MABILIS na lumipat sa mas mataas na sanga si Felipe ng biglang tumalon ang pinakamalaki sa aso habang tumutulo ang lawang lawa nitong laway.
" Walang mangyayari kung tatakbohan mo sila dahil paniguradong hindi sila aalis rito hangga't hawak hawak mo ang bangkay na yan " ngisi rito ng lalakeng dahilan bakit naging agresibo ang mga aso.
" Makinig ka kasi saakin " asar ritong sabi ni Mary " Umalis kana at dalhin yan!! " dugtong pa niya.
" Mukha ba akong duwag? At saka hindi kita puweding iwan " lingon nito sa paligid para humanap ng mas mataas na lugar para paglagyan sa bangkay upang makalaban ng maayos dahil tama ang sinasabi ng lalake, hindi siya titigilan ng mga aso hangga't hindi nila nakukuha ang buhat buhat nito.
" Kaya ko naman ang sarili ko " ani Mary na may pag-aalala dahil alam niyang malabong makinig rito si Felipe at kapag nangyari yon baka hindi na nga sila makalabas ritong buhay lalo na pagnalaman nila ang totoo nitong pagkatao.
" Tssst! anong akala mo hindi ko kaya ang sarili ko? " paglapag ni Felipe sa bangkay sa mas malapad at mataas na sanga kaya ang mga aso galit na galit habang sinusubokang puntahan ang bangkay.
" KUNG GANON TAMA NGA ANG TANSYA KO WALA NGANG KWENTA ANG MGA ASO DAHIL HINDI NAMAN SILA AATAKE KUNDI ANG BANGKAY LANG ANG PAKAY NILA " ani Elias habang pinapanood ang nangyayari kung saan fucos na fucos ang mga aso sa kinalalagyan ng bangkay " Pero kahit walang aso ay talagang wala pa rin kaming laban sa tatlong ito.. hindi man mapatay ng mga kasamahan ni Marcos si Mary panigurado namang masasaktan siya ng sobra at itong lalakeng kaharap ni Felipe paniguradong malakas ito at wala siyang kalaban laban.. pero anong puwedi naming gawin? " ani Elias.
" Sino bang mauuna sainyo sa mga aso na ito? " tingin ni Felipe sa pinuno nitong naghatid sa bangkay " Sa bagay mas malala ka naman sa mga aso na ito kaya ano bang pinagkaiba mo sa kanila " maangas pa nitong sabi kaya napaface palm na lang si Mary.
" Kahit kailan talaga napakayabang mo.. haist! wag ka ng mang-inis dahil kahit sampong porsyento wala kang laban diyan " asar na sabi ni Mary at ganon na lang ang takot niya ng biglang umatake si Felipe pero gaya ng inaasahan mabilis na nakaiwas ang lalake bago pa ito tamaan ng kamao ni Felipe.
" Sayang.. malakas pa naman yon " ngisi pa niya tsaka tinitigan ang lalaki.
" Nababaliw na siya " ani Mary habang nag-aalala rito na may halong inis.
" Hindi nakakapagtakang gusto ka ni Rohan dahil talaga nga namang hindi ka nag-iisip " natutuwa nitong tingin kay Felipe saka hinawakan ang sanga ng puno at sa isang iglap ay naputol niya ito at mabilis na hinagis kay Felipe pero mabilis niya din itong naiwasan pero bago pa ito mapatingin ritong muli ay nasa harapan na niya ito at sa sobrang bilis ng pangyayari tumilapon ito sa may puno nang tamaan ito ng kamao ng lalaki at hindi nito magawang huminga sa lakas.
" Felipe.. okay ka lang? " takbo rito ni Mary pero mabilis itong hinabol ng kasamahan ni Marcos at sinipa at mabilis niya itong naiwasan saka natigil sa pagpunta kay Felipe.
" Baka nakakalimotan mo kung sinong kalaban mo? " tingin nila rito.
" Patayin na nga natin ito dahil hindi maaaring iba ang makapatay sa lalaking iyan na dahilan bakit namatay si Marcos " masamang titig nila kay Felipe na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang tumayo.
" KATAPOSAN MO NA!! " sigaw ng lalaki at sa isang iglap hawak hawak na nito ang leeg ni Felipe at itinaas " Napakahina mo para labanan ako.. nakakakaawa!! " at ganon na lang ang asar niya ng duraan siya ni Felipe saka ngumiti.
