PROLOGUE
P R O L O G U E
—
Terrence's POV
• • • • •
Nandito ako ngayon, nag-iimpake. Hayst. Matagal-tagal rin akong babalik rito sa bahay. Kami pala ni papa. Kasi naman, ngayon ang takdang araw na isasama n'ya ako sa kampo nila. Medyo kinakabahan na excited ako. You know, new surroundings and atmosphere.
Kaso mga taong maskulado, bakat ng muscles at may mahahabang sandata; I mean baril. Hehehe. Ibang sandata namang ini-isip n'yo. Nate-tense lang kasi ako kapag maraming kasamang lalaki. Di lang ako sanay. Lalo na't mga maskulado sila.
Yes, isang ka-federasyon rin ako. Di lang halata dahil medyo galawang lalaki tayo; paminta konbaga. Pero alam na ng mga magulang ko. Ka-isang anak lang naman ako ni Sarhento Lawrence Luke Gabrino ng kampo 99. Anubis yata pangalan ng team nila.
Actually may A-Z silang kampo. A stands for Alpha. B stands for Bravo. C stands for Charlie. Teka, Charlie ba means Charlie's Angels? Ganun? Wow, ha. Isa kaya ako sa Charlie's Angels. Di lang pinakilala. Char. D stands for Delta naman. Hanggang all the way to Z. Nakakatamad kayang mag-enumerate. Hayst. Alpha ang pangalan ng grupo na nabibilangan ni papa, at dun kami pupunta.
May powerbank akong dala kasi walang kuryente sa kampo nila. May ilaw naman na solar powered. Mga isang kilometro pa ang saksakan nila ng kuryente. Putek. May bayad pa, ha. 50 pesos raw pagpowerbank ang i-charge. 20 pesos naman kapag phone. Nakakaloka lang, ha, honestly.
May mga pagkaing di yata mabibili at makikita ruon. Pinuno ko talaga bag ko ng pagkain pati chocolates. Bahala na. Tsaka notebooks at sketch pad ko. Mahirap na, noh. Baka wala akong mapaglibangan dun. Tsaka isang sim lang daw ang may signal dun, ang Smart telecom or TNT.
May dala rin akong pocket wifi para maka-online dun. Kasi naman, wala ngang malakas na signal dun. Sabi ni papa malakas ang connection ng wifi dun.
Mga pabango, deodorant, shampoo, sabon, sipilyo, toothpaste, mouthwash, razor blade, hair gel at iba pang necessities ang dinala ko. Mahirap na, noh. Kailangan mabango at malinis tayo palagi. Importante kaya ang presentable ka sa harap ng mga tao.
Ano pa bang kulang na dalhin? Make-up set? Charot lang. Wig? Char. Nyahahaha. Joke-joke lang, noh. Tama na yata yan. Kompleto naman ang inimpaki kong mga damit. Tsaka briefs and shorts. Medyo malamig at foggy daw ang klima nila dun. Nasa peak kasi ng bundok ang kampo nila.
Halos long-sleeve shirts ang dala ko, may sweaters at jackets, may jogging pants at sweater pants akong dala. Dinala ko rin ang cargo pants ni papa. Binigay n'ya yon sa'kin noon. Sa katunayan nga, complete ang cargo uniforms ko na bigay ni papa. Nagdala rin ako ng caps kasi baka ma-init dun. You know, malapit sa araw kasi peak ng bundok. Nagdala na rin ako ng combat boots, tsinelas, rubber shoes at butas. Kasi sabi ni papa minsan ay maputik sa loob ng kampo nila.
Maya-maya lang ay may kumatok sa pintoan ko. Bigla namang bumukas ang pintoan ko.
"Anak, hali ka na. Kakain na tayo sa labas. Pinagluto ko ang paborito mong Chapsui. Kain na tayo," rinig kong boses ni mama.
Si mama Kathereen, ang minamahal kong ina sa buong mundo. Mapag-alaga ito sa amin ni papa.
Nilingon ko naman ito sa likoran ko. Busy pa kasi ako sa pagsiksik ng mga bagay sa maleta ko. Hayst.
"Sige, ma. Una na kayo sa baba, susunod na ako," nakangiti kong sabi rito.
"No, bawal ang matigas na ulo. Kumain na tayo. Ayokong magpapalipas ka ng gutom, kaya hali ka na sa baba," paglapit ni mama sa'kin at hinihila ang kaliwa kong braso. Nagpapasweet si mama sa'kin ngayon.
