabi nito ng malakas kaya naman napabless na lang ako saka tuloyang naglakad sa loob ng bus niya.
“ Bakit naman ata ang weird ng mga taong narito sa bus “ tingin ko pa sa mga taong narito, iyong iba masyadong pula ang mga buhok na akala mo nakawala sa sabongan, ang iba naman kumikinang dahil sa mga suot nilang peking ginto, ang iba may nakapaikot sa mga ulo nilang hindi ko malaman kung ano pero hindi siya gamit ng mga muslim sa ulo at base sa suot nila alam kong hindi sila mga muslim, at mga kabataang nagsicheweng gum at naninigarilyo.
“ Mukhang nababagay talaga ako rito “ pagtabi ko sa babaeng may mahabang buhok na may qmga puti ang buhok na akala mo sasali sa cosplay hindi siya pangit pero weird tingna kung sinadya niya itong pakulayan napaka-pangit ng taste niya dahil para siyang mangkukulam buti na lang may hitsura kahit papaano.
“ Gusto mo? “ pag-aalok nito saakin ng candy.
“ Salamat! “ pag-abot ko rito pero natigilan ako sa muli nitong sinabi.
“ Isang halik ang bayad! “
“ Ano? “ lingon ko rito at napalunok ako ng kulay red ang bibig nito at hindi ko alam pero pakiramdam ko kinilabotan ako bigla.
“ Masarap naman eh! “ tawa nito at nakita ko sa harapan nito ang nakatali niyang plastic na puro balat ng pintura na chewing gum.
“ Sayo na lang “ pagbalik ko rito pagkwan humalakhak ito ng malakas.
“ Napaka cute mo naman “ sabi nito saka itinago ang candy at hindi ko na siya tiningnan pa at nagkunwaring mag-isa lang rito sa loob ng bus.
“ Papatayin kita!!! “ napalingon naman ako sa sigaw ng mga kabataan sa likod at napatayo ako ng makitang sinasakal nong isa ang katabi niya habang natatawa lang rito ang dalawa pang kasamahan nila habang pinapanood lang sila.
“ Hayaan mo sila “ napalingon naman ako sa pagsasalita nitong katabi ko “ Saan ba ang tungo mo? Bago ka lang bang sasabay saamin? “ sunod sunod nitong tanong at tumigil na rin ang mga bata kaya marahan din akong tumabi ritong muli.
“ Patungo ako sa lugar ng kapatid ni Lola “
“ Sa Pook Liwanag “ mahina nitong sabi saka nasundan nang pagngisi kaya benaliwala ko ulit siya napakawerdo eh.
“ Aalis na tayo!!! “ sigaw ni manong pagkatapos sumakay ng matanda at lalaking may mahabang buhok na mukhang nakalimotan na niyang suklayan sa sobrang gulo habang naninigarilyo pa ito at may bulok ang ngipin pagkatapos ngumiti sa babaeng katabi ko. Pagkwan tumunog ang selpon ko.
“ Tumawag ka kapag dumating ka “ bungad agad ni mama “ Nasa terminal na ang pinsan mo at hinihintay ang pagdating mo “
“ Eh! Ano bang lugar itong pagdadalhan mo saakin? Ang wewerdo nitong mga makakasabay ko! “
“ Ayaw ko namang gawin ito pero napakatigas ng ulo___ “ agad kong pinutol ang linya bago pa dumaldal na naman si mama.
Ako si Felipe Bisente at kagaya ng mga nabasa niyo nandito ako ngayon sa loob ng bus patungo sa pook Liwanag at buong buhay ko hindi pa ako nakakarating roon kaya hindi ko maiwasan isipin kung anong lugar ba ito pagkatapos kong makasabay ang mga taong itong sa tingin ko doon din ang tungo. Well, kagaya ni mama wala siyang choice kundi dalhin ako rito para tumino tsk! Edi! Kung matino siyang magulang e baka hindi ko hinampas ng class record ang teacher ko dahilan para wala ng tumanggap pa saaking school saamin dahil hindi lang ako kundi maging iyong kaklase ko na ngayon nasa hospital. Hindi naman ako nakulong dahil siya naman ang nauna at pinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil mga bully sila kaso mali sila nang binully kaya lang pagkatapos ko siyang hampasin ng upuan nahulog ito sa hagdan kaya ayon nabalian ng braso at natanggal ako sa school at dahil naibalita iyon kaya wala na ngang gustong tumanggap saakin kaya ito, dadalhin ako sa probinsya ni mama para tumino dahil iniisip nilang kaya ako ganon eh dahil sa pangalang dala dala ng papa ko. Isa akong Bastardo pero kasalanan naman iyon ni mama, kasalanan ko bang ginawa niyang kabit ang sarili niya at maging anak nila ako tapos ngayon sisisihin nila ako dahil nalaman ng asawa niya ang tungkol saakin at sa tingin ko isa iyon sa dahilan bakit gusto nila akong mapalayo sa kanila pero okay lang, nakakasawa rin naman huminga sa bahay namin.
