KABANATA X

1581 Words
“ Ano na naman bang nangyayari sayo para kausapin ang sarili mo? “ pagsulpot ni Mary bigla at napalingon naman si Felipe sa Bakunawang nasa tabi niya. “ Puwedi ba sa sunod wag kang nauuna tssst! Akala mo din talaga magaling ka e, mayabang ka lang naman “ hinihingal pang sabi ni Elias sa iis sa pag-una ni Felipe dahilan para takbohin na naman niya ang bahay nila hanggang rito kaya ito hingal na hingal.. “ Sandali wala kayong nakikita? “ tanong pa nito saka tumingin sa Bakunawa. “ Pinagsasabi nito? “ ani Elias saka naglakad at kitang kita ni Felipe ang pagtagos nito sa Bakunawa “ Dalian niyo na nga baka malate pa tayo “ asar pa nitong sabi. “ Tayo na Felipe “ nagtatakang tingin rito ni Mary dahil sa mga tanong sa mata nito. “ HINDI KAYA NAMAMALIKMATA LANG AKO SA BAKUNAWA O KAYA BAKA NAMAN HINDI TALAGA SIYA TOTOO.. PAPAANONG HINDI SIYA NAKIKITA NG DALAWA? “ pag-iisip nito. “ Marahil hindi pa ako tuloyang nakakabalik sa mundong ito “ ani Bakunawa pagkatapos mabasa ang nasa isip ni Felipe “ aking nahahawakan ang lahat at kanilang nasisilayan ang ano mang aking gawing kilos o hawakan kaya aking nasisiguradong hindi ako isang panaginip sayo “ mahaba nitong sabi. “ Baka ma-late na naman tayo “ paglalakad ni Mary kaya sumunod naman itong dalawa. “ Hayaan mo na nga! ang kailangan ko lang naman ay ang proteksyon mo saakin kaya wala akong pakialam sa nakikita ka nila o hindi “ sabi nito dahilan para lingonin siya ng dalawa pero hindi naman niya iyon napansin. “ Maraming salamat sa kabaitan mo saakin “ ani Bakunawa at nakaramdam naman ng guilt si Felipe dahil ang totoo makasarili naman ang sinabi niya. “ Sa tingin ko madali kang linlangin mabuti na lang at ako ang tumulong sayo “ “ TULOYAN KA NA BANG NASIRAAN NG BAIT? “ natigilan naman ito sa tanong ni Elias habang may pag-aalala sa tingin nila. “ Tama, hindi pala nila nakikita ang isang ito at kung sabihin ko mang kasama ko ang Bakunawa panigurado hindi rin naman sila maniniwala at mas lalo akong pag-iisipang nababaliw isa pa, hindi naman nila gusto ang tungkol sa Bakunawa “ pag-iisip nito saka nagmadaling maglakad at binalewala itong dalawa at dahil maaga sila hindi na sila sinita nila Marcos. HABANG nakaupo si Felipe sa loob ng classroom hindi niya maiwasang tumingin sa mga kasama o kaklase niya habang iniisip kung ilan ang tao rito o Neto. “ Minsan hindi ko talaga maiwasang magalit kay mama kung bakit ako pinadala sa lugar na ito “ pagsandal nito at natigilan siya ng maramdaman niya ang kamay ng kaklase niyang naipit pagkatapos niya itong madaganan kung saan nakahawak ito sa upuan niya. “ Kasalanan mo yon “ tipid lang nitong sagot pagkatapos lingonin pero napalingon siyang muli rito ng mapansin niyang kinagat nito ang kamay niyang senyales na nasaktan ito. “ Kung ganon tao siya… “ bulong nito “ Kung nasaktan siya sa ganong kunting pagkaipit sa kanya paniguradong tao siya “ pag-iisip pa niya at sa takot ng babae sa mga titig rito ni Felipe ay mabilis itong tumayo na saktong pagtunog ng bell kung saan senyales na break time kaya mabilis itong tumakbo palabas na siyang mabilis namang sinundan ni Felipe. “ Sandali…!!! “ tawag niya rito. “ Kainis hindi puweding may makaalam na tao ako “ pagtakbo pa ng babae ng mabilis at nong liliko na ito sa hall way ay bigla siyang napa-upo ng mabangga nito si Marcos. “ So-sorry hi-hindi ko sinasadya “ sabi nito habang hindi niya magawang tumayo at kitang kita naman ni Felipe ang mabilis na pag-upo ni Marcos at nilapit nito ang bibig niya rito upang alamin kung tao o Neto ang babae dahil sa nakikita niyang takot rito. “ ITIGIL MO YAN!!! “ sigaw ni Felipe dahilan para lumingon ang ilang tao sa hall way kung saan naghihintay sa sasabihin ni Marcos kung tao ang babae pagkatapos niya itong halikan. “ IKAW NA NAMAN? “ titig rito ni Marcos saka tumayo habang hawak hawak ang collar ng uniporme ng babae dahilan para mapilitan itong tumayo. “ Huwag mong sagarin ang pasensya ko sayo “ napakalma itong si Felipe ng lumabas ang matataas na kuko ni Marcos kaya ang takot ng babae hindi na nito napigilan saka nagpumiglas. “ LUMAYO KA SAAKIN!! BITAWAN MO AKO!!! “ pagsisipa niya rito at tinaas naman ito ni Marcos pagkatapos ritong maingayan saka tinapon sa pader kaya kunti na lang magsusuka ng dugo ang babae sa lakas. “ Kung ganon tao ka nga “ ngisi ni Marcos na maging ang ilang tao sa paligid nila ay biglang naging agresibo o sa madaling salita ang mga