Gyiah “I need a suite please.” She handed to the receptionist her credit card. “How long do you plan to stay Ma’am?” The receptionist inquired. “I’m not yet sure, but you can charge me now for a three night stay.” “Gyiah!” A male voice called her name. Nangiti siya ng makita kung sino ang papalapit. “Jaime! Good to see you again!” Sinalubong niya ito sabay beso sa pisngi. “Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na dinadalaw mo ako?” Nakangiting tanong nito. Ilang taon na rin ng magpunta siya rito at alukin niya na mag-open ang mga ito ng account sa banko nila. Napansin niya ang babaeng nakakapit sa braso nito. “Hi!” Magiliw na bati niya sabay abot ng kanang kamay niya rito. “You must be the bride to be?.”