“ uhu! Uhu! “ ubo ng matanda habang nakatayo sa harapan ko pero bago pa ako makatayo pinigil ako nang babae pagkatapos niyang hawakan ang sleeve ng jacket ko.
“ Kayo na po ang maupo “ pagtayo ko pagkatapos tanggalin ang pagkakahawak saakin ng babae.
“ Dali, maupo ka “ tawag ng matanda sa lalaki kanina kaya ganon naman ang pagkakakunot noo ko nang siya ang maupo.
“ Ah! Lola umalis ako dahil gusto kong maupo kayo pero kung siya ang pauupoin niyo babawiin ko! “ pag-upo ko ng mabilis bago pa maupo itong damulag na 'toh, tssst! maglola pala sila hindi man lang halata sa mukha ni Lola na may apo siyang ganito napaka layo ng mukha nila, masyadong mabait ang mukha ni Lola.
“ Umalis ka na diyan kaya wala ka nang Karapatan diyan! “ masama nitong sabi.
“ Bakit may batas bang nagsasabing wala na akong karapatan rito? “ masama kong tingin rito.
“ Aba! Ang yabang mo ah!!! “ pagtaas ng lalaki sa kamao niya pero ganon na lang ang gulat ko pagkatapos saloin ng babae ang suntok nito bago pa tumama saakin.
“ sipain mo “ at dahil sa sinabi niya sinipa ko nga ito kaya sumalpok ito sa sasakyan na siyang pag-andar ni manong at napangiti ako ng wala man lang nakatingin saakin hindi tulad ng kapag may ginagawa akong kalokohan na halos na saakin ang mata ng lahat.
“ Kung ganon isa ka din sa ipapadala sa lugar namin? “ tanong ng babae pero hindi ko na siya nasagot pagkatapos tumakbo ni lola sa apo niya na sa tingin ko takot sa byahe dahil mahigpit itong nakahawak sa sahig ng sasakyan habang matalim ang mga tingin saakin.
“ Sa tingin mo tatagal ka? “ tanong pa ulit ng babae.
“ Mukha naman kayong mga tao pero bakit ang weweird niyo? “ pagkuha ko sa selpon ko at nagearphone at hindi ko alam anong pinagsasabi nitong babae dahil kinakausap niya pa rin ako.
MARAHAN kong tinanggal ang earphone ko ng huminto ang bus at magagabi na dahil medyo madilim na ang paligid pagkwan nilingon ko ang katabi kong upuan at wala na rito iyong babae.
“ Nakababa na? “ tanong ko pa habang inaayos ko ang gamit ko at naghahanda na rin ang ibang pasahero pagkwan tumayo na rin ako ng magsimulang bumaba ang mga tao sa harapan. At ganon na lang ang gulat ko ng makababa ako ng makita ko sa may waiting sheed ang babaeng katabi ko kanina pero hindi ako puweding magkamali dahil talagang wala pang nakakababa nong dumating kami at saka kararating lang namin nong magising ako kaya imposibleng nauna itong lumabas.
“ Hoy! Ikaw ba si Pilipi? “ tanong saakin ng batang lalaki bukod sa walang galang napakarumi rin ng damit nitong puti.
“ Hindi! “ suot ko sa bag ko nang maayos.
“ Sumunod ka na saakin “ sabi nito pagkatapos akong pagmasdan “ Bawal tayong gabihin sa daan dahil delikado sa lugar namin “ paglalakad nito pagkatapos kunin ang isang bag ko at mabigat iyon para sa tulad niya.
“ Eh! Sino ka ba? “
“ Ako ang susundo sayo “ sabi pa nito “ Wala ka man lang dalang pagkain “ reklamo pa nito.
