KABANATA XIV

1253 Words
HINDI nagtagal narating nila Felipe sina Mary kung saan napatay na nito ang tatlong aso habang duguan ang kamay niya pagkatapos ng pakikipaglaban niya. " Mabuti at nandito kana rin " takbo niya rito " Pe-pero paanong nakatakas ka sa kanila? " mga tanong pa ni Mary. " Hindi na mahalaga yon ang mahalaga umalis na tayo rito " ani Elias at kagaya ng inaasahan walang nakakakita sa kanila sa Bakunawa. " Hindi na susunod ang mga yon kaya wala kayong dapat ipag-alala " ani Felipe kaya ganon naman ang pagtataka sa mga mata nila " Kagaya ng sabi ko hangga't nandito ako hindi ko hahayaang may kunin pang buhay ang mga Neto na yan " seryoso nitong sabi. " Ngunit paano mo nagawang talunin o kaya takasan sila? " tanong pa ni Mary " Sandali.. napatay mo ba sila? kasi paniguradong delikado na ang buhay mo kung buhay pa sila " natatakot pa nitong sabi. " Patay na sila at wag niyo ng itanong kung paano ko ginawa yon " pag-iwas niya ng tingin rito saka lumingon sa Bakunawang nagmamasid lang sa kanila. " Sige na.. ilibing na natin yan " ani Elias saka naglakad para humanap ng magandang lugar para sa bangkay. KINABUKASAN naunang naglakad si Felipe sa dalawa pagkatapos nilang magkwento sa matanda sa mga nangyari. " Nandito ka ba? " agad namang nagpakita rito ang Bakunawa. " May kailangan ka ba? " napatingin naman rito si Felipe habang may pagtataka. " Bakit may problema ba? " tanong pa niya. " Wala ka bang napapansin sa pagsasalita mo? " tumingin naman ito sa kanya " Mas madali ng maitindihan.. mas mababaw na, naaayon sa panahon " ani Felipe dahil sa malalalim nitong magsalita " O baka ngayon ko lang napansin dahil hindi naman kita nakakausap " ani Felipe dahil sa pagbabawal niyang magpakita ito rito. " Paano nga ba nangyari yon? " tanong din nito. Samantala ganon naman ang pag-aalala nila Elias habang pinagmamasdan nila ito. " Elias tama ba ang nakikita ko? " ani Mary. " Oo, mukhang mauuna siyang mabaliw bago mapatay ng mga Neto " naaawa pa nitong sabi. " Nakakaawa siya " ani Mary " Natrauma siguro sa mga nangyayari o kaya baka tuloyang nabagok ang utak niya para magkaganyan " tumango na lang rito si Elias. " Pero hayaan na natin baka gumaling din siya kung sakali dahil maging ako...talagang mababaliw din ako kung bigla akong mapupunta sa lugar natin " " Tama ka at saka para sa tulad niyang araw araw na lang may nakakaharap na Neto napaka-swerti niya para maging hanggang ngayon ay buhay pa siya " tumango naman ito. " Magmula ngayon dapat mas dobleng pagbabantay ang gawin natin " pag-uusap ng dalawa. " Sa totoo niyan mayron akong mga napanaginipan kagabi " ani Bakunawa habang nag-uusap sila ni Felipe. " Tulad ng ano? " " Tungkol sa lalake at saakin kaso malabo ang hitsura namin pareho " " Hindi kaya kung mapapanaginipan mo ang lahat ng tungkol sayo ay maaring mabuhay ka rin bilang isang normal na tao.. nakikita at nakakausap ng lahat? " nanahimik naman ito " Baka pagnaalala mo ang pagkatao mo maging normal ka din.. sa tingin ko kung ikukwento ko ang tungkol sayo maaari mong maalala ang lahat o kaya mapanaginipan ito " " Anong alam mo tungkol saakin? Hindi ba't imposible namang malaman mo yon dahil mas nauna akong nabuhay sayo? " " Dahil nasa history kana ng pook Liwanag " " Hi-his..to..ry? " hirap na hirap pa niyang bigkas rito. " Ganon na nga " " Ano naman ang ibig sabihin nun? " hindi naman siya makapaniwalang tumingin rito. " History! Nakaraan.. o kaya past " " Nakaraan? Sige, naiitindihan ko na " " Sandali wag mo sabihing bobo ka ha? Kawawa ka naman, wala ka