" Napakasangsang ang bibig mo! Hindi naman ako mamamatay sa suntok mo kundi sa hininga mo.. tsk! ambaho!! " at natigil ang hanging pumapasok sa leeg ni Felipe ng itaas pa siya ng lalaki at higpitan ang pagkakahawak rito.
" Kamatayan mo na " titig niya rito kaya halos magdeliryo na ang mata ni Felipe sa pagtigil ng hininga niya pero ganon na lang ang pagtataka niya ng humina ang pagkakahawak rito ng lalaki at dahan dahan siyang ibaba habang ang mata niya ay nag-iba ang kulay nito na biglang naging pula na siyang nagsimulang paggalaw ng ilong niya na para bang may naaamoy ito pagkwan napalingon siya kay Mary ng maging ang kasamahan ni Marcos ay naiba rin ang atensyon at ang mga aso ay tumakbo sa direksyong pinagtataguan ni Elias o kung saan nanggagaling ang amoy ng dugo.
" Si Elias!!! " sigaw ni Mary saka mabilis na inatake ang kasama ni Marcos para pigilan at nakuha naman nitong muli ang atensyon ng dalawa.
" Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan.. bakit si Elias? " nag-aalala nitong tanong habang hinahabol pa rin nito ang hininga niya.
" Kung ganon may tao pang nandito " ngiti ng lalaki na para bang naexcite sa naisip niyang may tao sa paligid nila saka hinanap ang kinaroroonan ni Elias pagkatapos nitong sugatan ang sarili niya at maamoy nila ang dugo nito.
" Malamang sinugatan niya ang sarili niya para makuha ang atensyon nila kaya huwag mo hahayaang makita siya ng mga ito bago siya tuloyang makalayo " ani Mary kung saan nararamdaman nitong lumayo si Elias pagkatapos makuha ang atensyon nila dahil sa muntik ng pagpatay ng lalaki kay Felipe.
" Kung ganon itinaya niya ang buhay niya para hindi ako tuloyang mapatay ng masangsang na ito? "
" Ganon na nga kaya wag mo hahayaang makita nila ito dahil paniguradong kataposan na niya.. hindi nila titigilan hangga't nabubuhay ito " at kakatapos lang magsalita ni Mary ng tumayo ng maayos si Felipe saka ito umikot at itinaas ang kaliwang paa niya diretso sa leeg ng lalaking nasa harapan niyang busy sa paghahanap kay Elias at sa lakas at asintadong sipa ni Felipe ramdam na ramdam ito ng Neto kaya muli itong napatingin sa kanya.
" Sa tingin mo ba hahayaan kitang kumuha pa ng buhay? " atake niya ritong muli at dahil malakas nga ang pagkakasipa niya rito ay hindi nito nagawang umilag pagkatapos ng suntok ni Felipe at nahulog ito mula sa sanga patungo sa may damohan saka rito pumaibabaw si Felipe.
" Makinig ka hangga't nabubuhay at nandito ako sa lugar niyo hindi ko hahayaang may mapatay pa kayo " hawak niya rito sa ulo habang nakatukod ang magkabila nitong tuhod sa braso ng lalaki " AKO SI FELIPE AT KAILAN MAN HINDI KO BINABAWI ANG SINASABI KO KAYA TANDAAN MO YAN! " taas nito sa ulo niya saka malakas niyang inumpog sa ulo ng lalaki at sa lakas nun ay napatitig ito sa kanya " HAYOP KA!!! " umpog niya ritong muli kaya tuloyang napapikit ang lalake.
" Ang dali lang naman pala ng mga ito " dura niya pa rito.
" Matatalo mo lang yan kung aalisin mo ang puso " napatingin naman si Felipe kay Mary habang inaatake ng dalawa " Kumuha ka ng matalim na kahoy kung wala kang sandata at alisin ang puso niya " ani Mary at napalunok naman si Felipe dahil basagolero lang siya at kahit halimaw itong mga kaharap niya hindi pa rin niya magagawang pumatay.
" Dalian mo na bago pa yan magkamalay muli " at napaupo naman si Felipe dahil talagang hindi niya kayang gawin.
" Masyado kang madaldal " ataki nang isa kay Mary at kung pagmamasdan si Mary pagod na pagod ito para sa dalawang ito kung saan kanina pa niya iniiwasan ang mga atake nila dahil talagang hindi niya magawang umatake dahil masyadong malakas at mabilis ang dalawang ito.