“ HOY! BATANG GAMO ALAM KO NA ANG MUDOS NA ITO KAYA IBALIK MO YANG BAG KO! “ pagkuha ko sa bag ko.
“ Ako si Elias, walong taong gulang at pinsan mo ako “ sabi nito at nasabi nga ni mama itong pangalan niya saakin kaso hindi ko enexpect na ganito ito kabansot “ Lahat ng sakay nang bus ay kilala ko maliban sayo kaya siguradong ikaw si Pilipi " kuha nitong muli sa bag ko at naglakad pagkwan kinuha ko sa bulsa ko yong chocolate na binili ko bago sumakay ng bus.
“ Hindi Pilipi ang pangalan ko “ pagsunod ko rito “ Felipe, Felipe ang pangalan ko “ pagbibigay ko rito sa chocolate na cloud 9 at mabilis naman niyang kinuha ito at kinain.
“ Kung ganon Felipe ang pangalan mo? “ mabilis naman akong lumingon sa pagsasalita ng babae at siya yong katabi ko kanina.
“ Pinsan ko siya kaya wag mo siyang pakialaman! “ hindi ko alam anong gustong pakahulogan ng pinsan ko pero ngumisi lang rito ang babae.
“ Wag mo siyang ipagdamot “ pagpunta ng babae sa harapan namin “ Gusto ko lang naman maging kaibigan siya “ ngiti nito saakin at napatingin ako rito ng hawakan niya bigla ang kamay ko.
“ ahhhhhh… ang init ng kamay mo “ paghawak nito ng mahigpit sa kamay ko at dinikit sa mukha niya na para bang nababaliw rito, ngayon lang siguro ito nakahawak ng gwapong kamay kaso sobrang nakakatakot ng mga ngiti niya at ang mga kamay niya sobrang lamig kaya mabilis kong hinila ang kamay ko.
“ Hindi ko type ang mga m******s na babae! “ sabi ko rito pero tumitig lang siya saakin habang nakangiti.
“ Kapag sumunod ka saamin isusumbong kita kay Lola “ ani Elias at hinila na ako na para bang nilalayo niya ako sa babae saka bumilis ng bumilis ang lakad namin pero mamaya bigla itong bumagal at tumingin sa paligid.
“ Anong problema? “ pagtingin ko din sa paligid.
“ Ssssshhh “ pagpapatahimik nito saakin “ Maaga pa naman ah kaya paanong nandito na sila “ mahina pa nitong sabi at pula ang langit ngayon habang lumulubog ang araw.
“ Sinong sila? “ tanong ko pa pero nanatili itong tahimik kaya naglakad na ako “ Ituro mo na lang saakin ang daan dahil pagod ako at gusto kong matulog kung wala kang balak maglakad “ at katatapos ko lang magsalita ng lumabas mula sa malalaking kawayan sa daan ang limang lalaki at yong isang nangunguna sa kanila siya yong kasama ni Lola sa sasakyan kaya bigla tuloy uminit ang dugo ko.
“ Kaibigan ko siya kaya padaanin niyo kami “ takbo saakin nitong si Elias at humawak sa braso ko at sa tingin ko natatakot siya.
“ Alam mo ba bakit ako nandito? “ tanong ko rito “ Dahil sa pakikipagsuntokan ko kaya sisiw lang ang mga ito kaya tumabi ka na muna “ pagtanggal ko sa bag ko at nagstretch para sa pakikirambolan na ito, mukhang exciting talaga ang lugar na ito.
“ Hindi mo sila kaya “ sabi pa nito at tumango lang ako ng mahina dahil ramdam ko rin sa hangin na hindi sila basta mga binata lang “ mukhang sanay nga din sila sa rambolan kaso mali sila ng kinalaban dahil ganon din ako at isa pa lamang din ako sa mga mukha nila, mas gwapo talaga ako “ hawi ko pa sa buhok ko.
“ Sinasabi na nga bang mayabang ka rin “ lingon nito saakin at nakakahalata na ako sa batang ito ah kanina pa ako nilalait.
“ Masama din ang ugali ko! “ hampas ko sa ulo niya pero hindi naman ganon kalakas.
