Maaga kami umuwi kinabukasan dahil may importanteng nilakad si Jarred. Gustuhin ko man magstay pa lalo na’t si Xiander ay sa lunes pa yung balik niya dahil nakasembreak ito pero sinabi ko naman sa kanya na babawi ako kapag Christmas break na namin. “Kamusta ang inyong pagbisita sa Pampanga?” bungad na tanong agad sa akin ni Yam. “Syempre maayos naman at saka may kinuwento din sa akin si Lola” sagot ko. “Tungkol saan?” “Sa Tita ko na namatay kasi yung second name ko ay kinuha ni Mommy sa namayapang anak na babae nila Lolo at Lola” sagot ko. “Ohww… may Tita ka pala akala ko Tita sa pinsan” saad niya. Konti lang ang kinuwento ko sa kanya dahil ayoko rin malaman niya ang nangyari sa baby ni Lola. “Kaya pala Ellaine ang second name mo dahil si Tita Xiera ang nagbigay nang name na yun” ngu

