“Baks! Tanghali ka na!” sigaw mula sa labas. Napabangon na lang ako at bumaba na sa kama.
I’m taking Business Management dahil ako ang magmanage ng company namin sa Pampanga. Sa totoo lang ayaw ko talaga sa course kasi di ko naman ito gusto at mas gusto ko ay accountancy pero nalaman ko na may board exam yun at ito ay wala ay wala akong choice kung di kunin itong course na ito. Wala lang ayoko lang magboard exam dahil dagdag sakit ng ulo lang sa akin ito di katulad kay Abi na literal na matalino at dean lister nung first semester nila sa Nursing. Kaya lang si ateng ay nagkaroon na naman ng bagong crush doon sa klase nila kaya support na lang ako sa ginagawa niya at kapag nasaktan siya ay masesermonan ko lang ito.
Pagkalabas ko galing banyo ay nagbihis na ako ng pangpasok.
“Morning baks” naabutan ko si Abi na nagluluto ng agahan namin. Di naman kami kasing arte ng iba na masasarap ang ulam may time kasi na nagsasawa kami kaya kapag may dumadaan na nagtitinda ng gulay ay bumibili kami at niluluto namin. Kapag may time naman tamad kaming magluto ay pupunta kami sa labasan para bumili lang ng ulam sa karinderya ni Aling Bebang.
“Morning din” saad niya.
“Nag-alarm ka ba at lagi ka na lang patanghali kung gumising buti na lang wala yung prof ko ngayon at iiwan talaga kita rito na tulog pa” sermon niya.
“Baks aga-aga wag ka munang manermon” at saka ako umupo para kumain.
“Pupunta ka ba sa cafeteria mamaya?” Umiling siya
“Hindi muna pupunta kami ng library ni Megan dahil may pinapagawa sa amin” sagot niya.
“Okay sige” saad ko.
“Tulungan na kitang maghugas magbihis ka na doon” tumango siya at nagpunas na ito ng kamay niya saka siya pumasok sa kwarto.
“HAY naku kaloka talaga si Ms. Lubinao lagi na lang may pinapagawa kapag may nahuhuli siya sa mga kaklase natin” reklamo ni Yam. Magkaiba kami ni Jessa ng course pero iisa lamang ang subject na pinapasukan namin which is minor subjects.
“Anong oras lalabas si bruha?” tanong ni Yam.
“Mamayang 10 am pa” sagot ko.
“Tambay na lang tayo sa cafeteria doon sa dulo para di tayo mapagtripan ng grupo ni Leila” saad ni Yam.
“Okay let's go” sabi ko.
Pagkarating namin sa cafeteria ay umupo kami sa dulo.
“Where’s your cousin?” tanong ni Yam.
“May tinatapos lang sa library” sagot ko.
“Di ba yung friend niya may gusto kay Jervy?” tumango ako.
“Pero sinabi ko kay Abi yun na may girlfriend na si Jervy” sagot ko.
“OMG! Andito na sila” lumingon ako at nakita ko sina Xieron at ang mga kaibigan nilang mga billionaire.
“Ang gugwapo talaga nila di ba frenny?” tumango ako.
“Oo sobra lalo na si Xieron” kinikilig kong sagot habang niyugyog ko si Yam.
“Teka lang Xiara nahihilo ako” tinigilan ko naman si Yam.
“Kilig na kilig naman kayo” nakita ko si Jessa na umupo sa tabi ko.
“Kamusta ka naman babaita?” tanong ni Yam.
“Eto stress sa project na binibigay” sagot niya.
“Anong project?” tanong ko.
“Di ko lang alam basta may project daw” sabay higop ng iniinom ko at pinalo ko naman ang kamah niya.
“Bumili ka ng iyo” saway ko.
“Higop lang” saad niya.
“Oo nga pala anong oras vaccant natin?” tanong niya.
“3-4 pm bakit?” tanong ko.
“Punta tayo sa Sweet Café masarap daw doon yung coffee and cakes nila” sagot ni Yam.
“Sure” sabi ko.
“Di ako kasama?” napasimangot si Jessa sa amin.
“Bakit may vaccant ka ba ng ganun oras?” tiningnan niya ang schedule niya.
“Wala pala ang uwian namin 6:00 pm na” sagot niya.
“Bawi ka na lang next time” sabi ni Yam. Kumain na lamang ako at tumayo para bumili muli ng juice dahil inubos na ni Jessa ang inumin ko.
***
“Ang ganda ng view rito”
“At tahimik pa” sabi ko.
“What's your order ma’am?” tanong ng crew.
“One piece mocha cake and cappuccino” sagot ko.
“Ikaw ba?” tiningnan niya ang menu.
“One piece chocolate cake and frappuccino” sagot niya. Medyo kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko.
“Bakit mo tinitingnan yan? Bawal yan”
“Wait, pamilyar kasi sa akin yung tumbler” sagot ko.
“Abigai Jane Hernandez”
“Kay Abi ito” sabi ko.
“Huh?” tinuro ko ang tumbler ni Abi.
“Hi! Good afternoon” lumabas ang isang magandang babae.
“Good afternoon din po” sagot namin.
“Ahmm” di naman ako nakapagsalita agad.
“Ahh yeah kay Abi ito yung friend ko kilala mo siya?” tumango ako.
“I’m her cousin and magkasama kami sa iisang house” sagot ko. Pinakita ko naman ang ID ko at nakita niya ang name ko.
“Okay just give it to her naiwan niya kanina nagmamadali siya” sabi niya.
“Okay po thank you po”
“Wag mo nang lagay ng “po” dahil di naman ako masyadong matanda. Magkasing edad lang tayo” saad niya. Nanlaki ang mga mata namin dahi sa sinabi niya.
“Ibig sabihin po first year pa lang po kayo?” tumango siya.
“Yes kaya lang di ko lang kayo kaklase kasi nasa letter A yung section ko” sagot niya.
“Feeling ko matalino siya” bulong niya.
“Oo nga noh” sabi ko.
“Ma’am this is your order” kinuha ko na ang order namin.
***
“Mabuti naman may nakakita sa tumbler ko” napatingin naman ako kay Abi dahil bitbit na niya ang tumbler na naiwan niya sa Sweet Café.
“Sino daw?” tanong ko. Syempre di ako magpapahalata baka sabihin niya di ko na binigay sa kanya at dinaan ko na ito kay Megan.
“Binigay lang daw nung crew nung may-ari ng Sweet Café na pinagstay ko” saad niya.
“Lagi ba kayo tumatambay doon?” tumango siya.
“Kapag wala kaming klase” sagot niya.
“Anyway, are you free on saturday?” tumango siya.
“Why?” tanong niya.
“Magpapasama ako para bumili ng gamit for our project” sagot ko.
“Sure, may bibilhin din kasi akong gamit for retdem namin this upcoming monday” saad niya.
“Ano naman bibilhin mo?” tanong ko.
“Syringe at sterile water” bigla naman nalukot ang mukha ko kapag talaga nakakarinig ako ng syringe ay para gusto kong tumakbo sa kwarto. Bata pa lang kasi ako ay suki na talaga ako ng tinuturok na syringe na may gamot sa akin kaya kapag nakakakita ako ng syringe ay napaiwas na lang ako ng tingin.
“Bakit ganyan yung itsura mo?” tanong niya.
“Wala” yun na lang ang sinagot ko sa kanya.
“Hmm parang alam ko na ah” napairap na lang ako sa kanya.
“Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa” saad ko.
“Sus, hanggang ngayon takot ka pa rin doon?” tanong niya. Alam niya kasi dahil kinuwento ni Mommy sa kanya lahat baka nga lahat ng mga nangyari sa akin ay sinabi ni Mommy sa kanya.
“Saan ka ba bibili nun?” Iniba ko na lang ang usapan.
“Doon sa tapat ng mall medyo mura kasi doon yung syringe” sagot niya.
“Ok sige” umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit na ako ng damit.
***
“Bakit naman ang dami mong binili?” tanong niya.
“Eto yung nakalagay sa listahan” sagot ko.
“Saan niyo gagawin yan?” tanong niya.
“Doon sa isa namin kaklase na nakatira sa isang subdivision. Medyo malaki kasi yung kwarto niya para doon gumawa kaysa naman sa mga dorm namin doon gumawa masikip lang” sagot ko.
“Doon sa friend mo di ba pwede?” tanong niya.
“Pwede naman pero kasi mas malapit doon sa bahay ng kaklase namin kaya doon na lang nila napagdesisyon gumawa ng project” sagot ko.
“Okay na wala na bang kulang” tumango ako.
“Siya pumila ka na doon at hihintayin na lang kita sa labas” tumango ako at nagpunch na sila ng gamit na binili ko.
“Tara na samahan mo na ako sa drug store” nakita ko namam ang pagngisi ni Abi.
“Sinasabi ko sayo Abi wag mo akong binibiro dahil kapag ako napikon ituturok ko sayo yung syringe na yun” tumawa na lamang siya ng malakas.
“Wala naman akong gagawin ah masama ba ngumisi” ngisi niya.
“Baliw bumili ka na nga doon at di na kita masamahan doon” sabi ko.
“Anong di mo ako sasamahan? Sinamahan kita sa pamimili mo tapos ako di mo ako sasamahan. Unfair mo hah” saad niya.
“Oo na basta wag mo lang ako bwisitin” wala akong choice kung di samahan ang bugak na bumili ng syringe at sterile water na gagamitin nila sa retdem.