“ Ganyan nga magyabang ka pa para may dahilan pa ako para basagin ang pagmumukha mo o kaya baliin ang bawat buto ng katawan mo “ ani Lalaki kanina sa sasakyan habang hawak hawak ang kamao niya na para bang gigil na gigil ito saakin hindi para paghahalikan dahil sa kagwapohan ko kundi para sirain itong maganda kong mukha.
“ Ano ka bata? Nandito ka siguro nang dahil doon sa bus pero sorry ka dahil hindi ako basta nagpapaapi lang lalo na sa mga pangit na tulad niyo! “
“ BATA! EH MAS BATA NAMAN SIYA UMASTA! “ bulong nitong katabi ko nawawala tuloy ang angas ko.
“ Kahit hindi nangyari iyong sa bus, eh talagang sasaktan pa rin kita puwera na lang kung kusa mong ibibigay ang mga gamit mo saakin! “
“ Sainyo na!! “ tapon ni Elias sa mga gamit kong dala dala niya.
“ Anong ginawa mo?!! “ sigaw ko rito at pupuntahan ko sana ito kaso biglang may lumabas pang mga lalaki mula sa likuran at labing sampo na sila ngayon at katulad nitong lalaki sa bus kanina napaka bigat din ng mga awra nila hindi ko alam dahil doon sa ginawa ko sa bus eh ganito agad ang sasalubong saakin.
“ Ibigay mo na ang mga gamit mo kundi baka kaluluwa lang ang maihatid ko sa bahay “ pananakot pa saakin ni Elias pero sa tingin ko seryoso siya.
“ Bakit ba hindi tayo humingi ng tulong sa mga tao rito? “ sabi ko rito dahil mukhang hindi ako uubra sa dami nila “ May mga adik rito!!! Tulong!!! “ sigaw ko na siyang sinundan ng hangin at wala man lang may sumagot saakin dahil wala namang tao rito puro puno, kawayan, at nagtataasang d**o.
“ Ibigay mo na!!! “ pagpapahubad saakin ni Elias sa bag ko at marahan ko naman itong hinubad ng malingon itong mga pangit na lalaki sa harap namin.
“ Basta pahahalikin mo ako kapag tinulongan kita “ napalingon kami sa pagsasalita ng babae sa gitna namin at siya yong kanina rin sa bus, iwan ko pero bigla na lang ito sumusulpot. Baka may lahing encantadia para maglaho ng ganon.
“ Kung gusto mo dalhin mo pa sa bahay mo basta makaalis lang ako rito “ ani Elias na mukhang nawalan na ng paki saakin at ang gusto ay mabuhay na lang. Tsk! Kung kanina akala mo iisa lang kami na pusod para ipagdamot ako sa babaeng ito tapos ngayon ibebenta na lang ako bigla.
“ HOY! ELIAS_____ “ natigilan ako ng biglang maglaho ang babae sa gitna namin at paglingon ko nasa direksyon na ito ng mga lalaki habang nakikipagsuntokan.
“ Sandali a-anong na-nangyari? “
“ Alam kong magugulat ka sa unang araw mo pa lang rito para sa mga makikita mo kaso hindi ko rin naisip na mas magugulat pala ang lahat sa pagdating mo para sa ilang oras mo pa lang rito ay magka-interest na sayo ang tropa ni Gato “ sabi nito habang nakatingin sa pagsusuntokan nila at talagang mahusay iyong babae kanina dahil bihira lang nila ito matamaan sa dami nila at saka parang wala lang ito sa kanya samantala iyong mga natatamaan ng mga suntok niya e tumitilapon ang mga ito at hirap na hirap bumangon ulit.
“ Gato? “
“ Oo, iyang lalaking inaway mo sa bus! “ masama nitong lingon saakin.
“ Hoy!!! Siya ang nang-away saakin at saka ako ang main character dito kaya bakit kung palabasin mo, eh walang kwenta ang mga pagkatao ko? Hindi ko siya inaway sadyang pangit lang ang ugali niya nagmana sa mukha niya at ngayon pati sa pangalan niya “ tawa ko pa at natigilan ako ng biglang mapunta sa direksyon ko ang katabi ko kanina, iwan ba anong pangalan nito hirap tuloy ipaliwanag ang mga nangyayari sa kanya.
“ Pagkatapos mo, kataposan naman niyang lalaki!!! “ sigaw ni Gato habang rumarampang nagtutungo saamin at kuyom kuyom ang kamao niya at infairness pito na lang ang nakatayo ngayon, napaka lakas naman pala ng iwan sino ba ito.
