KABANATA IX

1497 Words
KINABUKASAN pilit na bumangon si Felipe para maligo kahit na tamad na tamad ito. " Kung makakaalis lang ako rito dahil sa diploma edi, sige kaso aabot pa ba akong linggo rito? Dati hindi ako naniniwala sa kanila pero pagkatapos ng mga nangyari kahapon hindi ko na alam kung kakayanin ko bang lumaban araw araw ng ganon " hawak pa nito sa suntok rito ni Marcos kahapon " Kung hindi ko pagkatao ang pagkatao ko baka trauma na ako ngayon sa takot " nag-aalala nitong pag-iisip sa mga nangyari kahapon saka lumusong sa balon. " Hindi mo kailangan mangamba sa pagkat nakahanda ang aking palad na tulongan ka " ganon naman ang takot nito ng makita sa may malaking bato si Marco habang nakatingin sa kanya. " Pa-paanong nandito ka? te-teka puwedi kang makulong sa Oras na saktan mo ako tandaan mo wala tayo sa school kaya umiiral ang batas rito " nangangamba niyang paglayo rito. " Paumanhin hindi ko sadyang takotin ka ngunit ako ang bakunawa " " Bakunawa? " hindi pa niya makapaniwalang tanong rito at marahan naman itong tumango sa kanya. " Ako nga ang siyang Bakunawa " ngiti pa nito at kinilabotan naman si Felipe sa mga ngiti niya pagkatapos maisip si Marco. " SA SANDALI BA-BAKIT NAMAN GANYAN ANG MUKHA MO TALAGA BANG NANG-AASAR KA? TSSSTT " " Ngunit ang iyong winika ay makikipagkasundo ka saakin kung sakali mang mabago ko ang hitsura ko " natigilan naman itong si Felipe. " tssst! ang sabi ko wag mong gayahin ang mukha ko pero hindi ang tulad ni Marco ang ipapakita mo saakin " asar pa niyang tingin rito " Hindi mo ba alam anong ginawa niya saakin? muntik na akong mamatay dahil sa Marco na yan tapos magpapakita ka saaking kamukha siya? " naaasar niyang sabi rito. " Hindi ko ibig na magalit ka mula saakin " " KUNG GANON ALISIN MO SA HARAPAN KO ANG MARCO NA YAN!!! " at sa isang iglap naglaho naman ito at napalunok naman ito pagkatapos maisip ang pagsusungit niya rito at pagkatapos niyang maligo bumalik na siya at nauna na itong umalis kela Mary habang iniisip ang Bakunawa. " Nasaan ka? " tawag niya rito at nainip ito ng wala pa ring lumalabas " Tssst! Babae nga naman.. mapaibang anyo man o ano parepareho pa rin ng ugali " paglalakad pa niya " Nauna pa naman ako kela Mary para makausap siya pagkatapos ng mga sinabi ko sa kanya tapos hindi lang siya magpapakita saakin? Paano kung biglang sumulpot ang mga Neto rito?! Haist! edi sana hinintay ko na lang sila " may pangamba niyang paglalakad pero natigilan ito ng may napakatabang babae sa daan at nakabistida ng puti habang nakatali ng dalawa kung saan titig na titig ito sa kanya kaya bahagya itong napaatras. " Anong klasing halimaw na naman kaya ang isang ito..? " bulong pa niya. " Hahayaan mo ba akong sumama kung ganito ang anyo ko? " kumalma naman ito pagkatapos marinig ang sinabi ng babae saka ito sinundan ng malakas na pagtawa. " Kung ganon ikaw ang Bakunawa? " natatawa pa niyang tanong pagkatapos mapagmasdan ang panibago nitong hitsura. " Oo, ako nga siya " lapit pa niya habang natutuwang nakatingin sa mga tawa ni Felipe " Kung ganon ikaw ay natutuwa saakin? " agad namang umayos si Felipe sa sinabi niya. " Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka man lang nagpakita " may pagalit niyang tingin rito. " Naghanap ako ng maaari kong kopyahin sapagkat alam kong ikaw ay hindi matutuwa kapag nasilayan muli ang anyo ni Marco " napatango na lang si Felipe pagkatapos maitindihan ang sinabi nito. " E bakit nga ba hanggang ngayon ganyan ka pa rin magsalita? " " Paumanhin subalit aking sinusubokan naman " napalunok naman si Felipe pagkatapos makita ang mga tumatalsik nitong laway. " Lalake ka ba o babae? " tanong pa nito kahit alam naman niyang babae ito ayon sa kwento ng lolo niya. " Isa akong babae " " Kung ganon bakit hindi mo gayahin ang anyong tao mo? " marahan naman itong umiling. " Kahit aking gustohin hindi ko magagawa sapagkat hindi ko maalala ang aking anyong tao sa kadahilanang hiram lang naman ang anyong tao kung iyon.. mukha iyon ng mga nauna pang nabuhay sainyong mga tao " " Kung ganon sinasabi mo bang habambuhay mong gagamitin ang hitsurang iyan? Paano kapag nakita ka ng may-ari ng anyo mo hindi ba't malaking gulo yon? " " Ako ay