na ngang alaala, mahina pa utak mo.. siguro dahilan na rin yon para wala kang maalala dahil mahina utak mo " " Hindi sa ganon.. kaso nagugulohan lang ako minsan sa salitang ginagamit mo.. malayo sa lenggwahe natin " " English yon! at magaling ako doon pero wag kang mag-aalala tuturuan din kita " paglunok pa niya dahil sa pagsisinungalng niya. " Hindi mo naman kailangan magsinungaling " napalingon naman siya agad rito. " At sinong nagsabing nagsisinungaling ako? " asar niyang lingon rito. " Pasensya na pero kagaya ng sabi ko kaya kong basahin ang iniisip ng isang tao sa oras na mahawakan ko ito sa loob ng limang metro " " NO! I-I CAN S-SPEAK!! " sample agad nito ng english saka naglakad ng mabilis pagkatapos makaramdam ng hiya. " Pasensya na pero hindi mo naman kailangan mahiya saakin dahil naniniwala naman ako sa kahit anong sabihin mo " " Tigilan mo nga ang pagbasa sa nararamdaman o iniisip ko! " asar pa iyang paglalakad ng mabilis " Lumayo ka saakin ng limang metro " sabi pa niya kaya hinintay naman ito ng Bakunawa na makalayo sa kanya. " Ang sabi niya lumayo lang ako at hindi maglaho kaya ibig sabihin puwedi ko siyang sundan kahit saan at pagmasdan siya " nakatitig pa ritong sunod ng tingin ng Bakunawa. Ngunit natigilan si Felipe sa paglalakad ng marinig niya ang bulongan ng mga nadadaanan niya. " Siya yong kahapon mukhang nabaliw na siya " bulongan ng mga school mates niya pagkatapos nilang dumating. " Kung naroon ka sa pangyayari at makaharap mismo ang grupo ni Rohan paniguradong masisiraan ka talaga ng bait " sabi pa ng mga ito. " Kailan pa ba nagkaroon ng pakialam ang mga tao rito sa nakapaligid sa kanila at paanong iniisip nilang baliw ako? " asar nitong lingon sa kanila. " Bakit nga ba kanina mo pa kinakausap ang sarili mo? " napalingon naman ito kay Elias. " Kahit kami nag-aalala sayo " ani Mary kaya agad siyang napalingon sa Bakunawa pagkatapos ng sinabi nila at mapagtantong kanina pa nga sila nag-uusap nito at dahil hindi nga nila ito nakikita kaya talagang para siyang baliw habang nagsasalita mag-isa kaya tumahimik na lang siya at nagpatuloy maglakad at naghiwahiwalay na sila nila Mary para magtungo sa kanikanilang classroom. " Long time no see!! " natigilan naman ito sa pagpasok ng marinig ang boses ni Gato. " Kapag inamalas ka nga naman " bulong pa niya " Kagabi lang ang laban ko may panibago na naman " lingon pa niya sa kanila. " Akala ko maninirahan kana sa hospital pagkatapos ng ginawa ko sayo " pang-aasar nito agad. " Aba! tarantado ka talaga kahit kailan " pikon niyang tingin rito " Kahit ayaw kitang saktan nanggigigil tuloy ang kamao ko " kuyom niya rito pero napalingon naman si Felipe sa direksyon ng mata nito pagkatapos itong kumalma kasabay ng mga kamao niya. " Rohan...? " ani Felipe ng makita itong tinitingnan ni Gato. " Anong ginagawa mo rito? " malambing niyang tanong kay Gato saka umakbay sa balikat ni Felipe pero mabilis niya din itong tinanggal. " Excuse me! " pagtuloy nito sa loob habang ang mga kaklase niya takot na takot kay Rohan ang nag-iisang Neto na kilala ang pagkatao rito sa campus. " Minadali ko talagang makabalik sa school para makita ka " ani Gato at marahan namang humalik si Rohan sa pisngi niya saka din pinunas agad ang labi niya. " Puwedi ka ng bumalik sa classroom mo " paglalakad nito sa loob kung saan pasulyap siyang tinitingnan ng lahat. " Puwedi ba akong tumabi sayo? " napalingon naman rito si Felipe saka marahang tumango kahit alam niyang puwedi siyang manganib rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD