9

1687 Words
Alora’s POV “Salamat po, kuya.” Sabi ko sa nag-titinda ng fish ball at umupo muna sa isang bench. Kakatapos ng klase ko at uwian. Nakatambay lang ako sa labas ng gate at kumakain habang nag-hihintay kay Franny.  Naramdaman kong nag-vibrate ‘yong phone ko sa bulsa. Message ni Franny ang bumungad. Minsan hindi ko alam kung ba’t hindi pa siya nahuhuli ng teacher niya.  [Nagpa-extend na naman ang teacher namin. Pasensya na ha, mauna ka na muna, sunod na lang ako mamaya.] Ni-reply-an ko naman siya na ayos lang at tinapon na ang plastic cup ng kinainan kong fishball. Tumayo na ko sa kinauupuan ko at dali-daling nag-lakad papuntang cafe.  I guess, naka-get over na ko ro’n sa issue kay Colton. As if jowa ko na siya kung paano naman ako maka-react tungkol do’n. Napabuntong hininga na lang ako hindi na inisip pa.  Sinaksak ko na lang ang earphones sa tainga ko, pumili ng tugtog, at inabala ko ang sarili ko sa ibang gawain na kailangan kong gawin. “Lora! Beh! Ano, puwede ka mag-cover ng shift mamaya?” Tanong sa’kin ng isa kong co-worker ngayon nang pumasok siya sa loob ng kwarto kung saan namin iniiwan ang mga gamit namin.  “Bakit ho?” Tanong ko nang maisara ko na ang pinto ng cabinet ko at tinatali na ang buhok ko.  “Kasi aagahan ko ang uwi ngayon dahil uuwi ako ng probinsya dahil burol ng lola ko at hindi raw makakapasok si Jude ngayon dahil may sakit siya. Okay lang ba, Alora? I-dodoble na lang daw ‘yong sahod mo.” Pag-mamakaawa niya sa’kin. Mas matanda siya sa’kin at college student.  Nag-isip ako saglit at sa huli um-oo na lang ako. Hindi ko na tatanggihin dahil i-dodoble naman daw ang sahod ko. Huminga na lang ako nang malalim at tumango, “Sige po.” Sabi ko na lang at sinuot ang apron ko, tumili naman siya at niyakap naman niya ako. Medyo nailang ako sa kaniya dahil hindi naman kami gano’n ka close. Wala naman na akong magagawa, ‘yoko naman mag-mukhang bastos kung tatanggihan ko pa. “Salamat talaga, Lora! ‘Wag kang mag-alala ibabalik ko sa iyo ang pabor na ito. Salamat! Salamat!” Masaya niyang sinabi sa’kin. Binigyan ko na lang siya ng maliit na ngiti.  Mukhang mahaba-haba ang gabing ito. Mabuti na lang at Sabado bukas kaya wala ako masyadong po-problemahin.  Busy sa loob ng cafe ngayon, mas lalo na ay short on staff kami ngayon. Pero nakakaya naman kahit magulo na.  Si Franny ay nakaupo malapit sa bintana dahil naunahan na siya usual niyang upuan. Sumusulyap siya minu-minuto at bumabalik rin sa pagbabasa ng libro niya. “Pasensya na po, sir.” Sabi ko sa isang customer nang ibigay ko na sa kaniya ang order niya na kanina pa niyang hinihintay.  Hindi na siya sumagot at kinuha na lang ang order niya at dali-daling lumabas ng cafe namin. Order dito, order doon. Kapagod ang mag-balik-balik.  “Alora, break na muna kanina ka pa riyan. Alam ko konti tayo sa staff ngayon kaya kailangan natin na magpahinga ka. Ako na muna rito, ha?” Sabi sa’kin ng isa kong co-worker. “Salamat po.” Nginitian ko siya at kinalas ko ang pagkakatali ng apron sa likuran ko.  “Ayos ka lang ba? Pagod na pagod na, ah? Teka lang, o-orderan kita ng kakainin mo, dinner ka na muna.” Tayo ni Franny. Hindi na ko nakipag-talo pa sa kaniya kaya’t naman hinayaan ko na lang siya.  Inabala ko muna ang sarili ko sa phone ko pero wala rin, puro Colton ang lumalabas. Hindi pa rin sila maka-get over sa issue niya. Sa bagay, sino naman hindi kung biglaan lang ang balita? Bumuntong hininga na naman ako nang basahin ang mga pinag-sasabi nila sa issue niya. Gulat ako nang biglang hablutin ni Franny ang phone ko.  Saglit niyang tinignan ‘yon at umupo na sa upuan niya na kaharap ko lang. “Ano na naman ‘to ha?” Tanong niya sabay binalik ang phone ko.  Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi, “Tsk, alam mo, walang patutunguhan ‘yang pag-mumukmok mo kay Colton. Anong magagawa mo? Ha? Tao rin yan si Colton. May sariling buhay yan at normal lang na magka-wants siya. E dapat nga ‘di na issue ‘yan.” Sabi niya sa’kin. Yumuko na lang ako.  “Hayaan mo na, move forward. Nandito naman ako.” Nag-bago ang tono ng kaniyang boses sa huli niyang sinabi pero hindi ko na iyon pinansin. Nilapit niya sa harap ko ang binili niyang dinner para sa’kin.  “Nand’yan ka? Anong gagawin ko? Jojowain kita?” Biro ko at napatahimik siya, “Biro lang! Eto talaga!” Sabi ko sa kaniya dahil ang tagal niyang natameme. Isang grilled burger lang naman pero ayos na iyon. Hindi naman ako malakas kumain. “Salamat.” Mahina kong sinabi, hindi na siya nag-salita at nag-scroll na lang sa phone niya. Tama nga naman siya. Tao nga naman si Colton at ‘di ko hawak ang buhay niya. He is ordinary but a different kind of ordinary.  “Gusto mo i-reto kita sa mga lalaki sa klase ko?” Tanong sa’kin ni Franny biglaan. Nabulunan naman ako.  “Gago ka Franchesca! Subukan mo lang!” Pinagalitan ko siya at pinalo ang braso niya. “Ayaw ko nga! Ba’t mo naman naisip ‘yon?” Tanong ko habang umiinom ng tubig.  “Wala lang, ang lungkot mong tignan eh, hindi pa naman ako sanay na ganiyan ka.” Saad niya. “Usually madaldal at makulit ka. Walang katapusan ang kuwento mo tungkol kay Colton, o sa iba man kung hindi siya.” Dagdag niya. Napangiti naman ako habang pinupunasan ko ang bibig ko.  Minsan, matutuwa ka na lang sa babaeng ito eh, hindi ka niya hahayaan kahit ano man ang problema. “Ano ka ba, ayos lang talaga ako. Gaya ng sabi mo, phase lang ito.” Sabi ko, sabay kagat ng fries ulit.  Inis niyang kinamot ang ulo niya. “Ano ba! Hindi talaga ako sanay na sumusunod ka sa mga sinasabi ko. Sino ka at anong ginawa mo kay Alora Lim?” Maarte siyang nag-cross sign gamit ng daliri niya. “Umalis ka sa katawan ng kaibigan ko! Hindi ka welcome!” Pag-papatuloy niya.  “Hoy! Ano ba! Tigilan mo nga ‘yan ang weirdo mo ha,” Saway ko sa kaniya. “walang sumapi sa’kin kaya puwede bang tigilan mo ‘yan.” Baba ko ng kamay niya. Sumimangot naman siya.  “‘Sensya na, gusto ko lang mapasaya ka eh,” Ngumuso siya. Ngumiti naman ulit ako at lumapit sa kaniya at pinisil ang pisngi niya.  “Thank you, hehehe!” Sabi ko at binitawan na ang mga pisngi niya.  “Aray! Ang sakit ha!” Hinaplos niya ang mga pisngi niya.  