SA NGAYON nasa may science park sina Felipe pagkatapos ng mga nangyari.
" Yong bangkay ng babae saan nila yon dadalhin? " tanong nito kay Elias habang makikita mo ang pag-aalala rito.
" Paghindi na nila pakikinabangan ang katawan o dugo niya paniguradong itatapon nila sa kagubatan para gawing pagkain para sa mababangis na hayop " ani Elias.
" Hindi ibibigay sa magulang? "
" Nong ipadala kayo rito tanggap na yon ng pamilya niyo na hindi na kayo makakabalik pang buhay o kahit ang bangkay niyo " napakunot naman ng noo si Felipe " At saka hindi naman lahat ng nandito ay may pamilya talaga " dugtong pa nito at wala naman siyang magawa kundi manahimik kung bakit mas pinili din ng mama niyang ipadala rito.
" Kaya nga sa sunod umiwas kana sa gulo " hindi naman siya nagsalita pa pagkatapos nitong maalala ang mukha ng babae dahil alam niyang hindi rin siya papayagan o tutulongan nitong dalawa patungkol sa iniisip niyang kunin ang bangkay ng babae para bigyan ito ng maayos na libing.
" Ano ba kasing nangyari at nandoon ka na naman? talaga bang gusto mong mapahamak? " ani Mary habang tulala pa rin itong si Felipe.
" Kapag nalaman nilang tao ka matutulad ka din sa babae " ani Elias pero parang hindi ito narinig ni Felipe habang pakiramdam nito ay nakikita niya ang takot sa mukha ng babae " At saka ang mga nangyari kanina ay normal na yon rito.. sa pagtagal mo rito mas malala pa ang mga makikita mo kaya dapat masanay kana " may lungkot na sabi ni Elias.
" Hindi, huli na yon dahil hindi ko hahayaang maulit pa yon lalo na't nakikita ko " pagkuyom nito sa kamao niya kung saan ramdam mo rito ang poot.
" Bakit ano namang gagawin mo___ ay hindi, ang tanong ano bang kaya mong gawin? Anong laban mo sa kanila? " asar ritong tingin ni Elias.
" Talaga bang kaya niyong sabihin yan? Sa bagay ano namang alam niyo sa nararamdaman ko e malay ko bang baka katulad din nila kayo! "
" Pumikit at magkunwaring bingi paniguradong magagawa mo pang umalis rito " pagbalewala nila sa sinabi nito dahil alam nila ang nararamdaman nito pagkatapos ng mga nangyari " Mabuti na lang namatay si Marcos kaya paniguradong mas lumaki ang tsansa mong mabuhay pa rito " ani Elias.
" Pero bakit kilala ka ni Rena? " pagtatanong bigla ni Mary na may pag-aalala " At kung hindi ako nagkakamali alam niya ang totoo mong pagkatao " dugtong pa niya.
" Dahil siya yong sinasabi kong humalik saakin " walang gana pa nitong sagot.
" Kung ganon alam na niya talagang tao ka kaya ba tinulongan ka niya? " mga tanong ni Elias.
" Ganon na nga.. ang sabi niya hindi niya ako papatayin o sasaktan maliban na lang pagnaghihingalo na ako " ani Felipe.
" Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? " ani Mary.
" Hindi lahat ng bagay sa lugar niyo ay may ibig sabihin.. baka mabait naman talaga siya hindi tulad ng mga kinukwento niyo saaking puro pagpatay ang gusto ng mga Neto " may asar nitong sabi dahil talagang naaasar siya patungkol sa mga Neto lalo na sa takot na nararamdaman niya sa kanila dahil sa mga kwento nila Elias na hindi naman niya malaman kung totoo ba talaga.
" Kung nagawa niyang pumatay ng kauri niya sa tingin mo ba hindi niya yon kayang gawin sa tulad natin? " bahagya namang natawa itong si Felipe na may asar saka tumayo.
" Kung ano man siya.. paniguradong hindi ko hahayaang saktan niya ako " paglalakad niya at sinundan lang nila ito ng tingin " Pumasok na kayo at saka... huwag niyo na akong hintayin umuwi " sabi nito saka tuloyang umalis.
" Paniguradong may binabalak siyang gawin " nag-aalalang tingin rito ni Mary.
" Mabuti na rin yon " asar na paglalakad ni Elias dahil sa katigasang ulo ni Felipe.
" Hahayaan mo siya? Akala ko ba gusto mo siya? "
" Siguro kulang pa ang mga nangyari sa kanya para maniwala siyang nakakatakot ang mga Neto kaya mabuti na rin siguro kung may mangyari sa kanya.. sana lang swertehin pa rin siya at mabuhay " marahan namang sumunod rito si Mary.
" KAILANGAN MALAMAN KO KUNG SAAN NILA DINALA ANG BANGKAY " tahimik nitong pag-upo sa loob ng classroom nila pero hindi siya makafocus dahil pakiramdam niya may kung ano mang nakatingin sa kanya kaya mabilis itong tumayo ng pumasok ang teacher nila " Kailangan mahanap ko ang bangkay na yon bago pa nila maitapon at wala akong makukuhang impormasyon kung mananatili ako sa loob " pagtungo nito sa pinangyarihan kanina pero parang walang nangyari sa sobrang linis ng lugar kung saan kanina may mga nagkalat ritong dugo.
" Saan ako puweding magtanong? " Pagtakbo pa niya para hanapin kung saan puweding hanapin ang bangkay " Hindi ko naman kasi alam saan ang pupuntahan ko rito kaso si Elias at Mary lang ang puweding tumulong saakin kaso sa sobrang duwag nila malabong mangyari yon " paghinto nito sa pagtakbo ng mapansin niyang nasa likod na siya ng school kung saan maraming d**o at dito rin tinapon nila Marcos ang punong natumba nito nong huling laban nila kaya halatang malabong may magpupunta rito dahil mukha itong inabandona.
