Ilang days na ang lumipas after ng proposal. Ngayon inaayos na namin 'yung nalalapit naming kasal, pero hindi ko alam kung bakit parang may bumabagabag pa rin sa isip ko. May doubt pa rin ako kung tama ba ang naging desisyon ko. "Uy, Stacy." Nabalik ako sa huwisyo ko nang tawagin ako ni Austin. "Ay ano 'yon?" Tinignan niya 'ko nang masama habang nakangiti. "I'm asking you kung okay na ba sa'yo 'yung dessert na 'to." Tinuro niya 'yung cake na tinikman namin kanina. "Ah yeah. Yeah. Masarap. Pwede na 'yan idagdag." Ngumiti si Austin pero halatang pilit. Siguro dahil na rin sa pag-kalutang ko this past few days. Ewan ko ba. May hang over pa 'ko sa nangyari. Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa lamesa nang mag ring ito. "Ako na. Baka ito na 'yung hinihintay kong tawag para

