PAGKATAPOS ng klase mabilis na nagsilabasan ang lahat maliban kay Felipe na nakaupo at hinihintay makalabas ang lahat para sa pinaplano nitong pagkuha sa bangkay ng babae.
" Hindi ko alam anong naghihintay saaking kapahamakan sa binabalak ko pero gusto ko lang bigyan ng maayos na libing ang bangkay niya.. yong takot niya kanina ay wala man lang akong nagawa kaya sa pagkakataong ito alam kong puwedi ko pa siyang tulongan " pagsuot nito sa bag niya pero natigilan siya ng nakatayo sa labas ng classroom nito si Mary at Elias.
" Tara na, uwi na tayo " tingin rito ni Elias.
" Bakit nandito pa kayo? " tanong na lang din nito.
" Dahil alam naming hindi ka pa umuuwi at may tumatakbo na naman diyan sa isip mo kaya halika na at umuwi na tayo bago ka pa matulad diyan sa iniisip mo " ani Elias.
" Sa tingin mo magagawa kong matulog ng mahimbing kung alam kong sa oras na itapon siya sa kagubatan pagpepestahan siya ng mga hayop doon.. isa pa, ako ang dahilan bakit iyon nangyari sa kanya " naguiguilty nitong pag-iwas ng tingin sa kanila.
" Kasalanan mo man o hindi wala na tayong magagawa doon at saka patay na siya at kung hindi ka makikinig matutulad ka sa kanya "
" Umuwi na kayo " pagbalewala nito sa sinabi ni Elias saka naglakad " Ang sabi nila mamamatay ka ngunit sa araw ng kamatayan mo pakiramdam mo panaginip mo lang ang lahat at lahat ng gagawin sayo.. ang lungkot ng nakapaligid sayo at ang sakit ay mararamdaman mo subalit hindi ka makakakilos dahil patay kana nga kaya nga dapat iniingatan ang mga walang buhay dahil hindi na nila maaaring ipagtanggol ang sarili nila kaya hindi ko hahayaang maramdaman nitong muli ang sakit at takot na naramdaman niya kanina " paghinto nito at ramdam mo ang lungkot at awa sa bawat salitang sabihin nito.
" Napakacool mo talaga " pagtakbo rito ni Mary " Tara na at tutulongan kita alam ko namang mahina ka " hindi alam ni Felipe kung matutuwa siya rito pagkatapos ng huli nitong sinabi.
" Kung dadaldal pa kayo diyan baka hindi na natin maabotan " paglalakad na rin ni Elias pagkatapos matauhan sa sinabi ni Felipe kaya napangiti na lang ito " Panigurado namang malalagot din ako kay Lolo kung iiwan kita " dahilan nito.
"Ang totoo naaawa din kayo sa babae kaso nangunguna ang takot diyan sa dibdib niyo "
" Aba! talaga " ani Elias.
" Paniguradong kataposan na natin kapag may makaalam sa ginagawa natin " ani Mary.
" Hindi... dahil ang plano ko saka natin kukunin ang bangkay kapag naitapon na nila sa kagubatan, uunahan natin ang mababangis na hayop pero kung sakali mang may nakaabang talagang mabangis na hayop mas madali saating kunin ang bangkay mula sa kanila kaysa sa kamay ng mga Neto " tumango naman sila.
" Maganda ang plano mo " Ani Mary.
" Tumahimik na nga kayo hindi ako makaconcentrate kung saan hahanapin ang amoy ng babae " ani Elias habang hinahanap ito gamit ang ilong niya.
" Alam ko kung nasaan " napalingon naman sila kay Felipe.
" Sinundan ko sila kanina kung saan nila dinala ang bangkay " pagsisinungaling nito saka naisip ang Bakunawa " Nasaan na nga kaya siya? " tingin nito sa paligid.
" Hindi ko na maamoy, kanina kahit papaano naaamoy ko " mabilis namang tumakbo si Felipe patungo sa lumang bodega at nakapatay na nga ang ilaw rito kung saan matatanaw ito sa kinatatayuan nilang mga sampong metro ang layo kung saan madilim na rin ang paligid.