Tinawanan ko na lang siya at pinagpatuloy ang kinakain ko.  Tumayo na ko dahil babalik na sana ako sa shift ko, “Gabi na ah, hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko.  Tinignan naman niya ang orasan sa kaniyang relo. “Hala! Oo nga!” Gulat siyang tumayo at dali-dali niyang inayos ang mga gamit niya at sinuk-sok sa loob ng bag niya. “Sige na, uwi na ko baka maabutan ako ng magulang ko. Ingat ka, ha.” Nag-beso siya sa’kin, niyakap ko naman siya pabalik.  “Sige, ikaw din ha! Tingin sa kanan at sa kaliwa pagtatawid ha! Bobo ka pa naman.” Bilin ko sa kaniya bago pa siya lumabas ng pinto. Tinaasan niya ako ng middle finger bago kumaway. Tumawa na lang ako at bumalik na sa shift ko. Tahimik na ang paligid sa cafe. Sabagay alas-onse na nga gabi. Pinaalam ko na kay papa na hindi ako makakauwi ng maaga. Hindi niya man gusto ang umuwi ako ng late pero sana, maintindihan niya kung gano’ng oras ako uuwi. “Good evening, sir! Welcome!” Pagbati ko. Limang lalaki ang bumungad sa’kin. Lumapit naman ako sa cash register, hinahanda na ang sarili ko para sa order nila.  Umupo ang apat niyang kasama sa dulo ng cafe kung saan walang masyadong tao. Ang kaharap ko naman ay isang matangkad na lalaki na naka-white na shirt at grey sweatpants, naka-shades naman siya kaya hindi kita ang mata niya.  Yumuko naman siya at biglang napa-ubo. “U-Um, sorry, hi yes, I’ll order four cheese burgers, two iced coffees, one iced tea, and one hot please. Also add five chocolate drizzled croissant. That’s all.” Yumuko naman siya at dali-dali niyang binigay ang bayad sa’kin.  Kinuha ko naman ang bayad niya kahit hindi ko pa naman sinisingil ang presyo, “Sir, may kulang po kayong 20 pesos.” Sabi ko sa kaniya. Dali-dali naman siyang nag-hanap ng bente at nang makahanap siya ay binigay na niya sa’kin.  Para bang hindi siya mapakali. “Sir, tawagin ko na lang po kayo, ano po ang name niyo?” Tanong ko.  Nag-kamot naman siya sa kaniyang batok. “Sam.” Sabi niya at umiwas ng tingin. Tumango naman ako at sinulat ang pangalan niya sa resibo.  Umupo naman na siya at dali-dali kong ginawa ang mga in-order niya. Medyo marami pa naman.  “Alora, pasuyo naman ‘tong order na ito. Do’n sa lalaking iyon.” Turo ng co-worker ko sa isang lalaking nakaupo malapit sa pintuan. Tumango naman ako at kinuha na ang mga order nung costumer. At, ‘yon na nga ang ginawa ko.  “Here’s your order, sir.” Sabi ko at nilapag ang drink niya sa harapan niya. Umangat ang tingin niya sa’kin at tumango. Teka! Parang pamilyar siya ah. Parang nakita ko na siya pero hindi ko masabi kung saan ko siya nakita. Madaming tao sa mundo na magkamukha. Pero hindi ko mapunto. “Enjoy, sir.” Sabi ko nang naka ngiti at tumalikod na. Bumalik na ulit ako sa pag-gawa ng previous order. May pumasok na customer pero hindi ko siya tinignan pa dahil pinapag-pag ko ang dumi sa apron ko at tinawag ‘yong isa kong kasama na tawagin na ang customer para makuha na niya ang orders niya.  “Alora?”                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD