I was the fangirl, always within the crowd, he was the shining star up on that stage. I knew his story but he never knew mine. But, I can't help but fall in love, I see forever in him. I feel so close yet so far and all I can do is stare at the screen.
Alora’s POV:
"Hoy Lora! Wala ka na bang ginawa kundi manood na lang diyan sa cubicle?” Sigaw ng nag-iisa kong kaibigan habang kumakatok sa pintuan ng cubicle kung nasaan ako ngayon. Dito kasi ako madalas.
Tinanggal ko ang isa kong earphone at ngumuso kahit hindi niya ko nakikita, “Ano ba!” tampo kong sigaw at bumalik sa panonood ng phone. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong binalik niya sa wallet ang pisong ginamit pambukas.
“Alam mo? Kaya ako lang siguro ang nag-iisa mong kaibigan dahil puro yan ang inaatupag mo, sino ba yung mga yan?” Tanong niya, hinila na niya ako palabas ng cubicle.
“Eh!” Pagtataray ko, “I-jujudge mo lang sila eh! Wag na!” Pinatay ko ang selpon at kinuha ang bag ko sabay sabit sa balikat ko.
Bumuntong hininga nalang si Franchesca, Franny tawag ko sa kaniya para maikli. Minasahe nalang niya ang sentido niya “Adik na adik ka talaga sa kanila. Ano ba nakikita mo sa kanila at interesadong-interesado ka? hm?”
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang inaayos ang buhok. Napahinto ako sa ginagawa ko at pinag-isipan ng mabuti kung ano ang isasagot sa tanong niya.
Ano nga ba ang nakikita ko sa kanila? Sakaniya?
Nagkakaroon ako ng gana araw-araw, pwede ba yun sabihin? Reasonable na ba ‘yon?
Nagkakaroon ako ng motivation dahil sa kanila. Sa kanya.
Napapangiti ako dahil sa kanila. Sa kanya.
Marami akong pwedeng i-rason kung bakit atat na atat ako sa kanila, kung bakit halos pwede ko na ibenta ang kidney ko para lang maka-attend ng concert, para lang makabili ng merch, pero hindi naman talaga ako aabot sa puntong ‘yon. Mahal ko masyado kidney ko.
Marami akong pwedeng i-rason kung bakit halos sayangin ko ang buong araw ko sa kanila, bakit halos sinasayang ko lahat ng oras at panahon ko para sa kanila. Alam ko pero hindi ko alam kung paano ko siya masasabi sa ibang tao, ‘di naman nila maiintindihan ‘yun.
“Ah! basta, ‘di mo maiintindihan.” Sabi ko na lang at ipinagpatuloy ang pagtatatali sa buhok.
“Yan ka nanaman, paano ko nga maiintindihan kung ‘di mo sasabihin ang rason?” Sumandal nalang siya sa lababo habang naghahanda ako umalis, pikon ko siyang hinarap. “Sinusubukan ko naman silang panoorin, pinapanood ko rin yung vlogs nila, sinearch ko rin sila pero ‘di ko makita-kita kung bakit interesado ka sa kanila? Sino nga don yung gusto mo? Si ano, si---si Colton ba ‘yon?” Tanong niya habang nakatingin sa taas. Nagi-isip kung tama ba yung sinabi niya.
Nakalabas na kami ng CR at nakasunod lang siya habang dire-diretso lang ako sa locker ko. “Si Colton Fuentes.” Sabi ko pagkabukas ko nang locker ko, punong-puno ito ng posters, poster ni Colton, Poster ng boy group niya. Mga ganon.
“Ah! Ayun!” Pagpitik niya nang kanyang mga daliri, “Ano naman nakita mo dun?” Tanong niya ulit.
Forever.
Ang gusto kong sabihin sa kaniya.
Cliche, pero totoo at yon ang nararamdaman ko.
Natawa nalang ako bigla sa naiisip ko kaya kumunot ang noo ni Franny, grabe talaga ako mag-imagine, grabe talaga ako umasa sa kanila. Grabe ako umasa sakaniya. Grabe talaga ang paghanga sa kanya at hindi ko masabi kung gaano ko siya kagusto, kung pano man ako nahulog sa kanya, kung paano ko na siya minamahal nagayon.
“May nakikita lang ako sa kanya na na-a-attract lang ako, alam mo yun? Yung tipong something pero hindi mo ma-explain.” Sabi ko nalang, sa dami-dami ko’ng nasasabi sa isipan ko, ‘di ko man lang ma-isagot sa mga tanong niya.
Nagtaray nalang siya at binuksan nalang ang locker niya na katabi ko lang, at kinuha ang kanyang mga aklat para sa susunod na klase, ‘di naman kami magkaparehas ng klase. ABM strand niya at ako naman ay sa STEM kaya ibang-iba ang lectures niya kaysa sakin.
“Alam mo? Phase lang yan, mawawalan ren yan paglaki, masasabi mo nalang na “Ah! Ito pala yung kinababaliwan ko nung Senior High ako!” Tapos matatawa ka nalang,” Nalungkot ako sa sinabi niya. Pero patuloy parin siya sa pagsasalita habang naglalakad kami patungo sa sari-sarili naming klase.
