Chapter Twenty One "Hi, Boss Troy," masayang bati sa kanya ng mga empleyado sa mall. Nagtataka na nga si Quinn kung bakit kilala itong si Troy sa paligid. Inisip na lamang niya na talagang palakaibigan lang siguro ito at baka madalas ito sa mall na ito. "Troy, napadpad ka yata? May kailangan ka ba?" bati pa ng isang lalaki na nakasuit and tie rito. "Wala naman. Iginala ko lang ang mag-ina ko rito. Naghahanap kami ng Ironman. May mare-recommend ka ba na maganda?" tanong pa nito. Kaagad naman niyang hinampas si Troy sa balikat dahil sa sinabi nito sa kausap. "Mag-ina? Kailan ka pa nag-asawa?" Tila gulat na sabi pa ng kausap. "Ano ka ba naman, Christian. Alam mo naman tayo, mabilis ang kilos. So, ano? May mare-recommend ka bang Ironman toys?" paliwanag pa ni Troy. "Congrats, Troy. Muk

