HINDI maalis ni Felipe ang tingin nito sa Bakunawa habang hindi makapaniwalang nakikita ito nila Elias.
" Paano ba nangyari yon? "
" Hindi ko rin maisip pero sa mga nakalipas na araw sobrang dami kong napapanaginipan kaya baka tama ang hula mo na kung mapapanaginipan ko ang nakaraan ko baka maalala ko ang mukha o pagkatao ko " mahaba nitong paliwanag.
" Kung ganon dahil sa mga panaginip mo kaya bumalik ka sa totoong ikaw kagaya ng nakikita kana na ng lahat "
" Kung yan ang iniisip mo maniniwala na lang din ako " tingin pa niya rito.
" Kalimotan mo na nga " tingin niya rin rito " Kung ganon may mukha kana, katawan, at marunong nang magsalita.. ngayon ang pangalan mo? Anong pangalan mo? "
" Wala akong napanaginipan tungkol doon.. baka dahil hindi naman ako tao kaya wala talaga akong pangalan " natigilan naman si Felipe sa sinabi niya.
" sa bagay" pagkwan tumingin siya rito " makinig ka, wala namang may pakialam ang kahit sino kung hindi ka tao pero sa tingin ko hindi magandang ideya ang malaman nilang ikaw ang Bakunawa gayong galit ang mga tao sayo rito " bigla namang kumunot ang noo ng Bakunawa " Dahil naniniwala silang nagkaroon ng Neto dahil sayo kaya hindi mo sila masisisi " paliwanag nito sa masasamang tingin ng Bakunawa.
" Ngunit sila ang nagtangkang pumatay at nagkulong saakin ng ilang taon "
" Dahil inaagawan mo nang lalaki ang pinagmulan ng mga Neto "
" Ako ay nakikipagkaibigan lang dahil malungkot sa ilalim ng ilog " may poot sa boses nitong sabi.
" Sandali nagagalit ka ba saakin? Aba! bakit sinisigawan mo ako at ganyan ang mga tingin mo saakin? " harap rito ni Felipe at nag-iwas naman ito ng tingin sa kanya habang magkasalubong ang kilay niya.
" Hindi sa ganon.. kaso may mga kakaiba akong nararamdaman, tulad ngayon at nagsimula ito nong managinip ako ng mga tungkol saakin "
" Kung hindi niya maitindihan ang sarili niya, ako pa ba? Isa pa hindi naman ako matalino " pagtalikod nito " Maglaho ka muna dahil hindi ka maaaring sumunod saakin gayong nakikita ka na nila baka ano na namang kawerdohan ang isipin nila sayo " paglalakad niya patungo sa bahay nila Elias at iniiwasan niyang makapagtanong ang mga ito tungkol sa Bakunawa.
" Makinig ka dahil sasama ka dapat iiwas ka sa gulo " ani Elias ng magpaalam na silang pupuntang palengke.
" Oo, mas matanda ako sayo pero kung umasta ka diyan akala mo! " pagsuot nito sa polo niyang stripe ng hindi binobutonis dahil naka white t-shirt naman ito saka sila umalis at naglakad.
" Nga pala nasaan yong babae mo? " tanong na nga nitong dalawa.
" Tsssst! hindi ko babae yon " ani Felipe habang nasa tabi niya lang ito.
" Siguradohin mo lang dahil paniguradong kataposan mo na kapag maling babae ang nagustohan mo " pagbabanta pa rito ni Elias.
" Mukha ba akong nahihibang sa babae? "
" Naninigurado lang "
" Sa katunayan ikaw ang nakakahibang dahil hindi maipagkakailang malakas ang dating mo at may hitsura din kaya ang inaalala namin baka iyon ang ikapahamakbmo tulad nang ma-in love ka din sa kanila " ani Mary.
" Kumpara sa mga babae rito mas madaming maganda at sexy sa Luzon pero never pa akong nahibang sa mga babae doon kaya malabo yang iniisip niyo kaya hindi niyo kailangan mag-alala "
" Siguradohin mo lang dahil siguradong kataposan na din namin kapag may nangyari sayo dahil hindi namin mapapayagang mangyari yon " agad namang umakbay si Felipe kay Elias sa sinabi nito.
