HINDI maalis ni Felipe ang tingin niya sa babae habang naka-upo ito sa tabi niya bandang harapan kung saan linilipad ng hangin mula sa binatan ang ilan sa buhok nito.
" Pasensya na nakatulog ako habang pinagmamasdan kang natutulog " may pag-aalala nitong sabi gayong napakaliit ng pasensya ni Felipe at alam niya ang bagay na ito.
" Okay lang " pagbawi nito sa tingin niya saka tumayo at naglakad palabas "Ang ganda naman ng bago niyang mukha " pag-iisip pa nito saka bahagya ritong lumingon at sumusunod ito sa kanya kaya mabilis niyang binawi iyon.
" Natutulog ka rin pala talaga " ani Felipe para putolin ang katahimikang namumutawi sa kanila pagkatapos nitong maupo sa labas ng bahay nila.
" Hindi naman ako basta bastang nakakatulog pero kakaiba iyong kagabi dahil hindi ko namalayan kaya nga sa tabi mo ako nakatulog "
" Bakit nga ba nasa tabi kita? Alam mo kahit hindi ka totoong tao, sa mata ko isa ka pa ring babae kaya hindi magandang tumatabi ka saakin matulog " ani Felipe habang inaayos ang buhok nito para tuloyang magising at masiguradong tama talaga ang paningin nito sa Bakunawa.
" Anong dahilan bakit hindi magandang tumabi ako sayo? Gusto ko lang bantayan ka para walang basta bastang manakit sayo " napalingon naman rito si Felipe " May mga maliliit na nilalang na umaatake sayo kaya magdamag ko silang binabantayan para hindi ka maatake.. naiisip ko baka may kaugnayan sila sa mga Neto dahil sa tuwing dumadapo sila sayo nakukuhaan ka nila ng dugo saka mo naman ito kakamotin " mahaba nitong paliwanag.
" Lamok ba ang tinutukoy mo? " natatawa pa nitong tanong pagkatapos matuwa sa mga sinabi nito.
" Lamok ba ang tawag doon? May maliliit na tunog at may pakpak? " mas lumakas naman ang tawa nito pero binawi niya rin ito ng makitang seryoso itong kausap niya.
" Oo, wala yon kinalaman sa Neto pero salamat dahil dugo talaga ang target ng mga yon mabuti na lang binantayan mo sila " pilit pa nitong hindi matawa dahil natutuwa talaga siya rito.
" Wag kang mag-alala kagaya ng sabi ko babantayan kita sa kahit na anong paraan at sa kahit na anong bagay "
" Masyado naman ata akong mahina sa sinabi mo pero salamat " bahagya namang may gumuhit na ngiti sa labi ng Bakunawa kaya napatitig rito bigla si Felipe.
" Saan mo ba nakuha ang mukha mo ngayon? " tanong niya bigla at nakita naman nito ang pagtataka sa mukha ng Bakunawa saka nito napansin na nakahawak na pala siya sa kabilang pisngi nito.
" May pupuntahan nga pala ako ngayon " pagtayo niya pagkatapos magulat sa inasta niya din saka nito nakita si Elias na titig na titig sa kaniya habang takang taka ang mukha.
" HAIST! MALAMANG INIISIP NA NAMAN NITONG NABABALIW AKO DAHIL HINDI NAMAN NILA NAKIKITA ANG BAKUNAWANG ITO KAYA SIGURADONG INIISIP NILANG NABABALIW AKO HABANG NAGSASALITA NA NAMAN MAG-ISA " pag-iisip pa niya saka binalewala ang tingin ni Elias.
" Saan nga pala banda ang palengke niyo ng makapunta na tayo dahil sawang sawa na ako sa mga pananim niyong gulay " reklamo pa nito.
" Wag kang kumain mabuti nga may pananim pang nailuluto " masungit na sagot ni Elias kaya ganon naman ang tingin niya rito.
" Bakit naman ata ang sama ng timpla mo? "
" Dahil hindi naman magandang nagpupunta sa palengke at saka baka hindi ko alam na makakakuha na naman tayo ng gulo doon " asar pa nitong tingin kay Felipe.
" Yan ba ang dahilan bakit magkasalubong yang kilay mo? " pagkuha nito sa mga gamit niya para maghandang maligo " Kaya naman kitang protektahan at saka kung walang mang-aaway edi walang gulo " tapik niya pa rito sa ulo.
" Puwedi namang hindi ka sumama "
" Bakit may pera ka? Isa pa gusto kong pumunta para sa sunod kaya ko nang pumunta mag-isa at saka hindi mo naman alam ano ang mga gusto kong kainin " Paglalakad nito para magtungo sa may balon habang nakasunod rito ang Bakunawa.
" Hindi mo naman kailangan sumunod saakin dahil maliligo ako " ani Felipe.
" Oo alam ko dahi dito ka naman madalas maligo "
" Haist! mukha ka nga lang pa lang tao pero hindi naman talaga " bulong pa nito pagkwan humarap siya rito.
" Gaya ng sabi ko lalake pa rin ako at babae ka kaya hindi maaaring palagi tayong magkasama lalo na sa ganitong bagay dahil pribado itong ginagawa ng mga tao "
" Ganon ba yon? " nagtataka pa niyang tanong " Pero wala naman akong napapansing kakaiba sa tuwing naliligo ka " agad namang lumingon rito si Felipe.
" Anong ibig mong sabihin? " nanlalaki pa ang mata nitong tanong pagkwan binasa nito agad ang nasa isip ni Felipe.
" Kung ganon ang sinasabi mong pribado ay ang makita kitang walang damit at nag-aalala ka sa bagay na yon? "
" AAAAHHHH! MAKINIG KA HINDI TAMANG BASAHIN MO PALAGI ANG INIISIP KO !! "
" Paumanhin.. gusto lang kitang maitindihan kasi ang totoo nahihirapan akong maitindihan minsan ang mga kilos at iniisip niyo dahil may anyong tao lang naman ako pero isa pa rin akong Bakunawa "
" Kaya nga ako nandito para tulongan kang maitindihan ang mga tao at mabuhay sa mundong ito " naalis naman ang malulungkot nitong tingin kanina " Pero puwedi bang gagamitin mo lang saakin ang power mo kapag sinabi ko? "
" Anong ibig mong sabihin? "
" E kasi nawawalan ako ng privacy kung babasahin mo na lang palagi ang nasa isip ko "
" Yon ba ang ibig sabihin nong pa-pa-pawir na sinabi mo " napangiti naman siya rito.
" Ganon nga kaya wag mong ginagamit saakin " tumango naman ito at kagaya ng gusto ni Felipe naglaho nga ito nong sabihin niyang umalis ito at maglaho siya dahil maliligo ito.
" Kung ganon sa tuwing naliligo ako at naglalaho ka e nasa tabi lang kita nun? " tumango naman ito kaya nakaramdam naman siya ng hiya.
" Kung ganon nakita mo na ang buo kong katawan? " namula ito sa hiya ng tumango ito sa kanya " Pambihira ka naman! pambubuso na yon ahhh!!! " asar na asar pa nitong sabi sa hiya.
" Hindi ko maitindihan at nagagalit ka sa bagay na yon "inosente pa niyang tanong nang hindi nito napapansin na nasa harap na sila ng bahay nila.
" Ganito.. okay lang ba sayo na makita ko kung ano man ang nakatago diyan sa loob ng damit mo? " nagtataka naman itong tumingin kay Felipe saka tumingin sa katawan niya.
" Pero bakit...? " tanong din niya pero pagkwan lumapit ito kay Felipe " Puwedi mong silipin sa damit ko o alisin ko din ang damit ko " sabi nito at napaupo naman si Felipe sa gulat dahil hindi niya inaasahang sasabihin niya ito pero bago pa siya makapagsalita tumakbo rito si Mary at binatokan siya.
" PILYO KA TALAGA! PAANONG NAIISP MONG GAWIN O ITANONG YAN SA ISANG BABAE?! "sabay naman silang napatingin rito ng Bakunawa.
" Anong pinagsasabi mo? " marahan nitong pagtayo.
" Girlfriend mo ba yan o ano? " tanong pa ni Mary.
" Malamang dahil magkatabi naman yan silang natulog " ani Elias habang nakatingin din sa direksyon nila.
" Kung ganon sinasabi niyo banag nakikita niyo siya? " lapit nito sa Bakunawa.
" Talaga bang nasiraan kana ng bait para itanong yan saamin? " ani Elias saka lumapit din sa direksyon nila.
" Saan mo ba yan nakilala at ngayon lang namin nakita " ani Mary kaya agad siyang pumagitna sa kanila at umakbay sa mga ito.
" Kung ganon nakikita niyo talaga siya o pinagtitripan niyo na naman ako? "
" Ano ba ang pangalan niya? " ani Elias kung saan nagagandahan rito.
" Napakaganda niya... ngayon ko lang siya nakita rito " ani Mary saka lumapit sa Bakunawa.
" Girlfriend ka ba ni Felipe? " ani Mary.
" Anong ibig mong sabihin? "
" Haist! tigilan niyo nga siya "
" O bakit kaano ano mo nga ba siya at di man lang namin nalaman ang pagdala mo sa kanya rito at saka malalagot ka kay lolo kapag nalaman niyang ginagawa mong motel itong bahay niya " at katatapos lang magsalita ni Elias ay binatokan niya ito.
" Napaka OA mo mag-isip ha! " lapit nito sa Bakunawa saka ito nilayo kay Mary.
" Iwan niyo kami at tigilan niyo ang mga iniisip niyo saamin! "
" sus! kabago bago mo rito may inuuwi kana rito sa bahay ah! " ani Mary " Babaero ka rin pala... sabi na! "
" wag mo silang pakinggan " lingon nito sa Bakunawa at tumango naman ito sa kanya.
" Sandali.. tao ba siya? " tanong nitong si Elias at natigilan naman siya " Kahit gaano kaganda ay hindi ka dapat nagpapalinlang.. tandaan mo buhay mo ang nakataya sa bawat ginagawa mong hakbang kaya mag-iingat ka " makahulogan pang sabi ni Elias saka naglakad habang hila hila si Mary.
" Hindi ko alam papaanong nakikita ka nila pero isa lang ang nasisigurado ko hindi nila maaaring malaman na ikaw ang Bakunawa "
" Ngunit bakit? " malungkot nitong tanong.
" Makinig ka na lang " lingon niya rito at tumango naman ito sa kanya kagaya nang madalas nitong gawin ang sumunod sa kanya.