KABANATA XV

2209 Words
HINDI magawang magfocus ni Felipe sa board o sa teacher nila habang nararamdaman nito ang malalagkit ritong tingin ni Rohan at nang Bakunawang nakaupo sa may bintana. “ Ano bang problema mo? Alam kong gwapo ako pero puwedi ba wag kang tumitig saakin! “ lingon niya agad rito “ At ikaw, wag kang dumagdag rin! “ mahina pa nitong sabi sa Bakunawa habang asar na asar kaya naman tumango ito sa kanya at kay Rohan tumitig. “ Haist! Baka nga tuloyan akong mabaliw kapag ganitong mga nilalang ang nasa paligid ko “ “ Yes, Felipe “ napatingin naman agad ito sa teacher nila “ Wht’s on your mind? “ “ KAPAG SINABI KO BANG NAS’STRESS AKO SA BAKUNAWANG ITO AT NETO NA ITO MAGAGAWAN NIYA BA NG PARAAN? “ pag-iisip pa niya habang nakatitig sa teacher kaya nakaramdam tuloy ito ng takot sa kanya. “ Well, nevermind let’s continue our discussion “ “ Ang tagal kong hinanap ang classroom mo “ ani Rohan pero hindi niya ito pinansin “ Mabuti na lang nakaya ko pang lumipat sa section niyo “ sabi pa niya pero katulad kanina binalewala ito ni Felipe pero napatingin siya rito ng bigla itong bumulong sa kanya. “ Kung ganon papansinin mo lang ako kung lalapit ako sayo? “ “ Baliw ka ba? Hindi mo ba alam na kamanyakan yang ginagawa mo? “ pagtayo pa nito habang nagagalit kay Rohan kaya naman ganon na lang ang ngiti niya sa hiya pagkatapos silang lingonin ng lahat. “ FELIPE YOU’RE CAUSING TROUBLE IN MY CLASS! “ sigaw ng teacher nila. “ Tsk! okay rin ang mga tao rito ah! “ tawa pa niya pagkatapos maasar sa teacher nila. “ Report in my office “ paglabas nito kaya asar naman siyang sumunod rito ganon din ang Bakunawa. “ Wala akong sinasabing maupo ka “ masungit nitong tingin kay Felipe pagkatapos maupo sa harapan ng mesa nito. “ Ano bang dahilan at sinama niyo pa ako rito? “ “ Hindi mo ba talaga alam ang ginawa mo? “ “ Ang alin? Ang pagsigaw ko sa loob ng klase mo? “ “ EXACTLY!! “ “ Aba! May mga sira ba kayo sa ulo?! Kahapon may mga estudyanteng nagpatayan dito sa loob ng campus pero wala kayong pakialam! Ngayon na sumigaw lang ako ipapatawag niyo ako rito?! Teacher pa ba ang tingin niyo sa mga sarili niyo? Tsssk!! Impeyerno ito! Walang teacher at estudyante kundi mga halimaw ang nandito!! Tao man o Neto parepareho lang yon dahil mga walang puso lahat ng nandito!! “ makahulogan nitong sabi kaya wala namang makapagsalita sa mga tao sa loob ng faculty. “ Pagdating sa bagay na sinasabi mo.. sa pagitan ng Neto at nang tao wala kaming magagawa doon dahil kami ay teacher lang “ natigilan naman siya sa sinabi nito. “ Kung ganon maaari bang ang ilan sa mga teacher na ito ay tao? Puwedi ba yon? “ tanong nito sa isip niya “ Kaya ba wala silang ginagawang hakbang sa kagulohan kahapon dahil maging sila ay takot na malaman ng mga Neto ang pagkatao nila? “ sa isip pa nito. “ Ang paaralan na pinapasokan mo at sa paaralang nakasanayan mo noon ay walang pinag-iba! Kung gusto mong umalis rito kailangan mong ipasa lahat ng grado mo kaya lahat ng patakaran nang mga teacher o nang school ay kailangan mong sundin kung hindi babagsak ka! “ natahimik naman siya sa bagay na ito “ Ngunit sa nangyari ngayon pagbibigyan kita dahil alam kong lahat ng estudyante ay bago sa patakaran sa tuwing anim na buwan “ kumalma naman ang mukha niya. “ Puwedi ka nang bumalik sa klase mo “ “ Salamat Sir “ tahimik nitong paglalakad palabas. “ Sa tingin mo ba mga tao ang mga nandoon? “ pagtukoy niya sa mga teacher. “ Hindi ko masabi pero may ilan sa kanilang nararamdaman kong hindi mo kapareho ng awra kaso sa katunayan nahihirapan akong alamin ang mga tao “ napalingon naman rito si Felipe. “ Kung ganon kaya mong alamin ang mga Neto at tao dito sa campus? “ mahina naman itong umiling. “ Pero bakit? Kaya mo ngang basahin ang nasa isip ko kaya paanong hindi mo kaya? “ “ Kung mahahawakan ko ang tao maaari ko pang malaman yon kung nasa isip niya ang pagkatao niya “ “ Oo nga pala at dapat sa loob lang ng limang metro “ disappointed ritong pag-iwas ni Felipe ng tingin. “ Pero kagaya ng sinabi ko kaya kong