" Kung magagawa ko lang umatake at tumama sa kahit na isa man lang sa kanila may pag-asa akong manalo pero.. at least ligtas si Elias at buhay si Felipe pero kung hindi ko bibilisan para makaalis kami rito paniguradong manganganib muli ang dalawa o baka hindi na kami mabuhay na tatlo pagnagising muli ang lalaking iyon... nakakamangha talaga at kayang makipagsabayan ni Felipe sa lakas nila " natutuwa nitong pag-iisip.
" HOY! MGA GAGU!! TALAGA BANG PAGTUTULONGAN NIYO ANG BANSOT AT PAYAT NA BABAENG YAN? NANDITO AKO OH!! AT SAKA SAAKIN KAYO GALIT KAYA PAANONG IYAN ANG PINAGTUTULONGAN NIYO?! " bato niya sa dalawa para makuha muli ang atensyon nila.
" Kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip! " asar ritong lingon ni Mary at mas natakot ito ng lumapit rito si Felipe.
" Makinig ka hanapin mo si Elias dahil siguradong nasa paligid lang iyon at sa ano mang oras gaya ng sabi mo puweding magising ang pangit na yon kaya lumayo na kayong dalawa bago pa niya mahanap si Elias "
" Nababaliw ka na ba? "
" Hindi! Kaya makinig ka saakin at sundin iyon dahil may naisip akong plano " mariin namang tumingin rito si Mary.
" Magtiwala ka! "
" Hindi ko alam anong sasabihin o magiging desisyon ko pero sige.. maniniwala ako kung talagang may plano ka "
" Mabuti naman " tapik niya rito sa ulo " Sige na umalis kana "
" Sige.. hahanapin ko lang si Elias at babalikan ka namin dahil paniguradong kaya pa naman niyang takasan ang mga asong iyon " ani Mary saka umalis kaya ganon na lang ang asar ng dalawa.
" Masyado mo naman ata kaming minamaliit para magpaiwan ka rito " titig nila kay Felipe " Sa bagay pabor naman ito saamin para maipaghiganti namin ang nangyari sa leader namin "
" tssst! parepareho naman kayong mahina ng Marcos na yon " ataking sipa ni Felipe pero mabilis nila itong naiwasan " Kapag natamaan ako ng nanggigil nilang mga ataki paniguradong kataposan ko na.. mas malakas ang masangsang na yon sa kanila pero sa galit ng dalawang ito saakin dahil sa nangyari sa leader nila paniguradong kataposan ko na " iwas nito sa mga atake nila at ganon na lang ang gulat niya ng mabilis na tumakbo ang dalawa at pinalibotan siya at sa bilis nila ay hindi niya masundan ang bilis nila pagkwan may umataki mula sa taas kaya hindi nito nabantayan ang ataking nagmula sa likuran niya at bago pa ito matumba ay nasalo naman ito ng isa sa harapan ng suntok at sapol sa mukha niya malapit sa bibig niya kaya pakiramdam niya may natanggal sa ngipin niya kaya napaatras ito at napahawak sa puno saka lumabas ang dugo sa bibig niya at mula doon ay naamoy ito ng dalawa at sa isang iglap napunta ang isa sa harapan ni Felipe saka nito nilapit ang bibig niya kay Felipe para kompermahin kung tao ito ngunit mabilis na umatras si Felipe upang lumayo sa kanila ngunit kahit anong tago niya alam niyang alam na nila na hindi siya Neto kundi isang tao.. ang kinababaliwan nilang pagkain kaya naman kitang kita niya ang tawanan ng dalawa saka namula muli ang mga mata nila at napatingin siya muli sa lalaki ng bigla din itong bumangon at napalunok siya nang sa isang iglap nasa harapan na niya ito.
" Kung ganon.. ang daahilan bakit gusto kang mabuhay ni Rohan ay dahil isa kang tao.. at ang totoo gusto lang niyang makinabang sayo " titig rito ng lalaki na talaga namang nakakakilabot lalo na ng lumabas ang matatalim nitong kuko na alam niyang kapag gumalaw ito ay ang puso niya ang ponterya nito at talagang kataposan na niya.
" Hindi ka ba makikiusap katulad ng mga kaawa-awang nilalang na mabuhay? Ayaw mo bang ipagmakaawa ang kaawa awa mong buhay? " ganon naman ang asar niya ng punasan ni Felipe ang bibig niyang nagdudugo na halatang walang balak magmakaawa " Ganito na lang.. mas gusto ko naman itong marinig kaysa sa pagmamakaawa ng mga katulad mo " paglabas nito sa hintuturo niya saka tinusok ang mataas nitong kuko sa dibdib ni Felipe ng dahan dahan pero mabilis siyang lumayo rito kahit wala siyang lakas.