“ Sandali nga ano bang pangalan mo? “ tanong ko rito habang hawak hawak siya at nanghihina saka nagdudugo ang bibig nito.
“ May panahon ka pa ba diyan? “ asar saaking sabi ni Elias “ Umalis na tayo dahil kataposan na natin kapag naabotan nila tayo “ ani Elias at bago ko pa mapasan itong babae para tumakbo gaya ng sabi ni Elias ay mabilis na nakarating saamin si Gato.
“ Huli ka!!! “ sabi nito saka niya itinaas ang kamao niya para suntokin ako at sa mukha ko ang diretso nito.
“ Sa tingin mo ba makikita mo ako rito kung ganon lang ako kadaling hulihin? “ mabilis kong pagsalo sa kamao niya at hindi ko itatangging sobrang lakas niya, siguradong tanggal ang mga ngipin ko kung tinamaan niya ako.
“ Kung ganon masaya ito “ ngisi niya saakin.
“ Tatanggalin ko yang isang magandang ngipin mo para hindi kana makangisi pa “ sabi ko rito dahil talagang bulok ang mga ngipin niya.
“ Sana man lang nagdahan dahan kang ibagsak ako “ ani katabi ko sa bus kanina habang nakahiga sa paanan ko pagkatapos ko itong mabitawan para sa mga suntok ni Gato.
“ Tulongan mo nga Elias! “ paghila ko sa paa ko at napalingon ako rito ng bumagsak ito sa daan.
“ Mas ganda yan para gising ang diwa mo “ alanganin ko pang ngiti rito.
“ Mukhang mas tarantado ka sa iniisip ko “ pilit nitong pag-upo.
“ Tama na nga yan, ako ang kausapin mo! “ ani Gato saka nito hinila ang kamay niyang hawak hawak ko at sinuntok ako pero mabilis akong nakailag rito.
“ WALANG MAKIKIALAM!!! “ sigaw nito ng lumapit ang mga kasamahan niya.
“ Mabuti naman at hindi ka nag-iisip “ sabi ko rito dahil wala akong laban kung lahat sila buti na lang hindi rin nag-iisip ang isang ito.
“ Dahil ang gusto ko, ako mismo ang sisira sa pagmumukha mo!!! “ galit na galit nitong atake saakin at sobrang bilis ng mga suntok niya.
“ Sapol!!! “ ngisi nito pagkatapos akong tumilapon ng tamaan ako ng mga suntok niya at buti na lang sa tiyan at gusto ko lang sabihin na hindi pa ako naunahan matamaan ng suntok sa bawat laban ko kaya alam ko hindi lang basta mga tao ang mga ito pero ano ba sila? Bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa kanila.
“ Pilipi!!! “ sigaw saakin ni Elias habang lumalalim ang hinga ko sobrang lakas nong suntok niya eh “ Pilipi!!! “ sigaw pa nitong muli.
“ BUHAY PA AKO!!! “ sigaw ko nang magtangka siyang pupunta saakin “ At Felipe ang pangalan ko Gamo gamo ka!!! “ pagtayo ko at pakiramdam ko nag-init ang buong katawan ko dahil sa suntok ng Gorillang ito.
“ May lakas pa siyang sumigaw sa kabila ng sakit na naramdaman niya “ bulong ni Elias kaya hindi ko maitindihan siguro nilalait na naman ako nito.
“ Kakaiba siya kumpara sa mga dayong pinapadala rito ha “ pagkausap pa rito nong katabi ko kanina kaya nakakaasar tuloy hindi ko sila marinig para saktan kung nanlalait na naman sila.
“ Isang suntok! Pangalawang suntok! Limang suntok! “ pagdaldal nitong si Gato habang inaatake ako pero hindi ako bumalik ng suntok, umiilag lang sa sobrang dami at bilis ng suntok niya mukhang kaluluwa nga ang bagsak ko nito kung magpapabaya ako.
“ HULI!!! “ ngiti nito ng machambahan ang mukha ko pero daplis lang mabuti na lang nakagalaw ako dahil kung hindi sapol ang gwapo kong mukha.
“ Hala! Mukhang ngipin mo ang natanggal ah “ tawa nito at napahawak ako sa bibig ko ng bigla itong uminit at para bang may kung ano mang lumabas rito.