Netong nagpapanggap na tao para makabiktima ay natrigger pagkatapos malaman ang dugong mayron ang babae. “ HINDI!!! LUMAYO KAYO!!! “ Pag-iiyak ng babae at bago pa ito mahawakan ni Marcos ay mabilis itong narating ni Felipe at pinigil ang kamay nito. “ PAKIALAMERO KA TALAGA!!! PERO SORRY KANA LANG DAHIL AKO ANG UNANG NAKAHULI SA KANYA KAYA SAAKIN SIYA AT LUMAYO KA!! “ ani Marcos na galit na galit kung saan makikita mo sa mga mata niya ang pananabik sa dugo ng babae. “ SA TINGIN KO PAGKATAPOS NG ILANG PAGKOCROSS NG LANDAS NATIN ALAM KONG HINDI ANG TULAD MO ANG MAGPAPASUNOD SAAKIN KAYA LUMAYO KA SA KANYA!!! “ ani Felipe kaya marahan namang humarap rito si Marcos. “ Kung gusto mo hati na lang tayo “ natigilan naman ito sa sinabi ni Marcos pero ganon na lang ang gulat niya ng sipain ito ni Marcos at sa lakas nun ay tumilapon siya ngunit bago pa siya makatayo at mabalikan ang babae ay kitang kita nito ang paghugot ni Marcos sa kamay niya mula sa dibdib ng babae at hawak hawak nito ang puso niya pero imbis na makaramdam siya ng takot ay galit ang naramdaman niya pagkatapos makita ang mga luha ng babae sa takot at sakit na naramdaman nito. “ Ku-kung hindi ko siya pinansin baka hindi siya tumakbo sa takot at mangyari ito sa kanya “ pagkuyom ni Felipe sa kamao niya ” Kasalanan ko ito…. “ galit na galit nitong titig kay Marcos saka hindi napigilan ang mga luha sa mata niya pero bago pa niya ito matakbo mabilis siyang pinigil ni Mary. “ Kung ganon ikaw na naman ang sangkot sa gulo “ ani Mary pagkatapos dumating ng maalarmahan ang nangyayari. “ Walang awa nilang pinatay… “ hindi nito magawang tumingin sa bangkay ng babae habang natatakot pa ring nakatingin kay Marcos. “ Dapat masanay kana dahil mas marami pa yan habang patagal ka ng patagal rito “ ani Elias. “ Hindi…! Ang sino mang nandito ay poprotektahan ko kaya wala ng mangyayari pang ganito habang nandito ako “ pagtayo niya. “ Nababaliw na naman siya “ ani Mary saka ito hinawakan ng malakas. “ Wag kang gagawa ng hindi maganda kung hindi masasaktan ka dahil kumpara kahapon mas malakas na ngayon si Marcos kaya wala kang laban sa kanya at isa pa sinwerte ka lang kahapon sa katunayan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon “ ani Elias pero ganon ang paglaki ng mata nila pareho ng biglang nasa tabi na nila si Marcos. “ Paano kung ibigay mo rin saakin ang puso mo? “ ngisi rito ni Marcos. “ Tumigil ka!! Umatras kayo kahapon kaya dapat lumayo____ “ natigilan si Mary ng sipain siya nito at sa lakas nun napasuka ito ng dugo at hindi naman siya magawang lapitan ni Elias dahil alam niyang malakas ang power ngayon ni Marcos pagkatapos ng pagkain nito ng puso ng tao kaya maaari niyang malaman na tao din siya at paniguradong manganganib ang buhay nila o baka hindi na sila makalabas pa sa school na ito ngayon ng buhay. “ Ano bakit nakatitig ka saakin? Bakit naiinis ka? Poot? “ ngisi nito saka sinundan ng pagtawa “ Kaawa awa.. ngunit ako ang nauna kaya akin siya at maghanap kana lang din ng sayong puso___ “ natigilan si Marcos pagkatapos niyang maramdaman ang pintig ng puso ni Felipe ng hawakan ito kaya nalaman agad niyang tao din ito. “ Hindi maaari.. kung ganon isa kang_____ “ hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng pumatak sa mukha ni Felipe ang dugo nito pagkatapos may kumuha sa puso niya mula sa likuran at tumagos ito sa harapan pero tulad kanina walang naramdamang takot si Felipe ngunit hindi niya malaman kung anong mararamdaman niya. “ MASYADO KA NG MAINGAY! “ sabi ng babae saka nito hinugot ang kamay niya sa dibdib ni Marcos saka ito kinuyom kaya nagkalat sa sahig ang nagpiraperasong puso ni Marcos. “ Si Rena… “ maririnig mo sa boses ng mga taong nandoon ang takot nila sa sinasabi nilang Rena at maging si Felipe ay pakiramdam niya ay narinig na nito ang ganitong boses at pangalan. “ Saakin ka lang hindi ba? “ ani Rena kay Felipe pagkatapos hawakan ang bangkay ni Marcos at tinapon “ Remember me? “ hawak niya pa rito sa labi gamit ang kamay niyang malinis. “ Kung ganon siya yong nakita ko sa grocery “ mabilis ritong pgalayo ni Felipe pagkwan nguniti ito sa kanya saka tumayo. “ LINISIN ANG LAHAT NG NANDITO AT BUMALIK SAINYONG CLASSROOM “ at sa isang iglap ay naglaho ito. “ Kung ganon nandito na din siya “ ani Mary pero hindi na ito pinansin ni Felipe kung saan nakatitig na naman ito sa babaeng kinuhaan ni Marcos ng puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD