Pagkatapos ng introduction ay tinawag ko sina Winslet at Yam. “Bakit?” nagtataka nilang tanong. “Si Jarred, siya yung judge” nanlaki ang mga mata nila sa sinagot ko. “Oh my god! Nakita ka ba niya?” tumango ako. “Magpalit ka na” kinuha ko ang attire namin ngayon taon. Ngayon lang dumating yan kaya di namin masuot kapag everyday kami papasok sa school. Pagkalabas ko ay inayos ko muna ang pagkakatuck-in ng blouse at sinampay ang blazer sa likod ng upuan. “Sige umupo ka na dyan” tumango ako. Nagretouch lamang ako at pinainom nila ako ng tubig. “Wag kang masyado kakabahan baka magkamali ka at pagtawanan ka nila. Nakakahiya yun” di na lang ako nakaimik at hinayaan ko sila ayusin ang make-up ko at hairstyle ng hair ko. “Anyway, mabuti dumating na yung uniform natin akala ko matatapos yung