“ Sobra ka ah!!! “ tingin ko rito ng makitang dugo ang lumabas rito pagkatapos kong hawakan.
“ Ano?! Iiyak ka na ba? “ tawa pa nila at ganon din ang mga kasamahan niya samantala sina Elias naaawa ang mukha na para bang natalo kami sa panonood ng NBA para kaawaan ako ng tingin ng mga ito.
“ Humanda ka!!! “ suntok ulit ni Gato at nasalo ko ito agad “ Hindi na yan uubra pa saakin!! “ sabi nito at itinaas ang kabilang kamao niya para suntokin ako pero mabilis ko din itong nasalo kaso sobrang lakas niya kaya agad niya akong naisandal sa may puno na para bang nagtutumbang braso kami kaso mas malakas talaga siya.
“ Mukhang hindi mo na mapapakinabangan ang hitsura mo!!! “ titig nito saakin habang makikita sa mukha ko ang hirap sa pagpigil sa mga braso niyang mukha ko ang target “ Kung iiyak ka baka maawa pa ako “ sabi pa nito habang binubuhos din ang lahat ng lakas niya para masiguradong matatamaan ang gwapo kong mukha at ngising ngisi ito pero natanggal ito pagkatapos kong ngumisi rin rito.
“ Nang-aasar ka ba? “ nagagalit nitong tanong napakadali talagang pikonin ang gorilyang ito.
“ NABABAHUAN AKO!!! “ at mas namula ito sa inis sa sinabi ko “ MAGPABUNOT KANA DAHIL TALAGANG ANG BAHO NG HININGA MO!!! “ sabi ko pa para galitin pa siya lalo at ganon talaga ang nangyari, nag-aapoy na ang mata niya sa galit.
“ Kaso sa ngayon uunahan ko nang tanggalan ang ngipin mo! “ ngisi ko rito at bahagya kong inilayo ang ulo ko rito at nagulat ako ng mas dumoble ang lakas niya kaya pakiramdam ko mapuputol ang likod ko sa pagkakasandal ko sa may puno.
“ TAMA NA ANG PALABAS MO!!! “ at natigil ang lakas nito, ang tawanan ng lahat pagkatapos kong iuntog ang ulo ko sa bibig niya at sa lakas nun naramdaman kong tumunog ang bibig niya at kagaya ng sabi ko natanggal nga ang pinaka maganda niyang ngipin.
“ Natanggal ba? “ tanong ko pa rito pagkatapos niya akong bitawan at humawak sa bibig niya saka nito pinalad at idinura rito ang duguan niyang bibig at nasama nga ang ngipin niya kaya masama itong tumingin saakin habang nakatayo ako sa harapan niya at siya nakaupo rito kaya akala mo nakaluhod ito saakin.
“ IKAW_____!!! “ hindi na ito nakapagsalita pagkatapos mawalaan ng malay at napahiga.
“ tsk! Pinagbigyan lang kita sa mga suntok mo pero hindi ko alam na masyado kang mag-eenjoy sa bagay na yon para pati ang gwapo kong mukha ay idamay mo! “ dura ko rito mula sa dugong lumabas na naman sa bibig ko dahil sa pagkakasuntok saakin.
“ PINUNONG GATO!!!! “ takbo rito ng mga kasamahan niya at umakto naman akong hindi uurong sa laban pero natigilan ako nang para bang hindi nila ako nakita at itong pinuno nila ang tinulongan nila saka sila umalis.
“ Ang dali naman pala nila matalo eh “ hawak ko pa sa noo ko “ Medyo napalakas ang headbutts natin “
“ Ngayon gumawa ka na nang kasunduan sa grupo nila “ lapit nitong dalawang kasama ko na pinanood lang ako habang sinasaktan ng gorilya na yon habang nakahawak ang babaeng ito kay kay Elias mukhang nasaktan talaga pero pambihira din ang lakas niya para talonin ang mga lalaking iyon.
“ Anong kasunduan?! Ni hindi nga kami nakapagbigayan ng pangalan at saka hindi ko type maging partner ang mga iyon “ pagbalewala ko sa mga sinabi nila at idinaan lang ito sa biro.
“ Kasunduang makikipagsuntokan sa bawat pagkikita niyo! “ napalingon naman ako sa sinabi ni Elias at sabay pa silang tumango saakin at hindi ko itatangging malalakas ang mga iyon at ayaw ko na nang mga laban pa lalo na kung lahat sila.
