William “Atty!” Bati sa kanya ng lobby receptionist. “Good evening Robie, anong room number ni Gyiah Ramos. She checked in kanina.” Tanong niya agad paglapit niya sa lobby ng hotel. “Room 803 Atty.” Medyo nag-alangan pa muna siyang magtanong. “May bisita ba siyang dumating?” “Kasisimula pa lang po ng shift ko. Wala pa naman pong nagtatanong tungkol sa kanya maliban sa inyo.” Napatango-tango siya. “Gusto n’yo po bang tawagan ko siya?” Inaangat ng receptionist ang phone. “Huwag na. Pahiram na lang ng master key card.” Nakita niyang sandaling nag-atubili itong ibigay sa kanya. “Girlfriend ko ‘yun.” “Ahh, ganoon po ba? Basta Sir hindi kayo sa akin nanghiram ng key card ha. Baka po mapaga