" Tara na " ani Mary pagkatapos nitong maramdaman ang presensya ng mga Neto kaya mabilis silang sumunod rito at sa bilis nilang tumakbo nahabol nga nila itong dalawang lalaki na buhat buhat ang bangkay ng babae habang may tatlo pa silang kasama.
" Masyado silang marami " mahinang sabi ni Mary pero mabilis na tinakpan ni Elias ang bibig nito pagkatapos lumingon ang isa.
" Mukhang may iba pang narito maliban saatin " sabi ng isang Neto at sa isang iglap nakita ni Felipe ang paglingon ng tatlo at nagpalingalingap sa likuran na siyang mabilis nilang pagtago at napalunok ito pagkatapos niyang matitigan ang mahahaba nitong kuko at nakaramdam ito bahagya ng takot pagkatapos maalaala ang mga nangyari kanina, ang walang awa nilang pagdukot sa puso ng babae.
" Baka hayop lang ang naramdaman mo " tawa ng isa sa kaninang nagbabala pero hindi na ito nagsalita at marahan na silang nagpatuloy maglakad habang sila Elias ay nagpa-iwan pa upang tuloyan nilang burahin ang presensya nila sa mga Neto.
PAGKARAAN ng ilang paglalakad nila ay huminto na rin ang mga Neto.
" Iwan mo na nang makaalis na tayo rito " sabi ng isa na siyang masamang nilingon ng tumatayong pinuno nila " Wag mo naman akong tingnan ng ganyan dahil ayaw ko lang hindi maabotan yong kaibigan kong magpapatulong ng assignment na sa tingin ko isang kaawa-awang tao na tinapon saatin para maging pagkain " ngisi pa nito at di naman mapigilan ni Felipe magtagisan ang bagang nito sa inis pero mabilis itong nilingon ni Elias at senenyasan na kumalma at pilit naman niya itong ginawa.
" Kailangan muna natin siguradohing walang maiiwan ritong bakas dahil kahit papaano hinahanap din ang mga walang kwentang ito at saka baka maunahan ang mga alaga natin " sabi pa ng isa saka ito pumito gamit lang ang kamay nito saka naman nakaramdam sina Felipe ng paggalaw ng mga dahon at mga nagtataasang d**o rito.
" Ang bilis naman halatang gutom na " sabi pa ng isa pagkatapos dumating ang mga asong kulay itim, hindi ito mga lobo pero isang tingin mo pa lang ramdam mong hindi ito normal na aso at kitang kita naman ni Felipe ang paghagis nila sa bangkay ng babae habang ang mga aso ay hindi mapakali saka naglabasan ang mga matatalim nilang ngipin na naghihintay sa pagbagsak ng bangkay para ito'y pag-agawan at kainin ngunit bago pa umabot sa lupa ang bangkay mabilis itong tinalon ni Felipe mula sa puno at mabilis na lumokso papunta sa isa pang puno kaya ang mga aso ganon na lang ang pagwawala habang ang mga Neto ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Felipe.
" Wala ng dugo yan kaya wala ka ng pakinabang diyan " sabi pa nila pagkatapos isiping nakikipag-agawan si Felipe sa mga asong gutom kaya naman ganon na lang ang lungkot nitong naramdaman rito.
" Wala kayong puso " galit na galit niyang tingin sa kanila kaya agad naman siyang nakilala ng isa kung saan isa siya sa nakasaksi sa mga nangyari kanina.
" Kilala kita ah " titig pa rito ng isa.
" Sino ba yan? " tanong din ng tumatayong pinuno nila.