“ Nananakot lang kayo!! “
“ Hindi “ sabay pa nilang pag-iling ulit.
“ Sige basta ikaw ang unang lalaban ulit ah! “ hawak ko sa ulo nito at inalis ko ito ng ngumiti saakin.
“ Isang halik? “
“ tsk! Bugbog sarado ka na nga halik pa ang nasa isip mo? m******s ka noh?! “
“ Ano bang masama sa isang halik? “ tingin pa nito saakin.
“ Wala pero sayo meron! Isang beses pa lang tayo nagkikita halik agaad nasa utak mo! Mamaya katawan ko talaga ang pinagnanasaan mo ah “ pag-iwan ko sa kanila at kinuha ang bag kong tinapon ni Elias kanina.
“ Nga pala, Felipe! “ pag-aabot ko rito sa chocolate sa bag ko “ Anong pangalan mo? “ tanong ko rito at nangislap naman ang mata niya “ HOY! BABAE WAG KANG KILIGIN DAHIL TALAGANG HINDI KITA TYPE! GUSTO KO LANG MALAMAN “
“ Mary “ malaking ngiti nito saka inabot ang chocolate.
“ Ang pangit ng pangalan mo! “ sabi ko rito saka naglakad sa kaninang linalakaran namin ni Elias.
“ Ganyan talaga yan, sa sarili lang niya nagugwapohan ang isang iyan “ bulong rito ni Elias “ Mahangin talaga siya pero mukhang mabait naman, nararamdaman ko “ bulong pa ni Elias at sekreto naman akong napangiti. Wala naman kasing may nagsasabi pa na mabait ako.
“ Hintayin mo kami, Pilipi “ habol nila saakin habang hila-hila nito si Mary pagkwan tumigil ako at tumingin sa kanila pambihira nakakawa tingnan ang isang ito.
“ Ilang taon ka na ba Mary? “
“ 17 siguro “ sabi nito ng hindi pa sigurado may mga tao pa lang hindi alam kailan pinanganak pero hindi siya mukhang 17 siguro dahil sa buhok nitong may mga puti na sobrang haba.
“ Eh! Ikaw? “ tanong din nito pagkwan nilagay ko sa harapan ko ang back pack ko.
“ Hindi na mahalaga yon pero mas matanda ako sainyo kaya igalang niyo ako! “ pag-upo ko kaya alam ko nagtataka itong dalawa.
“ Dalian mo na sumampa kana sa likod ko bago pa magbago ang isip ko “
“ Pero bakit? “ nagtataka pa nitong tanong.
“ Dalian mo na, nahihirapan ka maglakad diba?! “ utos rito ni Elias “ Sa tingin ko pa naman limited lang ang kabaitan niya kaya dalian mo nang sumakay sa likod niya para makauwi tayo “ ani Elias na siyang sumunod naman rito.
“ Pambihira ang bigat mo ah! “ reklamo ko, medyo masakit pa naman ang sikmura ko dahil sa mga suntok ni Gato.
“ Basta hindi na ako bababa “ mahigpit nitong hawak saakin.
“ Oo na kaya umayos ka kung ayaw mong ibagsak kita “ at mahina naman itong bumungisngis, hindi ko alam pero ang wewerdo nila.
“ Akin na, ako na ang magdadala ulit sa bag mo “ ani Elias pero mabilis kong inilayo rito.
“ Tapos ipamimigay mo lang basta basta! “ hindi naman ito nagsalita pa sa sinabi ko “ Kaya ka siguro hindi tumatangkad dahil nagdadala ka ng mabibigat “ sabi ko pa rito ng makitang bumusangot ito kaya naman umaliwalas ulit ang mukha niya.
“ Nga pala… ano bang lugar ito? “ tanong ko habang tinitingnan ang paligid na wala kang makikitang bahay o ano mang ilaw mabuti na lang at maliwanag ang gabi dahil sa Liwanag mula sa buwan “ At iyong mga tao kanina… ano ba ang mga iyon? Yong sa bus bakit werdo ang mga tao rito? “ Sunod sunod kong tanong.
“ Pakiramdam ko may hindi tama rito “
“ Ikaw Mary bakit kakaiba ang mga kilos mo? “
“ Sino ba kayo? “