"Argh, fine. Masarap ba ang luto mo? Baka hahanap-hanapin ko yan sa kampo nila papa, ha?" nakangiting panlalambing ko rito kay mama.
"Naman, ako pa. Hahanap-hanapin mo talaga yon," nakangiting saad nito sa'kin.
Bumaba naman kami ng hagdanan at nagtungo sa kusina habang nakapalupot si mama sa braso ko. Love talaga ako ni mama, eh. Love ko rin naman s'ya, more than my self. Siya lang kasi ang nagluwal sa'kin sa mundong ito. Tsaka tanggap n'ya ako ng buong puso, kahit bakla ako.
"Mabuti't nandito ka na. Magsimula na tayong kumain. Narinig kong pinag-igihan talaga ng mama mo ang hinanda n'ya para sa'tin. Upo na kayo," baritonong bati ni papa sa akin. Mom giggled by my side nung narinig n'ya ang compliment ni papa sa kanya.
"Naku. Wala yon, honey. Mamimiss ko lang talaga ang unikohijo ko. Syempre, pati naman ikaw," malambing na ani ni mama habang umu-upo sa perspective seat nito. Umupo rin naman ako sa upoan ko.
"Alam ko. Ako rin naman, eh. Walang araw na di kita ma-alala sa kampo at sabakan namin. Ikaw lang ang parating kong ini-isip, itong buong pamilya natin," seryosong pagsasalita ni papa kay mama, pero tinignan rin ako nito sa huling salaysay nito.
"Awe. Bago pa lumamig ang pagkain ay kumain na tayo. Anong gusto mo, anak? Kanin, oh," sabi ni mama habang ina-abotan n'ya ako ng kanin. Kinuha ko naman ito at nagsalin sa pinggan ko.
Sa gitna ng aming pagkain ay tahimik lang kami, ngunit binasag ni papa ang katahimikan nung tinanong n'ya ako.
"Naka-impake ka na ba ng mga gamit mo?" istriktong tanong nito sa'kin. Nilunok ko muna ang pagkaing nginuya ko kanina at nagsalita.
"Malapit na akong matapos, pa. Sa palagay ko, ready to go na ako," nakangiting ani ko kay papa.
"Good, dahil mamayang hating gabi mismo, pupunta na tayo sa kampo namin. May susundo na sa'tin rito. Maghanda ka na," istrikto pa rin nitong ani sa'kin. Tumango naman ako sa direksyon n'ya. "Tsaka bawal ang kupad-kupad at mabagal dun, lalo na ang mahinhin. Na-iintindihan mo ba ako?" dagdag pa nito. Sargent na sargent talaga ang datingan ni papa.
"Yes, sir," pag saludo ko sa kanya, yong parang napipilitan lang. Hayst.
"Wag ka ring kumuha ng litrato sa loob ng mismong kampo, bawal yon. Baka pagkamalan ka nilang ispiya ng ML or sindikato. Na-iintindihan mo ba ako?" pag sasalita pa rin ni papa sa'kin.
"Opo, pa," sagot ko sa kanya.
"Marunong ka di ba ng marching at drilling, tsaka commands, knot tying at bandaging? Para sa'n pa at pina-aral kita sa Adventist school?" tanong nito sa'kin.
"Trust me, pa, aam ko ang lahat ng mga yan. Pati nga squat nasanay na ako. Pati sa pagbilad ng araw ay kaya ko rin. Wala kang aalahanin sa'kin," pag mamalaki ko.
Yeah, nag-aral ako sa isang Adventist school. Ang Lilydaile Heights Adventist Academy.
"Good. Mabuti nang may alam ka sa mga bagay na ganyan," tumatangong ani ni papa. Good. Yehey!
"Ang strikto naman ng kampo n'yo, honey. Kailangan pa alam ni Terrence ang mga yon? Eh, di naman s'ya isa sa mga private, di ba? Naku. Mabuti na lang at alam ni baby ang mga yon," pamamagita ni mama sa usapan namin ni papa.
"Ma, di na ako baby, okay?" nanliliit kong mata na ani ko kay mama.
"Kahit anong sasabihin mo, baby ka pa rin ni mama. Kahit magkaroon ka ng sariling pamilya ay baby ka pa rin ni mama," kinukurot ni mama ang pisngi ko habang sabi n'ya yan. Hayst. Oo na, baby n'yo na ako.
"Wag mo nga yang bini-baby ang anak natin, honey. Gusto mo sundan natin s'ya ngayong araw ding ito, eh," diritsahang ani ni papa. Napatigil naman si mama at namula ang pisngi.