malaman ang tao at Neto kahit hindi ko hawakan kaya lang base sa tansya ko hindi lahat “ “ Huh? Paanong hindi lahat? “ “ May mga tao kasing matagal ng nabubuhay dito sa pook Liwanag kaya maging ang awra ng mga Neto ay nagagawa nilang kopyahin o nakukuha nila “ napalingon naman rito si Felipe. “ Kagaya ni Elias hindi ko mabasa ang awra niya dahil may pagkakapareho ito sa mga Neto siguro dahil matagal na siyang nabubuhay rito “ “ May punto ka.. pero ibig sabihin ba nun kaya mong basahin ang awra ng mga tulad kong bago lang rito? “ tumango naman ito. “ Sa loob ng silid aralan mo may labing pito kang kasama doon na bago at sa paglalakad natin kanina may dalawampo’t isa tayong nakasalubong at habang nakaupo ako sa bintana nararamdaman ko yong awra ng mga naglalaro sa labas at dalawa sa kanila ay tao “ hindi naman mapigilang matuwa rito ni Felipe. “ Grabe napakahusay mo!!! “ yakap pa niya rito pero agad niya ring tinanggal iyon ng makita ang mga taong nasa paligid nila. “ Lintik! Paniguradong iniisip na naman nilang nababaliw ako! “ paglalakad nito ng mabilis pero kung gaano siya kabilis ganon din kabilis ritong sumusunod ang Bakunawa kaya naman nong matapat sila sa hallway na walang tao na medyo may kadiliman mabilis niyang hinila ang Bakunawa rito. “ Natatakot ka ba? Wala naman akong maramdamang panganib “ titig niya pa rito habang ang lapit ng mukha nila dahil sa pagsandal niya rito sa pader. “ Makinig ka! Hangga’t hindi ka nakikita ng mga tao iwasan mong kausapin ako nang may tao sa paligid “ tumango naman ito. “ Kung ganon ang kausapin ka lang na may nakakakita ang bawal? “ “ Oo, malinaw naman yon diba? “ asar pa nitong sabi saka naglakad. “ Minsan hindi ko maitindihan ang mga tao “ pag-iisip nito pagkatapos iwan ni Felipe “ Kanina natutuwa pa siya saakin at niyakap pa niya ako tapos bigla na lang siyang nagalit “ pagkausap pa niya sa sarili niya “ Dapat binasa ko na lang ang iniisip niya “ pagsunod niya rito. “ Peace offering “ pagbibigay rito ni Rohan sa candy ng makabalik siya pero tiningnan niya lang ito. “ Hindi ko naman nararamdamang takot ka saakin kaya medyo nakaka-offend yon pero mas na-ooffend ako sa part na nagiging mabait ako sayo pero hindi mo binibigyan ng pansin “ sabi pa nito pagkatapos ilagay sa table ni Felipe ang candy. “ Hindi lang ako interesado sayo kaya puwedi mo akong hindi pansinin “ ani Felipe saka nito kinuha ang ballpen niya at nagsulat. “ I’m really interested in your.. blood “ napalingon naman siya rito kaya ganon na lang ang ngisi ni Rohan “ But I am more interested in your personality Felipe kaya matutuwa ako kung makikipagka-ibigan ka saakin “ nakangiti pa niyang sabi. “ Kayang kaya kitang protektahan “ sabi pa nito at ganon na lang ang asar niya ng bahagyang matawa itong si Felipe at benalewala siyang muli. AT NONG matapos ang klase nila mabilis na lumabas si Felipe habang titig na titig rito si Rohan. “ Mabuti naman at wala ka nang ginawang kagulohan ngayon “ ani Elias habang naglalakad sila pagkatapos makalabas ng campus. “ Tsst! Koreksyon hindi ako ang gumagawa ng gulo! “ snob pa nito habang sumasang-ayon rito ang Bakunawa. “ Sus! Yan pinapaniwalaan mo e “ asar naman itong lumingon kay Elias. “ Sa tingin ko ang dahilan talaga bakit walang nangyaring gulo ngayon, e dahil iniisip ng mga nandito na nababaliw kana dahil sa mga nangyari kahapon kaya baka naaawa sila sayo “ ganon naman ang asar niya sa sinabi ni Mary saka nilingon ang Bakunawa. “ Tsk! Hindi ako nababaliw palibhasa mga wala kayong mata kaya di niyo nakikita ang mga nakikita ko! “ at kitang kita naman niya ang pag-aalala nila sa sinabi niya kaya mas naasar ito. “ Bahala nga kayo diyan! “ paglalakad niya ng mabilis at kagaya ng madalas mangyari nagrereklamo na naman ito sa ulam nilang puro gulay. “ HINDI NA AKO KAKATAY SA MANOK KO!! “ tanggi agad nitong si Elias ng lingonin ito ng lolo niya “ At saka wala namang pasok bukas kaya puwedi tayong pumuntang palengke at doon mamili ng ulam na gusto mo mahal na duke “ ani Elias. “ Kung ganon bukas na lang