" Iyan yong sinasabi kong dahilan bakit pinatay ni Rena si Marcos " at sa sinabi niyang ito mabilis na intake ng dalawang lalake si Felipe kung saan ang dalawang kasama ni Marcos palagi ngunit bago pa nila marating si Felipe mabilis na humarang si Mary habang nakalabas na rin ang mahahaba nitong kuko at pulang mata kung saan ang anyo ng Neto habang may mga balahibo ito sa iba't ibang parte ng katawan niya ngunit hindi naman ito ganon kakapal kumpara sa mga lalaking Neto. Samantala si Elias nagtatago pa rin habang nag-iisip ng plano kung paano sila makakaalis rito ng ligtas.
" Huminahon kayo.. gaya ng sabi ko siya ang dahilan bakit pinatay ni Rena si Marcos kaya malamang sa malamang may dahilan doon si Rena kaya kung ako sainyo hayaan niyo na lang yan kundi malalagot kayo kay Rena pagnagkataon " babala nito pero hindi ito pinakinggan ng dalawang kaibigan ni Marcos kung saan galit na galit ang nangingibabaw sa kanila pagkatapos ng nangyari kay Marcos ng dahil kay Felipe.
" Bahala kayo! " sabi nito pero natigilan siya ng malingon nito ang pinuno nila " Sandali wag mo sabihing sasali ka sa dalawang iyan? "
" Mainit tama niyan kay Rena kaya malamang sa malamang nagseselos yan " pang-aasar pa ng isa at kitang kita naman nila ang pagwasiwas nito sa kamay niya sa tabi ng puno kaya tuloyan itong natumba kaya tumahimik na din sila.
" Bahala kayo basta ako may mas mahalaga pa akong gagawin " sabi nitong daldal ng daldal kanina pa na may target na ngang tao saka mabilis na umalis na siyang sinundan pa ng isa na ngayon tatlo na lang ang naiwan.
" Umalis kana " ani Mary kay Felipe " Kaya ko pa namang mabuhay sa mga ito kung sakali pero si Felipe sa oras na malaman nilang tao ito paniguradong matutulad siya sa bangkay na hawak hawak niya at si Elias alam ko bago pa ako mamatay nakaisip na siya ng plano paano kami aalis rito pero baka mas madali iyon gawin kung mauuna si Felipe " pag-iisip nito habang nakatingin sa dalawa na sa ano mang oras ay aatake kay Felipe.
" Masyado mo naman ata kaming minamaliit para makialam sa gabing ito " ani Pinuno " Iniisip mo bang matutulongan ka ulit ni Rena? tsst! napakalalim ang kinaroroonan natin ngayon rito sa kagubatan kaya hindi iyon darating para tulongan ka dahil malabong malaman sa labas ng gubat ang mga mangyayari ngayon " ngisi nito.
" Tsk! manok ka ba? putak ka ng putak ah!! " ganon naman ang asar niya sa sinabi ni Felipe " Imbis na daldal ka diyan ng daldal bakit ba hindi mo na lang patunayan kung ano bang kaya mong gawin talaga!! " panghahamon pa rito ni Felipe kaya ganon na lang ang fqce palm ni Elias habang nag-iisip.
" KAHIT TALAGA SA BINGGIT NG KAMATAYAN NAGAGAWA PA RIN NIYANG MAGYABANG!! MINSAN NAIISIP KO BAKA TALAGA NABUBUHAY LANG ANG TAONG ITO PERO WALA TALAGANG UTAK SA ULO NIYA AT TAKOT " pagpipigil ni Elias na lumabas para ratratin itong si Felipe pero kailangan niyang kumalma para mag-isip ng plano para mabuhay sila dahil sa panghahamon nitong kasama nila.
" Tingnan natin kong magawa mo pa akong tingnan pagkatapos ng gabing ito!! "
" Pagkatapos ng gabing ito o gabi mo? " pang-aasar pa ni Felipe pagkwan naglakad ito patungo sa mga asong kanina pa galit na galit kay Felipe na sa ano mang oras ay gusto siyang dakmain pagkwan hinawakan niya ang mga ito sa ulo at sa isang iglap biglang nag-iba ang mga anyo ng aso kung saan nag-taasan ang balahibo nito bandang ulo at mas naging agresibo tingnan.