" Batid kong iyong kailangan ang aking tulong " pagpapakita rito ng Bakunawa at ganon naman ang asar rito ni Felipe.
" Tssst! Nasaan ka ba kanina at wala ka man lang ginawa?! " naiinis niyang tingin rito.
" Nasa iyong tabi "
" sa tabi ko? kung ganon nanood ka lang? " tumango naman ito rito " may utak ka ba? Akala ko ba tutulongan mo ako e bakit wala kang ginawa? "
" Wala namang nangyaring masama saiyo " inosente pa nitong sabi.
" Saakin wala pero yong babae?! "
" Subalit ang ating kasunduan ay ikaw ang aking poprotektahan at hindi mo nasabi saakin ang babae "
" HAIST! MANAHIMIK KANA NGA! " asar nitong sabi pagkatapos marealtalk nitong Bakunawa.
" O sige na, tulongan mo akong hanapin ang bangkay niya "
" Sige, ngunit maaari bang iyong isara ang iyong mga mata sapagkat batid kong ika'y matatakot saakin "
" Sa tingin mo ba may mas nakakatakot pa sa mga nangyayari saakin? kaya dalian____ " hindi na nito natuloy ang saabihin niya ng pumikit ang bakunawa saka sinundan ng paghangin saka nito minulat ang mata niya kung saan puti na ito lahat habang tumitingin ito sa buong paligid ng school at mga ilang sandali tumigil na din ito pagkatapos makaharap kay Felipe kaya ganon na lang ang pag-aalala nito.
" A-ano bang ginawa mo? " bahagya niyang layo rito.
" Ako'y may kakayahang pagmasdan ang buong nakapaligid saakin sapagkat may kakayahan akong patagusin ang mata ko sa ano mang uri ng bagay kung akin mang gugustohin "
" Ku-kung ganon kahit sa damit ng tao? " tumango naman ito " Kung ganon ang ka-katawan ko? " pagcross arm pa nito sa katawan niya.
" Paumanhin hindi ko hangad na makita iyon " makikita mo rin sa mukha nito ang hiya kaya ganon na lang din ang hiya nitong si Felipe.
" Haist! umasa pa naman akong hindi ka m******s pagkatapos mong manggaling sa unang panahon o dahil diyan sa malalim mong pagsasalita tas m******s ka din pala " hindi naman lubos maunawaan ng bakunawa ang gusto nitong pakahulogan dahil masyadong makabago ang salitang m******s.
" Ika'y aking hindi lubos na maitindihan ngunit ang katawan mo ay may magandang hubog___ " compliment niya na lang rito para manghula sa sinabi nito kaso ganon na lang ang pamumula ni Felipe sa hiya.
" Manahimik kana nga lang " nahihiya nitong sabi at siya namang pagtango nito.
" Haist! alam ko namang guwapo ako pero hindi tamang manyakin niya ako " titig niya pa rito " mamaya sa kanya pa manganib ang p*********i ko " pag-iisip pa niya.
" Ngayon naiitindihan ko na ang iyong ibig ipabatid subalit talagang hindi ko batid na mapagmasdan ang katawan mo " at ganon naman ang hiya ni Felipe pagkatapos nitong mabasa ang iniisip niya.
" Puwedi ba huwag mong binabasa ang nasa isip ko? "
" Paumanhin sa sunod aking iiwasang basahin ang iyong nasa isip "
" KAYA MO? "
" Oo sapagkat mababasa ko lang ang nasa isip ng tao kung aking iibigin "
" Mabuti naman " ani Felipe " Ah sandali.. nakita mo kung nasaan ang bangkay? " tumango naman ito.
" Nasa bandang kanan siya mula sa daanang nasa likuran natin at siya'y naroroon sa lumang silid kung saan maalikabok "
" Mabuti naman.. may nakabantay ba? "
" lima at naroon din ang babaeng tinatawag nilang Rena subalit ayon sa aking nararamdaman hindi sila tao ngunit kayang kaya ko naman silang taposin kung iyong iibigin! " napangiti naman si Felipe sa may pagkayabang nitong sabi na alam niyang hindi ito nagsisinungaling dahil kung may puwedi man siyang paniwalaan sa mga nakapaligid sa kanya ay ang Bakunawa lamang ito pagkatapos ng ilang oras nilang pag-uusap kanina alam niyang totoo ito sa lahat ng bagay na ginagawa at sinasabi niya.
" Bantayan mo na lang kung kanilang ilalabas kailangan makuha natin ang bangkay pero hindi muna tayo susugod dahil paniguradong hindi rin nila ibibigay saatin, isa pa paniguradong malaking gulo kapag ipinilit natin kunin at siguradong malalaman na naman ni Mary at Elias saka isusumbong kay Lolo at saka alam kong naiinis na sila saakin sa pagkakasangkot ko sa gulo palagi kaya abangan na lang nating itapos nila saka natin kukunin "
" Kung iyan ang iyong nais ako'y hindi tumututol "
" Okay naman siya hindi ba? " tumango naman ito.
" Sige, babalik na ako sa classroom at itong gagawin mo.. sa oras na may gawin sila sa bangkay sabihin mo agad saakin para makuha natin "
" Masusunod " tumango naman siya saka niya itinaas ang kamay niya para makipag-apir rito kaso tiningnan niya lang ito kaya kinuha nito ang kamay ng Bakunawa at inapiran.
" Ang tawag naman sa bagay na 'toh ay apir, ginagawa yon kapag natutuwa ka " ganon naman ang ngiti nito kaya mabilis ng umalis si Felipe para bumalik sa klase.