Kinabukasan ay late na akong nagising dahil sa pagod galing sa byahe at naabutan ko si Jarred na kakatapos lang maligo. “Morning mon amour” ngumiti ako sa kanya. “Good morning hubby” akmang hahalikan niya ako pero tinakpan ko ng kamay ang bibig niya. “Di pa ako nagtoothbrush” saad ako. “It's okay mabango pa rin naman yung breath mo” wala na akong magawa kung di hayaan siya ng halikan ako. “Get up na nakahanda na yung almusal. Gisingin mo na yung tatlo” tumango ako at pumunta na ako sa banyo para maghilamos. Pagdating ko sa room nila ay naabutan ko na kakagising lang nilang dalawa pero si Abi ay mukhang kanina pa gising. “Baks, nag-aya si Jarred na mag-almusal” pag-aya ko. “Tayo lang ba?” umiling ako. “Kasama natin sina Xieron” nawala ang ngiti niya sa labi at bigla umupo sa kama.