maglalaho sa tuwing siya ay aking makikita " napangiti naman si Felipe sa napakasimple nitong mag-isip. " Ah.. sandali may naisip ako " malapad nitong ngiti saka binuksan ang bag niya at kinuha ang notebook nito. " Hindi ba't ang sabi mo sa oras na makita mo ang isang tao at malaman ang pangalan niya ay kaya mo na itong gayahin? " tumango naman ito. " Ito si Lena " pagturo niya sa notebook niyang may cover picture ni Lena mula sa Batang Quiapo " Subokan mong gayahin " tingin niya rito marahan naman niya itong tinitigan. " Malay ko ba bakit ganitog notebook ang binigay saakin ni Elias pero di bale na hindi naman din ako nagsusulat talaga kaya pakialam ko sa notebook ko " pag-iisip pa nito at sa isang iglap sandaling naglaho ang Bakunawa saka biglang lumabas at kamukha na ito ni Lena kaya di naman mapigilang matawa ni Felipe. " Sige ha subokan mo itong sabihin " mariin naman itong nakinig sa kanya " Rigor gusto ko ng Liempo " pero natigilan siya ng hindi nito magawang magsalita saka bumalik muli sa anyo niya. " Hindi ko narinig ang tinig ni Lena kaya hindi ko magawang magsalita " tumahimik naman ito sa pangtitrip rito. " Kung ganon hindi ko ba makikita ang totoo mong mukha? " paglalakad niya " Alam mo ba kung anong nangyari sayo bago pa kita matulongan mula saa kagubatan? " " Nilinlang ako ng mga tao mula sa pook na ito subalit hindi ko naman malaman kung ano ang totoong nangyari bakit nagawa nila akong ikulong " " Dahil kinakain mo ang buwan___ " " WALANG KATOTOHANAN!!! " natigilan naman siya sa malalalim nitong boses " ANG KWENTONG IYAN AY WALANG KATOTOHANAN! " " EDI! ANONG TOTOO? " " Hindi ko alam... " " Ang sabi mo saakin wala kang maalala pero paanong alam mong nilinlang ka ng mga tao? " " Sapagkat ito'y lumabas mula saaking panaginip " " Panaginip? " " Oo kaya naniniwala akong mapapanaginipan ko din ang aking anyong tao at mula sa pagkakataong iyon ay maaari ko ng gamitin ulit ang aking totoong anyong tao " natuwa naman si Felipe rito. " Talaga bang gusto mong makipagkasundo saakin para matutunan mong mamuhay bilang tao? " tumitig naman ito sa kanya. " Wala na ang malaking lawa na tirahan ko at ang anyo ng mundo ay malayo mula sa mundong ginagalawan ko noon kaya alam kong kakatakotan din ako ng mga tao kagaya ng takot na naramdaman mo pagkatapos masilayan ang aking anyo " " Dahil talaga namang nakakatakot ka " " TOTOO YON AT SA KATUNAYAN TALAGANG AKO AY MAKAPANGYARIHAN AT MALAKAS DIN " " tssst! hindi ka mayabang sa part na yan ah " natigilan naman siya ng nagtataka itong tumingin sa kanya. " Pa-part..? anong klaseng salita iyon? " Part.. bagay o kaya parte depende kung saan mo gagamitin " nagtataka naman itong tumango. " Well, ako nga pala si Felipe " paglalahad nito sa kamay niya at tinitigan niya lang ito kaya kinuha nito ang kamay niya " Ang mga tao nakikipagkamay sila kapag pinapakilala nila ang sarili nila " pagkamay niya rito " Ganito ang pakikipagkamay " pagshake pa nito sa kamay nilang magkahawak. “ Anong pangalan mo? “ “ Bakunawa “ ngiti nito. “ Maliban pa doon? Bakunawa ka kapag putting anaconda ka pero siguro naman kapag tao ka may pangalan ka din “ “ Bakunawa ang saaking panaginip kaya nakakasigurado akong wala na akong ibang pangalan “ " Oh sige, ganito kapag naalala mo ang anyo mo saka kita bibigyan ng pangalan " ganon naman ang ngiti nito. " Nagagalak akong marinig yan mula sayo " " Makinig ka.. hindi ko maintindihan bakit gusto mong maging tao gayong napakagulo ng buhay namin pero gayopn pa man pumapayag ako sa gusto mong magsasama saakin pero sa isang kondisyon kailangan bumalik ka muna sa totoo mong anyo dahil hindi kita puweding isama o ipakilala sa lahat kung may kapareho ka ng hitsura rito " tumango naman ito sa kanya habang tuwang tuwa " At maliban doon.. syempre kailangan kaligtasan ko ang palagi mong uunahin kahit pa sa buhay mo " titig niya rito at tumango naman ito. " MAAASAHAN MONG DARATING AKO SA ORAS NA TAWAGIN MO AKO " Ngiti pa niya nakakaramdam man ng guilt si Felipe sa makasarili niyang kondisyon rito pero maliban rito wala na siyang maisip na puweding tumulong sa kanya hanggang sa makalabas sa impeyernong lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD