Lumipas ang dalawang araw ay nakalabas na agad ako sa hospital. Umuwi na kami sa bahay at naabutan ko si Janina na nakatulog na sa panonood ng tv. “Mukhang nakatulog siya” lumabas si Leah galing sa banyo. “Hay ang batang ito, Lanie kumuha ka ng unan doon sa kwarto” tumayo si Lanie at pumasok sa kwarto. “Ikaw naman bata ka magpahinga ka na doon at mamaya hihingi na ng gatas yung anak mo” ngumiti lang ako kay Nanay at pumasok na ako sa loob ng kwarto. “Ilapag ko na dito yung gamit mo” tumango ako at hiniga si Baby Xav. “Tumawag pala si Xia kanina mukhang hinahanap sa kanya si Janina pero syempre dahil magaling umarte ang babaita dineny niya na hindi niya nakasalubong or nakita” kwento ni Queenie. “Mabuti naman” saad ko. “Pero kailangan isama si Janina dahil panigurado pupuntahan siya