Luh. Namula si mama sa narinig kay papa. Haha.
"Pwede, po? Charot. Ito naman, may mga trabaho pa tayong ina-asikaso, eh. Pero miss ko nang may batang tumatakbo sa buong bahay. Ahehehe," naging tugon ni mama rito. Nakikinig naman ako sa sinasabi nila.
"May trabaho at sweldo naman ako sa pagiging sundalo, ha? Pwede na yon. Ano, honey? Gawa ulit tayo ng baby? One round lang?" kagat-labing ani ni papa.
Hot naman rin talaga tong si papa, bonus pang gwapo. Si mama naman ay maladyosang ganda at bikini body talaga. Wew.
"Rawr. One round lang kaya mo? Ang hina naman ng stamina mo, honey. Pero seriously, naririnig tayo ni Terrence, oh," naging ani ni mama kay papa.
"Malaki naman yan. May muwang na yan sa mundo ng kalibogan. Di ba, Terrence?" nabaling ang atensyon nila sa'kin.
H-huh? Bakit sa akin napunta ang topiko?
"Uh, oo. Sa katunayan nga, eh, gusto ko nang magkabunso. Go ahead, hihintayin kong lalabas na si bunso. Sana babae," awkward kong salita sa kanila.
"Dapat lalaki, para dalawa kayong susunod sa yapak ko," angal ni papa sa sinabi ko.
"No, babae rin ang gusto ko, honey. Para may bibihisan at aayosan ako."
"Basta gusto ko lalaki."
"Uh. Babae gusto ko."
"Para magka-alaman na, gagawa na lang tayo. Para wala nang gulo."
"Sige, sige. Can't wait, honey. Rawr!"
"Ako rin, honey. Grrrr!"
.
.
.
Kasalukuyan kong binababa ang dalawa kong maleta. Isang maleta para sa mga damit, at ang isa ay para sa mga pagkain at mga gamit. Shhh. Don't tell dad that I smuggled snacks. Haha.
Di pa dumating ang sasakyan na susundo sa'min, actually. Pinahahanda at pinababa lang talaga ni papa ang mga gamit na dadalhin ko. Alas dyes na ng gabi ngayon. Mga alas onse ng gabi kami paparini sa kampo nila papa. I'm excited and a little bit anxious.
Ilang sandali sa paghihintay ay may bumosina sa tapat ng aming bahay. Yon na siguro yon. Wew. Finally.
"Ako na ang magpapapasok, hon," alok ni mama at agad na lumabas para papasokin ang nagmamaneho ng susundo sa'min.
Ilang saglit lang ay pumasok si mama na may kasamang binata. Nakacomplete military uniform ito at nakakalo. Ang gwapo n'ya. Shet. Parang private pa yata ito, eh. Nagkatitigan naman kami habang papasok s'ya ng bahay.
"Sarge!" ani n'ya habang sumasaludo kay papa. Shet. Baritono na masarap pakinggan ang kanyang boses.
"As you were. Ito nga pala ang anak ko, si Terrence. Sasama s'ya ngayon sa kampo natin. Ito ang asawa ko, si Kathereen," pag papakila ni papa sa amin ni mama.
"Hello, hijo. Nice to meet you. Ako nga pala ang asawa nitong si Lawrence. Bantayan mo s'ya, ha? Baka may kagagohan itong ginagawa dun," pag papakila ni mama kay..... anong pangalan nito? Hayst.
"Naku, ma'am, mabait at behave, po, dun si Sarge. Nice to meet you, po," sabi nung private at nakipagkamay kay mama. At ngayon, shet. Sa akin naman ang tingin ni kuyang private. Private kasi ang tawag sa mga bagong saltang sundalo. Yong bagong graduate konbaga.
"Uh, Terrence Lance. Nice to meet you," nakangiti kong ani sabay abot ng kamay sa kanya. Nginitian naman ako nito sabay tanggap ng kamay ko. Shet. Ang gwapo n'ya talaga.
"Nagagalak rin akong makilala kayo. Ako nga pala si Private Ledesma," malaking ngiti nitong ani sa'kin.
Ah. So, Ledesma pala ang apilyedo nito? Ma-inam.
"Hello, Ledesma. Uh, ako si OJT Gabrino? Joke lang," pag papatawa ko. Humalakhak naman s'ya ng mahina.
Shet. Ang sexy ng kanyang tawa. Nakaka-akit.
