Pagpasok ko kinabukasan ay usap-usapan ngayon ang kinasasangkutan ni Ms. Illagan. “Ay kaya pala nakakapagtaka dahil flat uno pala sila yung pala sumisipsip na sila kay Mam” narinig ko ang kanilang usap-usapan. “Ano yun teh?” tanong sa akin ni Jessa. “Chismis daw about kay Mam Illagan, may nagsend daw ng isang video tungkol sa pinaggagawa niya sa mga nagiging estudyante niya” sagot ko. “Ganun mabuti nga at may ebidensya na nagpapatunay sa mga ginagawa niyang pagpapahirap sa mga estudyante” saad niya. “Pero ang tanong sino kaya ang nagsend ng video na yun?” “Sabi nila isang anonymous user daw ang nagsend ng video” sagot ko. Nakita ko naman na pumasok si Yam sa loob. “Hay naku pati pala dito narinig ko pa rin ang tsismis na yan” saad niya. “Tss! Kahit anong tsismis nga pinapakinggan