ako kakain total busog pa naman ako “ ani Felipe at umakyat ito sa taas para maghandang matulog. “ Ikaw kasi kung binigyan mo siya sa manok mo baka kumain pa siya “ “ Lolo.. okay lang po naaawa naman din ako sa mga alaga ni Elias “ ani Felipe ng marinig nito ang pagalit na sabi ng matanda kay Elias. HATINGGABI ng maalimpongatan ito at hindi na niya magawang matulog pa kaya marahan itong naglakad at bumaba saka naupo sa labas at pinagmasdan ang kalangitan na sa sobrang liwanag ng buwan parang umaga lang ito. “ Plano mo bang mabuhay talaga sa mundong ito? “ tanong ni Felipe ng maramdaman niya ang pagtabi rito ng Bakunawa. “ Oo, dahil wala akong balak na masaktan muli ng mga Neto “ “ Kung ganon maghihiganti ka ba? “ “ Hi-hindi “ napalingon naman siya rito “ Ang akin lang ay mabuhay hangga’t kailan ko gusto “ “ Para sa tulad mong walang pamilya sobrang hirap mabuhay ng mag-isa lalo na kung mga tao ang kasabayan mo “ “ Okay lang saakin kahit ikaw lang ang kasama ko.. hindi ko kailangan ng marami “ natawa naman rito si Felipe. “ Ano ‘toh in love ka na sa kagwapohan ko? Bawal yan “ pagbibiro pa niya. “ Ano ang ibig sabihin ng in l-lab? “ “ English nga pala kaya hindi mo maitindihan pero in love hindi in lab “ korek niya rito “ Ang ibig nun sabihin hindi tayo puweding magsama “ “ Bakit? “ “ Dahil hindi ka tao samantalang ako anytime puwedi akong mapatay ng mga Neto “ tingin pa nito sa taas habang seryoso ang mukha. “ Mangyayari lang yon kung pahihintulotan ko kaya hindi mo kailangan mag-alala kaya puwedi tayong ma-in lab “ natawa naman si Felipe rito habang ito ay titig na titig sa kanya ng hindi maitindihan bakit ito tumatawa. “ Hindi naman siya totoong masaya pero bakit tawang tawa siya.. nararamdaman kong malungkot siya at nag-aalala “ “ Kapag ganitong napagmamasdan ko ang gabi, nararamdaman ko ang takot ko “ seryoso nitong sabi. “ Alam ko yon dahil nababasa ko ang isip mo pero nandito ako kaya hindi ka dapat matakot “ tumango naman to sa kanya. “ Sige, kahit di mo pa naaalala ang pagkatao mo ng tuloyan hahayaan kitang kausapin ako at magpakita saakin dahil sa pook na ito walang kasiguradohan ang buhay natin sa bawat araw na lumilipas kaya baka bago mo pa maalalala ang lahat huli na ang lahat kaya sige, pag-aralan mo ang makabagong mundo sa tabi ko “ “ Hindi ko maitindihan pero bumibilis ang pintig ng puso ko “ tinapik naman siya ni Felipe sa ulo ng mahina. “ Normal na sa tao na maramdaman yan kaya masanay kana “ tumango naman ito. “ Nga pala bakit hindi natin subokan ikwento ko sayo ang lahat ng kwento nila saakin tungkol sayo baka sakaling mapanaginipan mo ang lahat at maalala mo ng tuloyan ang pagkatao mo kung sakaling totoo man ang mga kwento nila tungkol sayo “ tumango naman ito sa kanya. “ Iyon kasi ang naiisip kong dahilan paanong nagagawa mong magsalita ayon sa lenggwahe namin dahil sa mga panaginip mo “ at kagaya ng sabi niya nagkwento nga ito pero ang Bakunawa wala kang mababasang kahit na ano sa mukha niya pagkatapos ng malagim nitong sinapit sa pook Liwanag. KINABUKASAN nagising si Felipe dahil sa bigat na nararamdaman niya sa bandang ulo nito. “ Humaba ba ang buhok ko? “ hawak pa niya sa buhok na nakalagay sa mukha niya at doon lang niya napagtanto na may ulo ngang nakapatong sa ulo niya. “ Aba! Okay din ah! “ asar pa niyang yugyog rito “ Mary bakit ba saakin ka tumatabi “ bangon pa niya. “ Akala mo ba masarap ang buhok mo para gawin akong unan at ipakain saakin? “ asar pa nitong sabi pero natigilan siya ng makitang nasa tabi ni Elias si Mary at natigilan siya sa narinig niyang boses kung saan napakahinhin at manipis. “ Hindi ko sinasadya “ napalingon naman siya rito at natigilan siya sa mukhang nakikita niya kung saan babaeng may mahabang buhok na kumikinang at may pagkabilogan ang mata, magandang hugis ng labi at katamtamang ilong na hindi ganon kaputian na may napaka-liit na nunal sa pisngi na sobrang itim dahilan para bumagay rito. “ Ang ganda… “ bulong nito habang nakangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD