Simula
“Let's party!” sigaw ko at pumunta na ako sa dancefloor at iniwan si Abi doon. Di siya pwedeng uminom dahil malalagot ako nito kay Tito Kyron na isusumbong niya kay Mommy.
“Yes! Sulit na sulit yung bakasyon ko! Wooooh!” sinasabayan ko ang indak ng music na pinapatugtog mula sa dj.
“Uy Xiara wag mong iwanan yung pinsan mo doon baka kung anong mangyari sa kanya pare-parehas tayong lagot nito” tumango na lang ako at pinuntahan si Abi na humihigop ng Iced Tea.
“Bakit may tubig ka?” tanong ko.
“Nilagyan ko ng tubig masyadong matamis yung Iced Tea” saad niya.
“Edi matabang na yan” sabi ko.
“Okay lang at least di matapang” sabi niya.
“Wait naiihi ako”
“Sama ako” tumayo na siya at pumunta na kami sa restroom.
“Alam mo di ko inexpect na marami pa lang pumupunta rito” saad niya.
“Yeah, everytime na ganitong summer ay nandito yung iba may mga dayuhan pa nga napansin mo ba?”
“Oo bigla nga akong nahiya kasi puro mayayaman ang mga kaibigan mo” saad niya.
“Baks mayaman ka na rin kaya don't down yourself think positive lang okay” saka ko pinindot ang flash at lumabas na para maghugas. Bigla naman ako natumba kaya kumapit ako sa lababo.
“Lasing ka na uuwi na tayo” pag-aya niya.
“Sige na nga di ko na rin kaya nasusuka na rin kasi ako” at bigla akong nagsuka.
“Grabe ka ang lakas mong uminom pero tumba ka na agad” saad ni Abi.
“Masyado lang matapang yung liquor na iniinom ko” sabi ko.
“Ewan ko sayo naku sana nga nasa bar pa sila kasama ang mga kaibigan ni Tito Kyron dahil pare-parehas tayong malalagot sa kanila” sermon niya.
“Sus mamaya pa yun malay nga natin nasa kwarto na sila ng mga oras na ito at gumagawa ng milagro” saad ko. Inirapan niya lang ako.
“Saka malay natin napahaba pa yung kwentuhan nila you know them kapag may bagong girl yung kaibigan nila iniinterogate sila ng mga asawa nung kaibigan nilang may new girl” dugtong kong tugon. Tinapos ko na ito at kumuha ako ng tissue saka ko pinunas.
“Tara na gusto ko nang humiga” nauna na akong lumabas pero dahil sa kalasingan ko ay may nabunggo akong isang malaking harang at natumba kami pero sa di inaasahan ay lumapat ang mga labi namin at mas lalo kong ikinagulat ay ang lapat lang nga mga labi namin ay nauwi sa halikan. Natauhan naman ako bigla at ako na ang kusang humiwalay sa labi niya. Tumayo ako at hinila ko na lang si Abi palabas ng bar.
“Baks, siraulo ka ba?” inirapan ko lang si Abi at hinila na siya pabalik sa hotel na tinutuluyan namin.
“Bakit kasi di ka tumitingin sa daan ayan tuloy may naaksidente kang halikan” napahinto naman ako at saka hinawakan ko ang mga labi ko at nasa utak ko pa rin ang ginawa kong katangahan kanina.
“Wag mo na ngang ipaalala” inis kong tugon.
“Oo na di na nga pero masarap ba?” tumili ako at tumakbo papasok sa kwarto namin.
“Shut up!” natawa na lamang siya sa pang-aasar niya sa akin.
“Wait lang kukuha ako ng maligamgam na tubig” pumasok na ito sa banyo at ako ay tulala pa rin sa kagagahan na ginawa ko.
‘Sana di nakita ng friend ko yun dahil isusumbong nila ako kina Mommy at Daddy’
Nawala lang ang pagkatulala ko nang may kumatok sa pinto.
“Teka baka sina Tita na ito” narinig ko ang pagkabukas ng pintuan.
“Tita, Tito kayo po pala” saad ni Abi.
“Si Xiara?” rinig kong tanong ni Tita Maris.
“Eto po tulala at nawala yung kalasingan niya” sagot niya.
“Huh? Anong nangyari?”
“Hindi ko po alam, ganyan na po siya ng umakyat kami dito” palusot niya. Mabuti naman at gumawa siya ng dahilan para di nila malaman ang kagagahan ko kanina sa bar. Pero bigla akong nakaramdam ng pagsusuka.
“Nasusuka ako” dali-dali naman akong pumasok sa banyo. Di ko alam ay sumunod si Abi sa akin at sumunod din si Tito Kyron.
“Yan inom pa” sermon niya. Gusto kong ngumuso kay Tito Kyron.
“Ikaw ba nakainom ka din ba?” tanong ni Tito kay Abi at umiling naman siya.
“Iced Tea lang po ako alam niyo naman po na mahina ako sa alak” sagot niya.
“Alalayan mo na Kyron” saad ni Tita, inaalalayan naman nila ako
“Kumuha ka ng warm water” tumango naman siya.
“Tapos punasan mo na lang yung ulo, mukha at leeg niya para mahismasan siya. Tumango naman si Abi.
“Mauuna na kami mag-aayos pa kami ng gamit dahil bukas ng hapon uuwi na tayo” tumango na lang si Abi.
“Punasan mo yung ulo pababa ng leeg mo kukuha lang ako ng damit mo” tumango na lang ako at kinuha ang bimpo saka ko pinunas sa ulo ko pababa ng leeg ko.
“Magpalit ka na” tumango ako at pumunta na sa banyo para magpalit. Pagkalabas ko ay humiga na ako at saka ko pinikit ang mata ko.
Kinabukasan ay nagising lamang ako ng masakit ang ulo ko.
“Arghh! I hate it di na ako iinom ng hard” saad ko.
“Sus maniwala” pumasok si Abi at may dalang lugaw.
“Bumili ako nito kanina buti na lang may nagtitinda nito malapit sa entrance” saad niya.
“Naglakad ka papunta doon?”
“Ay hindi gumapang ako” pamimilosopo niya. Binato ko sa kanya ang unan at humahalaklak sa tuwa.
“Ang aga-aga ah” saad ko.
“Syempre naman malapit lang yung entrance, anyway nakita ko yung guy kagabi na naglalakad sa dalampasigan” kumunot ang noo ko.
“Huh?”
“Oo tiningnan ko nga siya ng maigi siya nga tapos narinig ko yung totoong pangalan niya. Jarred Guamez yung name niya kasi yung tumatawag sa kaniya na dalawang lalaki ay Jarred at Guamez yung tawag sa kaniya kaya nakuha ko yung totoong name nung lalaki” kwento niya. Di naman ako makagalaw sa nalaman ko.
“Lumapit ba siya sayo?” umiling ito.
“Baks ang layo ko kaya at isa pa di naman niya ako napansin yung nangyari yung accident kiss niyo” sagot niya.
“Alam mo gutom lang yan kumain ka na at pauwi na tayo mamaya” kinain ko na ang binili ni Abi para sa akin.