"I love you Wayne, so much.. I just don't like you anymore." "P-pero.." Hindi ko na siya pinatapos. Tumayo ako at tumingin sa kawalan. Dinama ang simoy ng hangin. "Aaaaaaaah! Tanga! Tanga! Tanga! Tanga!" Nilabas ko lahat ng emosyon ko sa pag-sigaw. Sinigaw ko na 'yung pinaka malakas kong sigaw. Lalo lang nagulo ang pag-iisip ko ngayon. Lalo lang akong nalito. "Stacy." Tinignan ko si Wayne na tumayo na rin. Kinuha ko 'yung kamay niya at hinatak ko siya papunta sa tabi ko. "Go." I commanded. He looked at me confused. "Sigaw mo lang. Sigaw mo lahat. Lahat ng gusto mong sabihin." Hindi na siya nag-dalawang isip pa at tumingin sa kawalan. "Aaaaaah. I love you! I love you Stacy! I love you so much... Mahal na mahal na mahal kita at sobrang sakit! Mahal na mahal kita! Kaso huli na!