" Ang gusto ko yong dahan dahan kong kukunin ang puso mo at iiyak.. sisigaw... masasaktan ka hanggang sa mamatay " ngiti nito " Yon ang gusto kong marinig " lapit niya ritong muli.
" Masyado ka kasing mayabang para magpaiwan rito pero wag kang mag-alala hahanapin din namin ang mga kasamahan mo para mamatay katulad mo " lapit ng kasamahan ni Marcos.
" Sigurado kayo? " ngisi ni Felipe kaya naman ganon na lang ang pagtataka nila pagkatapos pa nito magawang magyabang sa mga titig niya dahil ang alam nila ay lahat ng taong pinapatay nila ay nawawala sa sarili sa takot ngunit si Felipe ay matapang pa rin kaya hindi nila maiwasang humanga rito kahit papaano dahil sa katapangan niya.
" Tingnan natin kung magawa mo pang magyabang kapag hawak hawak ko na ang puso mo " at natigilan ang tatlo ng biglang gumalaw ang mga dahon ng puno saka sila tumingin kay Felipe kung saan nakahawak pa rin ito sa bibig niyang nagdudugo pagkwan tumingin ito sa kanila.
" Kung mabubuhay ba kayo ay kikitil pa rin kayo ng buhay? " tanong niya sa mga ito.
" Nababaliw ka ba? Gaya ng sabi namin ikaw at ang mga kasamahan mo ang hindi na aabot ng bukas " at ganon na lang ang asar nila ng tumalikod si Felipe.
" Patayin mo na sila " ani Felipe at sa isang iglap narinig niya ang ilang kalabog na sa tingin niya tumama ang mga ito sa mga puno.
" Tapos na " ani Bakunawa pagkatapos tawagin ni Felipe habang nakatayo sa tabi niya kaya mabilis siyang tumingin sa mga sinasabi niyang tapos na at ganon na lang ang gilalas niya kung saan nakasandal ang mga ito sa may puno habang nagkabalibali ang katawan nila at mapapansin mong hindi lang humiwalay ang ulo nila ngunit alam mong naputol na ito at tanging ang balat lang nila ang dahilan paanong buo pa rin ang katawan nila ngunit wala kang makikitang ano mang dugo.
" Pa-pa-paanong nagawa mo nang ganong kabilis? "
" Ang ano man ang iyong naisin mula saakin ay aking ipagkakaloob saiyo at ang iyong nalalaman patungkol saakin ay mas mahiwaga o makapangyarihan ako sa iniisip mo " tingin nito kay Felipe pagkwan napalingon si Felipe sa lalaking bumubolwak ang bibig nito ng dugo kung saan ang pinuno nila kumpara sa dalawa ito lang ang makikita mo ang dugo.
" Sapagkat hindi ako natuwa sa ginawa niya saiyo kaya marapat lang na parusahan ko siya ng ganyan " ani Bakunawa kung saan kumpara sa dalawa hindi nila naramdaman ang nangyari sa kanila hindi tulad ng sa pinuno nila na dahan dahang nadudurog ang puso nito pagkwan lumapit ito kay Felipe at napaatras naman ito ng makaramdam rito ng takot dahil sa ginawa niya sa mga Neto " Ikaw ay nasaktan sapagkat ang tagal mong humingi ng tulong mula saakin "
" Bakit nga ba hindi mo kami tinulongan agad at saka sina Elias kamusta kaya sila? "
" Sapagkat hindi ko magagamit ang aking kapangyarihan ng wala ang iyong utos o hindi mo ako tinatawag , ang tungkol naman kela Elias ay ligtas sila ngunit buhay pa rin ang mga aso " at dito naman ay napahinga ng maayos si Felipe.
" Kung ganon tayo na at puntahan sila "
" Sang-ayon ako ngunit gagamotin lang kita ng mabilis pagkatapos ng mga pinsalang binigay nila saiyo " ani Bakunawa " Ikaw ay maupo muna " marahan namang sumunod rito si Felipe pagkwan hinawakan siya nito sa likod saka pumikit at naramdaman naman ni Felipe ang init " May panandalian kang sakit na mararamdaman dahil aayosin ko ang mga butong nasira sa loob ng iyong katawan " at hindi naman nagsalita si Felipe saka naalis ang sakit ng katawan nito at ang pagdudugo ng dibdib niyang tinusok ng Neto kanina.
" Maaari na tayong magtungo sa kinaroroonan nila Elias " tumango naman siya saka nito kinuha ang bangkay at sumunod sa Bakunawa.