Nakahiga na 'ko sa kama ko habang nakaupo naman si Austin. "Are you sure you're okay?" He asked worriedly. Pilit akong ngumiti at tumango. "Eh ba't ka umiiyak kanina? Did he hurt you? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Did he hurt me? Physically? No. Emotionally? Damn yes! "Wala Austin. Wala." I coldly said. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya. "Sigurado ka? Eh bakit umiyak ka?" I sighed. Kanina pa siya tanong nang tanong, pero hindi ko naman siya masisisi. "Na-stuck ako sa elevator Austin, natakot lang ako, nothing more. So can you please let me sleep? I'm tired." Tumango siya at hinalikan ako sa noo. "Uuwi na 'ko. I'll just lock the door when I leave. Mag-pahinga ka na. Marami pa tayong aasikasuhin bukas para sa kasal." Kasal. Oo tama ikakasal na 'ko. Bigla nanam