"Gusto ko yon. Nakakatawa," natatawa n'yang ani.
"Enough with that. Magbabyahe pa tayo," pag putol ni papa sa'min. Tsk. Napabitaw naman ako sa paghawak ng kamay n'ya. Shet. Nakahawak pa pala ang kamay namin.
"Sorry, Sarge," sagot ni Private Ledesma kay papa.
"Bye, honey. Mamimiss na naman kita sa mahabang panahon," sabi ni mama sabay kiss kay papa sa labi.
Napa-iwas naman ang tingin ko at saktong tumama kay Ledesma. Nakatingin rin ito sa'kin. Sabay kaming nag-iwas ng tingin nung mapagtanto naming nakatingin kami sa isa't-isa.
"Oh, s'ya. Tama nga yan, ma, pa," pag papatigil ko sa kanila. Ang awkward lang kasi, eh.
"Bye, honey," naging salita ni papa nung kamalas na sila ng halik.
"Mag-ingat kayo, ha? Ingatan mo yang si baby ko. Wag n'yong isama pag may gyera, ha?" habilin pa ni mama kay papa.
"Okay," sagot ni papa kay mama.
"Ma, I swear, I'm not a baby anymore," sabat ko kay mama.
"What? Sinasabi ko lang naman na baby ko pa rin kita, eh. Anong mali dun?" nakangiting tanong ni mama sa'kin.
"Malaki na ako. I'm independent already."
"Uh, basta. Baby pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo."
"Argh. Whatever," pag-ikot ko ng mata kay mama.
Narinig ko namang medyo napa chuckle si Ledesma sa tabi, kaya nilingon ko ito. Ngumiti lang ito sa'kin at tinignan ako. Natawa yata sa narinig sa'min. Shet. Nakakahiya naman.
"Kakargahin ko muna tong mga gamit ko sa sasakyan. D'yan muna kayo," pag salita ni papa sabay bitbit ng gamit n'ya at lumabas.
Aangatin ko na sana ang bagahe ko nung biglang inagaw ito ni Ledesma sa'kin. Nung tinignan ko 'to ay nakangiti ito sa'kin.
"Ako na," nakangiti n'yang ani at binitbit nang walang kahirap-hirap ang maleta ko.
He's strong. Dzuh. Naging sundalo pa s'ya kung di s'ya malakas.
Shet. Ang sweet at matulongin n'ya namang sundalo. Hinayaan ko lang s'yang bitbitin ang bagahe ko papasok ng sasakyan sa labas. Military truck talaga ang minaniho nito, noh. Wow, ha.
Ako naman nagbitbit sa isa ko pang bagahe. Alangan namang hihintayin ko pa s'yang makabalik at s'ya mismong magbitbit nito. Nakakahiya na, noh. Nung malapit na ako sa sasakyan ay saktong pabalik na sila ni papa at inagawan ako ng bitbit ni Private Ledesma.
"Ako na nito. Sumakay ka na lang sa loob at hintayin kami," pag salita nito bago umalis bitbit ang bagahe ko.
Anong nakain nito at binibitbit ang bagahe ko, eh, kaya ko naman? Ano ako, babaeng nabibigatan sa maleta n'ya? Tsk.
Instead na pumasok sa sasakyan ay pumasok muna ako sa bahay at pinuntahan si mama. Eh, di pa ako nakapaalam sa kanya, eh.
"Bye, ma!" sigaw ko sabay yakap sa kanya. Mamimiss ko talaga s'ya.
"Ba-bye, baby. Mamimiss ka ni mama. Umuwi ka ng isang piraso, ha? Mag-iingat ka dun," sabi ni mama sabay hagod ng likoran ko.
"Ma, naman, eh. Hayst. Ingat ka rin dito, ha? Wala ka nang kasama rito kundi si Muning. Minsan pa namang mawawala ang pusang iyon," tugon ko kang mama bago kumalas sa yakap namin.
"Sige na, pasok ka na sa sasakyan. Mag-ingat kayo ng papa mo, ha? Alagaan mo ang sarili mo. Pasalubong, ha? Kahit ano basta galing dun. Love you!" huling habilin ni mama bago ako lumabas ng bahay.
.
.
.
Nandito kami sa front seat ni papa naka-upo. Malapit ako sa driver's seat habang malapit sa bintana naka-upo si papa. So, basically, malapit ko lang si Ledesma na nagmamaniho. Ang tahimik ng byahe namin. Jeez. Nakaka-awkward.
Itutuloy....................