Pano kung ‘di talaga ako maka-get over sa kanila? Ilang beses ko na silang binitawan pero hindi ko kaya kasi napapangiti ako sa kanila, sa kanya. Nasisiyahan ako habang nanonood ng mga performances nila kahit sa kanya lang ako nakatingin. I feel like myself whenever I watch them. I cried with them, celebrated with them, laughed with them, sang with them, smiled with them and I feel contented with my life.
"Huy! San ka pupunta?" Natauhan ako nang biglang may humila sa braso ko, "Ikaw! Palagi ka nalang lutang ‘te!" Nabatukan tuloy ako.
"Aray!" Paghihimas ko nang batok, "Pasensya na malalim lang iniisip ko." Pagrarason ko pa.
"Malalim iniisip," tinarayan niya ko, "Maniwala naman sayo, eh kung ano-ano nga iniisip mo! sige na, pumasok ka na." Umalis nalang siya bago ko pa siya sinagot pabalik.
Nagbuntong hininga nalang ako nang makaupo na ko sa upuan ko, bigla nalang nag-bell at nag-sipasukan na yung mga estudyante at umupo sa kanilang mga upuan.
Mabagal ang takbo ng araw ngayon at ang boring pati sa klase, lumilipad na naman ang utak ko pero sinusubukan kong mag-focus sa klase kasi kundi, siguradong mapapagalitan ako kung ipinagpatuloy ko pa ang pagiging lutang. Kailangan ko ren mag-excell sa acads ko this year, kinausap ako ng adviser at principal ko na bumababa na raw ang mga grades ko, jusko! yun pa ang isang problema ko.
Boys aside!
Prioritize ko muna yung acads ko.
Ayaw ko naman mag-summer o umulit ng school year, worst ayaw ko nang hindi ako maka-ka-graduate. Last year ko na ito at paghindi pa ‘ko tumino-tino ‘di ko na alam gagawin ko. Ni hindi ko nga alam kung pano pa nga ko nakaabot sa last year ko, eh! puro bagsak pa naman ako dati, puro Clover ang inaatupag ko.
Clover kasi yung pangalan ng boygroup na kinababaliwan ko. Nang madiskubre ko sila, doon na nagbago ang buhay ko.
Nang makilala ko si Colton Fuentes doon na nagbago buhay ko...
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, iniisip na nandiyan lang siya sa kalawakan, doing the things he has dreamed of, making other people smile and laugh and yet, here I am, daydreaming about him. What else can I do anyways?
I wanna be where he is.
Nawala na ko sa pagiging lutang ko nang biglang nagring yung bell, signal ng uwian na.
"Alright class, that would be all for today, don't forget we have a quiz at our next meeting so please be prepared and study your lectures." Sabi ng teacher namin at nag-aayos nalang siya ng sariling.
Quiz? Shit...
Nag-ayos na rin ako ng gamit ko, sinabit ang bag ko sa balikat at mabilis na pumunta sa locker ko para kunin ang mga iba ko pang gamit na kailangan kong i-uwi.
Dali-dali akong pumunta sa classroom nila Franny pero mukhang wala pa silang balak pauwiin ng kanilang teacher. Naka-receive ako ng text mula sakaniya.
[Nagpa-extend yung teacher namin, alas-singko pa kami makakalabas, mauna ka na.]
Aba-aba! Nagseselpon sa klase!
"Sige, may part-time pa ko, diretso ka nalang doon kung gusto mo." Reply ko sa kaniya.
Kinuha ko yung earphones ko at sinaksak ‘yon sa phone at nagpatugtog ng bagong release na kanta ng Clover. Binulsa ko na yung selpon ko at lumabas ng campus.
Pinag-iisipan kong bumili muna ng kwek-kwek sa tapat bago mag-shift, maaga pa naman dahil alas-tres yung labas namin at alas-kwatro naman ang simula ng shift ko.
Malapit lang dito yung cafe na pinagtatrabahuhan ko at maliit lang ito, pero ito ang parang working space ng halos lahat ng estudyante o yung mga nagtatrabaho na. Kinailangan ko rin magtrabaho ng maaga para matulungan ko si Papa. After mamatay ng nanay ko ay hindi na siya naging stable, sinabayan pa ng pagtanggal sa kaniya sa trabaho kaya naman naghahanap ulit siya ng pwedeng maging full-time job. Kailangan ko rin kasi may mga batang kapatid pa ko. Mas bata pa sakin, malaki ang agwat ng mga bata kong kapatid, kung ako ay 18 ngayon, yung sumunod sakin ay 10 years old at yung bunso naman ay 5 years old palang.
Umupo na lang ako sa isang bench at di napigilang ngumiti nang marinig ko ang boses ni Colton. Kakaiba talaga!
I can't help but feel so happy hearing him sing and imagining him dance. Nakakakilig!
Matapos kong kainin yung kwek-kwek ay dali-dali akong tumayo at dumiretso na sa cafe bago pa ako malate.