" Ano yan.. mahal mo na agad ako? " panunuya niya rito.
" Asa ka! malalagot lang kami kay lolo kung papabayaan ka namin noh " agad naman niya itong tinulak sa asar saka naunang naglakad na siyang umakbay rito si Mary.
" Ako, poprotektahan kita kahit hindi sinabi ni Lolo "
" Kaya ko ang sarili ko " lingon lang niya rito " Nga pala wag niyong sabihing maglalakad lang tayo patungong palengke? Kanina pa tayo naglalakad ah " reklamo na nito.
" Kaya nga ayaw kitang isama " ani Elias.
" Wala ka namang pera kaya dapat mo akong isama at saka dapat nga tinutour niyo ako rito sa lugar niyo para naman hindi ako nabubulok lang sa bahay buong maghapon "
" Haist! baka mapadali ang buhay mo kung gagawin namin iyon " snob rito ni Elias kaya mahina itong sinipa ni Felipe na siyang pagtakbo nito para umiwas rito kaya hinabol niya ito at ganon din si Mary habang nakangiti.
" Nandito na tayo " ani Elias nang makarating silang kalsada na may mga payong payong ( tricycle ).
" Diyan ba tayo sasakay? " at katatapos lang niya magtanong ng may pumarada sa harapan nila kaya mabilis silang sumakay.
AGAD bumaba si Felipe ng makarating silang Palengke at hindi niya mapigilang mapangiti habang ang daming tao at mabibilhan saka may mga maliliit ding groceries.
" Ang astig nito ah! " paglalakad pa niya na siyang mabilis ritong sunod nila Elias pagkwan kinapa nito ang cellphone niya.
" Marahil may internet connection rito o signal " masaya pa niyang sabi sa mga naisip niya pero agad ring nabura yon ng maisip niya ang mama niya at ang situwasyon niya " Nakaya nga niya akong dalhin rito kaya anong dahilan para sabihin pa ritong buhay pa ako hanggang ngayon " pagbulsa niya rito at napansin naman nila Elias ang malulungkot nitong tingin dahil sa mga naisip niya.
" May lugar rito na siguradong magugustohan mo din " napalingon naman siya kay Elias saka ito naglakad kaya tahimik na lang siyang sumunod rito.
" Ito lang ang nag-iisang lugar rito na kapag pumasok ka puwedi mong maramdamang nasa mundo ka ng mga totoo o normal na tao " ani Elias habang nakatayo sila sa harap ng isang mataas na building pero hindi naman ito luxury tingnan dahil may kalumaan na ito at may vintage design.
" Kung ganon pumasok na tayo " ani Felipe saka naglakad.
" Ngunit delikado rito dahil gusto nga ito ng mga tulad mong gustong makaranas ng normal na buhay kaya ang mga Neto, ito ang hunting place nila dahil alam nilang mga tulad mo lang ang nahihillig pumunta rito " paliwanag ni Elias kaya mas naexcite si Felipe ng maisip na maraming tao o kasama niyang nandito pero agad ring naglaho ang mga ngiti niya ng pagpasok nila ay wala namang tao rito, mabilang mo lang at base sa mga titig nila alam niyang hindi mga tao ang ilan sa narito.
" Akala ko ba marami akong makikitang katulad ko? "
" Gaya ng sabi ko takot ang mga taong nagpupunta rito dahil maaaring paglabas nila ay may nakaabang na din sa kanilang Neto " tumahimik naman si Felipe saka pinagmasdan ang paligid at ang desinyo nga nito sa loob ay isang mall.
" Nga pala.. may pupuntahan din ako " ani Mary para mamasyal din.
" Kung ganon maghiwahiwalay na tayo.. dito na lang tayo magkitakita mamaya dahil mamimili na din ako, sayang ang oras " ani Elias.
" Aba! napakasipag naman " ani Felipe saka nito kinuha ang wallet niya at binigyan ng pera si Elias.
" Basta wag kang gagawa ng gulo " bilin pa ni Elias.
" Haist! sa matandang ito " pagtalikod ni Felipe para umikot sa loob ng building.
" Nandito ka ba? " ani Felipe ng maiwan siya at mabilis namang nagpakita rito ang Bakunawa.
" Kanina pa ako sa tabi mo "
" Kung ganon sumunod ka saakin dahil ipapakita ko sayo kung ano naba ang mayron sa mundo magmula ng makulong ka sa kawayan " ani Felipe at naexcite naman ang Bakunawa sa sinabi niya.
" Sinasabi ko na nga bang mayron din silang ganito " ani Felipe at pumasok sila sa computer shop dito sa loob ng building.
" Ano ba ang mga bagay na ito? " Tanong nito ng maupo si Felipe sa may computer at agad niya itong in-on kaya ganon na lang ang pagkamangha ng bakunawa.
" Isa bang mahika yan? " tanong pa niya habang nagyayabang rito si Felipe.
" Wala pa yan.. tingnan mo ito " at nagtungo itong YouTube at ganon na lang ang pagtataka ng bakunawa ng may mga tao siyang nakikita rito.
" Kung ganon may mga maliliit na ring tao sa panahon ngayon at dito sila naninirahan? " hawak nito sa computer " Ngunit paano sila nagkasya rito? " buhat niya pa rito at hindi na umabot si Felipe na sawayin ito dahil napakabilis ng mga kilos niya.
" Naku! naman.. ibaba mo " utos niya rito pagkatapos itong mamatay dahil natanggal ang mga saksakan nito kaya ganon na lang ang pag-aalala ng Bakunawa.
" Anong nangyari .. bakit naglaho sila? Napatay ko ba sila? " nag-aalala pa niyang tanong.
" Ano ka ba? Technology yan kaya wala kang mapapatay pero masisira.. Oo! " naaasar nitong sabi at dumating na nga ang tumitingin rito.
" Wala namang nasira.. naalis lang sa saksakan " paliwanag nito agad.
" Ang mga ignoranteng tulad mo hindi dapat nagpapasok sa ganitong lugar!! " agad naman nagtabingi ang bagang niya sa sinabi rito ng lalake pero bago pa siya makasigaw rito pabalik nakita nito agad ang hawak ng Bakunawa sa lalake.
" Hindi mo dapat siya sinisigawan... humingi ka ng pasensya! " utos niya pa rito at kitang kita naman niya ang pagkalma ng mata ng lalake sa Bakunawa at sa pagkakahawak niya rito kaya mabilis itong tinanggal ni Felipe saka hinila palabas ang Bakunawa.
" Sa sunod wag kang gagawa ng aksyon nang hindi ko sinasabi " sermon nito agad nang makalabas silang computer shop.
" Pasensya na.. namangha lang naman ako sa maliliit na tao " malungkot nitong sabi.
" Hindi yon.. " napatingin naman ito sa kanya " Ang ibig kong sabihin.. ipagtatanggol mo lang ako kapag inutos ko at isa pa dapat mong malaman o maitindihan na babae ka at may mga bagay na hindi mo puweding gawin bilang isang babae "
" Tulad ng ano? "
" Tulad ng ako lang ang dapat mong hinahawakan na lalake o kapag may humawak sayo na lalake maliban saakin dapat nagagalit ka o kaya lumayo ka " hindi naman niya ito maitindihan.
" Hindi lahat ng bagay dapat kong ipaliwanag basta sa ngayon yan ang una mong matutunan.. bawal humawak o magpahawak sa lalaki maliban kung ako " tumango naman ito.
" Mabuti " tapik niya rito sa ulo at hindi maalis ng Bakunawa ang tingin niya rito.
" At saka yong nakita mo sa loob, TV yon, hindi iyon maliliit na tao kundi artista ang tawag sa kanila at sa telebisyon mo lang makikita kung saan kagagawan ng technology "
" Te-tech-..? ano yon? "
" Wag mo na isipin basta yan yong bagay na mayron sa makabagong mundo kaya naiiba siya sa kapanahonan mo kaya hindi ka dapat nagtataka dahil lahat ng nakikita mong kakaiba.. technology ang dahilan "
" Katulad nong karwaheng sinakyan natin? " naisip naman agad nito ang motor o payong payong na sikayan nila kaya natawa ito bigla.
" Karwahe? " tawa pa niya " Oo, tulad nong werdong karwahe " tawa pa niya at pinagmamasdan lang ito ng Bakunawa.